webnovel

Chapter 05: Contagious

TULAD ng inaasahan ko andito ang dalawa naka-upo at kaharap ang disciplinarian na kinakatakutan ng lahat.

Lahat, sapagkat kahit kaming mga guro ay pawang nakayuko lang kapag kaharap na ito. Isang salita lang nito na umalis ka sa unibersidad na ito ay talagang aalis ka.

You don't have any choice but to follow her orders. Nakakahiya naman siguro kung kakaladkarin ka ng malalaking gwardyang tatawagin nito.

And aside from that reason, she herself is horrifying enough. Besides, she have this long pointed nose that I wonder why they became long like that, maybe because of genes, you can also see the black dirt under her long nails, gross. She wears a black pointed hat that made with bat wings that I'm sure it's still fresh, since, I can see that some wing are has a blood on it and it's moving, and she also wear a black like a rotten cloth, she also have freckles everywhere in her face, and a pet of crow that she can communicate.

And yes, she's a witch. Not only a mere witch, but she is a Veteran Witch. It means, she's the oldest among the witches in her clan. I don't have more information about them, besides like other species they always making alibi to not answering my question. They said that it's for my own good, but I didn't get it at all.

Kunting distansiya lang ang pagitan ng sofa na inuupuan ko at sa mga inuupuan nila, kaya't malaya kung nailalagay ang cold compressor sa kaliwang mata ko at magpakawala ng mahabang buntong hininga dahil sa pleasure na dulot nito. Bahala na sila sa buhay nila diyan, basta ako dito magpapahinga.

"Uhhgg.." tanging mga salitang lumalabas sa bibig ko ng maramdaman ang lamig mula dito.

Matagal din kami nakalabas sa Perfect of Discipline and student affairs o kilala bilang PDSA.

Medyo nawala na rin ang itim sa aking mata sabi nila, ngunit lumipat 'yung manhid sa aking puwet dahil sa tagal na pagkaka-upo

Pumunta na rin ako sa infirmary kanina at sabi nito na okay lang daw ako sapagkat, meron akong rare na kondisyon na hindi basta-basta makikita sa ibang tao, tapos inunahan ko na siya at sinabing meron akong ageusia, ngunit sinabi niya na hindi ito ang nakita niya, meron pa daw'ng iba. Na naman.

Aside sa hindi ako makakalasa ng flavors ay hindi rin daw ako nakakaramdam ng sakit. Kahit na pinana 'yung leeg ko ay hindi ko ito mapapansin maliban nalang kung ito ay visible sa aking paningin. Hindi ka man makaramdam ng sakit ngunit 'yung mga sakit na naranasan mo ay siguradong mag-iiwan ito ng mga marks gaya ng, pasa, scars, damage of skin at marami pang iba.

Kaya pala kahit binubugbug ako dati ng ama ko ay hindi ko ramdam 'yung mga sakit, akala ko ay naging manhid na ako. Pati sa suntok ni Josh kanina, natumba man ako pero wala akong naramdaman na sakit.

Ang uri ng sakit na'to ay, tinatawag na CIPA o Congenital insensitivity to pain with anhidrosis. Isa itong genetic na sakit na makikita sa ama ng Lolo ko, my great-grandfather.

Ang nakakaiba lang sa CIPA na meron ako is nakakaramdam ako ng pleasure.

Pleasure, such as doing things that makes me happy. I can feel a little cold and hot too, dahil ito sa malayo na ang narating ng sakit kaya medyo less effective na siya. Usually ang merong mga CIPA ay Twenty-Five years old lang 'yung pinakamatagal silang mabuhay. And I'm 25 years old, it means the gene of having CIPA is going to end on me.

It's funny though that having the test papers of my friend before, to show it to my parents is quite helpful to me right now.

Pinabalik ko na ang lalaking kaaway nito kanina sa kanilang silid samantalang kasama ko ngayon si Josh. Kanina pang walang umimik sa 'ming dalawa. Ayaw ko ring mag salita dahil kahit studyante ko sila ay hindi ko pa lubos na kilala silang lahat at nahihirapan pa akong kilalanin ang mga 'to.

I just know their names but not their story, but that is my goal, to be one of the character on their story. The character who will change the course of their lives.

Magtatapon na sana ako ng topic nang bigla itong nagsalita.

"S-Sorry sir.."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa narinig dahil pigil itong tumatawa habang nanghingi ng tawad.

Kahit labag ito sa kalooban ko ay sa huli, tumawa pa rin ako, hindi ko alam. Basta may maririnig akong tumatawa ay nahahawa nalang ako bigla. Hindi naman siguro bawal na tumawa, parte pa naman din ako ng Generation Z.

I'm still 25, so I can do what millennials can do.

"Ano bang dahilan at kulang nalang magpatayan kayo kanina?"

Tanong ko sa kanya kahit alam ko na kung anong dahilan ng kanilang pagsusuntukan.

He let out a deep sigh as a sign that he has a long story to tell.

"Since highschool, gumagawa na ako ng paraan para makatulong sa Ina ko. I have a father but I realized that it's better not to have a father, than to have one, but it seems like you have none. Para mabayaran ang mga bayarin ko sa school ay gumagawa ako ng mga kakanin at tinitinda Ito sa mga kaklase ko. As my level got higher, medyo nakaka-afford na ang mga kaklase ko kaya nag-improve na rin mga paninda ko from kakanin to biscuits and chips. At sinasabay ko pa ang pag-pa-part-time job sa isang resto na kahit 100 pesos lang ang sweldo ko. Ngayong senior high na ako ay mas nag-improve ang paninda ko dahil sa University na ako nag-aaral" mahabang paliwanag nito.

