webnovel

(13)

@ a Random Bar in BGC

"Happy Birthday, Randy! Cheers!" Sigaw ni Engr. Ramon as he held his glass up. Si Randy ang head ng bidding team namin, and bilang selebrasyon ng birthday nito, niyaya niya kami sa BGC, mahilig kasi tu mag night out.

"Happy Birthday, Randy!" Bati din namin.

"Thank you, guys!!!" Saka Sabay Sabay naming ininom ang shot.

And then we started to party.

It was around midnight Nang Mejo naramdaman kong natatamaan na ako ng alak.

"Here pa! Shot!" Sabay abot sakin ni Val ng shot glass.

Agad ko rin naman yun ininom.

"Ahh... I love it."

"Talaga! Kasi pag kasal kana i'm sure pag babawalan kana ni James na mag night out."

Umiling iling lng ako rito habang tumatawa. Well, she's right naman, conservative kasi si James at pamilya nito.

"Teka, cr kang ako." Sabi ko Saka nag excuse papuntang cr.

Pag kapasok ko Biglang bumukas ang cubicle na nasa dulo, lumabas dun ang isang babae, Saka sinundan ng isang lalaki, mga lasing ito, tawa pa ito ng tawa pagka labas. Okay, understood, wag kanang tumingin, fresh from make out pa ang dalawa, nag si zipper pa kasi yung guy, Saka yung girl pinapahiran pa nito ang pisngi nito.

I remembered Eren. I wonder if she still do these things when she's in the club.

Sighed. I wish not anymore.

Hai... Agad na rin akong pumasok sa bakanteng cubicle Saka umihi after nun ay inayos ko muna sarili ko Bago lumabas, sinasampal sampal ko pa sarili ko kasi nga natatamaan na ako ng alak.

"Babe!!!! You're not enjoying the party!! Tara sayaw tayo!" Si Randy yon Sabay akbay sakin papuntang dancefloor, by the way, Randy's a gay.

And then we started to dance. I kinda actually feel dizzy na, panay parin kasi inom namin in between.

Now Playing: Out Out - ft Charlie XCX & Saweetie

And then out of nowhere, I saw a familiar face in the crowd.

She's wearing a maroon daring party above the knee fitted dress. Her hair were curled, also she wears make up and heels.

And then again, my heart skipped a beat upon seeing her.

She's dancing with a guy, I can't decide if friend ba niya yung guy, kalandian sa club or bagong boyfriend.

And ewan ko parang biglang uminit ang ulo ko, maybe because kani kanina lang naisip ko sya and silently wishing na hindi na sya nakikipag make out sa club. But then here... makikita ko nalang syang May kasayawang.

I'm about to walk towards her when suddenly a girl held her waist and stole her from the guy.

Kaya napahinto ako. Is that Jana?

And damn.

They look sweet together, I mean not that kind of sweetness na usually makikita mo sa club. Damn. I hate the fact that they have this kind of chemistry together while they dances.

And I could see her eyes were sparkling.

And then one of our colleagues suddenly held my hand papunta sa gitna lalo, actually naka circle sila run sa gitna habang nakahawak ng kanya kanyang inumin. Ako naman parang nawalan na ng gana upon seeing her there.

Kaya imbes na mag enjoy ay pa simple akong umalis sa grupo.

God! I need some air.

Nang maka labas ako at maka layo sa mga tao ay napasandig nalang ako sa pader at napahawak sa chest ko.

It hurts.

It hurts upon seeing how her eyes sparks as she looked at Jana.

Naiinis ako kasi yun yung mga mata niya habang nakatingin sakin the first night something happened to us, yes, sa Buruanga.

And napapikit ako upon remembering it.

God!  And now. Naiinis ako kasi nakikita ko yun habang nakatingin sya kay Jana.

Okay, wala akong karapatang mag selos kasi sa totoo lang mas nauna naman si Jana eh, pero kasi hindi ko maiwasan...

Hindi ko maiwasan kasi somehow... in just a short period of time... she became part me...

"Yosi... yosiii kayo jan..."  Sigaw nung bata habang dala dala ang paninda nitong kundi, yosi at gums.

"Bata!" Tawag ko.

"Isang yosi nga..." Sabi ko Sabay bigay dito ng bente. "Sa'yo na sukli."

"Salamat po, Ate." Sabi nito matapos sindihan yung sigarilyo ko.

Sighed.

Saka humithit na.

