webnovel

Chapter 5: "Iliotrópio at Prásinos"

Ang mga Jr. Inquiriors ay pabalik na sa Ppgerte habang ang mga Sr. Inquiriors naman ay dumiretso sa meeting nang malamang hindi naman ganoon kataasan ang kanyang level.

{[CARL's POV]}

"Humanda na kayo, mga kuto ng bakang 'yon!" singhal ko pa. "Ano kayang magandang move na uunahin ko? Hmmmm... Tsk! Bahala na! Ibato ko na lang kaya ko!"

At muli, sinigawan ko na naman sila, "Hoy, mga pangit! Kahit pa anong talim ng mga sandata at lalaki ng mga muscle ninyong mga kambing na nakatayo na- basta! Kayo, hindi ako natatakot!"

Napatanong na lang ako sa isip kung kambing nga ba sila... O gaya nang sabi niya kanina, gan'to lang talaga ang hitsura nila.

"Mukhang handa na sila sa pag-atake." Naibilong ko, at binigyan sila ng seryosong tingin.

Sige, hahayaan ko na muna silang mauna at ite-test kung gaano na kalakas ang defence abilities ko.

"KAHIT LAHAT NA KAYONG SABAY!" malakas kong singhal.

I murmured the chant for the spell, Mirror Barrier right after they've prepared their attacks,"Speculo Claustra-"

and now... closer-

NOW! "ASYAS!"

Lahat ng walong melee na umatake ay timilapon at nahulog sa baba ng island na aking ginawa. Sa aking paglakad sa labas ng dome barrier. Ngumisi ako, sabay sa paglaki ng mata na may halo pang paghilig ng leeg pakanan, saka sinabing marahan, "At ngayon... anong mukha ang ipinapakita mo sa akin, matapang na mago~" saka pa ako tumawa.

"Anghel ako pero kalahating demonyo rin, hindi na masama kung kikilos din akong parang isang demonyo, diba?" ang naibulong ko habang palapit sa kanya.

Hindi naman nagsalita ang salamangkerong demonyo sa aking harapan, at nagpalabas pa ng itim na mahika mula sa kanyang baston.

Bago pa niya ilabas ang mga itim sa baston niya'y naglabas na rin ako ng apoy at pinarisan ang laki ng kanya. May lumabas na usok na nagmula sa tungkod at nagkalat ito sa aming tuktok at gumawa ng isang malaking ulap at naharangan pa ang sinag ng araw.

"Ano na?!"

Mukhang hindi siya gagalaw o kung ano man. Kaya mas pinalaki ko pa ang aking apoy at naillawang muli ang aming kinatatayuan.

May mga malalakas na ungal na nanggagaling sa ibaba, "Roar! ... Roar!"

Wala akong ideya kung sino ang mga umungal... At may echo ito. "Malamang isa rin sa mga demonyo."

Nagulat na lang ako nang may biglang lumipad sa itaas ko at nakatayo na nang humarap ako sa likod.

Nagulat na lang ako sa sunod ma nangyari. "Ano itong nag-uumapaw na itim na enerhiyang aking nararamdaman?!"

Pumikit ako, yumuko nang kaunti nang nakabukas ang mga palad at nakatutok sa ibaba para makapag-focus at ma-trace ko kung saan ang nanggagaling ang enerhiyang iyon.

"Ikaw!" At akin pang itinuro ang malaking halimaw na nakatayong kambing rin ngunit triple naman ang laki niya. "Pangit!" singhal ko, saka ko itinuro, "Oo, ikaw! Ikaw na pinanggagalingan ng itim na enerhiya!"

"Anong problema mo, bata? Huwag ka nang madaldal pa, at mamatay ka rin naman SA MGA KAMAY KO!" Ang bigla niyang isinigaw at lumukso sa direksyon ko hawak ang kanyang malaking palakol.

Hinugot ko ang espada at sanggahin ito.

"Mabigat! ... Napakabigat! ... P-pero- kayo ko itoooo!"

Nagawa kong maharagan ang kanyang atake at nakatakbo ng kaunti para sa buwelo. Inikit-ikutan ko lang siya habang nag-iisip ng maaari kong gamiting mahika laban sa kanya.

