webnovel

Chapter 20: It's All Nightmare

×××

Xian Point Of View

Bigla ako nagising sa pagkakatulog ng ma realize ko na lahat pala iyon ay panaginip lang.

Napahilamos ako ng mukha at may nakapa sa aking pisnge. Basa ito galing sa aking mata. Umiiyak pala ako habang natutulog at nanaginip ng masama.

Mabilis akong napatayo ng kama habang may pilit na tinatawagan.

"Alice sagutin mo please... Please"

Bulong ko sa sarili habang hindi mapakali sa paglalakad ng pabalik-balik dito sa loob ng kuwarto.

Nang sinagot niya ang tawag ko, agad kong tinawag ang pangalan niya.

"A-alice"

Hindi ko mapigilan ang panginginig ng mga labi ko.

"Xian? Anong nangyare sa busis mo? Okay ka lang ba d'yan?"

Pag alala niya. Nang marinig ko ang busis niya bigla nalang nanghina ang mga tuhod ko at napa upo sa kama 'tsaka tinakpan ng isang kamay ang mga mata.

"P-p'wede ba tayong magkita?"

Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko.

Akala ko mawawala na siya ng tuluyan sa'kin. Akala ko 'di na kami magkikita.

"Sige pero talaga ba'ng okay ka lang?"

Pag aalala nito hindi ako sumagot.

"Magkita nalang tayo sa park"

Sagot ko 'tsaka pinatay ang cellphone at nagmadaling nagbihis.

Nag text si Alice at sinabing may sasabihin din siya sa akin na ikasasaya ko raw.

Hindi ko ito inintindi at mabilis na umalis ng bahay para pumunta ng park.

Ilang minuto ang nakalipas nandito na ako sa lugar kung saan kami magkikita ni Alice.

Hindi parin ako mapakali. Wala pa siya at kinakabahan ako baka magkatotoo ang panaginip ko.

Balisang-balisa na hinihintay si Alice na dumating.

Nang makita ko siyang palapit sa akin agad ko siyang sinalubong ng yakap nabigla naman din siya sa ginawa ko.

"Talaga bang okay ka lang?"

Takang tanong nito na may pag alalang busis. Hindi ako umiimik na mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kan'ya.

"Alice natatakot ako"

Bulong ko sa kan'ya habang nakayakap parin.

Gusto niyang humiwalay sa yakap ko pero 'di ko siya pinagbigyan.

"Nag aalala na ako sa'yo ba't ka ba nagkaka gan'yan?"

Taka nitong sabi. Siniksik ko ang ulo ko sa liig niya.

"May napaginipan ako. Sobrang sama at napaka sakit"

Bulong ko sa kan'ya.

"Puwede bang umupo muna tayo at pag usapan natin iyan?"

Sabi niya sa akin tumango na lamang ako at umupo nga kami sa upuan.

"Xian hindi ako sanay na gan'yan ka. Talaga bang sobrang sama ng panaginip mo? Okay lang iyan hindi naman totoo ang panaginip. Ang panaginip kabaliktaran lang naman iyan sa realidad"

Sabi nito sa akin ng maka upo na kami sa bench dito sa park.

"Alam ko iyon Alice pero hindi ko mapigilan parang totoo. Parang pinapahiwatig sa akin na may mangyayareng masama sa'yo"

Sagot ko sa kan'ya nabigla naman siya at napa turo sa sarili niya.

"Sa'kin? Bakit? Ano bang nangyari sa'kin sa panaginip mo?"

Tanong nito. Ek'wenento ko kay Alice ang nangyare sa kan'ya sa panaginip ko, nang marinig niya iyon bigla niya akong niyakap.

"Ano ba iyan kung ano-ano kasi nasa isip mo kaya ka nanaginip ka ng masama"

Sermon nito sa akin. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Kasalanan ko oo, pero hindi ko maiwasan. Alice, aalis ka iiwan mo 'ko anong iisipin ko? Mag kukunwaring masaya? Paano kung makahanap ka ng iba paano kung hindi kana babalik?"

Hinawakan niya ang kamay ko.

"May sasabihin ako sa'yo alam kong ikatutuwa mo at hinding-hindi ka na malulungkot"

Pag iiba niya ng usapan hindi ako sumagot subalit hinintay ko nalang ang sasabihin niya.

"Smile ka muna"

Sundot nito sa gilid ng t'yan ko. Tinapik ko ang kamay niya.

"Alice hindi ako okay. Wala akong ganang makipagbiruan sa'yo"

Malamig kong pagkakasabi sa kaniya. Napa pout naman siya at tumigil na umayos ng upo.

"Gusto lang naman kita e-cheer up eh"

Bulong nito habang naka simangot napa buntong hininga na lamang ako at kinalma ang sarili ko.

"Ano bang sasabihin mo? 'di ba mamaya na ang alis mo papuntang Canada?"

Tanong ko sa kan'ya.

"Iyon nga ang sasabihin ko. Xian, hindi na kami matutuloy sa Canada"

Sabi nito sa akin na kinatitig ng mga mata ko sa kan'ya.

"Hindi ka na aalis"

Nakatulala kong sabi. Tumango naman siya ng may ngiti sa labi.

Biglang nabuhayan ang sarili ko sa narinig at napatayo na hinila si Alice para kargahin.

"Alice sobrang saya ko!"

Sabi ko sa kan'ya. Ngumiti lang naman siya at niyakap ako.

"Ako rin Xian sobrang saya ko kasi magkasama parin tayo at alam mo ba excited na excited ako kanina na ipaalam 'to sa'yo"

Sabi niya hinalikan ko siya bigla sa labi ng hindi ko namamalayan.

Bigla kaming napatigil dalawa at pinamulahan ng mukha.

