webnovel

Chapter 2

"Antoinette Labajo?"

Napahinto sa paglalakad si Toni at lumingon sa tumawag sa pangalan niya.

"Yes?",tanong niya sa babaeng nasa harap na niya.

"My name is Bea".

"Well Bea, what can i do for you?".

May kinuha itong pink na sobre sa bag nito at iniabot sa kaniya.

"Nahihiya kasi akong personal na ibigay ito, kaya makikisuyo sana ako sayo".

Tinanggap niya ang sobre at binasa ang pangalan ng receiver ng sulat.

"For Alex de Guzman",basa niya.

"Yes, please pakibigay sa kaniya?".

Pinagmasdan niya ang babae. Senior na ito like Alex. At maganda siya.

Labag man sa kalooban pero tumango siya.

One last 'thank you' at iniwan na siya nito sa hallway ng school.

Inipit niya sa libro ang sulat at tumuloy na sa library kung saan naghihintay ang kaklaseng si Trisha.

.

.

.

"Wala ka sa mood",bulong agad nito pagkaupo niya sa tabi nito.

"Paano mo alam?",tanong niya rito nang pabulong rin nang simulang buksan ang computer sa harapan.

"Well, nakasimangot ka at nakakunot ang noo. So, sino na naman ngayon ang nag - abot ng love letter para sa bestfriend mo."

Kilala na nga siya ng kaibigan.

"Someone named Bea Miss Whatever",sarkastikong sagot niya.

"Maganda?"

"Medyo".

"Sexy?".

"Hindi. Mukha siyang kalansay".

"Ouch! Nagseselos ka lang".

"Nope!"

"Yes you are. Kailan mo ba aamining may crush ka kay Alex?"

Pinandilatan ito ni Toni.

"Shut up Trish. I will never felt anything other than sister love towards Alex. At hindi ako makikipagrelasyon sa tulad niya".

Hinarap siya ng kaibigan.

"Are you against gays?"

"Ofcourse not. Hindi lang ako komportable to be in a relationship with a lesbian".

"Ok, sabi mo eh. Huwag ka lang magsalita ng patapos, kasi ngayon palang kinakain mo na lahat ng mga sinasabi mo. Kasi aminin mo man o hindi, you like Alex. More than a friend."

Hindi na sumagot pa ang dalagita para hindi na humaba pa ang argumento nila.

Nagseselos siya, oo. Because she is lossing her bestfriend sa dami ng mga admirers nito.

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...........................................................................................................................

Sumilip sa bintana si Toni. Napangiti siya ng makita si Alex na nasa kwarto rin nito.

Magkaharap ang bintana ng bawat kwarto nilang dalawa. Kaya madalas silang nagdudungawan sa bintana.

"Alex, i'm hungry", sigaw niya rito. Napalingon ito sa kanya, at nakangiti ring lumapit sa bintana.

"Your place or mine?"biro nito.

Tumawa siya.

"My place", sagot niya.

"Okay. Five minutes".

Nawala ito sa tapat ng bintana at bumalik rin siya sa kama at dumapa. Binuksan niya ang tv.

Today is friday kaya may movie date silang dalawa. Nakagawian na nila ito since maliliit pa sila.

Naka ready na sa DVD player ang bagong movie na binili nila last day sa mall.

Hihintayin na lamang niya si Alex para makapag umpisa na sila.

Mayamaya lang ay bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok ito bitbit ang isang plastik na alam niyang puro snacks.

Ipinatong nito sa mesa ang dala saka dumapa rin sa tabi niya.

"Start na?"tanong niya rito.

"Yes start na".

Pinindot niya ang Play button ng remote.

Dahil sa love story ang pinapanood nila, may nakahanda na tissue box sa tabi nila.

"May love letter ka nga pala sa akin",anang dalagita nang nasa kalagitnaan na sila ng pinapanood.

"From you?"

"Haha, nope!"

"Akala ko galing sayo. Naexcite pa naman ako."

Hinampas niya ito ng unan.

"Bakit naman kita bibigyan ng love letter?"

"Kanino ba galing?",pag -iba nito sa usapan.

"Bea".

Napatingin ito bigla sa kaniya.

"From Bea? No kidding? Galing talaga sa kaniya?".

Tila nawala na silang pareho sa mood para manood pa. Ito dahil sa narinig na pangalang binanggit niya, at siya dahil sa nakitang reaksyon nito.

Tumango siya.

"Nasaan na? Oh my God, matagal ko ng crush si Bea, alam mo ba?"

"Hindi ko alam",walang gana niyang sagot ngunit tila hindi nito napansin ang pag -asim ng mukha niya.

"Akin na Toni, ang sulat".

Mabigat ang mga paang bumaba siya ng kama at kinuha ang libro na kung saan nakaipit ang sobre.

Nang iabot niya rito ang sulat, wala itong sinayang na sandali at agad binuksan ang sulat.

At habang binabasa nito ang laman ng love letter ay parang dinudurog naman ang puso niya sa nakikitang ngiti nito.

Ngayon niya lang ito nakitang kinilig habang nagbabasa ng sulat.

"So ,anong sabi?",tanong niyang pilit tinatago ang sakit na nararamdan.

"Sophomore palang daw kami, crush na niya ako. Nahihiya lang siyang makipag - usap dahil nga hindi naman daw kami nagkaroon ng chance makilala ang isa't isa. At natatakot daw siya sa mga sasabihing negatibo ng iba dahil nga lesbian ako".

"Kelan mo lang siya naging crush?", tanong niya.

"Last year. Nakasama ko siya sa isang school organization seminar. Ang ganda niya, at simula that day hinahangaan ko na siya".

"Liligawan mo ba siya?".

Napatingin ito sa kaniya. Tila binabasa nito kung ano ang totoong saloobin niya.

"Hindi seguro",sagot nito.

Makahinga na sana siya ng maluwang, kung hindi dahil sa karugtong ng sinabi nito.

"sa ngayon. Maybe kapag nakilala ko na siya ng husto".

Próximo capítulo