×××
"Wait Alice, anong ibig mong sabihin?"
Pagka klaro niya sa sinabi ko.
Napa hawak na lamang ako sa noo ko.
Biglang nagbago ang isip ko at mabilis na iniling ang ulo.
"Wala-wala, huwag mo ng isipin iyon. Naguguluhan pa kasi ako ngayon, sorry"
Paghihingi ko ng pasensya sa kan'ya at naka pikit pa ang mga mata na napa iling.
"Hindi naman kita pinagmamadali eh, huwag kang mag alala 'tsaka huwag mo na rin munang isipin iyon. Ang mahalaga, sinabi ko na ang matagal ko ng gustong sabihin sa'yo"
Sagot niya sa akin.
Hindi ako maka pagsalita at inob-ob nalang ang sariling mukha sa unan.
"Nahihiya ako. Sorry ha? 'di ko talaga kaya makipag relasyon eh. Parang takot na akong maramdaman ulit iyong sakit na nararamdaman ko ngayon 'tsaka Dwayne takot din akong mawala ka sa buhay ko kaya gusto ko sanang manatili lang sana tayong magkaibigan"
Kagat ko ang kamay ko dahil hindi ko mapigilan ang sarili kong nararamdaman.
Na g-guilty ako dahil agad kong ni-reject si Dwayne. Hindi ko makita ang reaction niya dahil sa tawag lang naman ng phone kami nag uusap.
Narinig ko siyang napa buntong hininga.
"Okay lang, basta hayaan mo nalang akong nasa tabi mo; ang alagaan ka, protektahan, pasayahin. Iyon lang sapat na 'yon sa'kin. Kung okay lang sayo— kasi wala naman din akong magagawa eh, hindi ko talaga kayang palitan si Xian d'yan sa puso mo. Kaya sana, kahit kaibigan nalang; hayaan mo na akong gawin iyan lahat sa'yo"
Kalmado niyang sabi. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko kay Dwayne. Kung tutuusin napaka perpekto niya bilang maging boyfriend.
Kung magkaka girlfriend man siya in the future napaka suwerte ng babaeng magiging girlfriend nito.
Pero ngayon hindi ko talaga magawang maging boyfriend siya. Hindi pa kasi ako nakaka move on kay Xian at ayokong gawin siyang rebound.
At alam kong maintindihan iyon ni Dwayne kung bakit— ayoko siyang sagutin.
Sana lang talaga kahit ni-reject ko siya walang magbabago sa pagka-kaibigan namin. Natatakot ako baka isang araw bigla nalang siyang magbago at layuan ako.
"Pangako ko sa'yo Alice, palagi akong nasa tabi mo kahit ano pa man ang mangyari"
Sabi nito sa akin napa yuko ako at palihim na napangiti.
"Maraming salamat talaga Dwayne hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala ka sa'kin. Hindi ko ata kakayanin"
Sabi ko sa kan'ya.
"Paano mo naman iyan nasabi? Kahit kaibigan lang ang turing mo sa'kin. Kahit ang totoo nasasaktan ako sa rejection mo— okay lang sa'kin naintindihan kita. Ni-reject mo lang ako dahil hindi ka pa nakaka move on. Ni-reject mo ko dahil ayaw mong gamitin mo ko. Ni-reject mo ko dahil ayaw mong mawala ang friendship natin. Naintindihan ko lahat Alice kaya tinanggap ko kahit gaano man ito kasakit. Kahit gano'n man hindi parin kita lalayuan. Ayokong mag isa ka; gusto parin kitang makasama— bilang kaibigan mo. Weird nga lang kasi iyong kaibigan mo nagka gusto sa'yo pero huwag mo ng isipin iyon"
Ang bigat ng dibdib ko dahil sa mga sinabi sa akin ngayon ni Dwayne.
Hindi ko tuloy alam kung kaya ko pa siyang harapin ng personal. Natatakot akong makita siyang nasasaktan dahil sa akin.
Hindi naman kasi kadaling makatanggap ng rejection. Ang pagkakaalam ko emosyonal na sakit ang mararamdaman mo pag nakatanggap ka nito. Ang mga pagtanggi ay nakakasira din daw sa kalooban ng isang taong ni-reject, nagdudulot ito ng matinding galit at sinisira nito ang confidence ng isang tao. Sa kasamaang palad, ito ang ginawa ko kay Dwayne ngayon. Kaya hindi ko alam kong kaya ko pa ba siyang harapin sa susunod na araw, maiilang na siguro ako.
