webnovel

Chapter 27: Leaving the Campus Prince

×××

"Bakit ka ba nakikipag hiwalay sa'kin? Anong kasalanan ko!"

Mahigpit nitong hawak sa braso ko.

Kahit namamaga ang mata, pinuntahan ko parin siya kung saan ang tagpuan namin dalawa.

Mas maganda kung sa harapan ni Xian ko ito sasabihin kahit sobrang sikip na ng dibdib ko dahil sa sakit.

Nakikita ko sa expression ni Xian ang sobrang pagkabigla at pagkalito sa nangyayare.

Hindi ko dapat sabihin sa kan'ya ang dahilan kung bakit nakikipag hiwalay ako sa kan'ya.

Dahil nangako ako kay Farra na tutuparin ko ang huling pangarap niya. Ang makasama si Xian hanggang sa huling hininga niya.

Hindi ako makasarili lalo na't buhay ang pinag-uusapan.

"Sumagot ka Alice! Ano at kailangan mo pang makipag hiwalay sa'kin?! Dahil ba sa ugali ko? Dahil ba sa nasobrahan na ako sa pagmamahal ko sa'yo? Sumagot ka babaguhin ko!"

Namumula ang mata na sabi nito sa akin na para bang may nagbabadyang tumulo na luha sa mata niya.

Nanginginig ang kamay nito dahil sa matinding sakit, galit, pagkalito, pagkabigo, kalungkutan.

Emosyonal na pamamanhid ang nararamdaman nito ngayon, habang naka hawak sa balikat ko.

Yumuko lang ako at pinipigilan ang luha na gustong tumulo galing sa mga mata ko.

"Pagod na ako Xian, ayoko na sa'yo"

Tipid kong sabi sa walang ganang busis.

Napatulala siya sa akin at hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Masaya naman tayo ah? Bakit napagod ka? Anong dahilan Alice, nalilito na ako, sa sobrang pagkalito mababaliw na'ko!"

Sigaw nito sa harapan ko. Sobrang frustrated na siya na napa hilamos ng kan'yang mukha 'tsaka napasabunot sa kan'yang sariling buhok.

"Mahal kita Alice, totoo ang pagmamahal ko pero bakit mo ako gina-ganito. Wala akong paki alam sa hitsura mo sa pagkatao mo o kung ano man iyan! Basta mahal kita, pero bakit... Bakit bigla mo nalang akong iiwan?"

Malungkot nitong sabi. Kumalas ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Walang dahilan Xian, nagsasawa na ako sa'yo kaya puwede ba. 'wag mo ng ipilit sa akin ang pagmamahal mo! 'di ko na iyan kailangan. Hindi na"

Malamig kong sagot. Napatulala siya sa sinabi ko.

Pero ang totoo hindi nakakasawa ang pagmamahal niya. Kailangan ko siya, ang pagmamahal niya, gusto ko habang buhay kaming magkasama at masaya ako pag nasa piling niya.

Pero kahit gustuhin ko man kailangan kong magparaya.

"Hindi kita deserve Xian. Na pakiramdam ko you deserve someone better iyong ka level mo, na hindi ang katulad ko ang katuyan mo"

"Ano bang pinagsasabi mo?! May nambully na naman ba sa'yo? Sinong nagsabi niyan pupuntahan ko!"

Sigaw nito. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Ako lang Xian kahit sa anong anggulo pa natin tignan hindi talaga tayo bagay. Guwapo ka pangit ako at iyon ang hindi natin mapagkakaila"

Bigla niyang hinawakan ang magkabilaan kong pisnge at tinignan ako.

"Alice, wala akong paki alam. Hindi basihan ang hitsura mo para hindi kita mahalin. Puwede bang maging masaya ka nalang para sa ating dalawa? Huwag mo ng isipin ang sasabihin ng ibang mga tao. Huwag mo kong ipagtulakan dahil lang sa hindi tayo bagay o dahil sa mga matang mapanghusga!"

Umiling ako.

