webnovel

4 Chapter 3

Chapter 3

- Inara's POV -

Bigla akong naalimpungatan dahil sa ingay na naririnig ko sa paligid ko.

"Bakit kasi dalawa pa sila? Alam mo bang hindi magugustuhan ng mahal na dyosa ang iyong ginawa?" Saad ng isang babae galing sa kung saan. Hindi ko pa sila nakikita dahil nakapikit parin ako.

"Ehh, kung patayin na din kita?" Tanong ng isa pang babae.

"Nakalimutan mo na bang immortal tayo?" Tanong ulit ng isa pang babae. Doon na ako nagmulat, pagmulat ko ay may mga babaeng nakakatakot ang nasa harap ko.

"Ahh!!" Sigaw naming lahat.

"Bakit ka ba sumisigaw?!" Sigaw na saad ng isang babae. Maganda sya pero ang mga buhok nya ay mga ahas, parang si medusa. May isa pang babaeng mataba, at yung iba ay maganda pero muhkang masusungit.

"Gising na sya." Saad ng isang babae at lahat sila ay lumingon sa akin. Paglingon nila ay doon na ako umupo, hindi ako nanghihina, wala ding masakit sa akin. Lumingon ako sa lalaking nasa tabi ng higaan ko at doon na ako naging agrisibo.

"Hayop ka! Bakit mo ako sinagasaan!" Sigaw ko kay Troy.

"H-hindi ako a-ang m-may k-k-kasalanan." Saad ni Troy habang sakal-sakal ko pa sya.

"Anong hindi! Nakita kita bago mo ako masagasaan! Tapos itatanggi mo pa?!" Sigaw ko habang sakal-sakal parin sya.

"Ano ba, Inara!! Tumigil ka! Ganyan ka din nabuo!" Sigaw ng isang babae. Napalingon naman ako sa kanya. Sakal ko parin si Troy pero hindi na kasing tindi ng kanina.

"Anong nabuo?" Tanong ko.

"Nag-aaway din sila kaya ka nabuo." Saad nya pa.

"You... Mean.... Nag-aaway sila.... Habang.... N-nagse-sex?" Tanong ko.

"Hindi init ng katawan at kalibugan ang paraan ng pagbuo ng bata rito. Kapag ang dalawang babae at lalaki ay hindi pa kasal, hindi nila pwedeng hawakan ang isa't isa. Lalo na ang kamay dahil ganon nabubuo ang bata." Saad nito. Tuluyan ko nang binitawan ang leeg ni Troy at humarap sa babae.

"Paano iyon?" Tanong ko.

"Gusto mong malaman? Ipaglapat mo ang kamay nyo ni Troy." Saad nito. Akmang gagawin ko na ang sinabi nya pero bigla nya din akong pinigilan. "Ano ba? Binigyan ka namin ng sobrang katalinuhan pero bakit parang napakainosente mo din?" Tanong nito sa akin.

"Anong alam ko? At, sino ba kayo? Hindi nga kayo kilala, ehh." Saad ko at kinuha sa kanya ang kamay ko.

"Kami ang mga tagapag-alaga mo." Mataray na saad ng isang babae. "Sinaway mo kasi ang mga utos namin kaya namatay ka. Kaya ngayon, makakasama mo na ulit ang mga magulang mo, prinsesa." Saad nito at ngumiti pero nandoon parin ang pagiging istrikto.

"Balang araw, sasabihin din namin ang mga nangyari upang maliwanagan kayo ng mahal na prinsipe. Sa ngayon, babalik muna tayo sa kaharian sa itaas at sa kaharian ng ating prinsipe." Saad ng isa pang babae. Istrikto din ito.

"Tayo na, mahal na prinsesa. Malayo-layo pa ang lalakbayin natin." Saad pa ng isang babae.

"Lakbay? Sige!! Gusto ko yan!" Saad ko at dali-daling tumayo at nang makatayo ako ay sinamaan ko ng tingin si Troy at nagsalita. "Wag kang lalapit sa akin, mapapatay kita." Saad ko at tinalikuran na sya tapos nauna nang maglakad sa kanila.

Naglakad kami ng naglakad hanggang sa may marating kaming malaking pinto. Ahm... Actually, para syang gate ng isang kaharian. May lumapit sa aming lalaki at tinanong kami.

"Sino kayo at anong kailangan nyo sa palasyo namin?" Tanong ng lalaki.

"Narito kami dahil narito na ang prinsipe. Papasukin nyo na kami at ipagbigay nyo na sa hari na narito na ang kanyang tagapagmana." Saad ng babaeng kasama namin.

"Bilisan mo, o baka gusto mong maging bato?" Mayabang na sabi ng babaeng may ahas na buhok. Kumilos ang lalaki at unti-unting bumukas ang malaking gate at saka kami pinapasok ng mga kawal.

Saka bumungad sa amin ang malaking kaharian at ang maraming mga tao. Lahat ay may kanya-kanyang ginagawa at kami naman ay hindi nila napansing pumasok kami.