Siguro naka tatlong hithit ako Nang dumating si James. Then I looked at my watch, it's already 1 am, Ah, shit, I forgot, I told him na sunduin ako. Akmang itatapon ko na Sana yung yosi when he suddenly grabbed it.

"Hey, hon, I told you na wag kanang manigarilyo diba???" Mejo galit na Sabi nito saka tinapakan yon.

"Ngayun lang naman uli..." Sabi ko.

"Kahit na... para kang wild na babae... talo mo pa ako."

Yeah, right. Well, Si James yung taong walang bisyo , di naninigarilyo, di umiinom, ah kung uminom man ito ay mga dalawang bote lang, di nag na night out, di suwail, actually, total opposite niya ako dati,  nung di pa niya ako pinag babawalan, nung mga panahong bago pa kami nag kakilala., he changed me into a conservative woman. Actually yung lakad ko na tu, napag awayan pa namin kagabi tu kasi ayaw niyang sumama ako kasi daw delikado Saka hindi Gawain ng pormal na babae Saka ikakasal na daw ako ganun ganun, Buti na nga lang, Val assured him na walang mangyayaring masama saka di kami iinom masyado.

"Come on, James."

"Mom's gonna hate you when she sees you like this..."

I looked at him. "She hated me the first time she saw me... mahal na mahal kasi ng mama mo si Lea." Lea's his ex. "Perfect daughter-in-law... walang bisy0, mayaman... etc etc etc..."

"You're just overreacting, hon." Sabi nito. "Come on, let's go home... I really hate it when you're like this."

"I've been like this eversince, James."

"What?! No! This isn't you... mi wala ka ngang barkada."

Yeah, speaking of barkada na iniwan ko because of him. And now I felt lonely kasi parang wala lang akong kaibigan na talagang nakakakilalala ng totoong ako, kasi this guy changed me. I felt so alone and boring. Then I looked at him. I'm about to yell at him when I noticed Eren went out from the club. Mag isa lang ito, mag yoyosi rin ata. Napatingin naman agad ako nun sa direksyon nito and unexpectedly, nag tama ang mga Mata namin.

And it felt like my whole world suddenly stopped.

She looked at me and then to James na nangangaral at nanenermon parin sakin, actually, wala akong maintindihan sa mga sinaSabi nito kasi kay Eren ako naka focus.

And then there's Jana na kumalabit sa braso nito.

Napa iling nalang ako nun. And then I looked at James, come on, James, I don't need all your sermons.Then I grabbed his face and kissed him. Napahinto naman ito nun.

Damn! Hindi ko na alam ang gagawin ko, I felt like Ma babaliw na ako.

——-

——

-

A week later after that encounter with Eren, ay nag follow up meeting kami sa agency kung saan ito nag tatrabaho and as expected, nagkita kami uli but this time I saw her with a guy not with Jana or any other girls.

Kasama niya itong nag lalakad sa hallway and they look good together. I wonder if May something sa kanilang dalawa. And damn, I really hate the fact na She looks good to be with both genders.

And now, habang nag memeeting, hindi ako maka focus sa mga sinaSabi ni Engr. Villar dahil kay Eren ako lagi nakatingin na katabi lang nito, yes, kasali na sya sa follow up meeting bilang Asst Head ng Finance Department. Tumatango tango lang ako rito, 50% lang ata ng mga sinaSabi ni Engr. Villar ang naintindihan ko, Buti nalang Anjan si Val.

"Anyways, Miss Reese, si Eren na bahala sa'yo regarding sa Pag reconcile ng accounts niyo rito okay? Also sya na rin Bahala  mag check sa papers niyo to be ready for payment."  Sabi ni Engr. Villar as he stood up tanda na Tapos na ang meeting.

"Okay, Sir," Sabay tingin nito sakin.

"Tara?" Sabi nito maya maya NAng Mapag iwanan kaming dalawa sa conference room.

"Saan?"

"Dun sa office. Dun ko nalang I Checheck yung billing papers nyo." Sabi nito.

"Sige."

At lumabas na kami at nag lakad papunta sa opisina nito. Ewan ko ba pero parang ang cold niya sakin, kasi yung trato niya sakin ngayun yung parang wala lang di kami mag kakilala or something na parang wala lang nangyari sa Bora. Or maybe because of what happened a week ago...Or maybe not... baka Anjan lang menstruation nito.

