webnovel

(8)

Now sitting at the white sand while enjoying the beauty of Buruanga's Sunset here in Sitio Hinugtan.

Damn.

There's no enough adjective to describe how beautiful it is. I never thought na May ganitong view dito sa Buruanga, I mean, we always thought that Boracay has that view ONLY, well isa din yan sa mga nag pa sikat sa Bora diba, pero eto, tingnan mo, here in Buruanga, Aklan, May ganitong sunset view pala, sentrong sentro, parang nanunuod ka lang ng sunset sa isang super wide 360 degrees screen.

"Do you want me to get your phone para maka kuha ka ng pics?"

I looked at her then umiling then tumingin uli sa sunset. "No. I want to enjoy each and every second bago  tuluyang dumilim ang paligid." Then sighed. "I've always wanted to do this with someone I love."

She looked at me.

"Yung uupo lang kayo jan, tas wala kayong gagawin Kundi antaying maka baba ang araw, o di kaya mag antay na sumikat yung araw  then kape, o di kaya mag hiking at mag camping, mga ganun..."

Then bigla itong tumayo saka nag cross arms. "Should I say sorry kasi hindi dapat ako yung kasama mo rito manuod ng sunset?" parang batang nag tatampo na Sabi nito

I looked at her then laughed. "No! No! What I mean is—-"

"Nahhh... save it."

Then napatigil ako upon looking at her body shape.  Damn! How the hell did she got that   body? I mean look at her, Aside from the fact na matangkad sya which I guess ranges from 5"5' to 5"7', her body speaks different language of a slim woman, Eren's not the lean type, definitely not an endomorph, because this girl, she got curves.

Napailing nalang ako. How the hell did I missed it? I mean, look, dalawang beses na kaming nag lampungan di ko man lang napansin tu? Well, maybe I never had the chance to scan her from head to toe and also maybe I'm not that interested... but now by just looking at her... I can't help it but to admire everything I'm seeing right now.

"What?"

"Teach me your Mesomorph Diet, I want to know." Sabi ko nalang.

She laughed. "No way..." Saka umupo uli sa tabi ko.

"Come on! Don't be such a kj kasi Eren ang pangalan mo."

Tumawa uli ito. "Kain, tukog, gising and repeat." Biro nito.

"Agh! I hate you!!!"

Then tumingin ito sakin, yung nakakalusaw, kaya agad akong umiwas ng tingin nun, ayokong salubungin ang titig nito.

"Ikaw, ba't ang ganda mo?"

"Huh?"

"Tips nga ba't ang ganda mo sobra."

"Di ako maganda."

"Ganda mo kaya."

"No."

"Sexy, maputi, malditang pretty, uy, note maganda ka Pag seryoso ka, nakakaaliw titigan... then yung kamay mo..." Sabi nito Sabay kuha sa kamay ko. "Ba't anlambot? Saka ang kinis?"

"Tse!! Nambola pa!"

"Then napaka girly mo, you're those girls that really gives off that female vibes the guys ever wanted..."

I looked at her. "Huh?"

"Yep... di ka ba nag tataka bakit maraming nabebet na mga boys sa'yo? Kasi yung appeal mo is sobrang nakakalalaki pra sa kanila.. you make them feel their worth..."

"No way... nahiya naman ako sa'yo. Sa'yo nga bilis mong mka bingwit sa Club eh."

Tumawa ito. "Ibang usapan yun."

Tumingin ako sa kanya.

"Okay... kasi usual na sa club yung ganyan. Kunbaga, pansamantala lang."

"Ahhh..." Then I looked at her again. "Sooo... you said I'm like those girls that guys always wanted... so does goes same with you? I mean... you know.."

"The answer's no." Biglang Sabi nito.

"Huh?" Wow, basted agad.

"I don't like the girly girl na mga babae, Reese... mostly kasi sa mga straight super girly girls ay mga homophobic... and mostly sa mga kaibigan ko ay lgbtq and as part of it, marami na akong na encounter tulad nila..." then she smirked. "Before Jana.. I had this crush nung 1st yr high school ako, like you babaeng babae rin, mahinhin etc... and syempre don romantico din yung lola mo kaya ayan nag padala ng roses and chocolates... pati poems.... Pero binasted ako eh... okay lang sana if hanggang basted lang kaso nilait pa ako, nakaka diri daw... and worst, nasa gitna ng quadrangle niya ako sinigawan at nilait... I was totally humiliated by her gesture and reaction...."

