webnovel

Chapter One

Ngayon nandito kami sa reunion at pinilit naman ako ni Beatrice na samahan ko siya. Wala talaga ako balak umattend. Pero eto pinipilit pa ako nung last week pa. Hindi ko naman masabi ang rason pero gusto ko talaga umiwas muna kay Ianne.

Kahit sobrang tagal na naman hindi nagkikita parang sariwa pa rin sakit at feelings ko sa kanya.

Paano ba nagsimula nararamdaman ko sa kanya?

Magkaklase kami nung highschool. Magbestfriend kaming dalawa pero nalaman ko na taken na siya. Sobrang tagal na nila simula before niya ako nakilala. Siyempre wala akong laban don. Sino ba naman ako para mangialam diba?

Pero ako si Ms. Tanga, lumalim pa pagkagusto ko sa kanya. Akala ko crush-crush lang pagtingin ko sa kanya. Kaso alam niyo naman ako. Pasaway ang gaga. Ayan may nalalaman pang hatid sundo mula sa bahay nila dahil hindi talaga siya marunong tumawid. Edi ako si pabibo hatid-sundo at ginawa ko pang araw-araw tuwing klase.

Marami akong rason kung bakit lumalim pagkagusto ko sa kanya. Una, pinaramdam niya sa akin na special ako sa buhay niya. Kasi sa lahat ng mga tao nakilala ko, siya lang yung taong na-appreciate kung sino ako. Pangalawa, lagi siya nasa isip ko kahit sa panaginip ko umaasa ako na balang-araw maging kami. Pangatlo, masaya ako kapag kasama siya. Kapag nandyan siya buo na ang araw ko. Pang-apat, eto yung pinakapaborito ko. Nakahiga lang kami sa field at nakatingin kami sa ulap ngunit napatingin ako sa kanya habang busy siya sa kakatingin sa langit. Tumibok puso ko. Kahit sa mga tingin nila na hindi siya maganda. Sa akin, napakaganda niya sa paningin ko. Siguro sapat na yon ang mga rason kung bakit lumalim talaga naramdaman ko sa kanya.

"Trix, nandito si Ianne bakit hindi mo kamustahin?"

Umiling ako at kita kong nagtaka siya. Uminom na lang ako ng beer habang pinagmamasdan ang mga nagsasayawan.

"Magjowa na pala si Ken at Ianne." narinig ko pinag-uusapan sa bandang kanan ko.

Para ako tinusok ng tinik sa puso nung naranig ko yon. Kahit nagtatawanan mga kaibigan ko, hindi na ako makasabay sa tawanan nila.

Masakit pa rin.

Mula sa malayuan napansin ko may isang lalaking nakahawak sa bewang sa girlfriend habang naguusap sila magkakaibigan. Biglang lumingon yung babae banda dito at nagulat ako nung tumingin siya sa pwesto namin.

Umiwas ako ng tingin.

Kailangan ko ng umalis.... Ayokong saktan sarili ko.

Tumayo na ko at pinigilan ako ni Bea. Bakit ako pinipigilan ni Bea? Kita ko napatingin din siya kay Ianne at tumingin sa akin. Tinaasan ako ng kilay.

Nahalata na niya siguro. Alam niyang hindi kami okay...

"Hanggang pag-iwas na lang ba magagawa mo sa nararamdaman mo?" tanong niya.

Gusto ko maiyak pero pinipigilan ko lang. Ngumiti na lang ng pilit.

"I am trying my best..."

"You are not. Aminin mo hindi mo pa rin matanggap na hindi siya para sayo."

"Hindi naman ganon kadali na kalimutan lahat..."

"Hindi rin kadali sayo na patuloy ka pa rin nagiging miserable nang dahil sa kanya. Kaya piliin mo naman sarili mo. Hays..."

"You know what... the most thing that I really love.. everything about her. How am I supposed to find someone like her, Bea?" tumingin ako kay Bea at hindi ko mapigilan na umiyak.

Inakbay ako para damayan ako. Para i-comfort niya ako.

"Trix, sa dami ng tao, wala kang mahahanap na katulad niya? Impossible." natatawa niyang sabi.

I still love her.

Ang pinakamahirap na part, yung hindi mo alam kung paano ka magsisimula. Kahit todo effort mong kalimutan siya, nag-eexist pa rin ang feelings ko sa kanya.

Para akong naliligaw na bata na hindi mahanap magulang ko. Hindi ko alam kung saan ko hahanapin, pero nanatili pa rin ako sa umpisa.

Everytime na pasilip ako tumitingin sa kanya, kumikirot puso ko tuwing tumatawa siya kasama ang kanyang boyfriend.

Sana ako na lang 'yon.

Sana. Sana talaga...

Ang sakit.

Pero nandito na ako, e. Pinili ko 'tong desisyon. Hindi ko rin dapat sisihin sarili ko dahil alam ko naman ito yung tama para sa amin. Kahit hindi na ako parte ng mundo niya.

"Enjoy your pain. Enjoy what you are feeling right now. Alam kong masakit na hindi kayo tadhana sa isa't isa pero darating naman sa punto na huhupa na yung sakit nararamdaman mo. You need to accept that she doesn't like you the way you like her. It is a big step to heal. Please heal, Trixie. Do it for youself. Okay?" I am so grateful to have her. Someone who truly care for you to heal and grow. Everyone deserves that.

Nagpaalam muna ako kay Bea na magpapahangin muna ako sa labas. Gusto ko pang huminga.

I want to breathe. Ang sikip na kasi ng puso ko dahil sa sakit nararamdaman ko ngayon.

Please heal, self. Let yourself to heal...