Agh! Goddamit.  Ano ba Sana gusto mo, Reese? Tratuhin ka nya as if May something parin sa inyo? O di kaya gusto mo ba na lambing lambingin ka niya rito habang nag memeeting kayo?

Agh!!!

And then pumasok na kami sa Finance Department, dumiretso kami sa naka floor mounted aluminum divider na opisina, malapit lang sa opisina mismo ng head.

Pagkapasok ko ay Napatingin agad ako run sa table nito. Coffee and cupcake.

"Ahm, ma'am, pina bigay ni Sir Jeremy." Sabi nung isang staff nito Sabay giggle, yung parang kinikilig.

"Is that so?" Simpleng Sabi ito Saka tumingin sakin. "Sit." Sabay extend ng kamay nito sakin na Ibig sabihin ay ibigay ko rito ang paper na i Checheck niya, agad ko rin namang binigay yun dito.

Habang chine check nito ang computation ng voucher namin ay nakatingin lang ako sa kanya.

So, who is this guy named Jeremy? Boyfriend niya? Manliligaw?  Wait, pano si Jana? If May Jeremy, edi di sila nag kabalikan ni Jana?  No, ang sweet kaya nila sa club, di pwedeng walang something yun.

Then I looked at the coffee. Aba May pa "Smile 💕" na sulat ganun?

So if May Jeremy, then walang Jana? So kung  ganun, sa loob lamang ng dalawang buwan ay naka hanap na agad  ito ng bago, okay lang Sana if si Jana pa rin pero itong Jeremy??? Sino tu?! galing ah, kala ko ba mahal niya ako? Niyaya yaya pa akong mag take risk sa kanya eh daig pa ang buhawi sa bilis makahanap ng bago.

"You're not listening..." biglang Sabi nito.

Napakurap naman ako nun.

"Huh?"

Then she smirked. "Oh my God, seriously? Naka isang paragraph na ako rito wala ka man lang na pick up?"

And now she sounds like a strict Assistant Head Accountant.

"WhAt is it again?"

She rolled her eyes and repeated her instructions and corrections, kumuha na rin ako nun ng notebook para masulat ko.

"There...  regarding sa disbursements, much better na ma comply mo na tung lacking niyo as soon as possible since usually pag end of the month either nauubos na yung pero ng agency o nirerevert yun, so meaning, matatagalan kayo pag aantayin niyo pa yung next month na fund."

"Okay."

Saka binigay na nito ang  billing paper ko sakin.

And then she turned to her desktop.

And then stopped when she noticed na nakaupo parin ako run.

"What?"

"Huh? Wala. Bakit?"

"Then you can leave now." Oh my God, ganito ba yung isa pang side ni Eren when it comes to work? No. I've transacted several times with her pero di naman sya suplada, actually approachable pa nga sya eh.

I just looked at her. She's wearing a light make up pa rin, though she looks more beautiful and matured with it pero I still prefer the plain Eren, then I looked at her eyes, di ko gawa makita yung brown eyes nito, mejo di na rereflect ng ilaw Saka naka suot din ito ng eye glasses.

"Miss Dela Serna, I still have works to do, kaya if okay lang, umalis kana para makapag focus na ako sa gagawin ko?"

Miss Dela Serna, yan ang tawag niya sakin mula pa kanina. And it sounds so annoying to me.

"Since we've finished what we had to do... and I believe na Tapos na rin ang transaction natin.... Soooo?" Sabay turo ng daan palabas.

"No." Sabi ko nalang.

Napailing naman ito sabay kuha ng kape at Nang Akmang iinumin na nito ay hinawakan ko ang kamay nito.

"What?"

"Sino si Jeremy?"

Napataas kilay naman ito. "Why?" Saka inalis ang kamay nito sa pagka ka hawak ko Saka tinuloy na ininom ang kape.

Nang ipinatong na nito ang kape sa table nito ay kinuha ko yun Saka inamoy. "This is Latte." Saka tumingin dito. "You told me you drink black."

"Sooo??? Di ba pwedeng mag venture sa iba?" Saka binuksan nito ang box ng cupcake. "You want?" Parang nanunuksong Sabi nito, and damn, ba't May mga puso ang cupcake?

"Ba't May puso yan?"

"Malay ko." Saka kumuha na ito ng isa at kinagatan yun.

"Still you haven't answered me yet. Who is this guy?" Sabay turo sa kape at cupcake nito.

"Him." Sabi nito Sabay nguso sa lalaking kakapasok lang, yun yung lalaking kasama niya kanina sa hallway.