Nakasuot kami ng balabal. Ang balabal ko ay kulay puti. Ang kasuotan ko naman ay kulay rosas at may bulaklak din ako sa aking buhok. Pero hindi katulad ng mga ibang sinaunang ayos ng buhok dahil makalugay ito at may naka ipit lang na kaunti.

"Dito tayo dadaan. Ang lugar na ito ay konektado sa kaharian namin, hindi kayo maaaring makita kung dala nyo nga ang mahal na prinsipe." Saad ng isang kawal.

"Bakit kung makapagsalita ka ay parang hindi mo ako asawa?" Saad ng isang babaeng kasama namin, iyong kulay lila na babae na nakasuot ng itim. Biglang nagbago ng anyo ang lalaki ay bigla itong naging isang parang sireno na may paa.

"Hindi ko talaga maitatago ang sarili ko sayo, mahal ko." Saad nito at lumapit sa babaeng kasama namin at hinalikan ang kamay nito.

"Wow. How sweet." Bulong ko.

"Gusto mo din ba?" Biglang sulpot ni Troy. Matalim ang mga mata ko ng nilingon ko nya.

"Di ba sabi ko wag kang lalapit sa akin?!" Biglang sigaw ko. Tapos dali-daling syang lumayo sakin at ang mga kasama namin ay naging naging alerto din. Dali-dali nila akong pinigilan habang pilit akong lumalapit kay Troy. "Gusto mo bang tapusin kita sa pangalawang pagkakataon?! Hindi ako magdadalawang isip!! Papatayin talaga kita!" Sigaw ko habang pinipigilan parin nila akong makalapit.

"Tama na!" Biglang sigaw ng ginoo kaya napatahimik ako. "Mahal na prinsesa, maaari mo bang sabihin sa akin kung bakit ka galit sa prinsipe natin?" Tanong nito.

"Kasi sya, ehh! Sinagasaan ba naman ako! Sinong hindi magagalit?!" Sigaw ko.

"Wala ka bang ibang naiisip na dahilan kung bakit ka galit sa kanya?" Tanong pa ng lalaki.

"Wala..." Mahinang saad ko.

"May mas malaking bagay pang nagawa si Troy sayo, mahal na prinsesa. Balang araw, malalaman mo din ang dahilan kung bakit galit ka sa kanya." Saad ng lalaki. Napatitig lang ako sa kanya at biglang napakunot ang noo ko.

"Ok." Saad ko at naglakad ulit. Maya-maya ay naglakad na din sila at medyo matagal din ang naging paglalakad namin bago namin narating ang isang malaki nanamang pinto. Bumukas ito ng dahan-dahan at bumungad sa amin ang dalawang trono.

Pagpasok namin ay biglang may lumabas na hari sa isang bahagi na hindi ko alam kung saan nanggaling at nang umupo sya ay isa-isa nilang tinanggal ang mga balabal nila at nagsilabasan ang mga anyo nila. Nang tanggalin ko ang akin, ang kaninang kulay rosas ay naging lila pero hindi katulad ng babaeng iyon, maliwanag ang kulay ng akin.

"Ano't---" hindi nito natapos ang sasabihin nya ng dumapo ang tingin nito kay Troy. Nagbago din ang ekspresyon nito, ang kaninang makapangyarihan ay naging malambot at parang maiiyak na ano mang oras. "Anak..." Mahinang saad nito at dali-daling naglakad papalapit kay Troy. "Maligayang pagbabalik." Saad nito at niyakap si Troy tapos hinalikan ito sa noo.

"Wow...." Mahinang bulong ko. "Sana ako din." Bulong ko pa. Bigla itong humarap sa akin at lumuhod na ikinagulat ko.

"Maligayang pagbabalik mahal na prinsesa." Saad nito.

"Kayo din po ba ang tatay ko?" Tanong ko. "Kasi... Kung prinsesa ako, at kayo ang hari dito.... Ako.... Anak nyo ako." Saad ko.

"Mali ka. Ang tali-talino mo pero hindi mo ginagamit ang utak mo." Saad ng babaeng maganda pero muhkang masungit. "Anak ka ng dyos at dyosa ng mga dyos." Saad nito.

"Wow! Ano? Hindi ko gets." Sabi ko at sumimangot ulit.

"Hay.... Hindi na talaga magbabago ang babaeng to. Kahit kelan napakapasaway mo, prinsesa." Saad ng lalaki.

"Don't touch me. I don't talk to strangers." Saad ko at inirapan sya. Lumapit ako kay Troy at hinawakan ang laylayan ng damit nya.

"Bakit?" Tanong nito. Kinuha nya ang kamay ko at pinaghawak ang parehas namin kamay. Pero pareho kaming nagulat ng biglang umilaw kaya pinaglayo namin agad. Dali-dali namang lumapit sa akin ang mga tao sa paligid namin.

"Bakit mo ginawa iyon?" Tanong ng babaeng nakapula.

"Hindi ko naman alam." Saad ni Troy.

"Sa susunod, mag-iingat na kayo." Saad ng babaeng may sungay na itim.

"Opo." Sagot ni Troy. Humarap ulit sya sa akin.

