webnovel

Chapter o7: Stalk the Couple

×××

Gusto ko ng kapusan ng hininga dahil sa pagtakip ng kamay ni Xian sa bibig ko. Halatang hindi naman iyon ang rason kung bakit kakapusan na ako ng hininga.

Paano ba naman kasi subrang lapit nito sa akin at magkadikit pa ang mga noo namin sa isa't-isa.

Nasa eskinita kami sa gilid ng isang boutique at nagtatago.

"Bakit Dwayne?"

Rinig namin ang takang tanong ni Farra.

"Ewan ko, pero parang narinig ko ang busis ni Alice"

Sagot naman ni Dwayne.

"Baka imahinasyon mo lang iyon. Tara na"

Sabi ni Farra at hinila na nito si Dwayne.

Muntik na kami mahuli.

Nang makalayo-layo na sila binitawan na rin ni Xian ang bibig ko. Napahugot tuloy ako ng maraming hangin dahil sa kaba at napabuga rin sa kaginhawaan.

"Subukan mo ulit sumigaw at malilintikan ka talaga sa'kin"

Sabi ni Xian sa akin at hinila na ulit ako. Hindi ko nga magawang umangal kasi malakas siya sakin at nakakatakot siya.

Kung saan-saan kami ni Xian nagpu-pupunta, depende kung saan sila Dwayne at Farra.

Halatang nag d-date nga ang mga ito at ito kaming dalawa ng mokong palihim na sinusundan ang dalawang nag d-date.

"Bakit ba natin ginagawa 'to?"

Tanong ko kay Xian habang may hawak na menu at pilit tinatago ang mukha. 

Si Xian naman kasi naka sumbrero at naka jacket kaya halatang hindi siya makikilala. Paano naman ako walang disguise naka full uniform pa ako.

"Malamang, sisirain ko ang date nila"

Seryosong sabi ni Xian sabay sipsip nito ng milktea niya habang ang atensyon nasa dalawang nag d-date.

"Loko ka ba! Ano bang nasa isip mo at gagawin mo 'to? Pati ako dinadamay mo!"

Sigaw ko ngunit pabulong. Nasa p'westo kami na hindi masyadong kapansin-pansin.

Kaysa sagutin ako ni Xian sinamaan niya lang ako ng tingin kaya napa tahimik na lamang ako at itinago muli ang mukha sa menu.

Gano'n lang kaming dalawa hanggang sa tumayo si Xian sa upuan niya.

Palapit siya kay Dwayne na may dalang tray ng pagkain at papunta 'to kay Farra na nag hihintay sa kan'ya.

Oh no. Masama ang kutob ko rito.

Bigla akong napatayo ng binangga ni Xian si Dwayne kaya nagkalaglag iyong pagkain na en-order nito.

Sa paningin ko nakita ko na sumilay ang demonyong ngiti ni Xian sabay ayos ng sumbrero niya na bahagya pang nakatakip sa kan'yang mga mata. Lumagpas siya kay Dwayne na ngayon ay napalingon na kay Xian.

"Huy! Ikaw! Bulag ka ba!"

Sigaw ni Dwayne at hinabol si Xian at hinawakan ito sa balikat.

Nako po. 'Wag naman silang mag eskandalo rito. Marami na kayang nakatingin na tao sa kanila.

Iyong ilang tao na malapit sa p'westo namin ni Xian kanina, napatingin na sa akin kaya pa simple kong itinago ang mukha ko sa menu.

Ano ba 'tong pinasok namin. Malilintikan kami nila Dwayne nito at Farra pag nahuli kami.

Bago pa mangyari iyon tumayo ulit ako sa upuan at dali-daling nilapitan ang dalawa.

Nakatalikod parin si Xian at si Dwayne na nakakunot na ang noo sa inis.

Nang makalapit ako inilayo ko si Dwayne kay Xian habang ang ulo ko nakayuko.

Buti nalang galing ako sa likuran nilang dalawa.

Bigla kong hinawakan ang braso ni Xian at kinaladkad siya palabas ng pinto.

"Sandali"

Pigil sa amin ni Dwayne kaya bigla akong napatigil sa paghila kay Xian na tahimik lang naman.

Nanatili lang kaming nakatayo.

Nakatalikod kaming dalawa ni Xian na walang lingon-lingon kay Dwayne.