Then I looked at her, nakangiti  ito   Sa lalaki.

"Thank you dito Jermz." Ngiting ngiting Sabi ito. "I really need these kasi super stressed na ako rito." Emphasizing how stressed she is by looking at me, Teka Teka, sakin ka na s-stress?

"Naku wala yun, Ikaw pa."

"Anyways, nag antay ka talaga?"

Umiling ito. "No. Actually pabalik na Sana ako sa company when I remembered I forgot to give you this." Saka May kinuha ito sa bulsa nito at binigay dito.

"Oh My God!" Sabi nito pagka kita ng binigay nito. "Diba ngayun ang first day ng Valerian?"

Tumango ito. "Yes po. And look..." Sabay turo sa papel. "3D."

"Oh my God! Mahal nito ah." Then tumingin dito. "Seriously, Jermz, ba bayaran ko tu. Binigyan mo na ako ng coffee and cupcake then ito? This is too much."

"Treat mo nalang ako ng samgyupsal later okay?"

Napatingin naman ako sa mga ito, samgyupsal talaga?

"Sure Sige! May bagong bukas na samgyupsal resto dun sa Greenhills..."

"Oh. Perfect. Dun tayo later."

"Sige ba..."

Okay, parang wala lang ata ako rito ah habang nag paplano ang mga ito ng date mamaya.

"Ehermmmm... ehermmmm...." Pag iingay ko.

Pareho namang napatingin ang mga ito sakin.

"Sorry, naka isturbo ata ako... Anyways... see you later, Babe..." Sabi nung Jeremy.

"Yes, see you later." Sabi din naman nito.

And nag wink pa si Jeremy bago ito lumabas. At itong c Eren ngiting ngiti.

"Babe?! Ano yun?! Boyfriend mo?"

She just looked at me.

"Ano nga?"

"Paki mo ba?"

Napa nganga naman ako nun. Wow, lakas ah.

"Good afternoon,"

And that's Val.

"Ahmm okay na?" Tanong ni Val sakin.

"Ah. Yeah..." Sabi ko saka tumayo.

"Sige, mauna na ako sa service Ha.. ma'am, thank you." Sabi ni Val at umalis na.

"Anyways, thank you for lending your time, Miss Flores." Sabi ko Sabay abot ng kamay dito for a shake hands.

At first ay tiningnan niya lang ito, then she looked at me and stood up and shook hands with me.

Then we looked at each other, unti unti namang lumambot ang mga mata nito. And damn, I missed  those eyeS. Yes, ang maamong mga mata nito.

Then I looked at our hands, I wanna pull her and hug her tight, I missed her sooo sooo much.

"How I wish I could simply wrap you in my arms, Reese," she said while looking at me, and damn, I could feel her pain.

Then binitawan niya ang kamay ko, at kinuha ang kaliwang kamay ko and flipped it down. "Anyways, don't worry, I'm getting over it..." Sabi nito habang nakatingin sa engagement ring ko then tumingin sya sakin. "James asked me to sing a lovely song for the both of you that night... and for being a good friend, I can't say no..."

Kung ganun bago pa pala yung proposal ni James ay alam na nito iyon? Yun ba ang dahilan kung bakit sinabihan niya akong mag take risk sa kanya?

Then she sighed at binitawan ang kamay ko. "Anyways... I'll pretend nothing happened... and just move on." Then she stood straight and took a deep breath Sabay kuha ng papel sa filebox nito. "Anyways, here's the checklist for interim payment...you should  check the box if you've complied the required paper or attachment, if wala just put N/A for not applicable, okay?"

Kinuha ko yun Saka tiningnan Sabay tango.

"Okay, so I believe we're done already?"

Tumango nalang uli ako.

"See you next week, Miss Dela Serna..." Sabi niya with that professional look Sabay turo ng daan palabas.

At para naman akong lutang na sumunod lang dito.

I feel so empty.

Ba't ganun? I should be happy kasi parang closure na namin yun ni Eren. At least alam kong she's trying her best to move on... pero ba't ganun, something in me wants to still hold on with something we had.

—-

-

-

-

And now it's Friday again, bago pumunta sa bahay nina James ay nag discuss muna kami ng ilang mga bagay sa wedding coordinator namin.

Actually, wala akong gana ngayun, tango lang ako ng tango sa mga sinaSabi ng wedding coordinator, si James naman panay ang tayo, laging May phone call, trabaho daw.  Sana nga di nalang  sumama, wala naman sa wedding preparation ang focus, nakaka bad vibes.

