webnovel

Nang Maging Crush Ako Ni Crush: Ang Sumpa Ng Unang Butiki

CHAPTER ONE

Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! (huni ng butiki)

The time is 7:30 A.M.

Mabuhay!... Ako si Maria Darcy Jopai Catacutan from the beautiful hot and spicy land of Bicol---ang pangarap ko maging writer ng pinakamalaking T.V. station sa Pilipinas. Hindi ako Babae sadyang ipinapasa sa unang anak ng unang anak ang pangalan na mayroon ako ngayon...Lalaki ako...hmmm...last time kong chi-neck Lalaki ako...pero sabi ni Mapa kapag nagmahal na ako hindi na importante ang kasarian dahil ang puso walang kasarian kaya ibig sabihin wala ring kasarian ang pagmamahal... May iku-kwento ako sa inyo,isang alamat na kaunti lang ang nakakaalam...

Noong unang panahon may isang Lalaking nagmahal ngunit hindi minahal ng kanyang iniirog at dahil doon ay kinitil niya ang kanyang iniirog at kinuha ang puso nito upang 'di mapasakanino man ang puso ng minamahal,ngunit nagalit ang langit sa ginawa nito kaya pinarusahan siya at ginawang kauna-unahang butiki,ngunit nagmakaawa ang nilalang at nahabag naman ang langit at nag wika... "dahil hindi ka pwedeng maka akyat sa langit dahil sa iyong ginawa gagawin kitang bantay...huhuni ka bilang babala sa kanila kapag sila na aking mga likha ay gagawa ng masama upang sila ay maka iwas na masunog sa walang hanggang apoy sa kailaliman"...kaya magmula noon nag-iingay na daw ang butiki habang ginagawa natin ang isang bagay tama man ito sa paningin natin bilang babala na ibig sabihin mali yun sa mata ng may lalang... At dahil patas ang pagtingin ng langit itinuro nito ang nilalang na walang buhay at biglaang nagkamalay kahit wala ang puso sa dibdib nito... nagbitiw ng mga kataga ang may kapangyarihan "nagmahal ka ng dalawa kaya ang panganay ng panganay ng iyong lahi at magiging sunod na lahi ang siyang papasan ng aking hataw ang katawan mong walang tibok ng puso ay kanyang makakamtan sa takdang panahon at ang sumpang ito ay lilisan kung makita niya ang itinadhana para sa kanya at kung hindi ang katawang lupa ng iyong kaapo-apohan ang siyang lilisan"...matapos ng sumpang binitawan itinuro nito ang kauna-unahang butiki at sa huling pagkakataon ay nag-wika "dahil ang puso mo ay nasawi kakahabagan kita at bibigyan ng karapatang mapaipadama ang hapdi ng iyong pusong sawi ikaw ang pumili ng taong itatadhana sa taong aking pinatawan at upang ang paghihiganti ay iyong makalimutan isang gantimpala ay iyong makakamtan---kapag ang tibok ng puso ng dalawang pinareho ay nagtugma ang sakit ng puso mo ay malilimutan".

At kung kailan mararanasan ng nakakaawang taong ito ang sumpa ng kanilang pamilya ay walang nakakaalam basta na lang daw titigil ang puso nito na tila ba tinanggalan ng puso literal...

Nagtataka siguro kayo kung bakit alam ko yun hindi kapani-paniwala pero kalola-lolahan ko ang babaeng pinaslang ng kaunaunahang butiki at ako ang panganay ng panganay.

Tsk tsk tsk tsk tsk... (lizard hissing sound)

*sa pagkarinig ng huni ng butiki dali-daling nagtungo si Darcy sa harap ng salamin at ibinaba ang uluhan ng damit na suot at ibinaling ang paningin sa dibdib at nakahinga ito ng malalim ng masilayan na naroon pa rin ang maliit na pulang balat na hugis puso sa kanyang kaliwang dibdib.

Eehhh!!!??? Anak ng butiki naman oh... Nakakaparanoid talaga.

*sabi nito habang nakatingala si Darcy sa kisame na hawak ang dibdib at tinititigan ang butiki na narinig---isang katok ang narinig ni Darcy mula sa labas ng kanyang kwarto na nagpakunot lalo sa noo nito at nagpabuntong hininga.

Wala man akong personal love napuno pa rin ng saya ang puso ko dahil sa Mapa at Pama ko Pero isa na lang ang natira sa'kin...sinundo na kasi ng Rainbow Unicorns si Pama pero bago kami iwan ni Pama nakapag tanim pa siya ng isang malaking asungot sa bahay bata ni Mapa...

*patuloy pa rin ang katok ng tao sa pinto at iritableng bumuka ang bibig ni Darcy para mapahinto ito.

Bakit na naman ba Horhe?

*sigaw nito at biglang bumukas ang pinto at isang matangkad na Lalaki na may maamong mukha,maputi ito may matangos na ilong,mapulang labi at ang mga mata nito ay tila kasing lambot ng bulak kung tumingin. Tinignan nito si Darcy mula ulo hanggang paa at ang maamo nitong mata ay naging kasing init ng baga,tumingin ito sa orasan...at tumingin muli sa suot ni Darcy...

HORHE

Saan ka pupunta? Alas-otso pa lang naka-ganyan kang suot?

*pansin nito sa suot na tattered shorts,pink long sleeves ni Darcy at white converse na may blue, red and yellow striped na medyas.

DARCY

Sa Fame Towers, ipapasa ko lang 'tong gawa ko...

*nagtungo si Horhe sa aparador ni Darcy at may kinuhang mga kasuotan...

HORHE

Magpalit ka...

*sabay abot ng isang extra large black and white striped long sleeves at tinernuhan ng jumper...

DARCY

Ayoko!!!

*pagmamatigas nito...

Komportable na akong ganito ang suot...

*at kaya nilabas ni Horhe ang isang Notebook mula sa likuran niya at binuklat ito na tila binabasa nito ang laman nito...

HORHE

Gan'un ha? Gusto mong malaman ni Mapa na naging crush mo si...

*bago pa man matapos ang sasabihin ni Horhe ay nagsalita ulit si Darcy.

DARCY

Wala ka bang puso!!!

*naluluha na sigaw nito...naghalo-halo ang emosyong galit at inis ni Darcy.

HORHE

May puso ako...

*sabay mahinang palo nito ng makailang ulit sa dibdib.

Sino kaya ang mawawalan ng puso sa ating dalawa pagdating ng panahon?

*sabay duro sa dibdib ni Darcy na nakasimangot at ilang sandali ay padabog na kumilos...

DARCY

Akin na nga yang notebook ko.

*pero sa tangkad ng kapatid ay 'di nito maabot ang notebook na sinisimulang buklatin ng kapatid at sumuko na lamang ito sa pagtangkang abutin ito at napaupo sa kama.

HORHE

Ano ba tong mga pangalan sa Diary mo? At saka andito din pangalan ko. Stalker ka na ba?

*tanong nito.