Napakabait ni Dwayne kahit ni-reject ko siya nandyan parin siya para sa'kin.
"Salamat talaga Dwayne"
--
Araw ng sabado, kung saan mag c-camping ang buong batch namin noong High School.
Kinakabahan, natatakot, at nanginginig ang kamay ko dahil makikita ko ulit ang mga kaklase ko na lage akong binu-bully nung High School.
Unti-unti akong lumapit sa kanila kung saan iyong bus.
Nasa labas pa sila at parang may hinihintay.
Habang palapit rinig ko na ang mga pinag uusapan nila.
"O.M.G! Finally nagka chance tayong mag kita-kita! Makikita na rin natin sa wakas ang prince natin!"
Sabi nung babae at sabay-sabay na tumili kasama ang mga friends nito.
"Exciting naman ito. Kamusta na kaya ang prince natin. Naalala ko may gusto iyon sa isang pangit. Kaklase niya ata"
"Oo nga nang malaman ko iyon gusto kong hanapin iyong babae at sampalin sa mukha"
At sabay-sabay na tumawa ang mga ito.
Napa lingon ako ng tinuro ako ng isa kong kaklase kaya naagaw ang atensyon ng ibang mga estudyante.
"Uy Alice pangit, nandito kana pala. Kamusta parang may nagbago sayo ah!"
Sabi ng kaklase kong lalaki at inakbayan ako sa balikat.
Bigla akong natakot at napa yakap na lamang sa bag ko at yumuko.
Hinawakan nito bigla ang pisngi ko para matignan niya ng maayos ang mukha ko.
"Ohh~ kuminis ang balat mo at nag ahit ka ng kilay pero may salamin ka parin sa mata. Pero kahit papaano nabawasan ang pagka pangit mo. Pero ang totoo pangit ka parin kahit ano pang paganda mo!"
Sabi nito sa akin. Iyong mga nakarinig nun lahat sila tumawa.
Gusto kong umiyak. Kasi naulit muli iyong nangyari sa'kin nung High School.
Tinulak ko siya kaya pinandilatan niya ako ng mata dahil sa ginawa ko.
"Tinulak mo ko"
Sabi nito na may galit na lumapit palapit sa'kin.
Itinaas nito ang isang kamay niya para sampalin ako dahilan ng mariin akong napa pikit at hinanda ang sarili na masampal.
Pero ilang sigundo na ang nakalipas wala paring malaking kamay ang dumapo sa pisnge ko nang dahan-dahan kung buksan ang mata ko nakita ko si Xian sa harapan ko.
Dahilan ng magsitilian ang mga babae sa nakakita sa kan'ya.
Nanlilisik ang mga mata ni Xian habang naka tingin sa lalaki at bigla niya itong sinuntok sa mukha kaya napa tigil ang lahat at nabigla.
"Anong karapatan mo para saktan siya! Ilapat mo iyang maduming kamay mo sa kan'ya kung 'di— hindi lang iyan ang aabutin mo sa'kin!"
Galit na sigaw nito sa lalaki napa titig na lamang ako sa kan'yang likod at hindi maka paniwala na ililigtas niya ako.
Nagsimulang mag bulungan ang mga estudyante at ang iba ay ang sama ng tingin sa akin.
Biglang napa tigil si Xian at may na realize sa ginawa niya.
Inayos niya ang damit niya at umalis na lamang sa tabi ko.
Hindi man lang tumingin sa akin. Nalilito ako kung bakit niya ako sinagip. Sinalubong naman siya ni Farra na parang kanina pa siya hinahanap.
Napa tingin si Farra sa akin at walang reaction na hinila niya si Xian palayo.
Napa lingon ako ng may humawak sa balikat ko ng makita ko si Dwayne pala.
"Alice sorry na late ako, trapic kasi eh"
Sabi nito sa akin. Napa tango na lamang ako.
Nang dumating si Dwayne nag sigawan na naman ang mga babae sa paligid.
Nakita na ulit nila ang Heartthrob ng Basketball team captain na si Dwayne.
