webnovel

Chapter 4

AARON's POV

"Daddy!" sabi ni Penelope ng makarating kami sa bahay, lumapit ito sakanya saka hinalikan sa pisngi si Daddy,

"How's your day Baby?" sabi naman ni Daddy

"Baby talaga? baka baby damulag" bulong ko

"Aaron!?" sabi naman ni Daddy, narinig niya pala ang sinabi ko

"nagbibiro lang ako dad" sabi ko habang ang kapatid ko ay inaasar ako

"Dad, pwede po ba ako pumunta sa birthday party ng kapatid ng friend ko?" rinig na sabi ng kapatid ko

"Sure baby, but in one condition!" sabi ni Dad

"Ano iyon dad?" sabi ng kapatid ko,

Aalis na sana ako nang sumagot si dad.

"Isasama mo ang kuya mo!"

"What!?" sabay na sabi namin ni Penelope

"Dad! Why me? Bakit ako sasama sakanya?" sabi ko

"Oo nga naman dad! ayaw ko isama si Kuya!" sabi naman ni Penelope

"Because, she is your sister!" sagot lang niya

"But-" sabi ni Penelope

"No more buts Penelope, if you want to go in that party then take your brother with you!" sabi ni dad and i think hindi na iyon magbabago

"Kuya? please?" sabi ni Penelope sakin na nagpapaawa

"No!And its final!" sabi ko

"Arrrghhh! Paano ko sasabihin kay Leila na hindi ako makakapunta!"

"Wait? What? Si Leila? Iyong nakilala natin kanina? Iyong sabi mo magtratransfer?" sabi ko, bigla na lang ako kinabahan

"Opo! Birthday kasi ni ate M.E bukas and parang despidida party na din ni Leila dahil kinaumagahan nun aalis na siya, hindi ko na nga makikita ang friend ko, hindi pa ako makakapunta sa party niya" malungkot na sabi ng kapatid ko

"What time tayo aalis bukas?" sabi ko

"Huh? sasama ka na kuya?" sabi niya naikinatuwa ng kapatid ko

"Ayaw mo ba?" sabi ko

"Gusto ko kuya! Thank you Thank you Thank you" sabi nito sakin saka niyakap ako

"Teka!" sabi niya bigla, tinignan ko naman siya na nakakunoot noo

"Bakit bigla nagbago isip mo kuya?" sabi niya

"Wala lang, sige akyat na ako" sabi ko saka naglakad papuntang kwarto.

Pagkapasok ng kwarto ko humiga agad ako at saka

"Yes!" napahiyaw ako sa tuwa

"Makikita ulit kita Maria Eleonor! I'm so excited" sabi ko habang iniimagine ang maamong mukha niya.

****************

"Ate, saan ka galing?" tanong ni Leila sa kapatid nang dumating ito

"Wala, my pinuntahan lang ako" sabi niya

"Leila! Bess! Halina kayo, kakain na tayo!" sabi naman ni Maan

Napag usapan kasi nila na matutulog doon si Maan dahil sa okasyon na magaganap bukas.

MARIA ELEONOR's POV

Nang matapos kaming kumain, pumunta na kami ni Maan sa aking kwarto, magkasama kasi kami sa kwarto pag nautulog siya ng bahay, samantalang si Leila ay nanonood pa sa sala kasama si Yaya Kirby.

Si yaya Kirby ang pinakapinagkakatiwalaan ko na kasama namin dito sa bahay, alam niya din ang lahat lahat tungkol sa nangyari noon.

Napag isipan ko din na pasamahin siya sa ibang bansa kasama ni Leila.

"Bes"

"Oh?" sabi ko kay Maan, kasalukuyan akong nakaupo sa my study or working table ko sa loob ng aking kwarto. Habang si Maan naman ay nakaupo sa aking kama habang nakasandal,

"Hmn, ano kasi" sabi niya

"Ano nga?" sabi ko, nakatalikod ako sakanya

"Ang gwapo ni Aaron noh? sabi niya

"Aaron?" sabi ko, sinong Aaron kaya iyon?