"Sorry..."

"No, don't be.." sighed. "I hate all homophobic people but then I tend to understand their judgment and reaction, I know we're not normal just like "them" pero alam kong hindi naman kami masamang tao para ipahiya at laitin."

Katahimikan.

"Alam kong babae ako pero hindi naman ako ganyan."

Tumawa ito then tumingin sakin. "Do you want me to make an exception for you? You know... I can give you a chance..." Sabay kindat.

Napataas kilay naman ako nun. Hindi ko matuloy exactly kung Ano ang pinaabot niya.

Now Playing: Feels Like You - Faime

——

-

"Buttered Garlic Shrimp, Grilled Squid and Corn and Mushroom Soup."

Then I looked at her waiting for her reaction. Then she looked at me.

"Wow! Did you just cooked all of these?" Manghang Sabi niya.

Tumawa ako. "Well, yes..." saka umupo na sa harap niya.

Nauna akong naligo kanina, pina una niya ako kasi raw mag luluto pa ako, after kong maligo ay sya ang sumunod then kinuha niya yung damit ko nung  isang araw, I lalaundry niya raw kasama sa damit niya para May magamit kami bukas.

"So pwede na ba?"

Tumango ako.

Then tinikman na niya isa isa.

"Oh my God, sana all talaga magaling mag luto."

Tumawa ako. "Di naman." Saka nag simula na ring kumain.

Natawa pa ako nang ginawa niyang sabaw ang butter sa buttered shrimp. Ginaluhan ko na rin sya ng soup. "Yan, para mainitan yong tyan mo."

"Thanks po." Pa cute na Sabi niya.

Napailing nalang ako sabay ngiti then looked at her again.

Ang saya niya lng tingnan habang kumakain, l para kasi syang bata.

"Burp. Burp."

I looked at her and laughed.

She's now rubbing her stomach malamang sa sobrang Busog

"Gusto mo ng tea para matunawan ka? Ang dami ng kinain mo." Sabi ko habang niligpit ang pinag kainan namin.

"Yes. Please."

"Okay. Wait me at the veranda nalang."

"Okay..." saka tumayo ito at lumabas sa veranda.

After ko mag hugas ng pinggan ay nag prepare na ako ng dalawang tea at dinala yun sa labas.

"Here."

"Thanks." Sabi nito.

Then katahimikan. Hmm ang lamig, sakto lang ang tea.

"Anyways, how did you learn to cook that good?"

"Ahmm.. my mom?"

"Oh... magaling din mag luto mama mo?"

Tumango ako. "Well, yes, magaling at masarap mag luto."

"Wow, really?"

"Yep! Uy  alam mo sya ang head cook ng catering nila dati kasi magaling siyang magluto at masarap pa... tsaka marami syang alam na style sa pag luto... amazing nu." Proud kong Sabi. "Actually si mama nanalo din dati sa mga cooking contest sa school namin... nung nutrion's month sya yung nanalo... Pakbet yung niluto niya ay sobrang sarap... kahit na yung classmate ko dati na di kumakain ng gulay eh kumain ayan naging peyborit..." Sabi ko saka tumawa. "Then nung high school ako, sya nag luto para sa kiosk namin... naku, ubos agad mga niluto!" Sabay tawa ko.

"You sounded so proud of your mom ha."

"Well, yes I am. Idol ko  kaya sya." Sabi ko.

"Ah at dyan mo nakuha ang cooking talent mo?"

"Well sort of... dakiLang assistant kasi ako ni mama nung bata ako... and when my mom noticed na I'm willing to learn from her, dun na ako tinuruan ni mama, minsan nga pag May catering sina mama sa malalayong lugar, ako na nag luluto sa bahay... usually kasi pagod na yun pag uwi... Tapos ihehele niya pa yung bunso namin... Tapos tuturuan niya pa ng assignment yung isa ko pang kapatid."

"Hearing that from you, your mom seemed like a good mother."

"No! She's the best."

