webnovel

Chapter 17

"Heneral maaari ba akong lumabas ng emperyo? nais ko lang sanang bisitahin ang puntod ng aking mga magulang" paalam ko. Kay tagal na rin mag mula ng mawala ang aking mga magulang at sa ilang taon na yun ay hindi ko pa sila nabibisita kaya ngayon nag papaalam ako sa kanya habang sumisimsim ng alak sa kanyang kopita. Ilang sandali ang lumipas bago nya ako tiningnan.

"Sige, pero sasama ak- heneral..." napatigil sya sa pag sasalita ng may tumawag sa kanya at napatingin naman kami dito.

"Anong kailangan mo?" tanong nya.

"Kayo po ay pinapatawag ng emperador, heneral" Palihim na tumaas ang sulok ng labi ko ng marinig ko ang sinabi ng kawal. Wala na syang nagawa pa at tumayo na lang mula sa kanyang pag kakaupo.

"Sige, susunod na ako" inayos na muna ang kanyang sarili kasabay nun ay bumaling sya sa akin.

"Papayagan kitang bumisita sa iyong mga magulang, ngunit may kasama kang mag babantay sayo kung sakaling tumakas ka" sabi nya. Tumaas ang kilay ko dahil doon at pag katapos umirap sa kanya.

"Hindi mo naman kailangan gawin pa yun heneral dahil hindi ko naman yun gagawin. Wala ka bang tiwala sa akin?" pangungumbinsi ko. Tiningnan nya muna ako sandali pag katapos nun ay bumuntong hininga na lang siya.

"Tss sige na pumapayag na ako" pag payag nya.

"Maraming salamat heneral" yumuko ako sa kanya habang siya naman ay tumango lang at pag katapos ay lumabas na siya. Habang ako naman ay nanatili lang sa kanyang silid habang nakatanaw sa may bintana. Napapangisi na lang ako dahil sa tagal naming mag kasama ay hindi nya pa ako nahahalata ni minsan, alam kong tuso ang taong yun ngunit parang hindi naman totoo yun.

Ngunit napawi din ang pag ngisi ko ng maisip din na baka nahahalata na nya ako ng hindi ko na pala alam. Sadyang matalino ang taong yun kaya't hindi mo sya basta basta maloloko o malilinlang. Mahirap din basahin ang kanyang iniisip, sa totoo lang mahirap syang kalabanin.

Nasa mataas sya na posisyon habang ako naman ay di hamak na nasa mababang antas lamang na nang galing pa sa harem ng emperador. Ngunit ang kasamaang tinataglay ng pag katao nya ay bumabalot sa kanya, parehas lang sila ng emperador na puro sariling pang kinabukasan ang iniisip kaysa sa kalagayan ng kanyang nasasakupan.

Hindi na talaga yun nakakapag taka, ngunit nangangamba din ako dahil may pinaplano na naman silang manakop.

Napabuntong hininga na lang ako habang napapikit na lang, kasabay nun ay iminulat ko din ito at tumunaw sa bintana.

"Sana tumigil na sila, kawawa ang mga madadamay" mahinang usal ko.

"Lady izumi..." napalingon ako ng may tumawag sa akin sa labas ng pinto.

"Anong kailangan mo?"

"Inutusan po ako ni heneral na samahan po kayo sa inyong pag labas" sagot nya. Napairap na lang ako at saka ulit nag buntong hininga pagkatapos ay tumikhim ako.

"Sige, sandali lang" Nag tungo ako sa pinto at saka lumabas ng pinto, pag kabukas ko kaagad na yumuko sa akin ang isa mga kawal nya. Tumango na lang ako at saka hinila pasara ang pinto. Nag lakad ako papunta sa aking silid habang nasa sya naman ay nakasunod lang mula sa aking likod.

Nang makatuntung sa aking silid, hinila ko pabukas ang pinto at saka humarap sa kanya na nakatayo lang sa may gilid.

"Hintayin mo na lang ako dyan, mag aayos lang ako" anya ko. Tumango sya at kasabay nun ay yumuko ulit sya. Tumango na lang din ako at saka pumasok sa pinto at hinila ito pasara.