"Hindi ba mag s-sorry iyang boyfriend mo. Binangga niya kaya ako"

Reklamo ni Dwayne. Naka talikod lang kami pero ramdam namin na lumapit agad si Farra sa kan'ya.

"Dwayne ayos ka lang ba? Wait, Nadumihan na iyong uniform mo"

Sabi ni Farra sa kan'ya ng makalapit ito. Napahawak tuloy ako ng mahigpit kay Xian.

At nasusuka ako sa narinig ko kanina. Boyfriend? How on earth na magiging boyfriend ko ang Xian na 'to. Kahit siya nalang ang lalaki sa mundo gusto ko nalang tumandang dalaga 'no?! Never kong gagawing boyfriend 'to! As in NEVER!

"S-sorry!"

Sigaw ko na may pagpikit pa ng mata at agad ng tumakbo palabas ng pinto hila-hila parin si Xian.

Nang makalayo-layo na kami roon agad akong napatigil ng kinuha ni Xian ang braso niya sa pagkakahawak ko.

"That's a great idea, I guess"

Sabi nito habang may ngisi sa labi. Habang ako na s-sence na sa kan'ya ang masamang binabalak.

Tumingin ang paris na mga mata ni Xian sa akin. Kahit sobrang ganda nito may mga aura parin na may masamang binabalak ang may-ari ng mga matang iyon.

Napa lunok ako ng laway sa kaba.

Habang si Xian naman napapaisip at hawak pa nito ang baba na maputi at makinis niyang mukha.

"Pag sinabi ko iyon hindi sila maniniwala"

Bulong nito sa kan'yang sarili habang malalim parin na nag-iisip.

Naglakad siya palapit sa upuan na madalas na makikita sa park. Umupo siya doon at mas lalong nag fucos sa kan'yang pinaplano.

Habang ako naman nanatiling nakatanga sa kinatatayuan ko. Napa tingin tuloy ulit sa akin ang mga mata ni Xian.

Ang isang kamay nito napatapik sa tabi niya kung saan siya nakaupo.

Unti-unti akong lumapit doon at umupo sa tabi niya. Pero malayo ang agwat namin. As if gusto ko siyang katabi baka pag isipan niya ko ng kung ano.

Tahimik lang kaming dalawa habang siya malalim parin ang pag-iisip.

Ano kayang nasa isip nito?

"Wala na ba tayong gagawin?"

Reklamo ko kasi mag gagabi na rin, nakikita ko na iyong sunset.

Ang tagal kong naghintay na sumagot siya pero parang wala naman ata siyang balak sagutin ako.

Parang tapos naman din kasi dahil nagulo na namin ang date ng dalawa. Kaya sana naman bukas hindi malaman nila Dwayne at Farra na kami talaga iyon.

Nako po sana hindi ako mabusisan nung dalawa kanina kundi patay talaga kami nito.

Habang wala ako sa sarili at tahimik na nagdadasal. Hindi ko namalayan na nakatingin na sa akin si Xian.

Seryoso ito na may kung ano siyang iniisip na naman.

Tinignan pa niya ako ulo hanggang paa at napa tsk!

Ano na naman ba'ng problema niya sa akin. Nilalait ba niya ko sa isip niya?!

Sinamaan ko siya ng tingin. Kung nilalait man niya ako p'wes lalaitin ko rin siya ng tahimik.

Tinignan ko siya ulo hanggang paa. Habang ginagawa ko iyon unti-unting umiinit ang pisngi ko.

B-bakit ba napaka perpekto niya! Aish! Ang unfair! Wala man lang akong mailait sa kan'ya maliban sa pangit niyang ugali.

Tumayo siya at nasa kalangitan ang atensyon. Habang hawak ang bag niya.

"Ihahatid na kita"

Sabi nito at naunang naglakad.

Hindi pa nga nag s-sync in sa utak ko iyong sinabi niya ang layo na niya sa akin. Kaya hinabol ko nalang na tinakbong nilapitan siya.

Ngayon ko lang namalayan gabi na pala. Kaya nag aya na itong umuwi. Habang magkasabay na kaming naglalakad ni Xian nakatingala ako sa langit.

Ang daming bituwin. Ano kayang mangyayari bukas at sa susunod na araw kasama ang prinsepeng 'to? Hmmmm....

Próximo capítulo