*CHAPTER ONE*
"Gale, kunin mo sa labas ng gate ang package delivery para sa akin." Pasigaw na sabi ni Danny sa akin sabay kuha ng perang papel sa bulsa nya at ibinato sa akin. "Sayo na ang sukli, kung meron." Dagdag nya pa sabay hubad ng hooded jacket nya. Naglalaro sila ng basketball dito sa court ng dormitory namin.
"Tingnan mo muna baka sira o baka kulang, kundi ikaw ang magbabayad." Pahabol na sabi niya sabay shoot ng bola na kakasalo nya palang.
"Kunin mo narin yung tubig na pina-refill ko dun sa labas ng gate, bayad na yun." Sabi naman ni Jeric sabay bato ng bente pesos na perang papel sa akin.
"Sobra naman yata kayo. Bakit ba si Gale nalang ang palagi nyong pinag-uutusan?" Isang magandang babae na nakaupo sa bench ang nagtanong.
"Sanay na yan sa ganyang trabaho si Gale. Kung di namin yan inuutusan baka walang makain yan." Patawang tugon ni Jeric sa babae.
"Hindi mo ba alam ang kasabihan na 'When money talks, Gale will dance'? Which means kahit na anong iutos mo dyan kay Gale, basta bibigyan mo sya ng pera, okey lang sa kanya yan." Dagdag naman nung alalay ni Jeric, diko alam kung anong pangalan nun.
"Baka nga kakain pa yan ng dumi kung bibigyan mo ng isang libo." Si Kenny naman ngayon ang nagsasalita. Sya ang tinaguriang hari ng dorm namin dahil isa syang rich kid at sa dami narin ng connections nya.
Halos lahat nang mga dormmates namin ay dumidikit sa kanya. They're doing their very best to fawn upon him, kulang nalang didilaan nila ang sapatos nya. Kung usapang babae naman, pangarap syang maging boyfriend ng halos lahat nang mga babae dito sa paaralan namin. Well, he has money and looks. Kaya hindi na nakakapagtataka yun.
"Hahaha!"
Umalingawngaw ang tawanan ng lahat pagkatapos marinig ang sinabing yun ni Kenny.
Hindi ko nalang sila pinakinggan at tahimik ko nalang na pinagpupulot yung inihagis nilang pera. Nasasaktan ako sa pangungutya nila sa akin, oo. Pero anong magagawa ko? Kung hindi ko gagawin ang mga bagay na ito wala akong makakain. May part time nga akong trabaho pero kulang parin yun para sa tuition fees ko, kaya kailangan ko ng iba pang raket para magkapera pambili ng pagkain.
May ilan naman akong roommates na mababait. Pero ayoko naman yung nililibre ako palagi. Kaya ko namang kumita nang singkwenta pesos bawat araw at sakto na yun sa pagkain ko.
Sanay ako sa hirap kaya hindi ko pinipili ang kinakain ko. Kaya kong pagkasyahin ang singkwenta pesos sa isang araw, bibili lang akong bigas tapos ang sobra ay ibibili ko ng toyo o bagoong pang-ulam. Minsan kapag siniswerte ako at mapapasama sa aking mga roommates na mayayaman, makakain ako ng masasarap tulad ng adobong baboy o fried chicken.
Ito lang yung nakikita kong tanging advantage ng pagiging mahirap. Ang matututo kang magpursige, dumiskarte at magtrabaho para mabuhay. Anyways, yun lang din naman talaga ang tanging choice namin.
Samantalang ang mayayaman, nasa kamay nila ang lahat nang mga advantages sa lipunan. Nasa kanila na rin lahat nang privileges dito sa mundo.
Minsan nakakainggit. Pero hanggang dun nalang ako.
"Trash, come here." Narinig kong tawag ni Kenny sa akin nang akmang lalakad na ako palayo sa kanila. And yes, he loves to call me trash. As if degrading me will make him even more rich.
Narinig kong tumawa ang ilang kababaihang nandun nang makita akong lumapit kay Kenny.
"He's freely letting someone call him a trash? Damn! Is he a masochist or just an idiot?" Shocked na tanong nung isang babaeng freshman.
"He's an idiot who really knew deep inside him that he's a trash." Bulong ng isang babaeng dyed ng blonde ang mahabang buhok.
"If I were him, I would've jump off the rooftop of the building." Dagdag naman nung isang babaeng may kulot na buhok.
But I simply ignored their comments. Hindi ko naman ikakayaman ang pakikinig sa pamumuna ng iba, lalo na ang mga negatibong komento.