"Well, all moms are."

"Yep."

"Anyways... so you love cooking too just like your mom?"

"Well... I learned to love it because of my mom... she inspired me."

"Eh Ba't Di ka kumuha ng cooking related course? Like HRM, Food tech?"

"Naaahhh.. practical lola mo eh... kaya kumuha ng business related na kurso... di naman kasi kami mayaman. Kaya kelangan maging wise ako sa pag pili ng course."

"Come on! What's wrong ba with food related courses, Di naman ganun kamahal ang tuition fee, exclude culinary arts ha..."

"Mahihirapan akong mag hanap ng trabaho."

"Nahhh... there's so many hotels and restaurants and resorts in MANila... so Bakit?!"

"Hmm... maliit sweldo? De joke.. Ano kasi sa buhay kelangan lang maging practical... Di naman kasi kami mayaman eh..."

"Well, knowing how reality works, mas madali ka ngang makahanap ng trabaho kung business related course ka, kasi kahit Saan ka ilagay suited ka sa posisyon.."

"Exactly, yan ang iniisip ko dati nung pumili ako ng kurso."

"So happy ka naman ngayun?"

Napaisip ako bigla. "What do you mean?"

"I mean on what you do..."

"Well... yes, as long as I'm earning." Sabi ko.

"Really?"

Katahimikan.

"Actually..." Then tumingin ako sa kanya.  "I wanted to start a business... restaurant or cafe..."

"Wow. Is that your dream or something?"

"My mom's dream was also my dream." Sabi ko Sabay tingala sa mga bituin sa langit. "Pangarap ni mama magkarun ng resto dati... kaso wala pa kaming pang capital nun at bago palang ako sa Smartist Builders, maliit pa nun sweldo ko..." sighed. "When she died... I promised her na ako ang mag tutuloy  ng pangarap niyang iyon."

"So when's gonna happen?"

At napaisip. I wanted to happen it now, or one of these days. I've actually decided about it, but then instead of support, ang nakuha ko kay James ay sermon. Sighed.

"I don't know... maybe someday?"

Then hinawakan niya ang kamay ko. "I believe in you, I know you could reach that dream..." Sabi nito. "I can't wait for that dream to sea in reality..."Sabay ngiti.

Napangiti nalang din ako.

I also can't wait for my dream to come true... and if that dream ever happens someday, I wish my mom would be very proud of me.

———

——

—-

-

I woke up around 6am  and thought of an idea.

I'm gonna make breakfast for us.

Kaya agad akong tumayo at nag ayos ng sarili.

Omelette, corned beef, fried rice and fruits

"Oh My God! I felt like your wife already... I'm lucky." that's Eren, naka windbreaker jacket ito at short short, malamang she took a small jog or walk outside.

"Yan ba sikreto mo kaya maganda katawan mo?" Tumawa ito.

"Hindi, tanga." Saka hinubad na nito ang windbreaker nito at nag hugas ng kamay.

"Tara, kain na."

"Yes po... coffee?"

Tumango ako.

"Okay wait." Saka nag timpla na ito ng kape. "Here." Sabi nito saka nilagay ang isang mug sa tabi ko.

"Thanks." Sabi ko Saka nag sip ng coffee then napangiti.

"What?"

"Alam mo na ksi eh."

"Huh?"

"I mean... yung coffee ko?"

"Oh My God! Ano bang mahirap I memorize sa black coffee no sugar ?" Sabi nito Sabay tawa.

"Well, James always do. Lagi niyang nalalagyan ng sugar o creamer kape ko."

"Oh, sorry."

Tumawa ako. "Pero sanay na ako." Sabi ko. Actually, di ko rin alam kung anong mahirap tandaan sa black coffee no sugar na kape ko, Bakit laging nagkakamali si James,  ah siguro kasi yung sa kanya May sugar at creamer... naiisip nalang niya siguro na yun din akin.  "Anyways, let's eat na."

At nag simula na kaming kumain.

"So... Anong errands mo kay Ate Tina?"

"Kukuha lang ako ng deed of sale ng lupa."

"Yun lang naman?"

Tumango ito. "Ikaw?"

"Kukuha lang ng papers...then okay na."

