webnovel

Chapter 4: "What a Little Boy Can Do"

{[CARL's POV]}

"Oras na...nang pagpapakita ng lakas!" Itiinaas ko ang aking espada bilang hudyat ng aking paglusong. Binuksan at ipinayagpag ang pakpak at sinundan ko ang chef.

Wow! Mula dito sa taas kitang-kita ko na ang napakagandang village na 'to! Inilibot ko ang aking mata at natanaw ang Medieval style ng village na ito!

Hmp! Nagkamali sila nang naapakang lupa! Hindi ko hahayang ito'y masira lang! Humanda kayo mga peste - dudurugin ko kayo isa-isa! Arghh!

Habang ako'y nagmumuni, nagbalita na si chef, "Halika na po, mahal na prinsipe!" Nakita na niya ang aking kapatid. Tumango ako at agad kaming lumipad nang mabilis sa pangunguna niya.

Pagkaraan nang ilang segundo lang na paglipad ay kita ko na ang Central. Hmmm...

"Si ate!" agad kong naisigaw, nakita ko na siyang nakahanda nang umatake.

At tinawag ko ang ngalan niya, "ATE ZELINE!" Xa

Napalingon silang lahat sa tawag kong 'yon!

"Huh- Ohh? May isang bubwit na naman ang dumating!" natatawa niyang bigkas, " it's getting hotter here!" Ang narinig kong saad ng... Teka lang-- namumukhaan ko 'to ah!

Pagkababa ko nga ay hinanda ko na ang bibig ko sa marami na namang pagsasalita.

"Hoy! Kutong-lupa na mukhang abnoy! Nakakadiri ka!" ang matatalim na na salitang naipakawala ko... Kasi nga...basta! Nakakairita ang pagmumukha niya!

"Matalim ang iyong dila, bata." Kalmado niyang sabi.

Sa tuwing nagsasalita siya'y andaming mga slime na tumatalsik.

"'Wag ka ngang magsalita. Tingnan mo 'yong mga kalat na nilalabas ng bibig mo!" pasigaw kong sabi. Nakakasuka 'yong mga lumalabas sa bibig niya! Bumubulang kulay green, tapos amoy kanal pa kung magsasalita. Masakit sa tengang boses na magkahalong baka at tao, at napakabuo pa! At napadura na lang ako.

"Napaka-sungit — walang respeto — at... higit sa lahat..."

Sa bilis nang pangyayari ay hindi ko pa namalayan... Nando'n na si A-ate?! Nakatayong siyang matuwid.

Napakabilis niya!

Nasa harapan na siya ng hayop na 'yon nang isang kisap-mata pero nasangga pa rin niya ang atake ni ate! Tsaka-

"Hoh-oh? Anong kaya ng bolang hanging yun sa'kin? Walang epekto! WAHAHAHA!" Umusok ang ilong niya ng isang kulay green uling usok, at saka niya tinulak at tumilapon pabalik si ate sa aming harapan.

Napatanong ako, "Pero... anong bolang hangin?"

"Bago pa man banggitin ang panghuling salita ng demonyo ay nag-cast ang mahal na prinsesa ng wind magic diretso sa mukha niya." Ani ng katabi kong chef.

Ahh! Kaya pala may delay ang pagkasabi niya sa bandang huli kasi napansin niya rin.

Mahina ba ako kasi 'di ko napansin? Hmmm?

Nakatingin lang ako kay chef at nagtanong muli, "Paano niya nakuhang-"

"Ang lakas ng loob mong bata kang makipagusap habang ako ang kaharap-" ang akin ring binitin.

Sinigawan ko siya, "Tumahmik ka! Nagtatanong pa ako eh!" Saka siya tumingin sa kanyang kanan.

Tsk! Tatalikod din-

"HINDI!" Napalingon akong agad kay ate Zel. At dahan-dahang tiningnan kung saan siya nakatitig.

"Oh... p-pa-paano?!" Nanlaki ang mata ko sa nakita.

Sumigaw si ate, "Bitawan mo siya!"At hingal pa.

Hawak ng kanyang kaliwang kamay sa leeg ang isang babaeng anghel na sibilyan.

"Alam ninyo ba kung anong gagawin ko sa kanya kung hindi ninyo ko hahayaan sa gusto ko? WAHAHAHA! Madali lang, gagawin namin siyang alipin, at dahil siya'y babae — makinis," caressed her cheeks at inamoy pa ang buhok niya, "at mabango! WAHA-WAHAHA!" hiyaw pa niya.

Nakakainis na siya! Ako lang dapat gumagawa nang gano'n! . . . Pero magagalit ba magulang ko?

Napayuko na lang ako sa galit. "Grr! RAYAGH!" ungal ko.

Hinarap ko siya nang nag-aapoy ang mga mata, pumikit ako at nang dumilat ay bakas sa kanyang mga mata ang tuwa.

