webnovel

Chapter 5

Dahil hindi na niya tingnan pa ang mga uod ay tumingin naman siya sa iba. Napahingang maluwag siya nang makita niyang may fruits naman pala at gulay. Kahit paano makakain na siya. Kumakalam na ang sikmura at kanina pa nagrereklamo mga bulate niya sa bituka.

'Buti may mga fruits pa, O swear hindi ako kakain ng uod.'

Naalala niyang sa dulo ang upuan si Zala, at katabi niya si Sediaya. Hindi naman ganito ang sitting arrangement, kasi kadalasan wala ang magkakapatid kaya minsan saan-saan sila uupo.

Sa mesa labing pitong upuan na may walong upuan bawat side at ang ama naman nila ay nasa unahan. Ang apat na asawa ng papa niya ay nasa right side at pati na ang ikalima hanggang sa ikawalong kapatid niya. Sa left side naman kung nasaan siya ay ang unang nakatatandang kapatid niya at ang ika-siyam hanggang sa pinakabunso.

Umupo na siya sa upuan niya. Na sumunod naman si Sediaya Prutas nalang talaga kakainin niya. Nasasagwaan pa rin siya sa mga ulam nila. Itsura pa lang exotic na exotic na.

'Why they took so long' Zala tought impatiently.

Habang hinila naman siya ni Sediaya doon sa upuan nila at doon sila umupo. Inaliw na lamang niya ang kan'yang sarili sa pagtingin sa paligid. Mayroon din palang tila Chandelier dito ngunit gawa ito sa Light Crystal tulad nang nasa pader.

Dumako naman ang kan'yang mata sa hugasan at sa taas niyon ay ang gawa sa kahoy na hanging cabinet.

'Kung sa earth pa 'yan ay nakatago sa mga wall, and just one press ay lalabas na naman. I don't know what the purpose of hiding it lalo't pwede namang hindi'

Sa mundo naman talaga niya ay totoong nakatago tulad ng kama niya na biglang lumabas sa sahig sa isang pindot lang niya. Namangha naman siya sa disenyo nitong mga fixtures and furnitures dito. Naalala niyang ang ganitong fixture ay nasa museum nila lalo't wala na masyadong kahoy sa panahon niya at kung meron man striktong kinu-conserve ng Gobyerno nila.

She became grateful na napunta siya rito at naranasan ang buhay noong 21st Century at 20th Century o 'yong mas nakalipas pang mga panahon. she admit na mas okey noong mga panahon na 'yon lalo't parang nawala ang tunay na habitat ng tao at halos naging artificial at para pa silang mga isda na nakatira sa dagat.

Hanggang sa may mga yapak siyang narinig patungo sa kinaroroonan nila. Isang lalaking nakangiti ang bumungad sa kan'ya. They don't have a same eyes, syempre ampon siya at ano pa ba ang aasahan niya.

The man pull the chair malapit sa upuan ng patriarch. Hindi naman ipagtataka 'yon na malapit siya sa Head of the house dahil sa panganay ito.

The man look at her and said,"Mabuti at nabuhay ka bunso, ano man ang plano ng mga kalaban ay mabuting hindi nagtagumpay ." The guy happily smile na parang 'yong ads nang toothpaste, sobrang puti ng ngipin. Siya si Elric ang eldest sa magkapatid na anak ni Veriala na unang asawa.

'Siya pala ang eldest na hindi malapit sa dating Zala at hindi naman kalaban. But, still hindi pa rin dapat ako magtiwala lalo't may sarili silang mga agenda'

May naalala niyang kahit hindi mabuti ang relasyon niya sa unang asawa ay hindi naman siya minaltrato o kinalaban. Parang walang pakialaman lang at tutok lamang ito sa kan'yang responsibilidad bilang asawa.

Hindi naman kahina-hinala ang salita ni Elric. None of his voice seem dismayed na nabuhay siya. Pero hindi pa rin siya pakampante at baka magaling lang itong hindi magpahata.

Ginantihan niya rin ito ng ngiti.

Habang dumating na rin ang dalawa ni pang senior brother na balita niyang minamata rin nito ang posisyon bilang head.

"Hindi ko rin alam kung bakit ayaw ng langit na ako'y mamatay Senior Brother, pero wag na sanang ulitin pa baka langit na ang magparusa sa papatay sa akin"

Ngumiti siya ng nakakaloko habang tumingin siya sa dalawang Senior Brother niyang si Cyprian na mahilig gumawa ng potions at pills at si Leoric na mahilig mag-tamed ng mga beast.

Hindi naman ito nagpa-apekto sa parinig ni Sevara. Hinila na nila ang upuan saka umupo na rin.

Nagsunod-sunod naman na dumating ang iba pa. Walang pakialaman ang mga ito at umupo lang sa kanilang sariling upuan.