"Okay, cool." She said while looking at her phone, May binabasa ata itong message. "Tsk" Saka nilagay na niya ito sa Mesa at nag patuloy na ito sa pagkain.

Then suddenly her phone rang, nung tiningnan niya ito I noticed her facial expression changed then she cancelled the call.

"You okay?"

She looked at me. "Yeah." Saka umiwas na ng tingin.

Then her phone rang again.

"Goddamit." Mura nito, then cancelled it again.

"Hey, baka importante yan." Sabi ko.

"Nahhh... it's nothing." Sabi nito.

Then it rang again. I tried to take a look at it bago niya ma cancel  yung call.

Mike calling...

Ba't niya kina cancel ang tawag ni Mike?

"Si Mike? Baka importante yan."

"Tsk. Wag mo Nang pansinin. Mangungulit Lang yan."

Then it rang again.

And she cancelled it again.

At nag patuloy na uli kami sa pagkain.

And then her phone rang again and again.

"Eren, seriously, I think... importante yan." Sabi ko when I noticed she's about to cancel it again.

But then kinancel pa rin niya.

Napailing nalang ako.

After we ate ay nag ayos na kami para maaga pa kami sa kanya kanyang transaction, nung nasa sasakyan na kami papuntang Munisipyo, I noticed na Mejo di balisa sya. Even though she's not talking, but I could sense she's not okay.

"You could've answered the call, you know."

She didn't responded.

"Eren..."

"Nakunan kasi si Jana."

Napa tingin naman ako rito. "Huh?! Pano?so how was she?"

"Nasa St. Gabriel's sila. And I don't know..." parang Walang paking Sabi nito.

"Agh...Di mo alam kasi di mo naman sinasagot tawag ni Mike." Sabi ko.

"Para sa Ano pa, Reese? I'm not the father of that unborn child."

Napataas kilay naman ako sa Sagot nito. Is she being an asshole right now? I mean... seriously?

"So????" Sabi ko.

"Anong so? Oh My God! I think you forgot Jana betrayed me."

"So nga?"

"What?!"

"She needs you, Eren... Kahit na hindi man Ikaw ang ama ng batang yun, I bet Jana needs you more more than the father of that child." Saka binuksan na nito ang pinto. "And besides, you could be at least being a friend to her. Come on, don't ignore the fact that you want to comfort her too now, tama na yang pagpapairal ng pride at ego mo because we both knew you still care for her." Saka bumaba na. "Also, stop being an asshole, go talk to her, ayusin niyo ang dapat ayusin..." then I looked at her. "Wag mo na akong antayin mamaya, matatagalan ako." Sabi ko Saka tumalikod na.

I think I hate it when she acts like that, nakakainis lang, parang nabadtrip din tuloy ako.

——

——-

———

At gaya ng inaasahan, hindi na nga ako hinintay ni Eren, kaya mag isa na akong bumalik ng Boracay, agad din naman akong dumiretso Ky Stella and Engr. Glen para ibigay yung papers and nag meeting narin kami with Miss Cruz, around 5:30 ay dinismiss na kami, nag aya sina Stella na mag dinner mamaya mga 8 so nag decide muna ako na bumalik ng hotel para makapag pahinga ng konti at makapag bihis.

It was already 5:50 when I noticed several people around the area, ah sunset time na pala.

Napahinto rin ako nun to look at the sunset. Then sighed.

I suddenly remembered Eren... Goddamit.

Napailing nalang ako.

Come on, Reese.

At nag patuloy na sa pag lakad. Ang bigat ng loob ko... yung parang walang ganang gumalaw ang paa mo kasi parang ang tamlay tamlay mo.

Di na kami nag kausap pa ni Eren after nung kanina sa Munisipyo, ni di ko nga alam kung andito na sya sa Bora or andun pa sa mainland eh, well, probably andito na sya... at siguro napuntahan na niya si Jana...

Sighed.

At napa tingala sa langit.

Why is that I hate the thought that she's with Jana right now? Come on, Reese, Ikaw ang nag tulak sa kanya para puntahan niya si Jana diba? Eh Ano tung pinag iinarte mo?

Anyways, Jana needs her.

Now Playing: Love You Better - Valentina Ploy

Próximo capítulo