DARCY

Nag-oobserve ako ng mga tao at ginagawa ko silang isang character sa mga sinusulat ko. Gumagawa ako ng isang mundo na ang lahat ay may magandang hinaharap.

*nakangiti nitong paliwanag.

HORHE

So si Juancho ang Prince charming sa ginagawa mong story? Kalokohan,yung mokong na yun.

*turo nito sa kung saan na tila ba naroon ang tinutukoy.

Sino naman 'tong? Hay! Ayoko sa character na'to mas ayoko 'to kesa kay Juancho. Huwag mo 'tong bigyan ng pangalan o mas mabuti pang huwag mo na lang siya ilagay sa kwentong gagawin mo.

DARCY

Anak ng Butiki naman eh, nangingialam ka!

*sabay kuha nito sa notebook na nasa kamay ng kapatid at lagay nito sa kanyang bag.

AFTER A WHILE

Sa height niyang hindi katangkaran ay tila naging maliit na moving cute cuddly teddy bear si Darcy at sa buhok nitong nakatali ay mapagkakamalan mo itong Babae dahil sa ka-kyutan nito...nakasimangot at nakanguso itong nakatingin kay Horhe na halata ang satipaksyon sa suot ng kapatid.

HORHE

Anong oras ka babalik?

tanong nito habang sinusundan ang kapatid pababa sa salas.

DARCY

Hindi ko alam.

*tigil nito ng sandali upang sagutin ang kapatid at matapos marinig ni Horhe ang sagot nito ay inilabas nito ang susi ng pinto ng kanilang bahay...

HORHE

At hindi ko rin alam kung makakalabas ka ng bahay...

DARCY

Sige na nga... Alas-siyete ng gabi nandito na ako...

*habang hawak-hawak nito ang kamay ni Horhe na nagmamakaawa...

HORHE

Alas-singko,take it or stay here?

DARCY

Hala,ginawa mo na sanang alas-tres nahiya ka pa...

HORHE

Okay,alas-tres dapat nandito ka na...

DARCY

Haaaayyyy Boa!

(Boa n. Bicol dialect na ang ibig sabihin ay baliw)

*wala na itong nagawa kaya padabog na lamang ito na bumaba papuntang salas.

AFTER A WHILE

Pagkababa ay bumungad sa kanya ang kanyang Mapa na umiinom ng "tinutong" (Bicol drink na galing sa roasted rice na pinakuluan,substitute sa kape ng mga Bicolano)

MAPA

Nabasa ko sa horoscope mo ngayon mo makikita ang the one mo...

*sabi nito ng makita si Darcy na bumababa...

DARCY

Hala! Mapa,ano ba naman kasi... wala sa isip ko ang mga babae...

MAPA

Abay dapat lang, ang dapat na nasa isip mo ay mga lalaki...

Si Mapa ay isang "Fujoshi" (term para sa mga babaeng mahilig sa mga yaoi o men to men romance) She is not just a BL fan she is a protector sabi niya...

Bata palang ako ang pagtingin na sa'kin ng Mapa ko isa akong taong nakatadhana para mahalin ng mga Lalaki.

Ay oo nga pala, MAPA- Mama na Papa yan ang tawag ko kay Mama at kay Papa naman PAMA-Papa na Mama---para daw gender neutral.

-----------------------------------------------------------------------

AFTER A MINUTE

KINCHAY

Mabuhay!

*pagsulpot ni Kinchay.

Siya si Kinchay bestfriend slash fan ko, bata pa lang kami kasa-kasama ko na siya, hopeless romantic at puro love ang nasa isip pero palagi naman heart broken pero at least ang lahat ng nagiging crush niya ay nagiging jowa niya. Matalino pero pagdating sa buhay medyo doon siya kinulang ng talino.

Darcy seryosoooo???!!! sabi sa horoscope ngayon mo makikita ang the one mo tapos ganyan ang suot mo?

*puna ni Kinchay sa suot niya kaya napabuntong hininga na lamang si Darcy sa narinig mula sa kaibigan ---lumapit si Kinchay at marahan nitong pina-ikot si Darcy upang makitang mabuti ang suot nito...

Dapat magpalit ka ng damit...more skin less clothes means more jowa!

*Sumulpot ang kapatid ni Darcy na si Horhe...

HORHE

Subukan mong gawin yan  Kinchay babalatan kita tignan ko lang kung magka-jowa ka... No skin no more jowa...

*nanlilisik ang mga mata nito at tila hindi biro ang binitiwan nitong mga salita.

KINCHAY

Masyado ka yatang seryoso ngayon.

*akward na sabi nito na hinaluan niya rin ng akward na tawa at matapos ay lumapit ito kay Darcy...

Sa galit na nasa mukha ni Horhe alam ko na kung saan tayo pupunta Beshiwap.

*bulong nito kay Darcy na hindi masyadong binubuka ang bibig...

DARCY

Huwag ka ng umepal baka hindi na ako payagan niyan...

*pabulong ding sabi nito...

Sige po una na po kami...

*nagmamadali itong umalis at kaladkad nito si Kinchay...

---------------------------------------------------------------------

EXT. CATACUTAN RESIDENCE-DAY

Nasa harap sina Darcy at Kinchay ng gate---lahat na ng kulay ng bahaghari ay nasa gate na ng bahay nila Darcy at lalo pang tumingkad ang mga kulay nito dahil sa magandang sikat ng araw.

KINCHAY

Kamusta ang Pambansang Swerte ng Pilipinas?

DARCY

Malas pa rin...Haayyy nakakairita!!!

*sabay-sabay bumagsak ang ulo,leeg at balikat nito sa lungkot...

KINCHAY

Kung kaya nila...

*napangiti si Darcy sa sinabi ng kaibigan at sinabi...

DARCY

Kaya ko rin...

KINCHAY

Anong oras na?

*pagkarinig ng tanong na ito ay tinanggal ni Darcy ang relo at itinaas...

DARCY

Oras ba kamo? Oras na para tuparin ang pangarap kaya huwag ng magpatumpik-tumpik pa halina't tunguhin ang pinapangarap...

*energetic nitong usal ng isa tila isang enkantasyon habang taas-taas ang relo.

PEEEEP PEEEEP PEEEEP!!!

*malakas na busina ang nagpatigil kay Darcy at dahil sa gulat ay nabitawan nito ang kanyang relo...

Kalsada ang tinatayuan niyo hindi tambayan mga bobo!!!

*isang malutong na masakit na salita ang narinig mula sa mamahaling tinted na kotse na kulay itim na may plate number na S-T-A-R.

KINCHAY

For your information we are not...ahm...

*hindi na nito matuloy-tuloy ang english na nasimulan at napalingon na lamang ito kay Darcy...

Ano nga yon?

DARCY

Stupid...

KINCHAY

Yeah stupid... S-t-u-p-i-d... Stupid!!!

DARCY

Nakakatawa yang pagbobobohan mo?

*sarcastic nitong tanong sa kaibigan.

KINCHAY

May nagsabi na ang mga pinakamatalinong tao sa mundo ay ang mga bobo 'cause they don't care.