Hindi pinansin ni Dwayne ang nasa paligid niya at ang buong atensyon nito ay nasa akin lang.
Nang makita ko siya naalala ko agad ang ginawa ko sa kan'ya na pag reject.
Bigla akong nahiya sa kaniya at napa iwas ng tingin.
"Naiilang ka ba sa'kin? Puwede bang kalimutan mo na iyon? Ayokong may magbago sa atin"
Sabi nito na ako lang ang nakakarinig.
Paano ko nga ba siya patutunguhan kong lage pumapasok sa isip ko ang guilt na ginawa kong pag reject sa kaniya.
"Isipin mo nalang hindi ako nagtapat sa'yo"
Naka ngiti nitong sabi sa akin.
Hindi ko naman magagawa iyon pero kung iyon talaga ang kailangan para hindi mailang sa kan'ya sige, susubukan ko.
"Sabi mo eh"
Sagot ko ngumiti lang naman siya at ginulo ang buhok ko na sinabing.
"Good girl"
Napa lingon kaming lahat ng may pumalakpak para kunin ang lahat ng atensyon namin.
"Okay guy's settle down, makinig kayo dahil may sasabihin ako sa inyo. Bago kayo umakyat sa bus itatawag ko ang mga pangalan niyo. Hindi ito group seat okay? Hindi niyo makakatabi ang mga kaibigan niyo, it's a new method para mas makilala niyo ang iba niyo pang mga kaklase na hindi niyo ka close dati noong High School"
Sabi nung babae. Siya ata ang mag ga-guide sa'min.
Bigla naman ding umangal ang iba pa naming mga kaklase. Iyong ibang mga section naman na ka batch namin— may sarili rin silang bus na sasakyan.
Sabihin nalang natin na taga section may sari-sariling bus.
"Ang unfair niyo naman! Ngayon nga lang kami magkikita-kita, hihiwalayan niyo pa kami ng seats!"
Reklamo nung maldita kong kaklase habang naka halokipkip ang mga kamay. Sumang-ayon naman din iyong mga ka grupo niya.
"Yeah right!"
Mataray na sabi nila habang nilalaro ang hibla ng buhok gamit ang isang kamay.
Palihim lang akong napa irap.
"Wala na kayong magagawa dahil ito ang sinabi ng head master. Kaya kung ayaw niyo wala talagang camping na magaganap kung mag re-reklamo kayo"
Sabi nito sa amin. Marami namang umangal at sa huli walang nagawa ang mga kaklase ko kundi sundin iyong guidelines.
At sa kamalas-malasan ba naman katabi ko si Xian. Okay sana kung si Dwayne lang. Pero si Xian at Dwayne ang katabi ko.
Nasa gitna ba naman ako. Gano'n ang mga puwesto namin ditong lahat. Hindi ba't nakakairita?
Boy, girl, boy ang arrangements ng bus. Halos lahat ng mga kaklase ko nag rereklamo na dahil hindi raw nila ma e-enjoy ang byahe nila katabi ang isang strangers.
Sa kasamaang palad itong mga katabi ko kilala ko na. Ex sa kaliwa manliligaw sa kanan.
Naupo na ako ngayon sa seats, nasa tabi ko na si Dwayne hinihintay nalang namin si Xian.
Ewan ko ba kinabahan na lamang ako bigla.
Nang maka akyat siya sa bus. Lumapit na siya sa seat niya kung saan sa tabi ko. Nasa tapat ko na siya at tinitigan ako; ilang sandali nilagay na niya ang mga gamit niya sa lalagyanan ng mga gamit dito sa uluhan namin.
Umupo siya at tahimik lamang na nilagay ang earphone niya sa tenga at pumikit.
Siningkitan ko lang siya ng mata. Bigla akong nakaramdam ng inis. Wala man lang siyang reaksyon ng makita niya ako.
Ganito na ba niya ako tratohin na parang strangers na lamang ako sa kan'ya? Na para bang wala kaming nakaraan?!
Ang hirap ko nga siyang kalimutan tapos siya pa chill-chill lang na parang wala lang ako sa kan'ya.
Nakakainis ang sarap niyang sabunutan.
"Grrr!"
Pagpipigil ko at aksyon na sasabunutan siya. Napa lingon ako bigla ng hawakan ni Dwayne ang kamay ko at iniling ang ulo kaya natauhan ako at mabilis na inayos ang sarili ko.