Napalayo ako sa kan'ya at tinakpan ang labi ko gamit ang likod ng palad sa isang kamay ko.

Nabigla rin si Alice na nakatingin sa akin habang nakalapat ang kamay sa labi niya at namumula ang mukha.

"S-sorry Alice hindi ko sinasadya. Nadala lang ako ng kasiyahan ko"

Sabi ko. Napa tango-tango na lamang siya na napaupo sa bench.

Ito ang kauna-unahang halik namin sa labi ni Alice.

Bigla ako nainis sa sarili ko. Bakit kusa nalang gumalaw ang katawan ko hindi ko agad dapat hinalikan si Alice.

Ano nalang ang iisipin niya tungkol sa'kin?! Ayokong magalit siya dahil lang do'n.

Alam kong masama ang ugali ko pero may respeto naman ako sa mga babae lalo na kay Alice.

Umupo ako sa bench at napahilamos ng mukha. Hindi lang ako ang naiilang sa nangyari pati na rin ata si Alice ay naiilang sa akin.

"Sorry talaga, galit ka ba?"

Tanong ko. Hindi siya nagsalita na umiling sa akin.

Puwede bang magsalita nalang siya mas mapapanatag ako kung sasabihin niyang okay lang siya.

"Hindi ko na ulit uulitin kung ayaw mo ng gano'n"

Sabi ko sa kan'ya. Napalingon siya at mas lalong pumula ang mukha na umiwas ng tingin.

"O-okay lang"

Sabi nito, napa buntong hininga ako.

"Alam kong gusto natin ang isa't-isa at nag d-date na tayong dalawa pero puwede ko bang itanong sa'yo kung girlfriend na ba talaga kita?"

Tanong ko. Hindi pa kase malinaw sa akin ang lahat lalo na at walang sinasabi sa akin na sagot si Alice.

"Xian nakakahiya bakit mo pa tinatanong sa akin iyan. Hindi pa ba halata na pinapayagan kita na makipag date sa'kin dahil gusto rin kita. Ibig sabihin no'n oo girlfriend mo na ako"

Iwas na tingin niya sa mga mata ko. Halatang nahihiya sa mga sinabi niya. Ako man din ay nahihiya sa tanong ko pero kailangan kong itanong para maging malinaw ang lahat sa pagitan naming dalawa.

"Sinabi mo na rin ba ito kay Dwayne?"

Tanong ko sa kaniya para mawala ang pagka ilang sa aming dalawa. Napa lingon naman din siya sa akin.

"Hindi pa nga eh sa'yo ko na muna pinaalam para hindi niya sirain ang masayang ibabalita ko sa'yo"

Napa tango-tango na lamang ako.

"Dapat lang na ako ang unang maka alam, boyfriend mo ako eh"

Sabi ko. Bigla na naman pinamulahan si Alice at ako naman din ay nahiya sa sinabi ko.

Hindi ko alam pero napapansin ko habang kasama ko si Alice unti-unting nagbago ang ugali ko. Hindi na ako madalas nagsusungit at naging masayahin ako.

"Siguro kailangan na nating sanayin ang sarili natin patungkol sa ating dalawa"

Sabi niya, sumang ayon naman din ako.

Pagdating kay Alice nagiging kalmado ako at mabait nang hindi ko namamalayan. Dahilan ata ito ng pagka inlove ko sa kan'ya.

Tinignan ko siya. Kahit hindi siya maganda kahit may salamin pa siya sa mata kahit pandak at maitim siya kahit maging buhaghag pa ang buhok niya kahit hindi man maganda ang suot niya mamahalin ko parin siya.

"Xian"

Tawag nito sa akin tumugon naman ako.

"Ano iyon?"

Sambit ko. Lumapit siya sa akin at may itinanong.

"Bakit ako ang minahal mo?"

Tanong niya habang naka tingin sa mga mata ko.

Tinignan ko naman din siya.

"Dahil iyon ang nararamdaman ko.

Gusto kitang makasama ayokong lumayo ka, nababahala ako sa kalagayan mo, gusto kitang protektahan ayaw kong nagkakasakit ka ayokong nakikita kang umiiyak. Lage kitang iniisip, masaya ako pag nasa tabi kita. Ayaw kong may iba pang lalaki ang umaaligid sa'yo dahil nagseselos ako"

Napatulala lang siya sa sinabi ko.

"Iyon ang dahilan kaya nasabi kong mahal kita"

Pagpapatuloy ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti.

"Mahal din kita, Xian"

Siya naman ang tinanong ko.

"Paano mo naman nasabi?"

Napaisip siya at humarap sa akin.

"Kasi iyon ang sabi ng puso ko"

Simpleng sagot niya.

"Paano pag pinalitan iyang puso mo"

Napatigil siya sa sinabi ko at hinampas ako sa balikat. Hindi naman masyadong masakit.

"Isa pang hampas hahalikan kita"

Pagbabanta ko. Lumayo naman din siya ng kaunti sa akin.

Na kinaangal ko.

"Bumalik ka nga dito sa tabi ko!"

Utos ko sa kan'ya. Napa simangot siya at mabilis na umiling.

Napa buntong hininga nalang ako.

"Biro lang kasi, bumalik kana"

Kalmado kong sabi. Unti-unti siyang lumapit sa tabi ko. Dahilan ng bigla ko siyang hinila.

Magkalapit na ang mga mukha naming dalawa. 

Sa totoo lang nagagandahan ako sa kan'ya. Iba ang ganda niya kaysa sa mga babaeng may nilalagay sa mukha. Ang mukha ni Alice natural na natural lang at alam mong totoo at walang halong chemical.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko habang matagal ko siyang tinititigan.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero nahanap ko nalang ang sarili kong marahan na hinalikan ang labi ni Alice.

Próximo capítulo