DARCY

Baka mamaya mahipan ka ng masamang hangin at maging bobo ka talaga.

*phone ringing...isang text message ang natanggap ni Kinchay na nagbigay ng malaking ngiti rito...

Malaki ka na di ba?

*tanong nito habang nagpapa-cute at lilinggis-linggis sa kaibigan na si Darcy...

DARCY

Jowa? May magagawa ba ako?

*at saka ito umalis papalayo at iniwan si Darcy...hindi pa ito nakakaalis sa harap ng kanilang bahay ay bumukas ang pintuan nila at bumungad ang kapatid niyang si Horhe...

HORHE

Mabuti naabutan pa kita... Pagkapasa mo ng gawa mo umalis ka na kaagad dun ha?

DARCY

Opo bunso...

*at saka na nga ito naglakad patungo sa Fame towers...

Nagtataka siguro kayo kung bakit O.A. ang bunso kong kapatid? Dahil yun kay Juancho ang ex-crush ko at hindi pwedeng malaman ni Mapa na naging crush ko siya dahil hindi na ako mabubuhay ng tahimik sa mundong ibabaw at saka nasaktan kasi ako ng sobra dahil sa kanya...

PRE-SCHOOL DAYS

DARCY

Gusto kita Juancho.

JUANCHO

Hindi kita gusto...

----------------------------------------------------------------------

ELEMENTARY DAYS

DARCY

Nagpakulay ako ng buhok, nagustuhan mo ba Juancho?

JUANCHO

Maganda yung kulay pero dahil pangit ka hindi bumagay sa'yo...

------------------------------------------------------------------------

HIGH SCHOOL DAYS

DARCY

Ahmm,may ka-date ka na ba sa prom?

JUANCHO

Ikaw? Mayka-date ka na?

Maamo niya akong tinanong at saka ang bawat hagod ng tingin niya sa akin ay nakakalusaw sa buong pagkatao ko kaya sinagot ko siya...

DARCY

Ako? Wa...wa...wala pa... Wala pa...

JUANCHO

Kawawa ka naman...

Consistent siya na i-reject ako at least consistent pero kahit ga'non, gusto ko pa rin siya...parang binigyan ko siya ng lisensya para i-reject ako ng paulit-ulit at siya lang ang may karapatan gawin yun.

------------------------------------------------------------------------

COLLEGE YEARS

JUANCHO

Congratulations...

Nang marinig ko yun galing sa kanya ang narinig ko ay mga tunog ng kampana pangkasal kaya ang nasabi ko ng puno ng pagmamahal at pagkatamis-tamis ay...

DARCY

I do...

I do? I do? Talaga? Sa kadami dami ng word I do talaga ang nasabi ko with matching nguso pa kaya ayun napitik niya ang noo ko... Aaahhh... pero

pagkatapos no'n ang hindi ko talaga matanggal sa isip ko ay kung bakit niya ako kinong-gratulate. Bakit nga ba? Pero hindi yun ang nasa isip ko nung mga oras na yun kundi kung paano palamon sa lupa. I do talaga? Ay sana marunong akong mag-mura para yun na lang ang nasabi ko hindi yung I do...

pero hindi ang mga rejections na yun ang dahilan ng pagkawala ng pagmamahal ko sa kanya kahit anong pang-aasar niya sa'kin baliwala lang ang lahat ng yun pero sabi nga nila lahat may hangganan...kahit ang pinakamatibay na lubid narurupok at napapatid... At nung nangyari yun nawala lahat ang pagmamahal ko sa kanya at napalitan ng kirot at asar.

-----------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

EXT. FAME TOWERS

Napansin na lamang ni Darcy na nasa harap na siya ng number one T.V. Network sa Pilipinas, May 11,000 employees at ang pangarap na kompanyang pasukan niya...Nakatayo siya sa harap ng entrance at tila kumikinang ang harapan ng kompanya at tila may naririnig pa siyang mga anghel...

GUARD

Ikaw na naman bata?

DARCY

Kuyang Guard...

*lahat na nga ka-cutetan na meron si Darcy sa loob ng katawan niya ay inilabas niya sa ngiti niya ng batiin ang Security Guard sa entrance ng Fame Towers...

GUARD

Di ba sinabi ko na sa'yo na hindi kami tumatanggap ng manuscript. Doon ka sa Imagine Production... 3rd gate.

DARCY

Alam ko kuya pero ilang beses na akong nag-send do'n pero lagi lang nila binabalik yung gawa ko...

GUARD

Eh wala na akong magagawa dun,ibig sabihin hindi nila gusto ang gawa mo...practice ka pa.

DARCY

Okay lang sana Kuya kung binalik lang nila eh tignan mo...

*pinakita nito ang binalik ng screen play na ibinalik ng Imagine Production...

GUARD

"Pangit kasi pangit din ang gumawa?"

*basa nito sa nakasulat sa bawat pahina ng screen play at may nakakatawa pa itong mga drawing.

Akin na ang gawa mo ako mismo ang magpapasa nito sa production team para mabasa nila...

DARCY

Talaga po Kuya?

GUARD

Hindi ko hahayaang laitin ka ng kung sino-sino...May mga kakilala akong sekyu sa loob kaya akong bahala...

DARCY

Hayaan mo Kuya, pag nakapasa ang manuscript na ginawa ko ikaw ang bida...

*sabay turo nito sa Security Guard na anghel sa patingin ngayon ni Darcy...

GUARD

Gusto ko gawin mo akong si Juancho Villamor...

DARCY

Si Juancho??? Wa-wa-walang pong problema...

*awkward nitong sambit

Kung alam mo lang Kuya kung gaano siya kahalimaw...

bulong nito habang patalikod na naglalakad...

Sige po Kuya... Ba-bye...

*excited na nagpaalam ito...at nagpatuloy nang umalis.

Ba't ang dilim na yata?

*tumingin ito sa orasan niya

Alas-diyes pa lang ha?

*nagpatuloy ito sa paglalakad...

Uulan siguro?

*at muli itong tumingala sa langit at may napansin ito sa itaas ng isang gusali, may tao na tatalon mula rito...tumakbo siya ng mabilis at tinungo ang tuktok ng gusali...

I wanna be number one!!!

* sigaw ng Lalaki na naka headset ang bumungad kay Darcy ng marating niya ang tuktok abandonadong building at biglang hinila ni Darcy palayo sa dulo ng gusali ang estranghero...

Nasa langit na ba ako?

*tanong nang estranghero ng makita ang nakadagan na si Darcy na may nag-aalalang titig sa kanya...

DARCY

Hoy! okay ka lang ba? huwag mo nang gagawin ulit yun...

*nag-aalalang sabi nito.

DAX

Akala ba nito tatalon ako? Masyadong malikot ang imahinasyon ng taong 'to.

*sabi nito sa sarili habang tinitignan ang taong nakadagan sa kanya.

DARCY

Sa tingin mo sa gagawin mo sa langit ka talaga pupunta?

