webnovel

Another

Chapter 10 

Tahimik na tinatapik ni Nash ang ulo ni Annie habang natutulog ito sa mga hita nya. Nakangiti nya itong pinagmasdan at napansing hindi pa pala nito tinatanggal ang make-up nito. Dahan-dahan syang tumayo ay kumuha ng tissue. 

Dahan-dahan nya ding pinunasan ang muhka ni Annie habang tinititigan nya ang muhka nito. Nang matanggal na nya lahat ay dahan-dahan nya itong binuhat at dinala sya sa kwarto. 

Nang maihiga nya si Annie ay inayos nya ang kumot nito at tumabi sya dito. Habang nakatitig parin sya dito ay bigla nyang naalala ang unang pagkikita nila ni Annie. Bigla syang napangiti dahil napacute pa nito noon at talagang gugustuhin mo syang palaging kasama. 

Pero ngayon, parang ayaw na talaga nyang iwan ito. Bukod kasi sa wala itong masyadong alam at inosente sa mundo ay talagang magkasama na sila noong mga bata pa. Talagang sya lang ang nagkaproblema ng magbinata sya. 

Bigla nalang kasi isang araw, bigla nalang syang nakaramdam ng pagnanasa para sa girlfriend nya. Noong mga panahon na yon ay bago palang ang relasyon nila ni Annie at talagang pinagsisisihan na nya ang mga ginawa nya. 

________________________________

Tahimik na naglalakad si Scarlett pauwi sa bahay nila. Natawa sya sa sarili ng maisip nyang namimiss na sya ni Erick. Bigla syang napatigil ng biglang huminto ang pamilyar na sasakyan sa harap nya. 

"Ano nanaman ba?" Bulong nya sa sarili nya tapos umirap sa hangin. Nang bumukas ang pinto ng kotse ay agtad syang pumasok at nakita nya ang asawa nyang masama ang muhka. 

"Diba, sinabihan na kitang wag kang maglalakad sa gabi ng mag-isa?" Galit nitong sabi nito. Napairap sya dahil ito nanaman ang asawa nya, sesermonan nanaman sya. 

"Wala na kasi akong masakyan." Sabi nya tapos yumakap sa dito. "Pagod ako. Galing ako sa kasal ng kaibigan ko." Sabi nya habang nakayakap sa dito. 

"Sinong kaibigan naman?" Tanong nito sa kanya. 

"Si Camille." Sagot nya pa. 

"Napagod ka ba?" Kunwaring galit nitong tanong. 

"Medyo." Sabi nya habang nakayakap parin sa dito. 

"Sama ka nalang sa akin sa bahay." Sabi nito. Agad syang umiling at ngumiti sa dito. "Bakit?" Kunot-noong tanong nito. "Hindi ko pinatay ang magulang ko para lang iwan mo ako." Inis pang sabi nito. 

"Hindi ko naman sinabing patayin mo sila." Mataray nyang sabi sa kanya. "Tyaka, kaya ko naman gawin yon mag-isa." Sabi nya habang may munting ngisi sa labi nya. Napatitig naman sa kanya ang asawa nya. 

________________________________

Biglang naalimpungatan si Erick at nagulat ng makitang bukas ang pinto ng kwarto nya. Napakunot ang noo nya at agad na tumayo. Dahan-dahan syang naglakad at bigla syang may narinig na malakas na tunog galing sa kusina kaya dahan-dahan ulit syang naglakad doon. 

Mahina ang paglalakad nya at naririnig nyang parang winawalis nito ang mga kalat. Agad nyang pumesto sa tabi ng pinto at similip doon. Agad syang napatayong makita nyang si Scarlett iyon. 

"Scarlett?" Gulat nyang tanong. Agad itong humarap sa kanya at nagulat sya ng makitang nakasimangot nito. "Anong nangyari sayo?" Tanong nya dito.

"Nagugutom ako." Nakasimangot nitong sagot. Sya naman ay napangiti lang at lumapit dito. 

"Sana tumawag ka o nagtext. Sana nalutoan kita ng pagkain." Natatawang sabi nya. Lumapit sya sa ref at nakitang may nuggets pa doon. "Ok na ba tong nuggets?" Tanong nya. 

"Ok na yan." Nakasimangot paring sagot ni Scarlett sa kanya. 

"Sige." Sabi nya tapos agad na niluto ang nuggets at sinaluhan ito. "Bakit nga pala ang aga mo?" Tanong nya dito. 

