Ipinanganak kami sa iisang taon. Lumaking magkakasama. Iisang school nag-aral. Sama-samang nangarap. Nangakong magiging magkaibigan hanggang pagtanda. Then fate turns and leads us to have feelings for one another. Not just a friend. Can this love grow and blossom as it should? Or this love will grow us apart. This is our story. This is us.
Malamig na hangin at nakangiting Haring Araw ang nakasilip na sa mga bundok sa di kalayuan ay siyang napakagandang tanawin sa umaga. Iba't ibang huni ng ibon, tilaok ng manok at huni ng mga alagang pato ng kapit bahay ay waring nagsasabi na umaga na! Tayo na at bumangon!
"Lyka! Ika'y bumaba na dito at mag-aagahan na tayo." tawag ng Nanay ni Lyka.
Naghahanda ito ng agahan sa may kusina. Ang kanyang Tatay naman ay nakaupo sa may balkonahe at nagkakape habang nakatingin sa palayan. Lumingon ito sa kanyang Nanay
"Anong oras ka pupunta sa bayan?" tanong nito.
"Pagkatapos kumain ng agahan ako pupunta. Mahirap maabutan ng karamihan sa bayan lalo't maraming bibilhing gamit sa eskwela itong si Lyka." sagot nito
"Lyka!" tawag pa nito.
Tumayo ang Tatay niya at pumunta na sa hapag-kainan.
"Lyka, bumangon at pumarine na." tawag ng Tatay niya.
Naupo ito sa dulong bahagi ng mesa. Naupo na rin ang Nanay niya sa tabi nito. Ensaladang talong, tinapa at noodles na may sayote, itlog at petsay ang agahan nila.
Si Lyka naman. Heto at tulog na tulog pa. Nasa sahig ang mga unan niya. Siya ang babeng kahit ilang beses na siyang tinawag ng Ina ay parang mantikang tulog pa rin. Ngunit nung ang Tatay na niya ang tumawag ay agad napabalikwas ng bangon.
"Andyan na po." Sagot agad nito saka pupungas-pungas na bumaba at pumunta sa hapag.
"Good morning Tay, Nay." aniya saka naupo.
"Abay upo agad. Mag-sipilyo at maghilamos ka muna." saway ng Nanay niya.
Napasimangot ang dalagita saka tumayo at nagtungo sa banyo.
"Bilisan mo kumain at maligo. Hindi tayo maaring tanghaliin sa bayan at walang magluluto ng pagkain ng Tatay at ng mga trabahador." paalala ng Nanay niya.
"Pwede naman po ako na lang ang pumunta sa bayan Nay. Si Blake at Tammi pupunta din sa bayan ngayon. Pwede ako sumama sa kanila." sagot niya at bumalik na sa hapag.
"Anong gagawin nila sa bayan?" tanong ng Tatay niya.
"Sila po yung bibili ng gamit nila sa school saka bibili din daw po sila ng bagong sapatos." sagot niya "Nay, bibili din ba ako ng bagong sapatos? Okay pa naman po ang sapatos ko last year eh." tanong niya.
"Ikaw, kung gusto mo bumili wala namang problema kasama naman yun sa budget natin." sagot ng Nanay niya.
"Pero kung sa tingin mo hindi mo pa kailangan itabi mo na lang muna para kung kailanganin mo na ay may mahuhugot ka." dagdag naman ng Tatay niya.
"Sige po Tay. So Nay ako na lang pupunta ng bayan ha." aniya sa Ina.
Tumango lang ito at nagpatuloy sila sa pagkain.
Sa Bahay nila Tammi:
"Tammi!" malakas na tawag ng Nanay niya "Bumagon ka na at pumarine. Maya-maya dadating na yun si Blake." dagdag pa nito.
Napabangon naman si ang lalaki ng marinig ang boses ng Ina.
"Blake?" aniya pupungas-pungas at nag-isip sabay napadilat
"Oo nga pala bibili kami ng gamit sa eskwela ngayon." bulong niya sa sarili at tumayo na.
Pumunta siya sa banyo, naghilamos at nagsipilyo bago pumunta sa hapag.
"Ano almusal Ma?" tanong niya sa Nanay niya.
"Nagluto ako ng daing at tortang balayan." sagot nito.
"Yun paborito ko." aniya sa nasasabik na tono
"Maupo ka na diyan at tatawagin ko ang Papa at Kuya mo doon sa labas." anito sa kanya.
Naupo na siya at nag umpisang maglagay ng pagkain sa pinggan. Maya-maya pa ay pumasok na rin sa dining room ang Papa at Kuya Tommy niya kasama ang Nanay niya.
"Good morning Tol." bati niya sa kuya niya.
Tumango ito at naghugas ng kamay.
"Nagpunta dito si Lyka kanina. Sasabay daw siya sa inyo ni Blake bumili ng gamit sa eskwela." ani ng Papa niya.
"Uhm sige po." sagot niya.
