Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Rex. So it means mag-on na kami ganun?! Na-culture shock ako sa mga nangyayari dito. Ipinaliwanag sa akin ni Elliot na ang lahat ng babae ay pinapahalagahan at inaalagaan dahil sila ang may kakayahang magsilang ng kanilang mga supling. Ang mga babae din ay maaaring makapangasawa ng higit pa sa isa. So, sa madaling sabi ay ang librong nabasa ko ay tungkol sa human-breeding? Gagawin pa akong palahian ng mga ito. Napalunok ako ng laway.
"Masuwerte ka Gianna dahil si prinsipe Rex ang una mong asawa. Ni-isang babae ay wala yang pinatulan, ikaw at ikaw lang ang pinili niya" tuwang-tuwa naman si Elliot which is napapaisip ako na kung bakit ako ang napili niya.
"bakit ako?" tanong ko na may halong pagtataka
"Wala akong ideya" agad namang umalis ito, paglingon ko sa likod ay nasa harapan ko na si Rex. Kumabog naman bigla ang dibdib ko nang di malaman ang dahilan.
"B-bakit?" lintek talaga kung makatitig animoy hinuhubaran ako nito. Papalapit na siya ng papalapit sa akin habang ako naman ay paatras ng paatras hanggang sa naramdaman ko na lang ang dingding sa likod ko. Lumalakas ang kabog ng dibdib ko parang sasabog ramdam ko ang mabigat ng kaniyang paghinga sa mukha ko. Napapikit na lamang ako dahil hindi ko na kaya pang titigan ang asul ng kaniyang mata.
Hinihintay ko na may dumampi sa labi ko pero bigla na lamang itong naglaho. Nanghina bigla ang tuhod ko at napaupo sa sahig, hawak-hawak ko ang dibdib ko hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko kung naiinis ba ako dahil naudlot ang paghalik niya sa akin o-- whaat? bakit yung kiss ang iniisip ko! Sinabunutan ko na lang ang sarili ko sa sobrang inis na di ko maintindihan.
***
Pinuntahan ako ni Elliot sa aking kwarto at sinabihan akong maghanda dahil ipapakilala ako ni Rex sa magulang niya. Nakaramdam naman ako ng takot dahil baka naka pang dragon figure silang lahat at tiyak na mahihimatay na naman ako.
"Haha ano ka ba Gianna, kaya naming mga dragon ang mag-anyong tao anumang oras, ito ang iyong isuot tiyak na babagay ito sa iyo." kinuha ko naman ang damit at masasabi kong maganda ang taste nila sa outfit. Binigyan ako ng white dress na ubod naman ng iksi at may pa backless pa sa likod, gawa raw ito sa balat ng sheep mismong si Rex ang pumili nito dahil ang balat ko daw ay kakaiba- maselan. Namula naman ang pisngi ko sa mga sinabi niya kaya heto tawa ito ng tawa.
Hinatid ako ni Elliot kay Rex at hinawakan naman nito ang kaliwang kamay ko. Heto na naman ang puso ko kumakabog-kabog! Napatingin naman ako kay Rex nakatitig ito sa akin at bahagyang ngumiti ito, umiwas naman ako ng tingin at sa malamang sa malamang namumula na ang mukha ko ngayon.
"Ama at ina narito ang babaeng gusto kong makasama habang buhay" Nakatingin sa akin ang mga magulang ni Rex, nakangiti ang mga ito at kitang-kita ang kasiyahan sa kanilang mukha. Pansin ko na ang babata pa ng mga magulang ni Rex , i think na sa 20's pa lang sila.
"Kami ay nagagalak dahil may napili na ang aming anak na maging kabiyak ng kaniyang puso, sana ay mapuno ng kasiyahan at kapayapaan ang inyong pagsasama" pinayuhan kami ng ina ni Rex, gayun din naman ang kaniya ama.
"Kaya Gianna, bilisan niyo ang paggawa ng apo at nasasabik na akong makita ang magiging kamukha ni Rex hahaha" tuwang-tuwa talaga ang ama ni Rex, namula naman ako sa hiya.
"Aalis na kami ama at ina" binuhat naman ako nito na pang bridal style at saka kami lumipad pa-itaas
"aaahhh" napasigaw ako sa takot at napayakap sa kaniya ng mahigpit.
"huwag mo akong bibitawan parang awa mo na" nanatili pa rin akong nakapikit at nakayakap sa kaniyang baywang.
"huwag kang matakot, hindi kita iiwan idilat mo ang mga mata mo at makikita mo ang ganda ng mundo" sinunod ko ang sinabi niya at namangha ako sa nakita ko, ang ganda palang tignan ang langit, hindi ako makapaniwala na lumilipad kami sa himpapawid. Mayroong dalawang buwan at ang kulay ng langit ay orange na may halong purple.
Hindi mawala ang ngiti sa aking labi at nagulat na lamang ako dahil bigla akong hinalikan sa noo ni Rex.