Hindi ko alam kung paano ko siya iiwan kung ganito naman ang mga sasabihin niya.

Hindi ko na alam kung ano ang irarason ko dahil walang katiting na rason para iwan ko siya.

"Huwag mo ng ipagpilitan ang relasyon natin Xian. Dahil wala na akong pagmamahal sa'yo"

"Ito ba ang gusto mo? Talaga bang sigurado ka na sa mga pinagsasabi mo?"

Seryoso nitong sabi.

Pilit akong tumango para matapos na ang lahat ng 'to.

Masakit na ang dibdib ko at pagod na pagod na ako.

"Kung gano'n re-respetohin ko ang desesyon mo kahit masakit sa loob ko lalo nasa dibdib ko. Pero iyon ang sabi mo eh, wala na akong magagawa do'n. Kahit ipaglaban ko pa ang relasyon natin dalawa pero pilit ka naman bumibitaw, mapapagod lang ako. Dahil all this time sa ating dalawa ako lang ang nagmahal. Kaya simula ngayon tapos na tayo at hindi ko na ipagpipilitan ang pagmamahal ko sa'yo"

Malamig nitong sabi.

Sumuko na talaga siya.

Nakikita ko ang unti-unti niyang pagtalikod para maglakad palayo at iwan ako.

Tuluyan na akong napa upo dahil sa kanina pang panlalambot ng mga tuhod ko. Napahikbi na lamang ako mag-isa na dinadamayan ng katahimikan dito sa lugar, na huli naming tagpuan ng lalaking mahal ko.

--

Nandito kami ngayon ni Dwayne sa Park at naka tambay sa food court dito sa labas kung saan makikita ang malawak na karagatan.

1 month na ang nakalipas at hindi parin ako nakaka move on.

Tinulungan ako ni Dwayne na kalimutan si Xian pero hindi ko magawa.

Kahit nagsisi pinanagutan ko ang ginawa ko.

Hindi ko sinabi ang totoong dahilan kay Dwayne kung bakit iniwan ko si Xian.

Alam ni Dwayne ang setwasyon ni Farra. Pero hindi niya magawang lumapit dito sa hindi niya malamang dahilan, pero nag alala naman siya rito.

Kamusta na kaya si Xian? Sila na ba ni Farra. Nasa tabi na ba siya ni Farra ngayon? Nakalimutan na kaya niya ako?

Hindi matigil ang pagtatanong ng isip ko.

Hindi ko maiwasan isipin na wala na kami ni Xian na hanggang doon na lamang kami. Na para bang pinagtagpo lang kaming dalawa pero hindi naman itinadhana.

Ang sakit. Gustong-gusto ko si Xian pero nagparaya ako. Katunayan kung hindi ako na inlove kay Xian matagal nang sila ni Farra.

Si Farra at Xian na sana ang magkakatuluyan kong hindi ako pumagitna sa kanila.

Kasalanan ko rin at alam ko iyon sa sarili ko.

Ang totoo nahihirapan na ako. Walang oras na hindi ko siya nami-miss.

Napatingin ako kay Dwayne ng hawakan niya ang kamay ko.

"Kanina ka pa tulala. Huwag kang mag alala Alice, magiging maayos lang din ang lahat."

Sabi niya sa akin. Tumango na lamang ako at pinilit na ngumiti sa kan'ya.

Hindi naman madaling kalimutan ang isang tao kung mahal mo pa siya.

"Siguro ito na rin ang panahon na kalimutan na siya"

Sabi ko sa sarili. Tinignan lang ako ni Dwayne.

"Hayaan mo nandito lang naman ako. Hindi kita pababayaan"

Sabi niya sa akin. Mabuti nalang nandito siya para tulungan ako kahit paano hindi ako mas'yadong nalulungkot.

Alam ko ako ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay ni Xian. Pero may dahilan naman iyon kaya iniwan ko siya. Hindi ko lang masabi sa iba kasi ayokong masira ang pangarap ni Farra.