Hanggang ang mga asawa naman ang dumating na may mga sopistikadang pananamit. May mga pamaypay ito na kung tingnan ay parang mga donya lalo't samahan pa ng mga alahas tulad ng mga dyamanteng hikaw, pulseras at kwentas.

Habang ang ina naman ng kambal ay matalim na nakatingin sa kan'ya. Kaya naman ginantihan niya rin ng tingin. Umupo na ang mga ito.

Sumunod naman ang iba pa niyang kapatid na umupo na sa sarili nitong upuan.

Tumikhim naman ang lalaking parang nasa Mid 30's ang edad dahil ang mundong ito matagal ang pagtanda. Nasa 90 na ang edad nito at kailangan ng pumunta sa ibang realm upang magtrain at tuluyan nang maging adventurer.

Hanggang 400 lamang ang hangganan ng edad sa mundong ito. Kapag lalampas ka na rito at hindi ka pa rin umabot para magtrancend sa mataas pang realm ay tatamaan sila ng napakalakas na kidlat na walang sino man ang nakaligtas ayon sa kasaysayan.

Kaya nga ito'y magtalaga na ng kapalit upang hindi na siya maikadena mula sa responsibity bilang head. Kailangan na rin magka-asawa at magka-anak dahil ang ganitong ganap ay parang sirkulasyon.

Kumuha na sila ng ulam na ipapares sa isang nuts na hindi niya alam kung ano. Kumuha naman siya noon at tinikman. Tulad pa rin ng kanin na matab-ang pero may kakaiba lang ang lasa nito

Kumuha na lamang siya ng mga prutas at nilagay sa plate niya. Naalala niya kung paano iyon kakainin mula sa alaala ni Sevara.

Tumingin si Sediaya sa plato niya at nagtataka.

"Paborito mo iyang mo iyang bulate di ba? Bakit hindi ka kumain?" Tanong nito sa kan'ya.

Napatingin din ang mga nasa hapag at nagtataka lalo na't ang nasa mesa ay hinanda dahil sa request ni Ramelic, ang Head of the Family and Faction. Ang request naman nito ang siyang paborito ni Zala na ikinasaya nito nang mabuhay ito.

Pinigilan ni Zala ang sarili niyang isuka kung ano man ang nasa bibig niya at baka pagdudahan pa siya. Ayaw niyang isipan nila na may nagbago na.

Habang sa lahat ng nakatingin sa kan'ya ay kakaiba ang titig ng isang babaeng na tila puro puti ang mata ay nakatitig sa kan'ya. Nahihiwagaan naman siya kung bakit ganoon ito makatingin eh wala naman siyang ginagawa.

Naalala niya isang Ghost Type Magic ang pet nito.

'Hindi kaya alam ng babae na'to na I'm not Zala, sana naman hindi'

"Hoy! Sevara! Paborito mo lahat 'yan oh at wala kang kinuha. Alam mo ba gan'yan 'yong ulam namin simula noong nabuhay ka at nakahiga lang. Kung alam mo lang kung gaano kami nagsawa rito at ngayon binalewala mo lang'.

'Ano? I don't requested that you eat this cult's food, bakit ako pa ang may kasalanan?' hindi niya mapigilang isipin.

Kaya magpapalusot na lang siya.

"Senior Sister mula nang malason ako parang nag-iba na panlasa ko, ayaw ko na diyan eh."

"Namatay lang at nabuhay eh naging maarte na" Biglang sabat ng isa sa mga kambal at lumamon na naman matapos 'yon sabihin.

'Aba nga kutong lupa'

Habang ang mga boys ay may iba na walang paki-alam, alam ng mga ito na hindi sasagot ang Sevara kahit kailan.

"Oo nga eh, tayo nga isang linggo natin itong kinain. Sinong hindi magsawa. Baka susunod ang amoy pa lang nito masusuka na ako" Sinundan naman ito ng isa pa sa kambal.

"Aba naman kanino pa mahahawa edi sa inyong dalawa lalo't reyna kayo ng kaartehan. Sana nga lang hindi ako mahawa ng kati sa gitna ng hita niyo eh, 'yon ang pinaka-ayaw ko"

Kinilabit naman siya ni Sediaya.

"Hayaan mo na 'yan Zala baka ano naman ang gagawin ang mga bruha na 'yan. Iba 'yan kumilos ng sekreto"

Napairap naman siya. Sa alaala niya ay totoong naging kaawa-awa siya sa kamay nitong dalawa.

"Aba kahit anong gawin ng bruha na wala akong pakialam, totoo naman talaga ang sinabi ko na ginamit ang gitna para tumaas ang katayuan niya. 'Yon nga lang concubine lamang ng manyak na 'yon sa Powerhouse Clan"

Próximo capítulo