"Bumili ka ng isang ordinary flower bouquet dun sa flowershop. Tapos ibigay mo kay Sherly. Puntahan mo lang sya dun sa Dormitory nila." Sabi ni Kenny habang nakaupo sa bench na naka-dekwatro habang naka-akbay sa dalawang magagandang babae. They're his bitches for sure.
Natural lang naman yan sa isang rich kid at may BMW 3 Series na ginagamit bilang service vehicle dito sa paaralan.
"Isang libo yan. Sayo na ang sukli nyan." Sabi pa ni Kenny sabay kuha ng pera sa wallet nya at kaswal na inihulog ito sa paanan nya.
Walang imik na pinulot ko naman agad ito at mabilis na umalis sa harapan nila. Naririnig ko pa ang tawanan nilang lahat habang akoy papalayo doon. Pero binalewala ko nalang yun, at least magkakapera na ako. Hindi na ako mamumulot ng basura kapag ganito ang kikitain ko araw-araw.
At yes. Pamumulot ng basura ang tinutukoy kong part time job ko. Nakiusap kasi ako noon sa administration ng paaralan namin na bigyan ako ng trabaho para may pangtustos ako sa aking pag-aaral kasi nga maaga akong naulila at wala kaming immediate family o relatives sa lugar na ito.
Pinagbigyan naman ako ng administration at na-assign ako dati sa Academy Library bilang student assistant. Pero tinarget naman ako ng ilang mayayaman na mahilig mambully at pina assign akong taga-pulot ng basura sa buong premises ng paaralan.
Masakit para sa akin yun, pero wala akong magawa. Hindi ko kayang i-sakripisyo ang aking kinabukasan upang isasalba ang aking pride mula sa kahihiyan. Kaya tinanggap ko parin ang trabahong yun.
....
Pagkalabas ko ng gate ng aming dormitory, nakita kong may naghihintay ngang delivery boy doon. Kaya nilapitan ko ito at tinanong.
"May delivery ba para kay Mr. Salve dyan, Sir?"
"Para sa kanya tong hinahawakan ko." Tugon naman ng delivery boy sabay tingin sa box na hinahawakan nito. "8,990.00 pesos ang babayran nya rito." Sabi nito.
Gago talaga yung Danny na yun, 9,000.00 ang ibinigay nya sa akin. Sampung piso lang pala ang sukli nito.
Sigh.
Pero okay parin yun atleast may sobra parin.
Pagkatapos kong mapirmahan ang delivery receipt ng package ni Danny ay dumiretso na ako sa water refilling station upang kunin ang tubig na pina-refill ni Jeric.
"Ma'am, kukunin ko po yung pina-refill ni Jeric Sanchez na tubig." Sabi ko dun sa babaeng tagapagbantay ng refilling station.
Itinuro lang ng babae sa akin ang water container ni Jeric, kaya kinuha ko na agad ito. Hindi na sya nagtanong sa akin kasi kilala na nila ako bilang utusan ng halos lahat nang mga nakatira sa Ordinary Men's Dormitory.
Pagkatapos kong makuha ang tubig ay bumalik na ako sa loob ng dormitory at isa-isang hinatid ang mga iniutos nina Jeric at Danny sa kani-kanilang rooms. Dahil medyo mayaman sila. Nasa first floor sila ng dormitory, ang tawag sa rooms na tinitirhan nila ay Regular Rooms. Mas maganda ang facilities ng rooms nila kesa sa facilities ng rooms naming nakatira sa Simple Rooms na nasa Ground floor ng Dormitory, at syempre mas mahal din ang renta. Samantalang ang nasa second floor ay tinatawag na Standard Rooms. Dun nakatira si Kenny. Mga mayayaman ang nandun, at syempre sila ang may pinakamagandang facilities sa dormitory na ito, they also have special privileges. Like, they can do whatever they want in their rooms without restrictions, and so on. They're rich, kaya dapat lang sa kanila ang ganung privilege.
Samantalang sa aming mga nakatira sa Simple Rooms, ang daming bawal. Bawal nga kaming pupunta sa second floor, unless pinapupunta kami dun ng dormitory manager o ng mga nakatira dun.
Anyways, that's how fair life is, but only in the sense that it is not fair to everybody.
Pagkatapos kong maihatid yung mga inutos sa akin nina Jeric at Danny sa kani-kanilang rooms ay dali-dali ko nang pinuntahan ang inutos ni Kenny sa akin. Ibinigay ko lang sa roommates nila ang mga yun.