DAX

ANO?! DI KITA MARINIG?

*dahil sa lakas ng tugtog sa headset nito ay 'di nito narinig ang sinabi ni Darcy,bumangon ito sa pagkakahiga at inalalayan ang estranghero na akala niya ay magpapatiwakal.

DARCY

Sa tingin mo sa gagawin mo sa langit ka talaga pupunta?

*ulit ng kanyang sinabi matapos tanggalin ang headset na suot ni Dax at tingkid nito upang masabi nito na malapit sa tenga ang sinabi niya kanina.

DAX

So demonyo ka?

*pilosopong tanong ng estranghero, babatukan sana ni Darcy ang Lalaki pero dahil sa hindi niya maabot ang ulo nito dahil sa tangkad nito nagpasya itong...

DARCY

Pwedeng ilapit mo sa'kin ang ulo mo?

*walang tanong-tanong ginawa naman ito ng estranghero.

Haaayyy! Matigas na ulo ng anak ng butiki ka!!!

*isang malakas na kutos ang binigay nito sa estrangherong niligtas.

DAX

A...a...aray!!!

*inda nito habang kamot-kamot ang parteng kinutusan ni Darcy...

Maliit ka pero malakas ka pala.

DARCY

Huwag mo ng gagawin yun ulit...

Gusto mong maging number one at dahil hindi mo kaya eh magpapatige ka?

*hindi umimik si Dax at binalik muli ang headset na tinanggal ni Darcy sa tenga niya kanina.

Sa zero nagsisimula ang pagbibilang so technically number one ka talaga...

*tumawa ng malakas si Dax...

DAX

So number zero siya?

DARCY

Pero number one ka...Di ba yun ang gusto mo?

*nagpakilala ang estrangherong niligtas niya kanina.

DAX

Dallas Avan X. Villa...

*pinutol nito ang buong pangalan at nagpakilala muli...

Dax, that's my name...

DARCY

Dax?

*sabay tingin ni Darcy sa babang parte ni Dax

DAX

Oo, tama yang sinabi mo Dax ang pangalan ko...

DARCY

A---a---a---ako nga pala si Darcy...

*bigla nitong napansin ang madilim na langit at napatingin muli ito sa orasan niya at hindi ito gumagalaw at naalala niya na nahulog iyon kanina dahil sa isang asungot na itim na kotse at kaagad itong bumaba kaladkad ang bagong nakilala...

DAX

Are you okay?

*tanong nito kay Darcy dahil medyo naging aligaga ito nang makalabas sila sa building...

DARCY

Sa ngayon oo pero hindi ko alam kung magiging okay pa rin ako mamaya...

*at kasing bilis ng hangin ito ay kumaripas ng takbo at iniwan si Dax.

Gabi na, bilisan mo nga ang paglalakad bata ka.

Gabi na, nandyan ka pa rin sa labas.

Gabi na... Gabi na... Gabi na...Gabi na...

*yan ang mga naririnig Darcy mula sa mga tao at tumpukan na nadadaanan niya na tila siya ay nag hahalusinasyon kaya nagpasya itong magtanong ng oras...

TAMBAY

Alas-sais na...

DARCY

Ano po ulit???

*gulat nitong muling napatanong sa oras...

TAMBAY

The time is six o'clock already...

*pagkarinig nito ay para siyang si Cinderella na naghabol sa oras sa abot ng kanyang makakaya ay tinakbo niya ng mabilis ang kalye at maya-maya ay...

PEEEP PEEEEP PEEEP PEEEEP!!!

*napalingon siya at nakita niya ang tila isang Prince Charming na naka-ngiti sa kanya...

DAX

Gusto mong sumakay?

DARCY

Oo!!!

*agresibo nitong sagot at dali-dali nga itong sumakay sa kotse

Barangay Bawal Asungot Road 1 sa may rainbow colored na gate...Bilis!!!

*bigay niya kaagad ng address ng tinitirahan ng maka-pasok ito sa kotse ni Dax...

Oo alam ko,Alam ko, hindi dapat at mali ang sumakay sa sasakyan ng taong kakakilala mo pa lang dahil nakamamatay pero mamamatay rin naman ako pag umuwi ako ng mas-late pa... Kaya anak ng butiki na lang.

*at mga ilang minuto lang ay nakarating na sila sa bahay ni Darcy at nag-aabang sa kanya ang kapatid na si Horhe...at hindi ito masaya...

HORHE

Anong oras na?

DAX

Magandang gabi po...

*nakangiting bati ni Dax.

HORHE

Sa tingin mo maganda ang gabi?

*tumingala si Dax at luminga-linga at nang masilayan ang mukha ni Darcy ay saka sinabi...

DAX

Sobrang ganda...

HORHE

Darcy, pumasok ka sa bahay at baka sa kabaong kita ipasok kasama yang Lalaking yan...

*hindi ito sumisigaw sa galit pero ramdam mong galit na galit siya,ang mga titig niya ay nakakatakot,ang mga ngipin nito ay nagngingitngit...bago pa man makapasok si Darcy ay lumabas si Mapa...

MAPA

Lalaki? Kanino kang Lalaki?

*tanong nito kay Dax na nakapagbigay ng kalituhan kay Dax...

DARCY

Ang ibig sabihin ni Mapa,kanino kang bisita?

*nang marinig ito ay naging malinaw ang lahat kay Dax at itinuro si Darcy...

Bisita ko po siya Mapa, si Dax po.

MAPA

Dax?

*sabay tingin nito sa babang parte nito...

DAX

Opo...

MAPA

Tuloy...pasukin mo ang anak ko...

DAX

Po?

*gulat na magalang na patanong nito.

DARCY

Ang ibig sabihin ni Mapa,tuloy pasok ka...

*ilang na ngiti at imbita nito sa bagong nakilala.

Mapa, ano ba?

*saway nito sa kanyang Mapa.

MAPA

Wala akong sinabing masama.

*pagtatanggol nito sa sarili.

----------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

INT. DINING TABLE-NIGHT

May adobong leeg ng manok,hotdog,atsara at katumpok na kanin sa hapag ngunit ang mga mata ni Mapa ay nakalapag sa bisitang si Dax at ang mga nanlilisik na mga mata ni Horhe ay tila binabalatan dahil sa galit ang lumalantak ng hotdog na si Darcy na hindi natitinag...

HORHE

Pagkatapos nito umuwi ka na at huwag mo nang magbalak bumalik...

*biglang sinapakan ni Mapa ang bibig ni Horhe ng leeg ng manok kaya napatahimik ito...

MAPA

Ilang taon na ba kayong mag-boyfriend ni Darcy?

DAX

Kanina lang po.

*dahil sa headset na suot ay 'di nito narinig ng maayos ang sinabi nito.

HORHE

ANO??!!

*galit na tanong nito.

DARCY

Hindi ko siya jowa...

*pag-klaro nito sa sinabi ni Dax.

Lagi kasi siyang naka-headset kaya 'di klaro ang pagkakarinig niya.