Siguradong alam na ito ni Xian at inaalagaan na niya ngayon si Farra. Kahit masakit isipin mas mabuti na iyon.

Hindi ako makasarili kahit masaktan ako at masakit sa dibdib. Okay lang kakayanin ko.

Alam ko paulit-ulit ko na itong sinasabi, ginagawa ko ito para mabawasan ang sakit at guilt na nararamdaman ko.

Okay na rin ito. Pag nawala na ang feelings ni Xian sa akin magiging okay rin ako. Pag nalaman kong si Farra na ang tinitibok ng puso niya. Okay lang ako. Okay lang talaga...

Naramdaman ko ang marahan na pagpahid ni Dwayne sa pisngi ko gamit ang kan'yang daliri. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Alam kong sobrang sakit ng nararamdaman mo. Kahit ikaw itong nakipag break. Kahit nalilito rin ako sa dahilan mo. Pero re-respetohin kita dahil iyon ang nararamdaman mo. Na wala kana talagang pagmamahal sa kan'ya. Pero alam mo ba? Alam kong nagsisinungaling ka lang dahil sa mga mata mong iyan alam kong mahal mo pa siya"

Marahan niyang busis na sabi niya sa akin.

Aaminin ko hindi ako magaling magtago ng emotion lalo na pag sobrang sakit na ng dibdib ko.

Pero kung ganito na madali naman pala basahin ang expression ko. Bakit hinayaan lang ako ni Xian ng mga panahon na iyon.

Dahil ba nirerespesto niya rin ang desesyon ko o para matoto ako sa gagawin kong desesyon? Hindi ko alam ang dahilan. Matalino naman si Xian, hindi naman siya bobo pagdating sa mga ganitong bagay.

Gusto kung itanong kay Dwayne na alam kaya ni Xian kung anong ginagawa ko? Kung bakit ko siya hiniwalayan?

Na realize kaya niya na dahil hiniwalayan ko siya ay dahil sa pangarap ni Farra.

Kung alam niya bakit hindi niya itanong sa akin at siguraduhin na iyon ba talaga ang dahilan ko.

Napa lingon kaming dalawa ni Dwayne sa bagong dumating sa food court.

Hindi pa nga ako nakaka move on heto siya at nagpakita sa akin.

Anong tadhana ito kina-karma na ata ako sa ginawa ko sa kan'ya.

Nag order sila ni Xian at Farra ng makakain nila.

Napaka sweet nilang dalawa na para bang mahal na mahal nila ang isa't-isa.

Naalala ko sabi ni Farra pag magkasama na sila ni Xian huwag na akong magpakita pa sa kanila.

Alam kong ang sama pakinggan no'n pero tama na iyon para wala na kaming closure ni Xian.

Dahil kung may connection pa kaming dalawa mas mahihirapan kaming mag move on sa isa't-isa.

Tumayo ako at hinawakan ang kamay ni Dwayne.

Aalis nalang kami rito. Hindi naman umangal ang kasama ko at hinayaan niya lang ako na hilahin siya.

Pero nang aalis na sana kami napa tigil na lamang ako ng may humawak sa isang kamay ko dahilan ng mapalingon ako sa taong may hawak nito.

Nakita ko si Xian na nakatitig sa mga mata ko.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Iyong bilis na parang nagsasabi na si Xian parin ang tinitibok ng puso ko.

Oo aaminin ko hindi kadaling mawala ang feelings ko sa kaniya pero sinusubukan ko.

Pero kung ganito naman na nagkita ulit kami parang ang hirap.

Walang salita na hinila ako ni Xian dahilan ng mapabitaw ako sa kamay ni Dwayne.

Ngayon nandito na kami sa dalampasigan.

Anong dahilan at hinila niya ako papunta rito?