Sighed.

"It's 5:30 pm, timing lang pagdating natin ng bahay. By the way, hon, ininvite ni Mama sina Tita Meldz and Tito Joe, kaya Mejo marami tayo this time." Sabi nito habang sinusuot ang seatbelt. "So? Wala ka bang dadalhin sa bahay like dessert?"

I looked at him, yeah, I forgot, dapat pala mag dala ako ng cake o Kahit na Ano jan sa bahay nila everytime na pupunta ako.

"Hon... pwede pass muna ako ngayun?" Sabi ko, while massaging my forehead.

"Huh?"

"Why?"

"I don't really feel good right now... if okay lang Sana hatid mo nalang ako pauwi?"

James gave me a disappointed look. "Opposite direction ang papunta sa bahay niyo hon, Mapapagalitan ako ni mama if ma late ako sa dinner."

Yeah, right, bawal nga pala ma late sa family dinner ng mga ito. Hai, so ito pala yung family na papasukin ko, maraming Bawal, maraming rules at mataas ang standards.

"Okay," Sabi ko Saka kinuha na ang bag ko.

"Wait, so hindi ka nga talaga pupunta?

Umiling ako. "Inaatake ako ng migraine..."

"I wonder kung anong sasabihin ni mama pag wala ka run."

I looked at him. Damn.

"Okay, let's go." Sabi ko nalang.

And now, andito ako naka upo sa wooden chair na malapit sa pool nina James.

Na a out of place ako sa kanila sa loob. Mabuti Nang andito ako para naman May silbi ako, I offered na ako na muna mag bantay sa mga anak ng pinsan nito, nag na night swimming kasi ang mga ito, apat lang namang makukulit ang andito so... okay na yun kesa sa tumunganga ako sa loob.

"Aidan, come here," tawag ko dun sa pinakabunso, di kasi nito maibalik yung lock ng life jacket nito, di pa naman ito maruNong lumangoy. Lumapit naman agad ito sakin. Inayos ko naman agad yun. "Ayan Okay na."

Bumalik din naman agad ito sa pag s-swimming.

"Oh my Beautiful Lea!!"

Napalingon naman ako nun sa loob.

Lea's here, James' ex girlfriend. Agad itong niyakap ng mama nito saka hinila papunta sa mga cousins ni James, Agad naman itong nakipag chikahan dun.

Sighed. Ba't ba andito tu? Akala ko ba family dinner? Bakit May ex girlfriend?

"Ayieeeeeeeee..."

Tinutukso nila si James kay Lea. Damn. Seryoso ba ang mga ito? Jusko! Hello! I'm here! And then lumapit si James dito, and I just rolled my eyes in disappointment when I saw James put his hand on Lea's hips papunta sa table kung saan ang mga pagkain.

"Tsk..." then I looked at my watch.

"Hey, hon,"

I looked at James and smiled. "Yes?"

"Come here.."

Tumayo naman ako nun at lumapit sa kanya.

"Hi, Reese!" Si Lea yun Sabay beso sakin.

Pilit naman akong ngumiti nun. "Hi."

"So, how's the wedding preparation going?"

"Ahmm.. good."

"Si James kasi panay ang Tanong sakin ng nga option, parang feeling ko ako yung wedding coordinator niyo, araw araw akong kinuconsult."

Napatingin naman ako nun kay James. Wow, seriously, hon? All this time akala ko ako lang interesado sa kasal na tu, kasi busy ka palagi pag May meeting tayo sa wedding coordinator, o di kaya pag kasama ka naman lagi kang May ka phone call. "Wow, really?" 

Tumawa naman nun si James.

"Yes... Sabi ko nga sa kanya, bigyan niya nalang ako ng fee."

"Ohh..."

"Saka, pina pili pa ako ng bulaklak..."

Ahhh... so pati bulaklak, teka, sino ba samin ang bride mo James?

And they started to talk not related about the wedding.

Okay, I think... nalulula na ako rito.

How come I didn't knew and noticed na Nag uusap pala ang mga ito ... and wait... araw araw?

Tumayo ako Saka lumabas sa pool area nila. Na su suffocate ako sa loob.

Goddammit! I feel so betrayed. I hate the fact na kumukunsulta si James kay Lea regarding our wedding and not show even a single interest when we talk about it. So Ano yun? May pina plano syang kasal na di ako kasali? Kasi di ko alam eh, tas wala naman syang paki pag kasama namin wed coord namin.