"Iiwan ka dito?" Tanong ko. Tumango lang sya. "Sama ka nalang sa akin." Saad ko at hinila-hila ang laylayan ng damit nya at parang batang nagmamakaawa sa isang pagkain.

"Hindi pwede. Pwede ka namang pumunta dito, ehh." Saad nito. Mas nalungkot naman ako.

"Sige...." Saad ko at tinalikuran na sya pero bigla nya akong niyakap patalikod.

"Mahal kita." Saad nito.

"Pero bakit hindi ka sasama?" Tanong ko.

"Dito ako nakatira, mahal ko. Pwede ka namang pumunta dito." Saad nito. Nagulat kami ng biglang paghiwalayin kami ng ginoo gamit ang mahika.

"Hindi pwede yan hanggat hindi pa kayo kasal. Hindi kayo pwedeng magyakap, maghawak, at iba pang nagagawa nyo sa mundo ng mga tao." Saad ng ginang.

"Ehh, buti nga dito may ganyan ako, ehh. Doon wala." Bulong ko.

"May sinasabi ka?" Tanong nito.

"Ako? Wala. Wala akong sinasabi. May narinig ka ba? Diba, wala? Wala naman kasi talaga." Saad ko at inirapan sila.

"Ang maldita mo, ahh. Wag mo kaming ganyanan. Mas maldita kami sayo." Saad pa nya

"Wala naman akong pake, ehh." Saad ko at tumahimik na.

"Sige na. Umalis na tayo." Saad ng lalaking kasama namin at tumingin muna ako kay Troy.

"Bye..." Mahinang saad ko at kumaway sa kanya. Hindi pa man ito nakakalapit sa akin ng biglang mapunta naman kami sa isang kahariang parang templo naman sya. "Where are we?" Tanong ko habang pinapalibot ang paningin ko sa buong paligid ko.

"Nandito na tayo sa kaharian nyo." Saad ng isang babae. "Magpapakilala na kami. Ako si Yumira, siya si Ursula, Medusa, Maleficent, Isabella at sya ang asawa ni Ursula, si Fern. Tito mo nga pala sya." Saad nito.

"Oww... So, Tita kita?" Saad ko at tinuro si Ursula.

"Bakit? Parehas naman tayong maganda, ahh?" Saad nito. Tiningnan ko naman sya simula ulo hanggang paa.

"Pag-iisipan ko yan." Saad ko at lumapit kay Medusa. "Ikaw? Tita din ba kita?" Tanong ko. Tumango naman sya.

"Lahat kami tita mo." Saad ng babaeng kulay pula ang lipstick na parang heart.

"Di kita kinakausap, Queen of Hearts." Saad ko at inirapan sya.

"Pigilan nyo ako, mapapatay ko ulit ang bata yan." Saad nito.

"Tama na. Pumasok na tayo. Baka hinihintay ka na ng mga magulang mo." Saad sa akin ni Medusa at ngumiti naman ako. Pumasok kami sa isang pinto at biglang tumambad sa akin ang maraming mga magaganda at mga gwapong lalaki.

Iba't iba din ang uri ng mga kasuotan ng mga ito, parang mga greek mythology, ganon. Tapos pagpasok namin ay nakangiti silang humarap sa amin, yung iba napatayo pa. Maya-maya ay may lalaking naglakad papalapit sa akin pero hilagpasan ko lang sya.

Bigla akong napatingin sa kanila dahil bigla silang natawa. Napakunot ang noo kong tumingin sa lalaking kanina ay yayakap sa akin. Mahina itong tumatawa kahit napahiya sya. Kinunotan ko sya ng noo at pinalibot ulit ang paningin ko sa buong paligid.

"Anak, bakit mo naman nilagpasan ang iyong ama?" Tanong ng isang magandang babae. Nanlaki ang mga mata ko. Nagpalinga-linga ako at tumingin ulit sa kanya.

"Ako po ba ang kausap nyo?" Tanong ko at tinuro pa ang sarili ko.

"Haha. Oo, hija. Ikaw nga." Saad nito habang mahinang tumatawa. Humarap ulit ako sa lalaking lumapit sa akin tapos tumingin ulit sa babae.

"Tatay ko po ba talaga yan? Kung sasabihin nyong kayo ang nanay ko, maniniwala ako, pero kung sabihin nyong tatay ko sya. Parang ayoko." Saad ko habang nakatingin sa lalaki.

"Haha. Palabiro ka talaga, anak. Wala ka paring pinagbago." Saad nito at lumapit sa akin tapos niyakap ako. "I miss you." Saad nito.

"Ahh--- I miss you too?"

"Haha. Siguro hindi mo pa kami naaalala." Saad pa nya.

"Siguro nga. Hindi nya nga ako niyakap." Saad ng lalaki.

"Ang dami mo kasing balbas. Tagpasin mo na kaya yan?" Saad ko. Natawa naman ng mahina ang babae. Ang lalaki naman ay napahawak sa muhka nya.

- To Be Continued -

(Sun, April 25, 2021)

Próximo capítulo