"As in? hindi mo kilala?" sabi niya

"hindi" tipid na sagot ko

"Si Aaron, iyong kapatid ng friend ni Leila na nakabanggaan mo kanina. Hindi mo naaalala?" sabi niya sabay tanong

"ay iyon ba?" sabi ko na lang

"So?" sabi niya saka pumunta sa harap ko

"So?" balik tanong ko sakanya sabay taas ng kilay

"haynaku, diba tinatanong ko kung gwapo siya?"

"ay iyon ba? hmnnn let me think? ano na ulit kasi mukha niya, sorry nakalimutan ko na" sabi ko sabay smile sakanya

"Haynaku! Man hater ka talaga? Hindi mo na napapansin ang mga gwapo" sabi niya sabay smirk

"Man hater agad bes? hindi ba pwedeng hindi ko lang talaga napansin" sabi ko sabay smile

"che! halika na nga at matulog na tayo" sabi niya

"Ok, text ko lang si Leila na matulog na din siya dahil maaga tayo magigisinh bukas" sabi ko

"ok" sabi ni Maan saka humiga sa aking kama

Matapos ko itext si Leila, tumabi ako kay Maan sa pagkahiga.

"Bes" biglang sabk niya nakatalikod ito sakin

"oh?" sabi ko

"Nakalimutan mo ba talaga mukha niya? Hindi ba siya gwapo para saiyo?" tanong nito na hindi tumitingin sa akin

"Hindi talaga bes" sagot ko

"Kaloka!" sabi niya,

Ano na nga ba mukha ni Aaron?

Napapikit ako sandali, pagkabukas ko ng aking mga mata, nakita ko ang mukha ni Aaron.

Ang mukha niya na para bang nagulat nung lumabas ako ng sasakyan. Kung paano niya ako titigan, kung paano siya ngumiti, kung paano-

"Bes?" bumalik ako sa aking katinuan nang magsalita si Maan

"Bes?" sabi niya ulit

"Bes kung tatanungin mo ulit kung gwapo si Aaron, uulitin ko lang-"

"Advance Happy Birthday Bes, Goodnight!" sabi nito, nabigla pa ako nang hinalikan niya ako sa pisngi

"salamat, Goodnight din" sagot ko na lang, ngumiti ito saka tumalikod ulit.

Pumikit ako, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

*********************

"Huh!?" Bigla na lang akong nagising nang para bang merong humawak sa aking mukha.

Tinignan ko si Maan, mahimbing ang tulog nito.

Pipikit na sana ako nang bigla na lang akong nauhaw kaya naman tumayo ako mula sa aking kama at lumapit sa Refrigarator na nasa loob ng aking kwarto.

Nadismaya ako nang buksan ko ang ref, wala itong laman na tubig kaya naman kailangan ko pang lumabas ng kwarto.

Hahakbang na sana ako nang bigla na lang ako kinabahan, bigla na lang tumayo ang balahibo ko.

"Jenny"

Nagulat na lang ako nang bigla na lang my bumulong sa akin.

"Mama?" hindi ko napigilan sabihin iyon.

Wooossshhh

My dumaan na malamig na hangin.

"Jenny"

"Papa"

Woooosssshhh

Sinundan ko ang kakaibang hangin at dinala ako nito sa sala.

Doon nakita ko si Mama at Papa nakaupo sila sa mahabang upuan.

"Jenny! Halika!" sabi ng mga ito

Patakbo akong lumapit sakanila saka niyakap ko ang mga ito, pakiramdam ko bumalik ako sa pagkabata,

"Ma, Pa, namiss ko kayo" sabi ko sakanila habang umiiyak

"Bakit niyo ako iniwan?" tanong ko

"Andito lang kami anak, andito lang" sabi ni Papa saka yakap sakin ng mahigpit

"Ate"

Napatingin ako sa aking likod at . . .

"aaaaahhhh!Leila! ano nangyari saiyo?"

Si Leila, Si- Si Leila, duguan ito at wasak ang mukha!

Napapikit ako sa takot.

"Ate, Jenny" sabay na sabi ng tatlo kaya napadilat ako ng mata,

Mas lalo akong nagulat sa nakita ko!

Tatlo na silang nasa harap ko, nasa gitna si Leila, si Papa ang nasa kaliwa at si Mama ang nasa kanan, lahat sila ay duguan, my tatlo ding kabaong sakanilang likuran.