"Akala ko sasamahan siya ni Inang?" tanong ni Tommy.
"Mag aani kasi ngayon at walang magluluto ng pagkain ng mga magtatrabaho. Kaya dito muna kina Tammi sasama." sagot ng Tatay niya
"Ikaw Tammi." baling sa kaniya
"Po?" sagot niya
"Ingatan mo yung dalawa. Laki-laki mong lalake dapat hindi maano yung dalawa." bilin ng Tatay niya
"Opo Papa." sagot niya.
"Pwede ko naman sila samahan Pa." alok ng Kuya niyang matamis ang ngiti
"Hindi." saway ng Papa niya
"Sasamahan mo ako sa palaisdaan at mag-aahon din tayo ng Hito at Tilapia na dadalhin sa bayan." dagdag pa ng Tatay niya habang kumakain.
Nagkatinginan sila magkapatid at nagpatuloy sa pagkain.
"Isa pa masyadong bata si Lyka para sayo." biglang dagdag nito na nagpamula sa pisngi ng Kuya niya.
Nasamid silang magkapatid. Hindi pa pala tapos ang Papa nila.
"Si Papa talaga." anito at nagtawanan sila
"Oo nga naman Kuya. Find your age ha ha ha ha." buska niya
"Hmp" anito saka kunyaring inarapan siya at nagpatuloy sila sa pagkain.
"Nga pala Kuya hindi ko sure kung Lalake gusto nun. Mas barako pa sa akin yun eh." aniya.
"Hmp ngayon lang yan kasi hindi pa niya nararamdaman ang pagmamahal ko." sagot nito sabay kindat sa kanya, natawa ang Papa nila.
"Ipasa mo muna ang Calculus mo baka sakali makuha mo atensiyon niya." asar nito sa
"Aw si Papa talaga, wala ka bang tiwala sa panganay mo?" pagmamalaking turan nito
"Sure na ko dun Pa." anito sabay kindat
"Si Tommy ata to." pagmamalaki pa nito.
"Si Tommy na puro kayabangan ha ha ha ha." dugtong ng Tatay niya at humalakhak ng malakas.
Napasimangot naman saglit ang kuya niya at humalakhak na din.
Sa Bahay nila Blake:
Naligo at nagbihis na si Blake. Naglagay ng clear mascara para bigyan ng buhay ang manipis na pilik mata at pink lip tint naman sa labi.
"Perfect." anitong nakangiti sa salamin.
Tattered shorts na maong, T-shirt na yellow at itim na Chuck Taylor na high cut suot niya. Nagspray ng pabango na Bench Bubble Gum Cologne at muling lumingon sa salamin at nag-selfie bago umalis.
Magandang dalagita si Blake. Mahaba ang kanyang buhok na hanggang baywang at balingkinitan ang katawan. Siya ang tinatawag ng mga kabataan sa barangay nila na crush ng bayan. Papunta siya sa bahay nila Tammi para sunduin ito. Sabay sila pupunta sa bayan para bumili ng school supplies.
Pagdating niya sa gate ng bahay nila Tammi. Nakita niya si Lyka na nakaupo sa kawayang sofa terrace. Nakasumbrero ito na blue, oversized na T- shirt na gray, maong na square pants, at tulad niya, naka-chuck taylor din ito na red. Saglit siyang huminto, inayos ang damit at pumasok na sa gate.
"Lyka!" bati niya. Lumingon naman ito at ngumiti
"Oy! kumusta?" anito
"Ayos lang." sagot niyang nakangit at sumilip sa may pinto
"Si Tammi?" tanong niya
"Hay naku ayun naliligo pa. Kaybagal kumilos eh" sagot nito na halatang naiinip na.
Napangiti siya.
" Ang cute talaga niya. " aniya sa isip.
Tumabi siya dito.
"Buti pumayag si Inang na ikaw lang ang pupunta sa bayan." aniya
"Uhum" anito at tumango na hindi tumitingin sa kaniya. Patuloy na naglalaro sa celphone
"Kaunti lang naman ang bibilhin ko. Marami pa akong mga gamit last year." dugtong pa nito.
Nakangiti siyang pinagmamasdan ang mukha ni Lyka. Maganda ang kaibigan niya na ito. Hindi ito nag-aayos tulad niya at may pagka-boyish din ito manamit. Alam niya na maraming nagkakagusto sa bff niya na ito kaya lang hindi nangliligaw kasi baka tomboy. Napabuntong hininga siya. Nag-angat naman ng tingin si Lyka at nagtama mga mata.
"Marami ka bang bibilhin?" tanong nito.
Umiwas siya ng tingin at napalunok. Inayos ang buhot at inipit sa kaniyang kanang tainga.
"Kaunti lang din." sagot niya at ibinaling ang tingin sa garden ng Mama ni Tammi.
"Marami pa din naman akong tirang gamit last year so kaunti na lang nasa listahan ko." dagdag pa niya.
Tumango ito at muling binalik ang atensiyon sa nilalaro. Ramdam niya ang pag-init ng pisngi niya. Alam niyang namumula siya.