"Akala ko din hanggang bukas pa ako doon, ehh. Hindi ko naman alam na ngayon na pala ang kasal nya. Akala ko kasi bukas pa." Nakasimangot parin sabi nito tapos masamang tumingin sa kanya. "Bakit ka tumatawa?" Masama ang tingin nito sa kanya. 

"Wala naman." Natatawang sabi nya. 

"Tsk." Singhal nito tapos umirap. Kaya sya natatawa kasi halatang inis na inis talaga ito. "Namiss mo ako, nohh?" Biglang sabi nito tapos ngumisi. Dahil doon ay bigla syang nabilaukan. Inabutan sya ng tubig ni Scarlett habang tatawa-tawa ito. "Tsk, ayan. Dahan-dahan lang kasi, hindi naman kita aagawan, ehh." Biro nito. Sya naman ay lihim na napangiwi dahil gumanti ito sa kanya.

___________________________

Gabi na ngayon at hindi parin makatulog sya makatulog ngayon. Napag-desisyonan nyang lumabas muna ng bahay at uminom. Alam nyang hindi maganda iyon sa kanya pero ginagawa nya parin.

Lumabas sya ng bahay nya at sumakay ng kotse. Agad syang nagmaneho sa pinakamalapit na Convenient Store at bumili ng limang in-can beer doon.

Biglang nagbago ang isip nya. Bumalik sya sa lagayan ng mga beer at kumuha pa ng lima pa. Bumalik sya sa counter at nakita nanaman ang pamilyar na babae.

"Iinom ka nanaman?" Tanong nito sa kanya. "Alam mo namang bawal———"

"Ano bang pakialam mo?" Pgputol nya sa sinasabi nito.

"Gusto mo ba talaga kaming iwan agad ng anak mo?" Inis nitong tanong. "Marvin, nagbubuntis ako sa pangatlo natin, dapat nga nagtatrabaho ka ngayon, ehh. Hindi puro ka nalang inom, kapag nanganak ako, wala tayong pera." Panenermon nito.

"Tsk." Singhal nya at binalik na dito ang dala nyang limang can. "Uuwi na nga, ehh." Sabi nya tapos pumunta sa tabi nito. Taka namang tumingin sa kanya ang asawa nya. "Ikaw nalang ang umuwi, ako na bahala sa shift mo." Sabi nya tapos hinalikan ang noo nito at hinawakan ang tyan.

"Pero..."

"Wag ka nang magpero-pero. Mas magandang ikaw ang magpahinga. Malapit ka nang manganak." Sabi nya pa.

"Sige..." Sabi nito tapos nagpalit ng damit. Pagkatapos ay kumaway muna ito sa kanya bago ito lumabas. "Ingat ka, ha? Ako nang bahala dito. Dalhhin mo na yung kotse."

"Paano ka?" Tanong nito sa kanya.

"Ok lang ako." Nakangiti nyang sabi.

LUMIPAS ang ilang oras at dumating na ang kasunod ni Marvin. Nang magpalit na sila ay bumili muna sya ng pagkain saglit at kumain bago naglakad papuntang sakayan ng bus.

Dahil alam nyang wala pa namang dadaang bus, naghintay nalang sya doon ng taxi. Lumipas ulit ang ilang minuto ay wala parin syang nakuhang taxi kaya nagdesisyon syang maglakad-lakad muna.

Medyo maliwanag na ngayon pero wala pang masyadong tao dahil alas-singko palang ng umaga. Tahimik ang paligid at may iilan nang sasakyan na dumadaan.

"Marvin." Biglang may tumawag sa kanya. Agad syang napatigil sa paglalakad at tumingin sa paligid nya. Nang makitang wlaang tao ay nagpatuloy sya.

Biglamg naging tahimik ang kilos ni Marvin. Pinakikiramdaman nya kasi ang paligid nya. Ang buntong-hininga ay naging maingat, ang maingay ay naging maingat.

Biglang nagulat si Marvin ng biglang may sumulpot sa harap nya at bigla nalang itong natumba. Ngumisi ang babae at tumingin sa paligid tapos ibinalik ang tingin kay Marvin na ngayon ay naliligo na sa sariling dugo.

"One down. Again." Nakangising sabi ng babae tapos kinuha ang dala nyang listahan. Nilagyan nya ng ekis ang pangalan ni Marvin at ngumisi.

- To Be Continued -

(Tue, August 24, 2021)

Próximo capítulo