MAPA

So hindi pala kayo mag jowa?

DAX

Hindi pa po...

*ngiting sabi nito na ikinasamid ni Darcy.

HORHE

ANO??!!

DAX

Hindi po...

*kaagad na tama nito sa sinabi kanina.

DARCY

Gabi na, busy ka di ba? Sige... sige salamat sa paghatid sa'kin...

*pagpilit nitong pagtayo kay Dax na ayaw sumunod sa kanya.

Sige na umalis ka na...

*bulong nito.

DAX

Hindi pa ako tapos kumain.

DARCY

Pag hindi ka pa umalis dito,yan na ang huling kain mo bago ka mamatay.

*tanggal nito sa headset ni Dax at bulong habang pasimpleng hinihila nito si Dax sa pintuan at ng makalapit na sila sa saradong pinto ay binuksan kaagad ito ni Darcy kinaladkad ang naka-ngiting si Dax...

DAX

Ang cute ng Family mo...

*may lungkot ang ngiti nito at maya-maya ay yumakap si Dax sa kanya at sinabi

Thanks for my new life.

*sabay lakad nito papunta sa kotseng nakaparada

DARCY

Kung kailangan mo ng tatambayan...ahm katok ka lang...at saka salamat ulit sa pag-hatid.

*muli niyang nakita ang ngiti ni Dax at ito ang ngiting kailangan niyang makita---ngiti dahil sa saya...pumasok siya at...

Ay Anak ng butiki na may butas...

*gulat nitong sambit ng makita si Mapa niya

MAPA

Sabihin mo na, simula ng mawala si Pama mo ang gusto ko lang maging masaya ka---kayo,dahil kayong dalawa na lang ang meron ako... Jowa mo ba yun?

DARCY

Wala na po bang bago Mapa,ito na naman po ba tayo,pipilitin niyo na naman akong maging...

MAPA

Masaya...maging masaya. Masama bang pilitin kang maging masaya.

DARCY

Masaya naman po ako...

HORHE

Hindi masaya ang masaktan...

*bulong nito kay Darcy

Oo nga hindi masaya ang masaktan. College bago ang graduation nalaman ng puso ko ang pakiramdam ng sakit...

COLLEG BALL

Lahat ay masaya,magagara ang kasuotan at hindi makakaila ang kakisigan ni Juancho,naka-itim ito na tuxedo-para itong isang Prinsipe na nababasa niya sa mga libro na gawa ng kanyang Pama... Huminga ng malalim si Darcy inunat ang suot na tuxedo rin at nang tawagin niya ang pangalang Juancho ay nagtinginan rin ang mga naggagandahang nilalang na nakapalibot rito...

JUANCHO

Bakit?

*ang mga tingin niya ay walang emosyon.

DARCY

Um,pwede ba kitang isayaw?

*natanong niya ito kahit...

JUANCHO

Marunong ka bang sumayaw?

DARCY

Nag-practice ako,marunong ako ng kaunti...

*puno ng pag-asa ang pagkakasabi niyang ito.

JUANCHO

Hindi ako marunong sumayaw,yung iba na lang ang yayain mo...

DARCY

Ah okay sige bye...

*kumaway si Darcy bilang pagpapaalam tumalikod ito pero bumalik uli at...

Um, Juancho...

*sabay abot ng sulat rito na kinuha at binulsa ni Juancho...at tumalikod muli,nagbuntong hininga at bago pa man makaalis ng tuluyan ay isang boses ng babae ang narinig nito...

EMILY

You wanna dance?

JUANCHO

Sure...

*walang pagdadalawang isip nitong sagot at mga ilang segundo nilagpasan ng dalawa ang nagpipigil sa pag-iyak na si Darcy,tumingin pa si Juancho sa kanya pero hindi nag patinag si Darcy at taas noo nitong nagpipigil ng luha na naglakad pabalik sa kanyang upuan at kumain ng hotdog...

DARCY

Akala mo mapapaiyak mo ako...

*habang subo-subo nito ang hotdog at nakatingin sa sumasayaw na si Juancho at Emily... Maya-maya ay nakarinig ng malakas na palakpakan si Darcy at nakita na lamang niya sa harapan sina Juancho at Emily na may korona sa ulo...maya-maya ay nakita niyang yumuko ang Lalaking may hawak ng mikropono at may itinaas na sulat na nahulog mula sa bulsa ni Juancho...

EMCEE

Mukhang may naglakas loob na magtapat sa ating College King?

*nag-ingay ang lahat ng marinig ito at napatayo sa kinauupuan si Darcy...

Basahin na yan! Basahin na yan! Basahin na yan!

*sigaw ng mga tao...kinuha ni Juancho ang sulat at ang mikropono at sinimulang basahin ang nakasulat rito...

JUANCHO

"Sobrang masaya ako kapag nakikita ka, kahit hindi ko pa nakikita ang mainit mong ngiti sa t'wing nakikita mo ako ayos lang sa'kin dahil ang pansinin mo ako ay patunay na ako pa rin ay magiging pambansang swerte ng Pilipinas..."

*naghiyawan ang lahat matapos basahin ni Juancho ang sulat at maya-maya ay nagsalita ito...nakatingin ito kay Darcy na nasa baba ng stage...

Hindi ako kagaya mo...

*unti-unti nitong kinumos ang sulat ni Darcy at itinapon at sakto itong tumama sa noo ni Darcy...

Hindi kita gusto.

*malamig ang pananalita nito

DARCY

Ang daya mo!!! Hindi mo ako gusto dahil hindi ako katulad mo, tao ako kagaya mo,katulad mo ako!

*at maya-maya ay sumulpot ang kapatid nitong si Horhe at hinatak ang umiiyak na kapatid na si Darcy at bago ito umalis ay nagsalita ito ng matalim ang tingin kay Juancho...

HORHE

Boa!!!

(n. Bicol dialect na ang ibig sabihin ay baliw)

*isang akbay mula kay Horhe ang nagbalik sa kanya sa kasalukuyan.

DARCY

Gusto mo na bang mamatay? Tanggalin mo yang kamay mo sa balikat ko.

HORHE

Nakakatakot ka kapag naaalala mo siya. Kinikilabutan ako.

*hinaplos haplos nito ang mga braso sa kilabot na naramdaman...umakyat si Darcy sa kanyang kwarto at sa huling pagkakataon ay tumingin ng may nanlilisik na mga mata kay Horhe at tuluyan ng umalis.

Hooyy nakakatakot talaga siya pag naaalala niyang ex crush niya.

------------------------------------------------------------------------

INT. DARCY's ROOM-NIGHT

Pagpasok niya ay kaagad niyang sinara ang pinto at huminga ng malalim...

DARCY

7,794,798,739 ang mga tao sa buong mundo, 365 days meron ang isang taon at 24 hours sa isang araw.

MAPA

7,794,798,739 ang tysansang makatagpo ka ng taong magbabago ng buhay mo, 365 days na pagkakataon para makabangon at 24 hours to love and enjoy life. Kinukwenta mo na naman ang buhay mo.