Then I looked at my watch. 9:30 pm. Gosh, uwing uwi na talaga ako.

"Hon, ba't dito ka sa labas?"

"Ahh... mejo na ma migraine ako."

"Ganun ba?"

"Yeah.." then bumuntong hininga. "I am not informed your ex will be here... I thought this was a family dinner."

"She friends with one of my cousins, niyaya eh, and she's around the area kaya huminto lang sandali to say hi."

Then I looked at her, umiinom na ang mga ito ng wine dun sa living room and masaya itong nakikipagchikahan sa mga pinsan ni James, ito ba yung huminto lang ng konti  to say hi? Eh isang oras na ata ito rito. And God, I hate the fact na mas close pa si Lea sa pamilya nito kesa sakin, welcome na welcome eh, Anyways, mas nauna nga naman kasi ito, matagal din kasi relasyon nito at ni James, I think 7 years?

"Okay."

"Are you mad?"

"No."

"Come on, Hon."

Then I took a deep breath. "I just hate the fact na kumukunsulta ka sa kanya for our wedding."

"Yan ba kinakagalit mo?"

I looked at him. "No."

"Then what?"

"Because when you're with me, you show no interest to our wedding, ako nga lang palagi nag memeet sa wedding coordinator natin eh kasi palagi kang busy... tsaka if anjan ka naman lagi kang May phonecall."

"Sorry, okay... that's for our future naman."

I glared at him. "Future huh? Then why the hell you always ask her suggestions and or ideas ha? Pati bulaklak? James? Really?"

Napanganga naman ito nun.

"You know what... I better go." Saka tumalikod na at pumasok.

Ayoko na Sana mag pa alam sa pamilya nito kasi nakaka badtrip kaso kelangan eh, baka Pag Sabihan pa akong walang manners.

Sighed. Then I looked at my watch. 10:15 pm.

Hai, I don't feel like going home.  Gusto ko munang mag unwind Kahit sandali lang.

"Kuya, The Fort nga." Sabi ko. Mag c chill lang muna ako sa Craft Pub, isa pa Mejo nagugutom din ako, di kasi ako nakakakain ng maayos sa bahay nila James, well

Lagi naman.

@ Craft Pub & Grill

I ordered pizza and some finger foods Saka local beer. Wala lang, chill lg while listening to their live band.

"Oh my God, is this the reason why parang gusto ko talagang pumunta rito?"

Napatingin naman akonnun sa taong huminto sa harap ng tAble ko.

"Mike? Hey, Mike!" Masayang Sabi ko saka tumayo at nag beso dito.

"I missed you, girl, Grabe, ngayun lang tayo uli nagkita."

"Yeah. Kaya nga... kumusta?"

"Well, okay lang, kakatapos lang ng  shift ko, NAng aya uminom mga kasama ko and Sabi ko sa Craft Pub kami  so here... in flesh..." Sabi nito. "Mag isa ka lang?"

Tumango ako. "Actually, unplanned. Nagutom ako eh, tsaka gusto ko mag unwind."

Then he looked at me. "You look like you're having an emotional problem right now..."

I looked at him. He's kinda right. Kaya Di na ako sumagot.

Then I saw one of his friends waved at him, Tinawag na nila ito.

"Ahmm... gotta go na, Reese, ha... chill ka lang jan...." Saka hinawakan ang kamay ko. "Smile, everything will be okay."

"Yes, thank you."

At umalis na ito.

Around 12 ay nag bill out na ako, baka kasi pagalitan na ako ni papa, ang Sabi ko kasi family dinner lang kina James. Pumara agad ako ng taxi at sumakay.

"Kuya, Parañaque." Sabi ko.

"Okay, Ma'am..."  Saka pinatakbo na ni kuya ang taxi.

Hai.. para akong dinuduyan, mejo natamaan ako ng konti ng alak eh, lalo na't pagod pa ako sa trabaho.

——

-

-

I woke up with a sound of waves and chirping of birds...

Wait, waves and birds? Wala naman atang waves sa bahay ah, Oo May ibon minsan pero waves? Baka Ingay ng kapit bahay.

Napa dilat naman agad ako nun at tumambad sakin ang napaka blue na dagat. What the hell? Nasaan ako?

Agad naman akong napa bangon nun. I'm inside a car. Hindi naman tu sasakyan ni James, kilala ko interior ng sasakyan nun eh.