Napabulong, "Pero sa tingin ko'y isa rin siya sa mga maliliit kaninadahil ang mga armour niyang kahoy ay kaparehas lng ng mga mas maliliit, ngunit wala akong ideya kung bakit napakalaki niya kumpara sa mga 'yon. Susubukan kong gamtin ang simpleng fire magic kung may epekto ito sa kanya o wala."

Binulong, "Igris, Dolosd!" Unti-unting namuo ang ang apoy sa kamay ko hanggang sa malapit na ang maximum size nito.

"Oww Obise!" Ibinato ko sa kanya ang parang isang bola ng basketball na kalaki at pinatalbog naman niya ito papunta sa ibaba.

"ANG MGA TAGA-PPGERTE!" naisigaw ko nang maalala ang bayan. "HINDI!"

"Ganyan nga bata, mainis ka lang at manood. Ang mga kamay mong walang kasilbi-silbi at kapangyarihang hindi kapuri-puri. NYAHAHAHA~HAHAHAHA~"

"AGH! Nakakainis ka talaga! ... Bilang ganti para sa kanila." At napasigaw ako, " Ikaw na dambuhalang kambing... GAGAWI TALAGA KITANG ULAM PAGKATAPOS NG LABAN NA 'TO!"

"Ipakita mo ang kaya mo ... BATA!"

Inunat ko ang kamay ko pababa at unti-unting binubksan habang sinasabi ang mga katagang, "Igris Septetrio,"(Flame of the Northern) at ang nakakakiliting pakiramdama sa kamay ko na nagsasabing ito'y handa na. "DOLOSD!"(2nd Category Magic Kara) Ang mga kamay ko'y mga nagbabagang kamao na.

"AGH! Humanda ka na ...PANGIT!"

"NYA~HAHAHA~ Tikman mo ang kapirasong lakas ko!"

Tumakbo kaming dalawa at sinugod ang isa't isa. Ang mga kamao kong nagbabaga laban sa palakol niyang may itim na mahika, "tingnan natin kung sino sa atin ang matibay!"

Patuloy ako sa pag-iwas at saka aatake kaagad, habang siya nama'y patuloy lang sa pagwasiwas sa kanyang manso at harang sa atake ko sa anumang posisyon.

"Hanggang ganyan lang ba ang kaya mo?!"

"Huwag mo 'kong maliitin... PANGIT!"

Papatunayan ko talaga ang nararamdaman kong ito!

Konti na lang at malapit nang buong katawan ko para sa mas malakas na pwersang kayang paliparin ang hawak niyang palakol...

Almost... Almost... I can feel it! The heat coming from the punches and movements that I am throwing out is a flame that could junk the hell out of him!

"Humanda ka— KAMBING!"

Kailangan ko na lang ng ilang segundo para ilipat sa pakpak ko at makikita niya...kung gaano ako kalakas!

...

At ngayon tumigil na ako, then, aimed, "Ex Koru!-" Little by little. The heat flows in my demon wing... "Dolosd!" Ang kumpletong form ng Fire Wing Strike!

"HUMANDA KA NA!"

"Lulusawin ko 'yan ng aking palakol!"

At sa aking paglusob... ay ang hudyat na rin ng kanyang pag-atake.

Nang makuha ang tamang posisyon, ihinarap ko na ang aking pumuputok-putok sa init na pakpak at ginamit na panangga sa palakol niya.

"Ex Kuro!"

"Gravis Sekuris!"(Heavy Axe) Hudyat ng paglapag ng palakol niya sa pakpak kong nakasara.

A-at...mabigat nga ang kanyang axe! P-pero- hinding-- hindi ako magpapatalo!

Inunat ko pa ang aking pakpak para maitulak ang mabigat niyang palakol.

"Tingnan mo ang iyong palakol! Natutunaw na sa init!"

"Hindi 'yan sapat para ako'y mapatumba! BATA!"

"Lulusawin ko ang sa'yo! DEMONYO KA! UURAH!" Tumilapon siya. "Lu-mi-pad KA!"

At sinabi ang pamamaalam niya habang nahuhulog na, "HINDIII MAAARI!"

I was on my knees after the clash. Exhausted. And the air here is so thin and dark because of the...? Wait? Oo nga pala! The demon with the magic stick made this all! B-but I'm too tired to take him down! Ugh! Damn!

-End of Carl's POV-

Próximo capítulo