Alam kong hindi konektado ang sagot niya sa tanong ko, but it made me realize how difficult his life is. Napagtanto ko na kung mahirap man ang dinanas ko ay may mas mahirap pa pala rito.

"And the reason why I found a fight earlier was that someone told him accusing me that I took his lost money. He believe the gossip and immediately believed so he rushed towards me while I secretly charged a debt to the students in the library." Malungkot nitong paliwanag.

That's it, konektado naman pala ang mga sinasabi nito. He laughed as he explained while scratching the back of his head. I knew he just force it, I knew he wasn't actually happy with what happened earlier.

"You know what, I know my words are not enough but, the best revenge to do is just to keep silent."

Bigla nalang itong tumahimik at tinapunan ako ng questionable pero parang namamanghang mukha. Siguro ay napagtanto niya kung ano talaga ang ibig kong sabihin.

"Pero kung ako ang nasa sitwasyon mo, talagang wala akong tawad. Bubugbugin ko talaga 'yun ng todo, ikaw kaya 'tong mapag bintangan.." dagdag ko pa dahilan upang nag-iwan ito ng malaking pagkakagulat sa mukha niya ng ilang saglit lang ay tumawa na naman Ito ng malakas.

Like I said earlier, madali lang akong nahahawa kapag may tumatawang iba kahit hindi ko kilala basta't narinig ko ang tawa ay tatawa talaga ako.

Binalot ng tawa namin ang apat na kanto ng cafeteria, I mean the cafeteria is wide pero bumabalik 'yung tawa namin dahil sa lakas nito. Wala namang katao-tao dahil may pasok pa sila at kagagaling pa naman namin ng PDSA, so i think it's fine.

Matapos ang ilang minutong pag-uusap ay namili na kami ng aming kakainin. Pananghalian namin 'to ngunit anong oras na, it's already twilight. Hindi naman siguro kami mamamatay.

Syempre, kumakain ako kahit walang panglasa 'tong dila ko, ayaw ko namang mamatay ng dahil lang dito. Kahit daw wala itong lasa 'yung pancreas naman ang kukuha ng mga vitamins and nutrients to make us stay alive.

We both ordered fried chicken and 2 cups of rice. Then, kunting pag-uusap na naman ang nangyari habang kumakain.

I also asked him if he's the one who put the compressor bag in front of my door but, he said no. Lalo na tuloy akong nakukuryus.

Matapos kaming kumain ay agad ko na siyang pinauwi at hindi na pinabalik sa silid dahil ilang minuto lang naman din at uwian na.

Bumalik ako sa room na mag-isa at pagpasok ko ay laking gulat ko nalang ng makita na abala ang mga 'to, hindi man lang nila ako nagawang tapunan ng tingin, halatang busy talaga sila.

Hanggang sa sumigaw ang president nilang si Savannah kaya't napabaling ang atensiyon nilang lahat sa'kin na nakasandal ang dalawang kamay sa likod ng mesa habang minamasdan sila.

"Good afternoon sir!" Maligaya at sabay sabay nilang bati. Pagkatapos bumati ay bumalik ang mga 'to sa kanilang ginagawa, ano ba kasing pinagkaka-abalahan ng mga batang 'to.

Para masigurado ko na ang ginagawa nila ay importante pa sa atensiyon ko ay tinawag ko ang kanilang president.

Nang makalapit na'to ay diretsahan ko na 'tong tinanong.

"Anong pinagkaka-abalahan ng mga kaklase mo?"

"Uhm sir, kanina kasi pumunta si Josh dito and he give this folder to me. Naiwan mo raw kasi ito sa library kanina and nakasaad dito na ito ang Activity namin buong araw and what I did is I gave to them directly the task na sa ganon ay meron kaming gagawin this day"

My jaw literally dropped when I heard those explanation.

Ito 'yung rason kung bakit ako napatili kanina, sapagkat nandito lahat ng mga papelis na pinaghirapan ko jusmeo marimar!

Ngunit, hindi ko inexpect na ganito sila ka responsible, nagawa nila ang bagay kahit wala ang gabay ko.

I-I know, touching people property without their consent is a bad action. But I will consider this time, total kasalanan ko naman.

Also they make me believe that I can trust them. I really like now my little growing spawns.

Bumalik na rin ako sa dorm matapos ang klase, dahil busog pa ay hindi na ako nag-abala pang magluto kaya agad na akong humiga sa kama. Habang nakatunganga sa ibabaw ng hinihigaan ko ay na-alala ko bigla ang isang maliit na pink sticky note na kasama sa cold compressor kanina. Agad ko 'tong kinuha at binasa.

Bakit ba kasi sa tuwing matutulog na tayo saka lang pumapasok ang kahit anong bagay sa ating isipan. Minsan tuloy nag-o-overthink tayo.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko pero parang lalo akong ginaganahan matapos mabasa ang nakasulat sa pink note.

"Don't try to find me"

Anong hindi kita hahanapin? I enjoy this kind of act it's like the book I love to read the Sherlock Holmes.

Humanda ka kung sino ka man, hahanapin at hahanapin kita, pa mystery-mystery ka pa ha eh hindi ako 'yung detective dito...

_________

Last date updated: 04/24/22

Latest Update I : 09 / 25 / 22

Próximo capítulo