"Alam mo naman na hindi ako bobo pagdating sa mga ganitong bagay hindi ba? Ito ba ang dahilan kaya mo ko iniwan? Nagparaya ka dahil ito ang pangarap ni Farra ang maging boyfriend ako? Tama hindi ba? Dahil wala naman ibang dahilan para iwan mo ko dahil masaya naman tayo no'ng una. Wala tayong problema hanggang sa bigla kang bumitaw. Naghanap ako ng sagot kung bakit mo ko iniwan hanggang sa magpakita sa akin si Farra at sinabi sa akin na may sakit siya. Doon ko napagtanto ang lahat baka nakiusap siya sa'yo. Hindi ko alam kung tama ang teyorya ko. Pero naintindihan kita, parang tama naman ang naging desesyon mo. Na realize ko hindi talaga tayo para sa isa't-isa. Siguro talagang si Farra ang para sa akin hindi ko lang siya nabalingan ng pansin dahil na d-distract ako sa presensya mo. Pero masaya ako sa panahon na naging tayo. Huwag kang mag alala hindi ko kakalimutan ang pinagsamahan natin."

Sabi niya at iniwan na naman ako ritong mag-isa.

Naglakad na naman siya palayo sa akin.

Parang tanggap na niya.

Naramdaman ko ang sakit. Ako ang nang iwan pero ako itong lalong nasasaktan.

Hindi ko mawari kung tama ba talaga itong ginagawa ko.

Sobrang hirap ng sitwasyon ko na 'to. Sana hindi ko nalang kasi nakilala si Xian. Sana dati palang hindi ko na siya kinausap.

Nakita ako ni Dwayne at tumakbo na lumapit sa akin at niyakap agad ako.

Si Dwayne lang ang karamay ko sa mga times na ganito.

Niyakap ko rin siya ng mahigpit at sa dibdib niya ako humagol-gol.

"Alice"

Tawag nito sa pangalan ko at bumitaw ito sa pagkakayakap sa akin.

Tinignan ko siya kahit nanlalabo ang mata ko kahit may salamin naman ako sa mata.

Pinahid niya muna ang luha ko at tinignan ako ng masinsinan.

Hinawakan nito ang dalawang kamay ko dahilan ng napa tingin ako sa mga kamay namin na magkahawak.

Tinignan ko ang mukha niya na may pagtataka.

Bakit hawak ni Dwayne ang kamay ko? At sa expression niya ngayon, parang kinakabahan siya.

Napa buntong hininga siya ng malalim at mas lalong hinigpitan ang hawak nito sa kamay ko.

Naguguluhan na tuloy ako pero nanatili na lamang akong tahimik na hinihintay ang sasabihin niya.

"Alam kong wrong timing ang sasabihin ko ngayon lalo na't hindi ka pa nakaka move on pero sa tingin ko ito na rin ang oras na itanong ko ito sa'yo kung puwede..."

Hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin niya. Dahil parang nag da-dalawang isip siya kung itatanong ba niya o hindi.

Pero hinintay ko parin.

Bakit kasi pabitin pa niyang sinasabi kinakabahan tuloy ako.

"Kung puwede..."

Hindi ko na kinaya sa sobrang kuryosedad na sasabihin niya kaya nagsalita na ako.

"Ano ba talaga iyan Dwayne sabihin mo na. Alam mo bang kinakabahan na ako kung bakit paputol-putol iyang sinasabi mo?"

Nabigla naman din siya sa sinabi ko at napailing na inayos ang sarili niya 'tsaka tumingin ng deretso sa mga mata ko.

"Puwede bang..."

Humugot muna siya ng hangin at nagsalita na.

"Puwede ba kitang maging girlfriend?"

Nang marinig ko ito parang nabingi ako.

Tahimik lang kaming dalawa na iyong alon lang ng karagatan ang naririnig sa pagitan namin dalawa.

Hinihintay nito ang sagot ko.

Pero hindi ko kayang mailabas ang busis sa bibig ko sa sobrang pagka bigla ko sa sinabi niya.

Totoo ba ito? O nagloloko lamang siya?

Ano kayang nasa utak ni Dwayne? Naawa na ba siya sa kalagayan ko kaya niya ito nasabi?

Próximo capítulo