Agad din naman akong lumabas nun. Bluish Black Pearl Suzuki Jimny. Kaninong sasakyan tu?

"Yep... isang kaha nalang... ay yung ice bucket pala nasa likod ng sasakyan."

Napalingon naman ako dun sa nag salita.

It's Eren.

Nag tama naman agad ang mga mata namin.

Wait, what? Bakit nandito siya? I mean Bakit ako nandito? No. Bakit mag kasama kami? Well, pwede ring hindi? Pero seryoso, Bakit andito kami? Huling pagkakatanda ko ay sumakay ako ng taxi at... then I looked at her again. Nag lalakad ito palapit sakin. She's wearing a white tshirt and a short shorts Saka naka cap.

"Is this your car?" Sabay turo sa jimny.

"Well, yes, obviously." Saka binuksan nito ang likod at binaba dun ang ice bucket Saka kumaway ito sa lalaking kausap nito kanina.

Agad namang lumapit dun ang lalaki. "Ito lang po, Ma'am?"

Tumango ito. "Oo, Kuya, punuin mo nalang, ice lahat." Sabi nito.

"Okay po." Saka umalis na ito.

"Eren? Can we talk? Naguguluhan ako... kasi supposedly nasa bahay ako ngayun. Wala akong nataTandaan na plano for the weekend... wait... sabado ba ngayun?"

Tumango ito.

"Then talagang wala akong plano ksi May duty ako ngayun... then why am I here? Kasi as far as I can remember, the last time we saw each other was sa office niyo pa." Then nag cross arms ako. "Wait, Kumusta nga pala date niyo nung Jeremy na yun? Ano mo yun? Manliligaw? Boyfriend? Fling?" Naalala ko tuloy bigla. "Damn, Eren, ganyan ka talaga ka bilis mag hanap ng Bago nu?? And to think na parang wala lang ako run nung pinag uusapan niyo about sa date niyo ha... wow..."

She looked at me. "Wait. So Ano ba yung concern mo? Yung kung Bakit andito ka or yung date ko with Jermz. Kasi as far as I can remember, you have nothing to do with my life anymore... I don't have to explain anything and everything to you because as far as I'm concerned, we've ended everything back in Bora... so????"

Napipi naman ako nun. Well yes, she's right, wala akong karapatang Mangealam sa buhay niya ngayun kasi Tapos na rin lahat samin eh.

Then kinuha na nito ang gray na sports bag at sinara na ang likod at pumunta sa driver's seat, May ilang personal na gamit ito dung kinuha at nilagay sa bag nito.

"Okay.. so why am I here?"

She stopped and looked at me. "Naka tulog ka sa taxi."

"Soooo????"

"Hindi alam ng driver kung saan ka ihahatid kasi ang Sabi mo Parañaque lang, eh ang laki  kaya ng Parañaque..."

Ahhh so ganun? Pero panong napunta ako sa kanya?

"Around 12 dumaan ako sa Craft Pub para Kunin ang gift ni Mike para kay mama, then I was about to go when I saw you na lumabas at nag bantay ng taxi. Mejo sabog ka... kaya as being a good friend sinundan ko ang taxi para Sana siguraduhing maka uwi ka ng maayos... then I noticed, palibot libot lang ang taxi then Huminto ito bigla so nag taka ako kaya binabaan ko, then I saw you himbing ng tulog sa passenger's seat, di ka ma gising ng driver kaya I transferred you sa sasakyan ko. I tried na hanapin ang ID mo pero sadly wala akong makitang ID sa purse mo... only Debit and Credit Card, 500 bill and cellphone."

Shit. Iniwan ko nga kasi yung bag konsa office. Usually kasi pag May dinner kela James which every Friday, iniiwan ko yung bag ko since hanggang sabado naman yung work ko.

"Sooo??" Saka kinuha purse ko at tiningnan ang laman. Andun pa yung 500 bill ko. "Ahmm... Sino nag bayad sa Taxi?"

"Ako."

"Magkano?"

"750." Saka tumalikod na ito at ni lock ang sasakyan nito.

Sumunod naman ako dito.

"Teka... babayaran kita."

"Wag na... ipamasahe mo nalang yan pabalik ng Manila."

Then I stopped. Wait, nasaan nga pala uli ako? "Nasaan ba tayo?"

Then my phone rang.

Engr. Lacosta calling...

"Shit, tumatawag boss ko." Sabi ko Saka sinagot yun.