"Ma, Pa, Lei-Leila" nanginginig na sabi ko

Lumalapit ang mga ito sakin, Palapit ng palapit . . .

"Maaaaaa, Paaaaa, Leillaaaa!" sigaw ko

"ha! ha! ha!"

Panaginip, isang napakasamang panaginip!

"Happy Birthday Ate!"

"Happy Birthday Bes" sabay na banggit ni Jenny at Maan, napatitig lang ako sakanila mas lalo na kay Jenny. Umaga na pala!

"Ate teka what happened?" pag aalalang sabi ni Leila my hawak itong cupcake na nilagyan ng birthday candle.

"Bes, ok ka lang, pinagpapawisan ka? Nakaaircon naman, wait kuhanan kita ng tubig" sabi nito saka lumapit sa ref, nagtaka ako nang buksan ni Maan ang ref, maraming nakastock na tubig. Panaginip nga ang lahat!

Galit ba sila sa akin? Galit ba sila dahil hindi ko parin naibibigay ang hustisya na para sakanila? Pero bakit si Leila?

Hindi ko mapigilan titigan si Leila.

"Oh ito na bes" sabi ni Maan saka inabot sakin ang isang basong tubig.

Ininom ko ito saka nagsalita

"Pasensya na kayo, medyo nanaginip kasi ako ng hindi maganda" sabi ko

"Bakit lagi ka na lang binabangungot bes? Mas lalo na pag malapit na o kaya Birthday mo na?" tanong ni Maan, nakatingin naman sakin si Leila

"Hindi ko alam, teka akin na nga iyang cake ko nang mahihipan ko na ang kandila" nakangiting sabi ko

"Ay oo nga pala" sabi ni Leila saka lumapit sakin

"Happy Birthday to me!" sabi ko sa sarili saka hinihipan ang kandila

"Halla si ate, hinihipan mo agad dapat nag wish ka muna" sabi ni Leila

"Huwag kang mag alala meron pa naman iyong cake mamaya I mean iyong totoong cake" sabi ko na lang sabay tawa

"Abba, masarap naman itong cupcake na ito noh! Kami kaya gumawa ni Leila niyan, with a touch of Love" sabi ni Maan

"Baka naman magic?" biro ko

"Hindi ah" sabi nito

"Tara na nga at mag aayos pa tayo para sa handaan mamaya" sabi ko na lang saka tumayo mula sa kama

Magkakaakbay kaming tatlo na lumabas sa aking kwarto.

**************

AARON's POV

"PENELOPE! Bakit ang tagal mo? Akala ko ba maaga tayo ngayon para makatulong ka pa sa kaibigan mo?" sigaw ko sa kapatid ko habang kinakatok ang pintuan ng kwarto niya.

Birthday ngayon ni M.E., excited na akong makita siya

"Eh sa nagbago isip ko eh, at saka wait nga lang, Nag aayos pa ako! Dapat maging maganda ako sa party para walang makalamang sakin doon!" sabi nito

"Gosh Pen! Birthday Party ng kapatid ng kaibigan mo ang pupuntahan natin hindi sa Birthday pArty ng mga celebrity! And besides kahit ano gawin mo pangit ka na talaga!" pang aasar ko,

"Hey! for your info Mr. Aaron! Ako ang pinakamagandang babae na kakilala mo!" sigaw niya

"In your dreams!" sabi ko sakanya sabay tawa

"Noon siguro nung hindi ko pa nakikilala si M.E" bulong ko sa sarili ko

"Ano sabi mo kuya?" tanong niya na para bang narinig ang sinabi ko eh nakasara naman ang pintuan ng kwarto niya

"Sabi ko pag hindi ka pa natapos diyan within 5Mins! Wala nang pupunta sa birthday party na iyon!" sabi ko

"Oh! Lets go!" sabi bigla ng kapatid ko sabay labas ng kanyang kwarto napatampal na lang ako ng noo kailangan ko pa.soya takutin bago lumabas ng kwarto.