Habang pinagmamasdan ko ang pagdaan ng mga sasakyan, Nakita ko ang isang lalaki sa may kanto at gilid ng club kanina pa siya nandon, kaya nagtaka ako.

May tinitingnan siya mula sa malayo at napansin kong may naghahalikan sa labas ng sasakyan. I think they are drunk pero tumingin ako sa kanya.

Ang hindi ko maintindihan bakit pinagmamasdan niya lang.

It hurts like hell kung nasa position ko siya. I would rather not to see them anymore and walk away na lang.

Pero siya... nakatayo lang siya habang pinagmamasdan sila.

Ilang sandali... pinagsusuntukan niya yung kamao niya sa pader.

Kitang-kita ko kung gaano kasakit para sa kanya. Pinasusuntok niya yung dibdib niya habang patuloy siya umiiyak.

Everyone might be like him right now...

Sometimes we lost ourselves.... binigay yung todong pagmamahal sa mga taong akala natin na deserve sila mahalin pero hindi pala.

Masakit... sobrang sakit talaga.

All we can do is to cry out loud to ease the pain.

Dumadating talaga sa punto na hindi natin alam kung paano tayo mag-uumpisa.

Naliligaw...

Naliligaw kung saan ba ang tamang daan para maka-move forward.

Nagd-doubt kung tama ba 'to.

Tama nga ba magiging desisyon natin?

Natatakot na baka mali yung desisyon nila.

Pero hindi naman masama na subukan kahit magkamali tayo? Diba?

Sinubukan ko umasa pero sa bandang huli may mahal na siyang iba.

At hindi ako 'yon.

Sana nga ako nga ang tao para sa kanya pero ito na talaga ang ending naming dalawa.

Tama nga sinabi ni Bea. Kailangan kong tanggapin na hindi siya ang para sa akin kahit nasa sa kanya ang hinahanap ko.

Maraming buwan na ang lumipas... May sarili na akong bahay, kotse, may trabaho at may business na ako. In short, financial stable na ko.

Pero may kulang, e.

Sa tuwing may nakakasalubong akong magcouple, napapaisip na lang ako kung gaano sila katagal naghintay para magtagpo sila.

Alam ko sa sarili ko na darating siya.

Alam kong darating siya.

Pero kailan?

Hanggang kailan ako maghihintay?

Hihingi lang ako ng sign...

Kahit sign lang...

Please...

"Nandito ka pala." Napalingon ako kung kaninong galing ang boses na yon.

Ianne...

"Kamusta ka na, Trixie?" Gusto kong umiwas sa kanya. Nasasaktan ako ngayon lalo na kakamustahin niya ako. Ano isasagot ko sa kanya 'okay ako' kahit hindi? Ganyan naman mga linyahan kapag nagpapanggap na okay lang sila, e.

"Bakit ka nandito?" seryoso kong tanong sa kanya.

Narinig ko siyang hamagikhik sa gilid, "Pagdating sa akin, dinededma mo ko." Umupo siya sa gilid ko kaya lumayo rin ako, "Gusto ko lang makausap ka. Hindi na tayo nagkakausap." Sabi niya.

"Ano ba pag-uusapan natin?" tiningnan ko siya.

"May boyfriend na pala ako."

Sinamaan ko siya ng tingin, "Nananadya ka ba?" napakunot-noo ako sa sinabi. Akala niya hindi niya alam nararamdaman ko sa kanya. Nagkakamali siya. Alam niya at sinabi ko yon sa kanya bago ako umalis sa buhay niya.

"Trixie, hindi ko kayang ibigay sayo yung gusto mo mangyari diba?"

"Alam mo... mas okay na hindi na tayo nagkakausap para hindi ako nasasaktan masyado. The more na nagiging malapit ako sayo parang bumabalik lang yung sakit, e." naiinis kong sabi sa kanya.

"Gusto ko lang naman bumalik tayo sa dati na magkaibigan tayo." Natawa ako sa sinabi niya.

"Ha? Naririnig mo ba sarili mo? Ianne... pinili kong mahalin kita hindi dahil sa pagkakaibigan natin. Matagal ko nang sinuko pagkakaibigan dahil sa lintek na nararamdaman ko sayo." Kita ko sa reaksyon niya na napabuntong-hininga na lang siya.

"Namimiss na kita, Trix. Kung alam mo lang..." Nakita kong bumagsak ang kanyang luha.

"Kailangan kong lumayo dahil nasasaktan na ako. Naawa na ako sa nararamdaman ko. Mahal pa rin kita hanggang ngayon. Papaano ako makakausad kung nandyan ka pa rin sa paningin ko?" pinunasan ko gamit ang kamay ko ang pagdaloy ng luha niya sa pisngi niya.

"Kaya hayaan mo na akong iwan ka..." Naiiyak ako pero pinipigilan ko lang. Ang sakit... Sobrang sakit. Tumayo ako at balak kong bumalik sa loob.

Pinigilan niya ako sa braso, "Wag mo kong iwan Trixie. Naghihintay din ako na baka sakaling maayos pa to. Please..." umiling ako at kinalas ko ang pagkahawak niya sa braso ko.

"Matagal nang wasak, Ianne." Iniwan ko siya mag-isa. Pumunta agad sa cr para ibuhos lahat ng luha ko.

Alam kong nasasaktan ka. Pero nasasaktan din ako, Ianne.

Mahal pa rin kita kahit may mahal ka nang iba.

Bakit hindi na lang ako?

Ako na lang sana ang pinili mong mahalin...Bakit siya pa?

~•~

To be continued...

Like it ? Add to library!

Don't forget to leave some votes and comment in my story.

if you have time, follow my social accounts below:

wattpad: @itsleava

This story is also available in Wattpad!

itsleavacreators' thoughts
Próximo capítulo