"Sorry"
I mouthed na walang busis na inilabas sa bibig ko.
Naintindihan naman niya iyon dahil napa tango siya at nag smile sa akin.
Lumingon siya sa bintana at gano'n din ako.
Hanggang sa hindi ko namalayan na naka tulog na pala ako.
×××
XIAN P.O.V
Napamulat ako ng mata ng may kanina pa akong may nararamdaman na mabigat sa balikat ko, nang tignan ko ito ang ulo pala ni Alice ang nakapatong dito.
Bigla akong napa tulala ng tignan ko ang mahimbing niyang pag tulong. Inaanod ng hangin ang kan'yang hibla ng buhok na natatakpan sa kan'yang mukha.
Marahan ko itong nilagay sa likod ng tenga niya para hindi na ulit matakpan ng buhok ang mukha niya.
Napa ngiti ako dahil hindi parin pala talaga mawala sa puso ko ang pagmamahal ko para kay Alice.
Biglang naglaho ang ngiti ko ng may taong nagsalita kaya napa tingin ako sa kan'ya.
"Pinapahirapan niyo lang dalawa ang sarili niyo"
Seryoso nitong sabi. Sinamaan ko ng tingin si Dwayne. Oo, si Dwayne ang nagsasalita at nakatingin din ito sa akin na may pang aasar na ngiti.
"Anong pinagsasabi mo?!"
Kalmado pero na aasar na tanong ko sa kan'ya. Kailangan kong kumalma dahil baka magising si Alice sa balikat ko.
"Alam ko naman na mahal mo pa si Alice. Pero bakit pinag papatuloy mo pa rin ang pag aalaga kay Farra? Hindi mo naman responsibilidad iyon hindi ba?"
Naka ngisi parin na sabi nito sa akin. Sa asta nito ngayon parang hinahamon niya ako.
Bigla kong hinigpitan ang kamao ko. Hindi ko mapigilan ang inis ko sa kan'ya dahil matagal ko na rin napapansin na lage itong naka buntot kay Alice at nagseselos ako do'n.
"Wala kang alam, kaya huwag ka ng maki alam"
Sabi ko sa kan'ya. Napa smirk siya at napa iling 'tsaka deretsong napa tingin sa akin.
"Sigurado ka ba d'yan? Hindi mo pa ko lubusan na kilala Yzkeil. Alam ko ang lahat— kaya nga ikaw dapat ang mahimik d'yan"
Nanlalaking mata na sabi nito. Gusto ko ng sumabog sa galit.
Pero nagpipigil ako. Inis na iniwas ko nalang ang tingin ko sa kan'ya at hinawakan ang ulo ni Alice.
Kukunin ko ang opportunity na'to para makasama siya habang tulog. Pag gising nito lalayo na ito sa'kin kaya hindi ko 'to sasayangin sa walang k'wentang tulad ni Asher. Kaasar siya bakit kasi sa lahat ng tao ito pa ang katabi namin dalawa ni Alice, kumukulo tuloy ang dugo ko sa kan'ya.
Malalim akong napa buntong hininga at pinikit nalang ang ulo na inakbayan si Alice. Buti nalang hindi madali gisingin ang babaeng ito.
×××
DWAYNE'S P.O.V
Napailing na lamang ako sa inasta ni Yzkeil o kilalang Xian.
Hindi naman ako masamang tao. Pinapakita ko lang sa kan'ya ang makakalaban niya pag sinaktan pa niya lalo si Alice.
Hinayaan ko lang siya ngayon dahil ang totoo mahal naman talaga nila ang isa't-isa. Meron lang talagang humahadlang sa pagmamahalan nila at alam ko sa sarili ko kung sino iyon.
May naunang bus at ang bus nila Farra iyon, nag tagpo ang mga mata namin at alam kong nakita niya sila Xian at Alice.
Nakita ko ang galit, inggit at selos sa mga mata niya kaya napa ngisi ako. Nakita niya iyon bago lagpasan ng sinasakyan nila Farra ang bus namin.
Mas lalo akong napa ngisi 'tsaka napa iling ng maisip ang susunod na mangyayari.
Paniguradong masaya ang mangyayari sa camping na 'to, siguradong may sekreto ang mabubunyag.