webnovel

Ward 511 (Part 2)

She looked at the direction where the gunshots came. May tatlong lalaking nakapang-sundalong kasuotan ang may mga hawak na kakaiba at mahahabang baril. Pinaputokan pa ng mga ito si Rosana ng ilan pang ulit tapos ay inakay siya ng isa palabas ng ward. Bago siya tuluyang makalabas ng silid, liningon pa niya ang pugot na ulo ni Ernesto sa huling pagkakataon. Puno ng awa, pighati at pait na napaluha siyang muli para rito.

Inalalayan siya ng lalaking umakay sa kaniya palabas na makaupo sa sahig di kalayuan sa ward ni Rosana. Lugmok siyang sumandal sa pader at tumingin sa direksyon na pinanggalingan niya. Nag-u-unahan ang mga luha niya sa pagbagsak habang iniisip ang nangyari.

Hindi niya matanggap ang nangyari kay Ernesto. Ang sarili mismo nitong asawa ang pumaslang rito. The love of his life! Parang pinipiraso ang puso niya habang iniisip ang kinahantongan ng mag-asawa. Ano ang nangyari kay Rosana? Paano itong naging halimaw?

"Stay here. Someone will be here for you," sabi ng lalaking umakay sa kaniya bago siya iwan.

She suddenly heard someone talk beside her. Tumingala siya para tignan kung sino itong nakatayo sa gilid niya.

"I told him it's just five minutes," narinig niyang sabi ni Dr. Shane na nakahalukipkip at nakatingin sa direksyon ng ward ni Rosana.

Siya naman ay patuloy pa rin sa pagtangis at hindi makapaniwalang iniiling ang ulo sa nangyari.

"Bi-bigla na lang s'yang n-nagbago. B-bigla na lang s'yang tapos, tapos-"

"Calm yourself," putol nito sa kaniya. "We will talk at my office," saad nitong tila walang karumaldumal na naganap tapos ay kalmadong umalis at iniwan siya.

Napahawak siya sa kaniyang ulo. Ano ba ang problema sa ospital na ito? Sa mga doktor at nurse? As far as she is concerned, this is not normal. Pero bakit umaakto ang mga ito na parang walang nangyari? Someone was just murdered!

Pinakalma siya ng isang nurse na tumabi sa kaniya. Tinulongan siya nitong linisin ang mga talsik ng dugo sa katawan niya at binigyan siya ng malinis na uniporme. Pagkatapos ay dinala siya nito sa opisina ni Dr. Shane at pinaupo siya sa sofa nito at doon pinaghintay.

Nanginginig pa rin ang buong katawan niya sa takot habang inaalala ang nangyari kanina. Ilang minuto pa ang lumipas at pumasok na rin si Dr. Shane na may dalang tasa ng kape. Inalok siya nito ng bitbit nito ngunit tinanggihan niya iyon. Wala siyang gana sa kahit ano ngayon.

"Sorry about earlier," anito bago umupo sa harapan niya. Hawak nito ang tasa ng kape na maya't maya nitong hinihigop. "Hindi naman iyon madalas mangyari rito. Was it your first time witnessing something like that?"

Matamlay niya itong tinanguan. Ang mga mata niya ay nakapako sa asul na carpet sa sahig habang malalim ang iniisip.

"I see." Humigop ito ng kape bago muling nagsalita. "If I were you, sasanayin ko na ang sarili ko. Because I assure you, that won't be the last time you'll see something like that."

May isang butil ng luha ang gumuhit sa pisngi niya. Huminga siya ng malalim tapos ay matapang ang mukha niyang nag-angat ng tingin sa walang emosyong doktor.

"Bakit sabi ni Mang Ernesto kukunin n'yo na ang asawa n'ya?" tanong niya.

Kanina pa ito gumugulo sa isip niya bukod sa pagbabago nito ng anyo at kung bakit ang tagal ng tulong dumating. Muntik pa siyang mamatay dahil doon.

"Because we have to," mabilis nitong sagot. "All the patients here expire."

Kumunot ang noo niya at nagugulohang tumingin dito.

"Expire? Ano sila bagay?!"

"I don't expect you to understand. This facility is more than just an asylum and I bet you still don't have any clue what we really are. If I were you, I'll stop being emotional. There's nothing you can do anyway," kalmado nitog sagot habang diretsong nakatingin sa kaniya.

Kumuyom ang kamao niya na sinundan ng pagbuhos ng mga luha niya.

"Ano'ng klaseng ospital ba 'to?! Bakit, bakit may mga halimaw? Bakit napakaraming hindi maipaliwanag na bagay ang nangyayari rito? A-ano ba talaga kayo?!"

Walang emosyon ang mukha ni Shane na kalmadong pinapanood ang matinding pagbuhos ng emosyon niya. Naghintay ito ng maraming segundo bago siya sinagot.

"This is not an asylum for people with mental health problems," she paused. "This is a laboratory for human experimentation. And what you saw earlier was a failed test subject."

Bakas ang matinding gulat sa mukha niya sa sinabi nitong iyon.