*sabat ng kanyang Mapa na nasa pintuan.

Pwedeng pumasok?

*bumangon si Darcy at tinapik ang kama at doon umupo ang kanyang Mapa.

May problema?

DARCY

Nareject na naman po kasi yung manuscript na sinulat ko... okay lang naman po yun kaso lang po...

*isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan bago nito tinuloy ang sinasabi...

ay huwag na nga lang po maiis-stress lang po ako.

*pagkabig nito.

MAPA

Natatandaan mo ba yung sinabi ng Pama mo, Ang buhay parang fairytale pag hindi pa happy ending ibig sabihin hindi pa tapos ang kwento...at ang sabi ko naman hindi lang Prinsesa ang pwedeng halikan ng Prince pwede rin namang...

DARCY

Prince ang halikan ng Prince para maiba naman.

*pagpapatuloy nito sa sinasabi ng kanyang Mapa at nagtawanan silang dalawa...

-----------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

INT. VILLAMOR's HOUSE-NIGHT

Masayang pumasok sa kanyang bahay si Dax. Nakangiti ito at pansamantalang sumandig sa pintuan.

DAX

Nakita ko na siya---ang maglalagay sa'kin sa number one spot.

*abot langit ang ngiti nito at patakbong pumanhik sa hagdan.

AFTER A WHILE

INT. DAX's ROOM-NIGHT

Pagbukas niya ng pinto bumungad sa kanya ang malaking litrato nila ng kanyang Ina---sila lang dalawa... Natabunan ng senaryo nito ang sayang nakaguhit sa mukha ni Dax kanikanina lang. Naghubad ito at nagtungo sa kanyang C.R. at naligo. Nakita niya ang sarili sa harap ng salamin na naroroon at nagsabi sa sarili.

DAX

Ranking is very important lalo na sa katulad kong anak sa labas at gagawin ko ang lahat para makuha yun...mahalaga ang maging numero uno.

*punong puno ng emosyson ang pagkasabi nito sa sarili.

----------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

INT. DARCY's ROOM

Makulay ang loob nito,lahat na ng kulay sa bahaghari ay makikita rito,ang kwarto nito ay naliligiran ng mga stuffed pigs at dreamcatchers...bumukas ang pinto at pumasok si Horhe na may dalang hotdog...tinanggal nito ang kumot na nakatalukbong kay Darcy.

HORHE

Naaalala mo siya?

DARCY

Hindi, yung sakit ang naaalala ko...

HORHE

Huwag mo ng isipin yun at baka mamaya sumulpot siya sa buhay mo na parang buni...maniwala ka makakalimot ka rin.

Tsk tsk tsk tsk tsk

*napatingala sila ng marinig ang butiki sa sulok ng kisame at nagkatinginan...

Haay,nagkataon lang yan...

*at maya-maya ay may narinig silang sigaw.

Aaaaahhhhhhhhhhh!!! HINDI!!! HINDI PWEDE!!!

*nagmula ang sigaw na ito sa kwarto ng kanilang Mapa dali-dali silang napabalikwas at napatakbo sa kwarto ng Ina.

------------------------------------------------------------------------

INT. MAPA's ROOM-NIGHT

Napupuno ang kwarto nito ng mga poster ni Juancho,nakaupo ito sa harap ng telebisyon at umiinom ng tinutong.

(Bicol drink na galing sa roasted rice na pinakuluan,substitute sa kape ng mga Bicolano)

HORHE

Bakit po Mapa?

*nag-aalala na tanong ni Horhe

DARCY

Yung gamot niyo po... Nasaan na? Nasaan na?

*natatarantang hinahanap nito ang gamot ng Ina

HORHE

Ano po bang nangyayari?

MAPA

Mag-reretiro na si Juancho...

*pagkarinig nito ay nakita ang dismaya sa mukha ng dalawang magkapatid.

HORHE

Seryoso? Yung buni na yun?---ang dahilan kung bakit kami nataranta?

*pagpapagalit sa kanyang Mapa habang turo si Juancho na nasa Telebisyon.

DARCY

Mukhang babalik talaga siya...

*sabay tahimik na buntong hininga nito at maya-maya ay napansin niya na nalilibutan siya ng mga poster ni Juancho at...

Aaaaaaaaahhhhh!!! Hindi!!!

*sabay takbo nito sa pabalik sa kwarto niya...sinara at kinandado ang pinto at hinabol ang hininga...at napansin niya na may hawak siya at iyon ay poster ni Juancho na nadala niya mula sa kwarto ng Ina...at sinimulan niyang ipaskil ang mga ito sa dingding ng kwarto niya,sa kisame...at ang iba ay idinikit niya sa mukha ng mga stuffed pigs niya...

AFTER A WHILE

Matatalim na mga tingin ang makikita sa mata ni Darcy,itinali ang bandana na mahigpit sa kanyang noo at sinimulang karatehin ang mga stuffed pigs na laruan na may mukha ni Juancho...

DARCY

Nagkamali ka ng kinalaban...

*ngisi nito at hipan sa magkabilang kamao...at niyakap ang mga stuffed pigs nito at bigla nagbago ang emosyon.

Haaayyyy nakakairita!!! Nadamay pa tuloy kayo sa inis ko...

*kinuha nito ang isa sa mga ito at tinanggal ang picture ni Juancho na nakadikit rito at marahan na himas nito rito.

Paano kung bumalik siya Porkchop?

*tanong nito sa pig stuffed toy.

Anak ng Butiki naman...

*pagdadabog nito sa inis.

------------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

EXT. OUTSIDE DARCY's ROOM -NIGHT

Parehas nakadikit ang mga tenga ng Mapa ni Darcy at ni Horhe sa dingding ng kwarto nito...kanina pa ito nakikinig matapos itong tumakbo ng sumisigaw papasok sa kwarto.

MAPA

Nagda-drugs ba ang kapatid mo?

HORHE

Nasobrahan lang siguro sa hotdog yan...

*at nagsibalikan ang dalawa sa kanya-kanyang kwarto.

AFTER A WHILE: Pinihit ni Darcy ang pihitan ng radyo at tumugtog sa radyo ang isang pamilyar na kanta.

🎶🎶🎶Ito ba'y pagirog sayo

Kabado at balisa dahil sayo

utalutal na para bang bata

Kilig to the bones ang feeling

Tuwing nakikita at kausap ka

Parang bang heaven ang feelings

Floating papunta ang puso saiyo

Catch it cause its falling for you

Dubiram dubiram biram

Can you here it

Thats my heart sa twinang ikaw ay nasasight ko

At isang ngiti mo lang buhay ay ayos na ayos na

Kasi inlove sayo🎶🎶🎶

Kahit iba ang kasayaw niya sa kantang 'to noon bakit siya at ako ang nakikita ko ngayong pinakikinggan ko 'to?...