"Wow! Gwapo naman ng kapatid ko" sabi niya

"Syempre!" sagot ko

"Nagmukha kang tao" sabi niya sabay ayos ng aking kwelyo at saka tumawa

"Heyh! Iwan kaya kita diyan maghanap ka ng masasakyan mo!" sabi ko saka nagpatiunang maglakad

"Kuya biro lang kaw naman!" sabi nito habang sinusundan ako

Hindi na ako nakipag usap sa kapatid ko mula sa makasakay kami ng sasakyan ko hanggang sa makarating kami sa bahay nila M.E.

"Malaki din pala ang bahay nila" sabi ko sa isip

Mas lalo akong namangha nang buksan ng guard nila ang gate, ang luwang sa loob.

Inayos ko lang ang pagpark saka bumaba ng kotse kasabay ng kapatid ko.

"Leila!" sigaw ni Penelope sabay kaway nang makita niya ang kanyang kaibigan, lumapit naman ito sa amin.

"Uy! Buti nakapunta ka! Oh kasama mo pala si Kuya Aaron, Hi Kuya! Tara pasok kayo!" sabi nito samin saka hinila ang kapatid ko kaya sumunod na lang ako

Madami ang kanilang bisita. Sa dami ng tao, hindi ko makita ang kanina ko pa hinahanap,

"Kuya, doon lang ako sandali ah, feel at home!"sabi ni Penelope saka pumunta sa mga kaibigan niya

"Sabi ko na nga ba Ma out of place ako dito" sabi ko sa sarili ko

"Asan ka na ba M.E" sabi ko, Lumabas na muna ako ng sala at pumunta sa kanilang bakuran

"Hi Aaron" sabi ng pamilyar na boses na nagmumula sa aking likuran

Napatingin ako,

"Hi Maan" bati ko, akala ko kasama niya si M.E. pero nagkamali ako.

"Bakit mag isa ka dito, halika punta tayo sa loob" yaya niya sa akin

"Sige, teka nasaan pala ang Birthday Celebrant? Hindi ko pa kasi siya nababati eh" sabi ko

"Ay halika samahan kita sakanya" sabi nito sabay hila sa aking kamay

Sa kusina ako dinala ni Maan.

"Oh bes, my gustong bumati saiyo" sabi ni Maan

Andoon si M.E busy sa pagpreprepara sa mga handa, ang ganda niya sa kanyang simpleng suot, naka t-shirt ito at nakapantalon hindi katulad ng mga babae sa sala lahat sila naka dress.

"Naku, pasensya na hindi pa ako nakapag ayos" sabi niya

"Naku ok lang" sabi ko sabay kamot

"Ha-Happy Birthday pala" sabi ko sakanya

"Thank You" sabi nito sabay ngiti pero bakit sa kanyang mga mata eh ang nakikita ko ay lungkot

"Sige, maiwan ko muna kayo at mag aayos lang, mga ilang minuto mag uumpisa na din naman ang programa" sabi niya saka umalis.

Magkasama naman kami ni Maan na pumunta sa sala kung saan magaganap ang programa para sa party.

Ilang minuto lang ay nag umpisa na ang programa na umabot din sa dalawang oras hanggang sa nagsi alisan na din ang mga bisita.

Hindi ko masyadong nakausap si M.E dahil busy ito sa kanyang mga bisita, pero ok na iyon atleast nakita ko siya. Nagpapasalamat naman ako kay Maan dahil hindi niya ako iniwan kundi para na akong timang na walang kausap.

"Oh paano ba Leila, uwi na kami" sabi ng aking kapatid

"Oo, salamat sa pagpunta niyo ni Kuya Aaron" sabi nito

"Wala iyon" sabi ko pero hindi kay Leila nakafocus ang aking mga mata kundi kay M.E na nasa balkonahe at para bang ang lalim ng kanyang iniisip

"Hmn, ano kasi," sabi bigla ng kapatid ko

"Ano iyon?" sabi ni Leila

"Mamimiss kita!" sabi ng kapatid ko kay Leila saka niyakap ang kaibigan, bigla na lang itong umiyak

"Mamimiss din kita" sabi ni Leila, umiiyak na dito ito, si Maan nagpupunas na din ng kanyang luha

"Huwag mo na akong ihahatid bukas huh? kasi sigurado magkakaiyakan nanaman tayo doon" sabi Ni Leila habang pinupunasan ang kanya luha