Pagkatapos ng twenty minutes na paglalakad ay narating ko na ang flower shop. Binili ko agad ang ordinary flower bouquet sa presyong nagkakahalaga ng 899.00 pesos. Ang mahal nito.
Kaya pala gustong gusto to ng mga babae kasi ang sakit pala sa bulsa. But, uh well, mayaman naman si Kenny kaya barya lang sa kanya to. And at least, may 101.00 pesos na ako.
Tiningnan ko ang mga bulaklak na nasa bouquet, maganda naman syang tingnan. Pero hindi ko kilala kung anong pangalan ng mga bulaklak na ito, rose lang kasi ang kilala ko.
Pagkatapos mabili ang bouquet, ay dali-dali ko na itong dinala sa Women's Dormitory kung saan nandun si Sherly. Ang Dormitory ng mga babae dito sa paaralan namin ay tulad din ng Dormitory ng mga lalaki. May apat na class ng Dormitory dito, ang Ordinary, Advance, Special at VIP. At sa loob naman ng Dormitory ay may kanya-kanyang class din, at ito ang Simple, Regular at Standard.
Kaya naging normal ang discrimination dito sa Academy kasi may mga ganyang categories. Equality is stranger in this school. At dahil mga estudyante lang kami, wala kaming magagawa tungkol dito.
Maya-maya lang ay narating ko na ang Advance Women's Dormitory. Mas mayaman siguro ang pamilya ni Sherly kesa sa pamilya ni Kenny. Kasi Advance ang category ng Dormitory ni Sherly samantalang Ordinary lang ang kay Kenny. At kita namang pangmayaman talaga ang dormitory na ito kasi mas malaki at mas luxurious itong tingnan kesa dun sa Ordinary Men's or Women's Dormitory.
"Anong kailangan mo?" Nakasimangot na tanong sa akin nung guard na bantay ng gate ng advance women's dormitory nang lumapit ako rito.
"May ibibigay lang po ako kay Ms. Sherly White." Magalang kong tugon kay Manong Guard.
Tiningnan nya muna ako mula ulo hanggang paa bago nagsalita. "Anong pangalan mo at anong ibibigay mo?"
"Gale Rushton, po. Bulaklak po ang ibibigay ko." Tugon ko naman.
Tumango lang ito at hinawakan ang mic para sa intercom ng buong dormitory sabay sabi. "Ms. Sherly White, there is a certain Gale Rushton who's looking for you. He wished to give you a bouquet of flowers. He's waiting here in the front gate's waiting lounge. Thank you."
Pagkatapos nitong sabihin iyon ay binalikan nya ako at pinaupo sa waiting lounge ng dormitory.
Maya-maya lang ay napansin kong may mga babaeng nagsilabasan sa main entrance ng dormitory, and in front of them is a goddess gracefully walking towards my direction. Her body was perfectly shaped by the fitted purple t-shirt that she's wearing, exposing her beautiful and big breasts. Her short denim skirt freely exposed her slender and flawless legs, her hips were swaying gracefully in every step she made.
A mere glance at her is like a glimpse of heavens.
She's Sherly White, one of the most beautiful ladies in this Academy. Actually, she's in the list of top ten beauties of this school.
"You piece of trash!"
I was in the state of being hypnotized by the beauty in front of me when I hear her yell and curse. Bumalik bigla sa kasalukuyan ang aking ulirat at napaayos ako sa pagkakaupo.
Sherly angrily stormed out from their dormitory and walked impetuously towards me.
'Shit. I'm doomed.' I thought to myself. And before I could react, she was already standing in front of me and suddenly grabbed the flowers away from my hand and agrily threw it to the ground and stomped it with all her might.
"Do you seriously think that I would be happy if you'll give me these cheap flowers?" Nakapamewang na sigaw nya sa akin. "You're overestimating yourself! Have you looked at the mirror before you came here?" She added, and threw a disgusted look at me.
Hindi ako makaimik dahil sa pagkabigla. At dahil sa hiya ay napayuko na lamang ako.
I guess Kenny set me up again, and this time to embarrass me infront of Sherly. And he succeeded.
That bastard. Does he really love making fun of me?
"This guy must have some problem in his head, mukha nya pa lang kahit bayarang babae aayaw eh, si Sherly pa kaya?"
"This country bumpkin really thought high of himself."
"Damn! Sherly got him good."
"He was rejected before he could say anything. That was embarrassing."