*nahiga ito at nakita nito sa kisame ang butiki na naroroon sa isa sa mga poster na ikinabit niya sa kisame kanina para karatehin...kumabog ang kanyang dibdib at halos hindi na niya marinig ang kanta sa radyo sapagkat napapaibabawan ito ng kabog ng kanyang puso sa kanyang dibdib na makalipas ang ilang sandali ay bumagal at bumigat ang kabog...humina ang tibok nito at biglaang tumigil...maya-maya pa ay...

Juancho Ma...

*napalunok pa ito bago itinuloy ang gustong sabihin

Mahal kita...

*pikit mata at lakas loob nitong inabot ang tsokolate

Ayyiiiieeeee...may Lalaking nagkakagusto kay Juancho.

*tukso ng mga tao...maya-maya pa ay tinabig ni Juancho ang kamay ng humahanga sa kanya.

Bakla!!!

*sigaw ni Juancho at nagsimulang kantyawan ng mga tao si Darcy...

Ay...Bakla...Bakla...Baklaaaa...Nagkakagusto sa kapwa Lalaki nagkakagusto...

*humagugol na lamang ang tinutukso habang takip-takip nito ang tenga upang mabawasan ang lakas ng pandinig...

Kriingggggggggggggggg!!! Kriiiiiiinnnnggggg!!!

Isang malakas na tunog ng alarm clock ang nagdala kay Darcy sa totoong mundo mula sa mundo ng panaginip...agad nitong nasilayan ang poster ng mukha ni Juacho-ang pinaka sikat na artista sa Pilipinas...kinuha kaagad ni Darcy ang matulis na dart at itinapon ito sa poster ni Juancho at sapol ito sa mukha...

DARCY

Tigilan mo na nga ako...anong nginingiti-ngiti mo diyan...

Akala mo kina-gwapo mo yan!!!

*inis nitong sambit

"Bagay naman ah..."

*sagot ng poster na nagpatayo kay Darcy sa higaan...

Juan---cho?

*sambit nito na may kaba...

KINCHAY

Ay yun!!! Nilamon na ng sistema ni crush!

*biglang sabi ni Kinchay na kanina pa pala nasa kwarto niya at napagkamalan na ang boses na naririnig ay ang kay Juancho.

DARCY

Ex-crush Kinchay... Dating crush...dating kinakikiligan ngayon kinaiinisan. Exclamation point 3x to 10th power.

KINCHAY

Defensive aggressive masyado kasi may inililihim,nasasabi mo lang yan kasi hindi mo siya nakikita pero kapag nagkita kayo ulit baka tumibok ulit yan...

*sabay turo nito sa dibdib ni Darcy...

DARCY

Tumitibok ba ang utong?

KINCHAY

Sige magpatawa ka...

Tignan mo na,parang 'di tumitibok ang puso mo.

*biglang naging balisa si Darcy sa narinig at napahawak sa kanyang dibdib.

Okay ka lang ba namumutla ka?...

*pag aalalang tanong ni Kinchay sa kaibigang si Darcy na nakatulala habang hawak ang dibdib... Dali-daling nagtungo si Darcy sa salamin at ibinababa ang ulohang bahagi ng kanyang damit at wala na---wala na ang balat niyang hugis puso,wala na ring tibok ang puso niya at pinaka masaklap umepekto na ang sumpa ng unang butiki at ikamamatay niya ito.

DARCY

Aaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh!!!

*sigaw ni Darcy habang nakapatong ang mga kamay sa dibdib na sinabayan rin ng huni ng butiki na nasa gilid ng kisame.

Tsk tsk tsk tsk tsk tsk!!!

*dahil sa sigaw nito ay nataranta ang nasa loob ng bahay at napapanhik sa taas ang kapatid niya at ang kanyang Mapa.

MAPA

Bakit?? Ang aga-aga pa ah napagdesiyonan mo na bang maging manok ngayon at nauna ka pang tumilaok.

DARCY

Ang sumpa ng butiki nasa akin na. Bakit ako?? Akala ko po ba yung mga babae lang po sa pamilya natin ang tinatamaan ng sumpa?

*sa pagkasabi nito ay daliang sinuri nila Kinchay, Mapa at ni Horhe ang dibdib ni Darcy.

MAPA

Wala akong sinabi sa babae lang na panganay ng panganay tatama yung sumpa, ang sabi ko parang...kasi puro Lola ng mga kalola-lolahan niyo ang nadadali ng sumpa.

DARCY

Haaaa??!!! Ayaw ko pang mamatay!!!

HORHE

Sino? Nakanino na ang puso mo?

KINCHAY

Nandyan pa rin naman ang puso niya sa dibdib niya wala lang tibok ang O.A.

HORHE

Ang tinutukoy ko yung balat niya sa dibdib niya ang balat na yun ay katumbas ng puso niya kaya kailangan mahanap natin kung kanino napunta ang balat na iyon para maibalik natin ang pintig nito dahil kung hindi permanente na ang pagtigil ng tibok ng puso niya.

*pagpapaliwanag nito.

KINCHAY

Paano natin malalaman na kung kanino?

*hindi na sinagot ni Horhe ang tanong ni Kinchay bagkus ay tinignan nito ang palad ni Kinchay upang magbakasakali at nagsalita makatapos...

HORHE

Mapupunta sa palad ng taong yun ang balat ni Darcy sa dibdib...

MAPA

O kaya titibok ang puso niya pag nakita niya na ang pinili ng unang butiki...

KINCHAY

So parang matataranta ka sa kaba kapag nakikita mo siya?yung sumpa pala na napunta sayo ay literal na definition ng gay panic...

*pagbibiro ni Kinchay sa gitna ng sitwasyon...

MAPA

Kailangan na nating hanapin yung prince charming mo.

KINCHAY

Alam kong wala sa oras 'to pero beshiwap...

*hindi na tinuloy ni Kinchay ang sasabihin bagkus ay itinuro ang kalendaryo at napunta ang atensyon ni Darcy sa petsang may bilog...

"Fame Tower's New Chairman Arrival".

*basa niya sa baba ng petsang may bilog ng ballpen na pink...napatingin ito sa kaibigan na si Kinchay at napatakbo kaagad ito sa labas upang habulin ang oras...naiwan si Horhe at Mapa at kasabay din iniwan pansamantala ang problema ng sumpa ng unang butiki.

MAPA

Hanapin mo yung magtatanggal ng sumpa sa'yo kung hindi baka matulad ka sa mga lola mo natutulog ngayon sa sementeryo.

*pahabol ng Mapa ni Darcy...at ilang segundo rin ay tapik nito kay Horhe.

May pupuntahan tayo.

HORHE

Saan po?

MAPA

Maghahanap ng Prince Charming.

-----------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

Ang katawan ni Horhe ay hindi gumagalaw tanging ang mga mata nito ang sumuri sa lugar na pinagdalhan sa kanya ng kanyang Mapa. Naliligiran siya ng tatlong mga babae.Ang mga titig nito ay tila sinusuri siya ng mga ito.

MAPA

Ito sina Amore, Kriselda at Joyce at sila ang tutulong sa'tin para makakuha ng Prince Charming ng kapatid mo.