"eh ikaw naman kasi eh" sabi ng kapatid ko

"Oh siya, baka hanggang bukas pa kayo magpaalam sa isa't isa, ingat ka sa pag alis mo Leila," sabi ko na lang

"Panira ka talaga kuya!" sabi naman ng kapatid ko

"Basta mag ingat ka doon! lagi tayo mag video call huh?" sabi pa nito

"Oo, sige ingat kayo sa pag uwi" sabi ni Leila saka niyakap muli ang kapatid ko

"Pakisabi na lang sa ate mo, Happy Birthday Ulit at aalis na kami" paalam ko

Nagulat na lang ako nang sumigaw si Leila at tinawag ang kapatid niya,

"Ate uuwi na daw sila!" sigaw nito

"Sige, ingat kayo!" sigaw din ni M.E at muli nakita ko nanaman ang kanyang matamis na ngiti..

"Bye Aaron! Ingat ka sa pagmamaneho!" paalam naman ni Maan

"Bye Maan, thanks kanina" sabi ko naman.

Naglakad kaming dalawa ng aking kapatid papunta sa aking sasakyan saka tuluyang linisan ang bahay nila M.E.

********************

Kinabukasan

Maria Eleonor's POV

Tama ka Leila, simula noon hindi oa tayo nagkakahiwalay dahil kung nasaan ka, andoon din ako, pero kailangan kong gawin ito, handa akong magtiis kahit mapahiwalay saiyo basta lang makuha ko ang hustisya na kailangan ko! Hustisya para sa ating pamilya, hustisya na hindi kayang ibigay ng tama kaya kukunin ko sa paraan na alam ko! Kailangan mo umalis para hindi ka madamay.

"Ate" sabi ni Leila habang hawak ang kanilang maleta, andito na kami ngayon sa airport at malapit na ang kanilang Flight.

"Leila" sabi ko sabay tingin sa aking kapatid

"Ate, hindi ka ba talaga pwede sumama?" tanong nito sakin, malapit nang mahulog ang kanyang mga luha

"Leila, hindi pwede perp don't worry lagi tayo mag uusap sa phone o kaya video call at saka bibisitahin kita, My mga kailangan lang ako gawin dito saka tuluyan na tayong magkakasama doon! Promise" sabi ko sabay yakap sakanya

"Ingatan mo ang sarili mo doon, huwag na huwag kang magpapa agrabyado, pag nagkaproblema tawagan mo agad si Yaya o kaya ako, huwag kang pasaway huh, susunod ako saiyo" sabi ko habang nakayakap parin sakanya

Naramdaman ko na lang na yumuyugyog na ang kanyang balikat tanda ng kanyang pag iyak. Kumalas ako sa pagkayakap sakanya

"Huwag ka ng umiyak! Pangako! matapos ko lang ang kailangan kong gawin dito susunod ako, kami ni ate Maan mo" sabi ko habang pinupunasan ang kanyang mga luha gamit ang aking mga kamay.

"Ate, parang hindi ko kaya" sabi niya saka humagulgul ulit

"Don't say that! i know you are strong! Kaya mo yan!" sabi ko hindi ko na din mapigilan ang aking mga luha nag unahan na din ang mga ito sa paglabas.

"Oh tama na ang iyakan!" sabi ni Maan na nagpupunas na din ng kanyang mga luha

"Ingat ka doon Baby girl" abi pa nito sabay yakap sa aking kapatid

"Ingatan mo si Ate M.E, ate Maan" sabi nito

"Huwag kang mag alala, safe kapatid mo sa akin" pagbibiro niya

"Yaya Kirby, ikaw na bahala kay Leila, ingat po kayo doon" sabi ko kay Yaya

"Huwag kayo mag alala mam, ako po bahala sa kanya" sabi nito

Yumakap pa ang kapatid ko saakin bago tuluyang umalis. Pinagmasdan ko na lang siya habang paplyo siya sa akin, hanggang sa hindi ko na siya makita pa.

Masakit pero kailangan! Hayaan mo matapos lang ito magkakasama din tayo!

Ngayon! Mauumpisahan ko na ang paniningil! Magagawa ko na ang dapat gawin! At mabibigyang hustisya ko na ang aking pamilya!

Anton Fuentabella! Hintayin mo ako (Evil Smile)

Próximo capítulo