webnovel

Chapter 10: Partner

×××

Nakatanga ako ngayon sa klase habang nag d-discuss ang guro namin sa harapan.

Hanggang ngayon hindi parin ako maka move on sa sinabi sa akin ni Farra kahapon.

Paano ba naman kasi pati si Farra ay humihingi na rin ng tulong sa akin.

Napakamot na lamang tuloy ako ngayon sa ulo sa subrang frustration ko.

Tatlong tao na humihingi sa akin ng tulong. Love triangle na ako ngayon ang tinatakbuhan para matigil nga ito.

Ang nais ni Xian masira ang relasyon ng dalawa. Si Dwayne naman ang nais nito ay tulungan ko siya kay Farra para sagutin na siya. Ngunit ito namang si Farra humingi rin ng tulong sa'kin para mawala rin ang feelings ni Dwayne sa kan'ya.

Like hello! Anong gagawin ko sa tatlong ito! Hindi naman ako iyong nasa kalagayan nila pero ako itong na mum-roblema.

Stress na stress na nga ako sa kakaisip kung ano at sino sa kanilang tatlo ang tutulungan ko.

Ang layo ng isip ko sa reyalidad kung saan nag p-pair na pala ang guro namin sa harapan para sa project namin na essay kaya nung narinig ko ang pangalan ko bigla akong napatayo sa inaakalang resitation.

Bigla tuloy napatingin lahat ng mga kaklase ko sa'kin dahil sa gulat. Napatigil din iyong guro namin sa pagtawag at naalis ang tingin nito sa class record para tignan ako.

"Ms.Martinez, is their something wrong?"

Takang tanong niya sa akin. Napa kamot naman din ako sa pisngi sa sobrang hiya.

"Uhm... Inaayos ko lang po ang upuan ko"

Pagdadahilan ko at action ngang inayos iyong upuan 'tsaka na muling umupo. Tumango-tango na lamang ang guro ko sa akin. Iyong mga ilang kaklase ko naman napairap na lamang at ang iba sa kanila ay hindi na ako pinansin.

Napa buntong hininga na lamang ako. Sino kaya iyong magiging ka partner ko sa essay? Pangalan ko lang kasi ang narinig ko sa lalim ng pag iisip ko kanina.

Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang mga mata ko at tinignan si Xian. Nanlaki ang mata kong naka tingin din siya sa akin habang nasa desk iyong siko niya at ang palad nito'y nasa pisngi.

Nakasimangot ito at enismiran akong umiwas na siya ng tingin. Napansin ko si Dwayne na nag thumbs up lang sa akin at ngumiti. Kaya ngumiti nalang din ako kahit pilit.

Hapon na at hudyat na iyon na tapos na ang klase namin ngayong araw. Nasa room parin naman ako at nagsusulat.

Ang iba sa mga kaklase ko nagsiuwian na at ang iba sa kanila ay nag stay sa room pero ilang sandali rin ay lumabas na rin ng room kaya naiwan na lamang ako mag-isa.

Pakiramdam ko wala pa ako sa huwisyo para umuwi ng bahay kaya nag stay muna ako sa room sandali at tumingin sa labas ng bintana habang naka upo parin sa upuan ko.

Pinagmamasdan ko iyong mga estudyante na kakalabas lang ng building ng school na'to.

"Nandito ka"

Narinig kong sabi niya sa malamig na busis. Napalingon tuloy ako bigla sa kan'ya.

"Xian"

Tawag ko sa pangalan niya. Napa buntong hininga siya at napa upo sa desk malapit lang sa akin.

"Saan mo gusto na lugar para gumawa ng essay?"

Sabi niya sa akin. Hindi agad ako makapag salita.

Ibig ba sabihin nito siya ang ka partner ko?.

Umiwas ako ng tingin sa kan'ya.

Bakit parang may kakaiba sa kinikilos niya?

"Dali saan mo gusto?!"

Kalmado na sabi niya pero may halong inis. Lumingon ako sa kan'ya pero umiwas din agad dahil sa deretso ang tingin nito sa akin.

"Sa bahay nalang siguro"

Sagot ko sa kan'ya. Matapos kong sumagot tumayo na rin siya at naunang naglakad.

Tinignan ko lang siya akala ko aalis na siya ng tuluyan pero huminto siya sa may pintuan at inilingon niya ang ulo niya sa akin habang ang katawan niya ay nakaharap sa pintuang bukas.

"Hindi ka pa ba tatayo d'yan?"

Nakasimangot na sabi niya kaya nataranta ako at napatayo na kinuha ang bag ko.

Napa esmid lang naman siya at tuluyan ng lumabas sa pinto na hindi man lang ako hinintay para sabayan siya sa paglalakad.

"Mama, nakauwi na po ako"

Sigaw ko ng buksan ko ang pintuan ng bahay namin.

Nakatayo lang sa likuran ko si Xian at hindi umiimik.

"Anak welcome home, Oh! may kasama ka pala"

Bungad ni mama ng lumabas siya ng kusina dala ang sandok. Siguro nagluluto ito dahil amoy na amoy ang pagkain hanggang dito.

Yumuko si Xian bilang pag galang kay Mama.

"Magandang araw po Mrs.Martinez ako po si Xian"

Pakilala niya sa kan'yang sarili kay Mama. Biglang nag ningning na parang bitwin ang mga mata ni Mama habang namamangha kay Xian dahil sa napakagalang nito na parang prinsepe.

Pati ako ay namangha bagay na bagay sa kan'ya at 'tsaka ngayon ko lang siya nakitang napakagalang.

"Nako hijo, ang guwapo mo namang bata. Boyfriend mo ba ito anak?"

Sabay lingon ni mama sa akin habang ang laki ng ngiti nito sa labi.

Bigla akong pinamulahan ng mukha at sinuway si Mama.

"Mama nakakahiya! Hindi ko po siya Boyfriend kaklase ko po siya!"

Sigaw ko dahil sa pagkakataranta. Si Xian naman na nasa tabi ko naka poker face lang at walang imik.

Mahinhin na tumawa si Mama.

"Napaka defensive mo naman anak. Ano at naparito ang kaklase mo?"

Tanong niya sa akin. Mahinhin si Mama at hindi ko alam bakit hindi ko iyon namana pati ang kagandahan niya.

Bumuntong hininga na lamang ako.

"Nandito siya para sa gagawin naming essay 'Ma. Ka partner ko po siya roon"

Sagot ko sa kan'ya. Tumango-tango na lamang siya at ngumiti.

"Sige anak at ipaghahanda ko kayo ng snack. Daldahin ko sa inyo mamaya"

Sabi niya sa akin at ngumiti sabay alis na sa harapan namin para bumalik na sa kusina.

Lumingon ako kay Xian kaya napalingon din ito sa akin.

"Uhm... Sumunod ka"

Nahihiya kong sabi at umakyat na sa hagdan.

Tahimik lang naman siya na sumunod. Binuksan ko iyong kwarto ko at tumambad ang mabangong amoy sa loob ng kwarto pag bukas ko ng pinto. Amoy pang babae ito makikita sa loob na halos lahat ng makikita sa kwarto ko ay kulay light pink at dark pink. Pumasok kami sa loob.

Tinignan ni Xian ang paligid at napa tsk na lamang na umupo nalang bigla sa kama ko.

"Hindi ka parin pala nagbabago at pink parin ang hilig mo"

Malamig nito na sabi, hanggang sa slow motion na tumingin ang mga mata niya sa akin dahilan nang magtama ang mga mata namin pariho.

Próximo capítulo