HORHE

Mga bugaw po ba kayo?

*isang batok ang natikman ni Horhe mula sa kanyang Mapa...

MAPA

Puro kababuyan yang nasa utak mo. Girls, magpakilala kayo.

AMORE

Ako si Amore--- ang shipper ng grupo.

*pagpapakilala nito kay Horhe at sabay tanong nito ng...

May boyfriend ka ba?

*at maiging iling ni Horhe bilang sagot.

KRISELDA

Wala bang chance? Sana lalaki na lang ako katulad mo...

MAPA

Siya si Kriselda...

HORHE

Gay porn ba yan?

*gulat nitong nasabi sa nakitang pinapanood ni Kriselda.

MAPA

At siya naman si Joyce

*turo ng kanyang Mapa sa babaeng nakatalikod...

siya ang...

HORHE

Hulaan ko po siya ang pinaka proud na Fujoshi sa inyong lahat.

*pagputol nito sa sasabihin ng kanyang Mapa nang makita ng tuluyan ang ipapakilala---naka suot ito ng lahat ng masasabi mong susuotin ng mga fujoshi sa buong mundo kulang na lang ay ipa-tattoo nito kung gaano siya ka proud.

MAPA

At ako siyempre... Ang lider nila.

HORHE

Alam ko na po yun pero ang mas gusto kong malaman ay papaano nating matutulungan ang kapatid ko..

*pagkasabi nito ay sabay sabay ibinagsak nila Amore, Kriselda, Joyce at ng kanyang Mapa ang makapal na mga libro at sabay sabay ngumisi.

KRISELDA

Let's start...

*pagkatapos itong sabihin ay ibinuklat ni Horhe ang isa sa mga librong nasa kanyang harapan.

HORHE

Rule number 1 we dont just ship we protect.

*pagbasa nito sa unang pahina ng librong binuklat.

AMORE

Kailangan ang pipiliin natin para sa ishi-ship natin ay compatible emotinally and psychologically. Siyempre gusto natin ang healthy relationship.

HORHE

Rule number 2 If you're over 5' 10'' or 5' 10'' you're a tree and if you're under 5' 10'' you're a squirrel find your tree claim it, it's yours now.

*pagpapatuloy na pagbasa nito.

KRISELDA

Self explanatory. Syempre dapat physically compatible sila,pero subjective 'to masyado. Pwede rin namang parehas sila ng height ang importante love nila ang isa't isa.

HORHE

Rule number 3 Lollipop.

*naguluhan ito sa nabasang ikatlong rule.

JOYCE

Katulad ng lollipop, may ulo at stick.

*hindi pa rin maintindihan ni Horhe ang paliwanag ni Joyce kaya nagsalita ito muli.

Stick and a hole.

*sambit nito habang paulit ulit na inaatras abante ang daliring hinugis bilog at ang hintuturo.

HORHE

Aaahhh...hindi ba espadahan?

*sabay gumawa ng espadahan na aksyon gamit ang hintuturo ng dalawang kamay.

AMORE

May mga rare cases na ganoon.

HORHE

Haaaa??!!

MAPA

Rule number 4 Trust the process.

KRISELDA

Hinay-hinay lang. Ang ship na minadaling gawin nasisira kaagad.

JOYCE

Kaya dito papasok ang Rule number 5, Prospects.

AMORE

Kailangan alamin natin kung lalaking lalaki sila, feminine ba ang isa, feminine ba sila pareho, homophobic ang top o ang bottom.

HORHE

Pati homophobic?

JOYCE

Anything is possible...

KRISELDA

Kailangan din nating i-check yung age, age gap ,married ba or divorced at siyempre ang sense of style nila.

HORHE

Sense of style? Pati ba naman ang fashion sense nila titignan natin?

JOYCE

Pagnaka taas ang sleeves top pag nakababa bottom. Left earing bottom, jumper sa year 2000's bottom.

*sambit nito ng mabilis na tila pinapatunayan niyang alam na alam niya ang sinasabi.

HORHE

Pantalon?

*tanong nito upang i-test ang experts na nasa harapan.

KRISELDA

Pag tattered bottom and florals kahit hindi summer bottom.

HORHE

Neckties?

AMORE

Top at hindi lang basta top, dominant sila. Bracelet bottom---submissive bottom.

*at sabay tilian ng tatlo at pati na rin ang kanyang Mapa.

HORHE

Hala??!!!

*gulat nito sa mga narinig pagkatapos ay binuklat ang susunod na pahina ng librong nasa harapan.

Rule number 6 Love...

*basa nito sa isa pang pahina ng libro.

MAPA

Hindi kami bugaw, rainbow cupids kami.

JOYCE

Hindi lust, curious o trip trip lang ang hanap natin dapat Love. Kahit kasing liit lang ng tinga sa pagitan ng ngipin ang size ng love na nakikita counted yun.

AMORE

Ang baga nag-aapoy.

*seryosong sabi nito kay Horhe.

MAPA

Love ang top most priority hindi sex.

HORHE

Pero sa case po ng kapatid ko sex ang top priority kung hindi mamamatay siya.

KRISELDA

Ang Fujoshis parang boys scouts laging handa.

*sabay labas nila ng cellphone.

AMORE

Ito lahat ang mga numbers at social media ng mga prospects natin at base sa rules na pinaliwanag namin kanina sayo tutulungan mo kaming kilalaning mabuti ang prospects.

AFTER A WHILE

Sa mga nakalipas na oras ay klinasify nila ang kanilang prospects at pinilter ang qualified candidates na sa tingin nila makakapag tanggal ng sumpa kay Darcy.

HORHE

Top

KRISELDA

Bottom

JOYCE

Bottom

AMORE

Feminine

JOYCE

Homophobic

KRISELDA

Bottom

AMORE

Daddy

JOYCE

Florals? And masculine? Versa...

HORHE

Dominant Top?

*nanlaki ang mga mata nito sa excitement.

KRISELDA

Top priority yan.

*sabay tili ni Kriselda at gulat sa kaba naman ni Horhe

AMORE

Top 'to

JOYCE

Bottom 'to

HORHE

Si Juancho?? Haaaayy...rejected 'to.

*sambit nito nang makita nito na isa sa mga prospects ng fujoshi si Juancho.

MAPA

Hindi. Top priority 'to.

*pagpigil ng kanyang Mapa sa paglagay niya sa rejected list kay Juancho.

HORHE

Pero Mapa?

AMORE

Mother's knows best.

*sabay tapik sa balikat ni Horhe.

MAPA

Ito rin isama niyo 'to sa priority list.

*sabay bigay pakita ng picture ni Dax sa mga kasamahan at tilian naman ng tatlo.

HORHE

Sa mga napipili niyo parang mamamatay na ang kapatid ko.

JOYCE

Mother's knows best.

*tapik ulit sa balikat ni Horhe at buntong hininga nito.

Rule numer 7 Destiny.

AMORE

Love moves in mysterious ways.

*sambit nito at sabay ngisi.

Próximo capítulo