"Hello? Ma'am?.... Ma'am .... Mejo chapi ka po....Teka hanap ako ng magandang signal..... hello, ma'am????" Saka nag lakad lakad hanggang sa ma dagdagan ng isa ang signal bar ko.

Engr. Lacosta: hello, Eren, naririnig mo na ba ako?

"Yes ma'am...."

Engr. Lacosta: I have a (brrrrrrr) mamayang 1 pm sa Pasig (brrrrrrrrr) Mayor Vico, I (brrrrrrrrrr) an update (brrrrrrrrr) project (brrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr) send me (brrrrrrrrrr) now (brrrrrrrr) got (brrrrrrrrr) okay?

"Ahh.. yes, ma'am... Anong oras niyo po kelangan?"

Engr. Lacosta: 10 am (brrrrrrr) I (brrrrrrrrr) review (brrrrrrrrr) first (brrrrrr)

"10 am po mam? Okay okay...." Then I looked at my watch, 7:15 am, Keri pa tu.

End.

Then I looked at Eren.

"I need to be in the office before 10 am, kelangan kong mabigay yung update na hinihingi ni Engr Lacosta." Sabi ko. "Nasaan nga tayo uli?"

Lumingon ito sakin Saka hinawakan ang magkabilang balikat ko at hinarap sa kaliwa. And there, tumambad sakin ang mataas na bundok at asul na langit.

"You see that mountain?"

"Yeah..." then napaisip ako. Saang postcard ko nga ba tu nakita?

"That's Mount Pundaquit."

Mount Pundaquit... mount Pundaquit...

Pundaquit, San Antonio, Zambales

Shit.  Sabay dilat ng mata.

"Nasa San Antonio, Zambales tayo?"

"Well, yes."

"That's three, four... five hours from here...?"

"Ah... when you ride a bus, yes, 4-5 hours pero Pag private car, 3 -4 hours will do." Simpleng Sagot nito.

"No way.... May meeting si boss ala una mamaya. Pano ko tu mabibigay ang update?"

"Yeah. That's why I'm telling you keep that 500 bill kasi gagamitin mo pa yang pamasahe." Saka tumalikod na ito at pumunta sa bangka.

Shit. This is a major trouble, ayaw pa naman MapaHiya ni Engr. Lacosta kay Mayor Vico, mataas kasi standards ni Mayor so dapat maayos ang recap ng project.

"Eren! Sandali!" Saka hinabol ito. "Favor naman oh."

"Saan?"

"Hatid mo naman ako pabalik ng Manila oh."

She stared at me. "What? No way? Ang layo kaya."

"Come on! Ikaw naman nag dala sakin eh so dapat lang Ikaw ang bumalik sakin dun."

At lumingon na sya nun sakin Sabay taas ng kilay. "Wow, so it's my fault now. Kung sana di ka nag pakalasing dun sa Craft Pub de Sana naka uwi ka ng maayos sa bahay niyo, diba?"

Napa hinto naman ako nun.

"Ma'am eto na po." Sabi nung Kuya na kumuha ng ice bucket kanina, May kasama na itong binata.

"Sige, Kuya, lagay niyo dito Nang makaalis na tayo."

"Teka Teka!  Saan ka pupunta?" Tanong ko Nang makitang nilagay na nito sa bangka ang bag nito.

"Paki mo ba?" Aba nagsuplada.

"Hey, come on, iiwan mo nalang ba ako rito?"

"Well, obviously, Oo, Alangan naman kasing samahan pa kita rito eh May nag aantay sakin." Saka pumanhik na ito sa bangka.

"Eren! I need to be in Manila before 10."

Umiling ito. "It's a no No." Then May tinuro ito. "Ayon, trisikel oh, sakay ka nalang papuntang terminal."

Then I looked around. Shit, Anong gagawin ko dito? Mag isa lang ako. Then I looked at my watch again. 7:30, if mag ba bus ako around 12 nasa Manila na ako... di pa rin ako makaabot.

"Ma'am, alis na tayo?"

"Opo, Kuya."

"Saka pinaandar na nito ang motor ng bangka."

"Teka Teka! Sama ako! Wag mo akong iwan dito!"  Agad kong Sabi Sabay hawak sa ulo ng bangka.

Napatingin naman nun sakin si Eren at ang dalawang bangkero.

Bahala na! Basta Ayokong maiwang mag isa dito sa Pundaquit beach.

Próximo capítulo