Isinara ang mga pakpak. Nag-teleport sa kanyang kaliwa! At nang buksan ko...ay binigyan siya ng isang solidong kamaong may halong apoy na mahika! Saka isinigaw, "BITAWAN MO SIYA!"

Sa kasamaang palad ay nasangga niya ang aking kamao.

T-teka? Walang epekto sa braso niya ang second category magic?!

"Nagsasalita pa ako, bata. Huwag ka ring maingay." Ang marahan niyang sinabi. At sa muling pagdilat mula sa pagkisap, pumuti ang paligid at naramdaman kong masakit ang aking tiyan.

"AGHHH!" Parang lumabas ang mga mata ko sa lakas ng tumama sa aking tiyan.

Nakatikim ako ng dugo... A-anong nangyari? Nandidilim ang paningin ko, para na akong matutulog, at saglit na natulig. Napapatingin na lang ako sa ulap na parang nag-o-on at off ang ilaw ani mo'y kay bigat ang aking pilik mata.

Napapabulong ako, 'Aww! A-ang sakit!" At napahawak ako sa aking tiyan kung saan dito'y talagang makirot. Pero ang nadama ko'y isang mahimulmol na hindi ko alam...

Pilit kong ina-aninag kung ano nga ba ito.

"Isang pakpak — duguang pakpak!"

Huminga ako ng malalim. At nang maramdaman kong maayos na, tiningnan ko naman ang lagay nang nakadagan sa 'king anghel. At siya ang babae kanina!

After I healed her and myself, and, then stood up and walked towards him with a huge flame raging in me.

"Mukhang wala akong laban sa kanya. Pero isang beses pang second grade... Laquiai de a Lilia Solis-" (Blades Of The Thousand Sun)

Napatanong si ate, "K-kailan pa natutunan ni Carl 'yan?"

Heh! Sa isang linggong pagpapraktis ko sa palasyo, ku-kuwestiyonin mo lang ang aking kakayanan? Tsk!

Nag-ilaw ang kamay ko, at sinabing, "Dolosd!" Umapoy at nahugis espeda, mula sa likod ng siko hanggang sa pulso ito'y kumabit at saka nagextend ng doble sa size nito. Napalibutan rin nang pitong nag-aapoy na dagger ang kamay ko, at maliliit na apoy na nagpa-ilaw sa

"TINGNAN NATIN KUNG KAYA MO 'TO! RAYAGHHH!" Ipapatikim ko sa kanya ang bagsik ko — gamit ang mga ito!

Tinusok-tusok ko siya gamit ang matatalim at nag-aapoy ngunit...

"Second category? Hmmm?"

Uh- Huuhh?! W-wala man lang epekto, imposible! Isang second category magic 'yon! Pa'nong HINDI epektibo?! Dahil ba sa 5'6 lang ako? Tsk! Walang kinalaman ang height sa powers! Ano ba namang utak toh, 'yon pa naiisip ngayon!

Sumigaw siya, "Napakahina! Pasensiya na pero kung hanggang doon ka lang...para ka lang isang lamok sa 'kin."

"Nang-iinis ka talagaaa!" At sinuntok ko pa rin siya hanggang kaya ko.

"Inuulit ko — walang — epekto — 'yang mga suntok mong parang kiliti lang... WAHA-HAHA!"

Nakakainis talaga siya! Arghh!

"Hanggang salita — kapit-kamay lang naman pala sa kapatid! WAHAHA-HAHAHA!"

Pagkurap ko, ang nasa harapan kong kadiring demonyong baka ay napalitan ni kuya-- nakalimutan ko na pangalan, basta si chef.

"Wala kang karapatang pagsabihan nang ganyan ang aking pinagsisilbihan!" Pagsigaw nito.

"Oo nga naman! Hmmp!"

"Hoh-ohhh?"

Napatingin ako sa amoy kanal na baka...

Wow! Naarado ni Chef ang higit sa sampung nakapila sa harap! Sa liit niyang 'yan - 4'10... Just wow!

Pero nakakairita na ang boses ng bakang 'yon. Hindi ko masikmura, at napakabaho talaga nang nilalabas niya!

Teka lang! Aha! Kaya pala mayroon ding maskara ang mga kasama niya dahil sa baho ng amoy!

"A-a-te, BAKIT MAY MASK KANA PALA?!"

Malinaw siyang sumagot, "Oo, kanina pa. Nang may isang alagad niya ang nagsosolo palayo sa hanay niya, saka ko tinanggal ang kanyang mask. 'Yon ang kinuha ko at siya 'yon." Itinuro niya ang isa sa mga nasa harap ng sampung hanay.

"Tingnan mo nasusuka na yata!" Natatawa kong sabi. At hindi ko nga napigilan, "hmmp-- HAHAHA!"

"Tingnan mo! Isa ka lang MABAHONG NILALANG! Pati mga hukbo mo ayaw sa amoy mo! Umalis ka na lang dito!"

Like it ? Add to library!

Bell_Cranel_1529creators' thoughts
Próximo capítulo