"Hu-human experimentation?!"

Tumango ito. "Yes. We conduct human experiments here."

Napanganga siya sa rebelasyon nito. Mahirap mang paniwalaan, alam niyang hindi nagsisinungaling ang doktor na nasa harapan. What she saw earlier was enough evidence for her to believe all the rumours she hear about this hospital. Tila nasagot ang maraming katanongan na mayroon siya sa ospital na ito at napagtagpi-tagpi niya ang mga kababalaghang naranasan niya rito.

Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at pinakalma ang sarili. Pinunasan niya ang kaniyang mga luha tapos ay malalim siyang huminga. She wants to absorb everything Shane said. Matapos ang isang minutong pag-i-isip ng malalim ay muli niya itong tinignan sa mukha.

"Kanina, bago kami pumasok ni Mang Ernesto sa ward na 'yon, sabi n'yo may limang minuto pa s'ya. Iyon ang eksaktong oras bago naging halimaw si Aling Rosana. Ibig sabihin, alam ninyong mangyayari ang lahat ng nangyari kanina."

Napakagat siya sa labi at matalim na tinignan si Shane sa mata tapos ay iniling ang kaniyang ulo.

"Bakit, bakit hinayaan n'yo pa kaming makapasok? Ni hindi n'yo man lang kami binalaan! Bakit?!"

Nagpupuyos ngayon sa galit ang kalooban niya.

"Tapos sigaw ako ng sigaw ng tulong pero walang dumating! Alam kong naririnig n'yo ang mga sigaw ko pero wala kayong ginawa agad! Huli na nang dumating kayo. Muntik pa akong mamatay! Kung inagahan n'yo iyong tulong baka nabuhay pa sana si Mang Ernesto! Baka nailigtas pa s'ya! Bakit? Bakit n'yo hinayaang mangyari iyon?!" hindi niya napigilang mga sigaw rito.

She broke down in tears again. Naalala na naman niya ang nangyari kanina. It was the most horrifying thing she had witnessed her entire life. And she is sure as hell she will never forget it.

Shane just kept quiet for a couple of minute. Hinayaan lang siya nitong ibuhos ang lahat ng sama ng loob niya. Kalmado pa rin itong humihigop ng kape habang pinapanood siyang ubusin ang lahat ng luha niya. There is still no emotion on Shane's face. Binatohan niya ito ng matalas na tingin. This woman must be really fucked up in the head, she thought.

Nang humupa na ang pag-iyak niya, mahina itong tumikhim. Ubos na rin ang kapeng iniinom nito. Pinatong nito ang walang lamang tasa sa mababang lamesa na nasa gitna nila tapos ay tumingin sa mukha niya.

"Are you done?" anito sa walang emosyong boses.

"E-excuse me?!"

"Are you done crying?" ulit nito.

Napatanga siya rito. Of course she heard her the first time. Hindi lang siya makapaniwalang itatanong nito iyon pagkatapos ng lahat ng sinabi niya kanina. Ni hindi pa nga nito sinasagot ang mga tanong niya. Wala ba talaga itong puso? What kind of person is this Dr. Shane in front of her?

"I'll take your silence as a yes," sabi nito nang hindi siya sumagot tapos ay humalukipkip at nginitian siya. "By the way, I haven't properly introduced myself to you. My name is Shane Nobles. People call me Dr. Shane. I am the head scientist here."

Kumunot ang noo niya rito. Nobles? Isa s'yang Nobles? Ang pamilyang may-ari ng MNA? Wait, scientist?

"I asked my staff to bring you here because I want to talk to you about a very important matter. And this doesn't concern anything that happened in ward 511."

Nagsalubong na ang kilay niya. Lalo siyang nagulohan sa nangyayari. Kung hindi tungkol sa nangyari sa ward 511 ang rason bakit siya narito, tungkol saan?

"Ano'ng kailangan mo sa akin?" walang paligoy-ligoy niyang tanong.

"I heard rumors about a girl that has tamed my little monster."

"Hindi ko po kayo maintindihan."

Ngumiti ang isang sulok ng labi nito. "I'm talking about my biggest project, V-03."

Bumilis ang tibok ng puso niya. "Si Bangs? Ano ang kailangan n'yo sa kaniya?"

"Bangs?"

"Iyon ang ipinangalan ko sa kaniya."

"You named it?"

Amusement danced in Shane's eyes. Kinunotan niya ito ng noo.

It? Kanina sabi niya nag-e-expire. Aba! Talaga bang hindi tao ang tingin niya sa mga pasyente rito?!

"Ano naman kung pinangalanan ko s'ya? Hindi sila bagay!" matapang niyang sagot dito.

Nginisian lang siya nito na nagpadagdag ng inis niya.

"Interesting," bulong nito tapos ay tinaasan siya nito ng isang kilay.

"I have a deal for you," sabi nito tapos ay naging seryoso na muli ang mukha. "And before you say anything, I don't take no for an answer. So you better listen, Lesley Madrigal. This is going to change your pitiful life, forever."

Próximo capítulo