"Tammi!" pasigaw na tawag ni Lyka
"Baka naman pwede mong dalian aba" dagdag pa nito.
Padabog na tumayo ito at pumasok sa loob ng bahay nila Tammi. Sumunod naman siya dito. Sakto namang lumabas ng silid niya si Tammi.
Malaking binatilyo ito para sa edad niya. Hanggang kili-kili lamang sila nito. Kayumanggi ito at may very charming na ngiti.
"Sorry na." anito habang pinapalpagan ng kamay ang maong na pantalon.
"Ang dami kasing inutos ni Mama kaya hindi ako agad nakapagbihis." paliwanag nito
"Saka sino ba kasi nagsabi sayong agahan mo pumarine?" tanong nito kay Lyka na parang na-aasar.
"Si Nanay." sagot nito
"Sabi niya kapag hindi ko inagahan tiyak na tanghali na tayo makakaalis kasi makupad ka daw." sagot nitong nang-aasar talaga.
"Ah ganun." anito sabay lapit ng mukha niya dito at naka-ambang kokonyatan si Lyka.
"Oo. Bakit hindi ba?" pabalik na tanong ni Lyka at inilapit din ang mukha niya sa binata habang naka-ambang susuntokin ito. Hinatak niya si Lyka.
"Tama na yan kayo." saway niya
"Tayo na't nangako ako kay Lola na bago mananghalian ay makauwi ako." aniya saka inakbayan na si Lyka at naglakad na palabas. Pailing-iling namang sumunod si Tammi sa kanila.
Si Lyka, Tammi at Blake ay magkababata. Sabay-sabay sila nag aral sa iisang school mula Kindergarten hanggang High School. Ang mga magulang nila ay magkaklase din noong kabataan nila.
Si Blake ang kikay sa grupo. Mahilig itong mag-ayos at laging sinisiguro na pang-Fashionista palagi ang mga OOTD niya. Member siya ng Arts and Music Club. At isa siya sa mga palaging nakukuhang female lead sa mga stage play ng school.
Si Lyka naman ang Boyish sa grupo. Mahilig ito magsuot ng maluluwang na damit at sumbrero. Maliban na lang sa school, dito lamang ito nagsusuot ng palda. Ngunit sa ordinaryong araw o lakad lagi itong naka-boyish look. Member siya ng School Government Organization bilang Secretary at palaging nasa SGO office kapag walang ginagawa at nagpapalipas ng oras.
Si Tammi naman ang varsity ng grupo. Matangkad ito kaya nakuha itong forward sa basketball team ng school. Hindi man ito ka-gwapohan ay may napakacharming naman siyang smile na nakakabihag ng puso ng mga girls sa school. Moreno din ito na may pagka-chinito kaya ang lakas ng appeal nito.
"Tammi. Si Stan kailan babalik yun?" tanong ni Blake habang naglalakad sila patungong sakayan.
Si Stan ang pang-apat sa grupo nila. Tuwing bakasyon ay umuuwi ito sa Maynila para makasama ang magulang. Doon na kasi nakatira ang mga ito dahil sa Negosyo nila. Madalas din na may gamit na ito sa eskwela pagbalik ng probinsiya kaya hindi na ito bumibili sa bayan. Si Stan ang walking encyclopedia ng school. Straight Honor student ito since Elementary at siya ang President ng Student Government Organization. Siya ang tinatawag na Crush Ng Campus ng mga dalagita at Teachers sa school. Madalas din na i-partner kay Blake kapag may mga okasyon na kailangan ng representative sa section nila.
"Di ko alam." sagot niya "Nakalimutan ko din itanong kagabi nung naglaro kami eh." dagdag niya
"Buti pa siya laging nakakapag-bakasyon." anito
"Kailan kaya ako makakarating ng Maynila?" singit ni Lyka na wari'y nangangarap
"Kapag graduate ka na at maghahanap ng trabaho." pabirong sagot niya na nang-aasar. Napairap naman si Blake.
"Hay naku Tammi." Kunyari'y inis na turan nito
"Kaya ka laging nababasted eh." tukso nito
"Abay bakit may personal attack?" tanong niya
"Totoo naman ah. Hindi mo nga napasagot si Jenny eh." gatong ni Lyka
"Hindi niya ako sinagot kasi hindi ko naman tinuloy ang pangliligaw sa kanya." depensa niya.
"Oh talaga?" gatong pa ni Blake.
"Oo, talaga." sagot niya na medyo napipikon na
"Ikaw ba naman kalaban mo si Captain sa pangliligaw. Dun pa lang walang-wala na ako laban." sagot niya.
Ng biglang patakbong-lakad na dumaan sa gitna nila si Lyka at sumakay ng jeep at naupo sa unang upuan sa may pinto.
"Baka gusto niyong sumakay?" anito
"Ang daya!" chorus nila ni Blake. At agad na sumunod at naupo sa tabi nito.