"Hahaha! Serves him right."
Iba't-ibang komento ang narinig ko mula sa mga babaeng nakiusyuso sa paligid.
Dahil sa hiya ay dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo at walang imik na umalis sa harapan ng galit na galit paring dyosa.
"Don't you ever think of coming near me again. Or else, kakasuhan kita ng harassment." Inis na sabi nya nang makita akong paalis. "I will tell my boyfriend about what you did to me today. Be ready, he will surely beat you up. You loser!" Dagdag nya pa sabay padabog na bumalik sa loob ng dormitory.
Ako naman ay dali-daling umalis sa lugar na iyon. Gusto kung lamunin na ng lupa sa mga oras na ito dahil sa hiya. May iilang pang kumukuha ng video habang sinisigawan ako ni Sherly.
Damn that Kenny!
Bakit ba trip ako ng taong yun?
Kaya pala 100 pesos ang binigay nya sa akin dahil ganun pala ang aabutin ko. I should have told Sherly that it was Kenny who told me to give her those flowers. But it was already too late, besides, kung sakali mang maniniwala si Sherly sa akin sigurado namang si Kenny ang tatanggi na inutusan nya ako. Magmumukha parin akong tanga.
Sa inis ko, hindi muna ako umuwi ng dormitory. Pumunta ako sa paborito kong tambayan sa loob ng Academy, ang Redwood's mini-lake. Nasa gitna ito ng artificial o man-made forest na tinawag na Redwood. Nakaka-relax ang environment doon kaya magandang tambayan yun ng mga stressed na estudyante at ng mga gustong makapag-relax.
Kaya doon ako madalas tumatambay dahil nakakatulong ito upang maibsan ang sama ng loob ko sa mundo. Mabuti nalang at hindi ako suicidal type na tao, kundi'y matagal na siguro akong namatay ngayon.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay narating ko na ang mini-lake. Kaya dumiretso agad ako sa paborito kong spot na nasa gilid lang ng lake. Kakaunti lang ang tao ngayon, kaya mas makakapag-relax talaga ako nito. Kapag weekdays kasi ang daming mga mag-syotang nagdi-date dito. Kapag gabi naman may mga nagka-camping din. Maganda naman kasi ang paligid. Nasa gitna kasi ng valley ng Redwood ang location nito. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan parang nako-comfort ng kapaligiran ang lahat nang sakit at sama ng loob ko.
"There you are, you idiot."
Kasalukuyan akong nakatanaw sa magandang lake nang bigla akong makarinig ng boses lalaki sa bandang likuran ko.
"You have some guts to try to make a move to my girlfriend, huh."
Nang lingunin ko ang nagmamay-ari ng boses ay nakita ko ang galit na galit na boyfriend ni Sherly na si Gin. May kasama syang apat na lalaki na matipuno ang pangangatawan. They're his bodyguards for sure.
"Gin. You misunderstood me. Hindi sa akin ang bulaklak na yon. Napag-utusan lang ako." Malumanay na sabi ko sabay harap sa kanila.
"Who the hell gave you permission to talk to me? You even called me by my name? Seriously?" Nagngingitngit na sabi nito.
I really don't understand these rich kids. Bakit ba issue sa kanila na tawagin sa kanilang pangalan?
"Beat this trash." Maya-maya'y narinig kong sabi ni Gin sa apat na lalaki.
Bago pa ako makapag-react ay tinamaan na ako ng napakalakas na suntok sa aking mukha. Halos mawalan agad ako ng malay dito. Ang bilis ng galaw ng isang yun at ang lakas.
Hindi pa ako naka-recover nang isa na namang suntok ang tumama sa sikmura ko at sinundan pa iyon ng suntok sa baba ko. I can already taste blood in my mouth with that couple of punches from them.
They were beating me without wearing any expressions from their faces. And for some unknown reason, hindi ako nawalan ng malay sa kabila ng pambubogbog nila sa akin.
"This one's stubborn, Boss. He's still conscious after those beatings." Narinig kong sabi nung isang lalaking bumugbog sa akin.
"Throw him in the lake." Walang emosyong tugon ni Gin.
At dahil wala na akong lakas, wala na akong nagawa nang hilahin nila ako patungo sa mini-lake. Pagkatapos ay walang sabi-sabing hinagis ako doon.
The moment my body touched the la
ke water, I tried to swim. Pero dahil wala na akong lakas hindi ko na magawa yun hanggang sa kinapos ako ng hininga.
I can almost feel death at this very moment. But then something happened.