Kaagad akong nag palit ng simpleng ngunit magandang kasuotan na may kulay, sa taas ay kulay puti habang ang nasa ibaba naman ay kulay pula.

Matapos nun, sunod kong inayos ang aking buhok. Inalis ko mula sa pagkakapusod ang aking buhok ay hinayaan itong lumadlad at pag katapos ay sinuklay ko naman ito.

Tinalian ko ang itaas na bahagi ng aking buhok at nilagyan ng palamuting bulaklak. Habang nakaladlad pa din ang natitira ko pang buhok sa ilalim at sinuklayan ko ito ng maayos.

Matapos din nun, ay nag lagay din ako ng polbos sa aking mukha upang hindi mukhang matuyot ang balat nito. Nang matapos ako mula sa pag aayos ay hinila ko ulit ang pinto at saka lumabas na ng pinto.

"Tara na" Kagaya kanina ay yumuko din sya sa akin at saka tumango ulit. Nag lakad na ako habang nasa likod ko lang siya.

"Sino po pala ang inyong pupuntahan lady izumi?" tanong nya.

"Bibisitahin ko lang ang puntod ng mga magulang ko. Matagal na din kasi na hindi ako dumalaw" sagot ko.

"Sigurado pong matutuwa sila dahil dadalawin nyo sila" sambit nya ng nakangiti pa sa akin.

"Syempre naman" nakangiting anya ko pa. Ngunit alam kong nalulungkot din sila dahil ganito ang aking ginagawa. Siguradong hindi din sila natutuwa.

Nang makalabas mula doon, nag lakad ako ulit papunta sa tarangkahan ng emperyo. Pag karating pala ay may nakitang akong kabayo na nakatayo sa gitna habang binabantayan ng kawal.

" Iyan ba ang ating sasakyan?" tanong ko.

"Opo, utos po ni heneral yan" sagot nya.

"Ganun ba. Pero alam mo ba kung nasaan sya?" nakangiting tanong ko.

"Opo, kasama nya ang emperador dahil may mahalaga silang pinag uusapan"

"Ahh ganun ba, pwede mo bang tingnan kung tapos na sila? may kailangan lang kasi akong sabihin sa kanya dahil nakalimutan kong itanong sa kanya kanina" utos ko. Sana sumunod sya.

"Hindi po pwede, kung may sasabihin po kayo hintayin na lang natin sya dito. Mahalaga po ang kanilang pinag uusapan at bawal po silang abalahin" napataas ang kilay ko ng biglang mag iba ang ugali nya. Masungit din pala ang isang to.

"Alam ko, kaya nga sinabi ko kung tapos na hindi ba? hindi ko nagustuhan ang klase ng iyong pag sagot kaya umayos ka sa iyong ginagawa. Baka nakakalimutan mo kung sino ako" nakangising tugon ko. Ngunit kaagad yun napawi ng ngumisi din sya sa akin. Sumingkit ang tingin ko sa kanya.

"Baka nakakalimutan mo din na isa ka lang sa mga babae ng heneral. Matuto kang lumugar sa kung saan ka talaga nababagay binibining izumi" nakangising turan nya. Tumalim ang tingin ko sa kanya dahil sa mga sinabi nya.

"Haha, wala akong pakialam sa mga pinag sasasabi mo pero ito ang tatandaan mo, kapag pinakasalan ako ng iyong heneral ay sisiguraduhin kong mapapalayas ka sa iyong kinalalagyan ngayon" nakangising ding turan ko.

"Hindi mo kailanman magagawa yan dahil ang mismong emperador ang mag aalis sa akin dito. Wala ka pa sa mataas na posisyon para gawin yun. Wag ka muna mag banta ng walang kasiguraduhan naiintindihan mo?" saad nya ng may matalim na tingin sa akin.

Hindi na lang ako nag salita pa at tumingin na lang sa malayo ng nakabuntong hininga.

To be continued.

Próximo capítulo