webnovel

Chapter 9

- - - Chapter 9 - - -

- Chantal's POV -

Nandito na kami ngayon sa mall at kay Ivy na ako nakalingkis ngayon. Kakapasok lang namin dito at may nakitang damit si Angel at Ashley.

"Gusto mo ba nito, Faith?" Biglang tanong ni Ryan sa akin at may pinakita syang bistidang kulay yellow.

"Hindi, ito ang bagay sa kanya." Saad ni Lake na pajama na terno. "Wag mong piliin yon kasi tignan mo ang hapit masyado." Dagdag pa nito.

"Haha. Hindi naman ako bibili." Natatawang saad ko.

"Ako ang bibili!" Sigaw nila ng sabay-sabay. Sabay nagtinginan sila na parang gustong sapakin ang isa't isa.

"Haha. Di ko kailangan nya. Marunong akong maglaba. Di ko kailangan ng bagay na yan." Natatawang saad ko tapis yumakap kay Brent. "Brent, bili mo ko popcorn. Caramel flavor." Saad ko at hinalikan sya sa pisnge. Mabilis naman nya itong sinunod at mabilis na bumalik.

"Grabe. Iba talaga karisma ng isang Faith Irish." Saad ni Angel tapos pumalakpak.

"Tigilan nyo na nga si Faith." Saad ni Lake.

"Ano ba naman yan, Lake?" Nakapamewang na saad ni Ashley at humarap kay Lake. "Pati ba naman kami pinagseselosan mo na din? Pag-untugin ko kayong apat, ehh." Mataray na saad nito.

"Lima. Kasama si Brent. Haha." Natatawang sabat ko.

"Faith, ito na popcorn mo." Saad ni Brent at binigay sa akin ang popcorn na hawak nya.

"Ano ba magandang panoorin?" Tanong ko. "It nalang panoorin natin. Or The Quiet Place nalang." Saad ko.

"Bakit horror ang pinipili mo?" Tanong ni Leon.

"Mahilig kasi ako sa horror movies. At wala kayong paki." Mataray kong saad at inirapan sila.

"Hehe. Wag mo nakasing tanungin." Bulong ni Brent kay Leon pero narinig ko parin.

"Sige na. Pasok na tayo." Saad ni Ivy at niyakap ako.

After Two Movies Later. . .

"Grabe. Mas malakas pa ang sigaw nyong lima sa mga babae don sa loob." Natatawang saad ko. "Grabe. Hindi nga ako natakot tapos kayo tili ng tili? Hahahaha!" Saad ko habang tumatawa.

"Grabe. Para kayong mga bakla. Haha." Natatawang saad ni Angel. Kahit nasa byahe na kami ay natatawa parin kami.

"Haha. Gagi. Ang epic ng sigaw nyo." Natatawang saad ni Ashley.

"Dito na ako. Bye, Faith." Saad ni Ivy at humalik sa pisnge ko. "See you in Monday. Love ya." Saad nya at saka lumabas ng van.

"Bye, Ivy! Love ya too!" Saad ko at isinara na ang pinto ng van. Pag-upo ko sa upuan ko ay nakaupo na doon si Lake at Ryan. "Ano ba? Bakit kayo nandyan? Wala na akong mauupuan." Saad ko.

"Dito ka nalang sa ginta namin." Saad ni Ryan. Malibis naman ako umupo sa gitna nila tapos hinawakan ang pisnge ni Ryan.

"Ang cute mo talaga, BabyRy." Saad ko habang nakangiti.

"Mas magiging cute ang magiging baby mo pag ako ang naging Daddy nya." Malambing nito saad. Napatitig naman ako sa kanya at hinawakan ang noo nya.

"Grabe. Hindi ka naman mainit pero bakit parang may lagnat ka." Saad ko habang nakakunot ang noo. Napalingon naman ako kila Angel dahil bigla silang humagikgik.

"Blee." Saad ni Lake kay Ryan dahilan para lingonin ko sya. Mahina ko naman syang hinampas dahilan para mapahinto sya.

"Ang bad mo talaga." Saad ko kay Lake at hinalikan sya sa pisnge. "Wag kang ganyan, ok? Bad yan." Saad ko at umayos na ng upo. Biglang lumapit si Lake sa tainga ko at bumulong.

"Faith, pwede pakiss?" Bulong nito na ikinakunot ng noo ko.

"Bat naman? Hindi mo naman ako girlfriend, ahh?" Inosenteng tanong ko.

"Sige na, please. Isa lang." Saad ni Lake.

"Sige basta sa pisnge lang, ha?" Tanong ko at humarap sa kanya tapos ginawaran sya ng halik sa pisnge.

"Ok ka na?" Tanong ko. Nakangiti namang tumango si Lake. Napatigil ako sa pakikipag-usap kay Lake ng biglang tumigil ang van. Napakunot naman ang noo ko.

"Faith, dito na kami. Bye, love you." Saad nila at kumaway-kaway.

"Ingat kayo! Love you!" Sigaw ko at kumaway sa kanila.

"Saan ba ang bahay mo?" Tanong ni Ryan nang makaupo ulit ako.

"Basta. Si Brent na bahalang maghatid sa akin. Brent, ibaba mo sila sa parking lot ng AIS. Sige na." Saad ko at isa-isang nilapitan ang apat na gonggong at hinalikan sa pisnge. "Ingat kayo sa pag-uwi, ok? Text nyo ko para malaman kong ok lang kayo. See you in Monday." Saad ko. Makalipas ang ilang sigundo ay huminto na ang van at saka ko binuksan ang pinto.

"Ingat kayo, ha? Text me." Saad ko. Nang makababa sila ay isinara ko na ang pinto ng van at tumingin kay Brent. "Brent, text mo din ako pag nakauwi ka na, ha?" Nakangiting saad ko.

"Ok. Bukas saan ka pupunta?" Tanong nito na ikinakunot ng noo ko. "I mean saan ka? Dito sa bahay mo o sa bahay nyo?" Tanong nito.

"Ahh... Sa bahay namin. Doon muna ako ng mga dalawang araw. Ayoko kasi dito. Nakakadepress." Saad ko.

"Magtrabaho ka nalang. Di mo naman kailangang umalis dito, ehh." Saad nito at ihininto ang sasakyan. "Magtrabaho ka nalang bukas habang linggo. Kesa naman nandoon ka, mas made-depress ka lang doon." Saad ni Brent.

"Sige. Papapuntahin ko nalang sila Ivy dito." Saad ko at nginitian sya saka ako bumaba ng van. Lumapit ako sa may driver's seat at ginawaran sya ng halik sa pisnge. "Ingat ka sa pag-uwi, Brent. Love you." Saad ko at tumalikod na pero humarap din ako. "As a friend." Saad ko at kinindatan sya.

"Haha! Love you too!" Sakrastikong sigaw nito.

- Chad's POV -

Nandito kami ngayon lahat sa study room ni Lolo at nagme-meeting kaming lahat dahil sa hinala naming hindi namin matuldukan.

"Kung tanungin kaya natin ang mga kaibigan nya?" Suggestion ni Mommy.

"Walang kaibigan si Chantal, hindi ba?" Saad ni Lolo.

"Yung sinasabi nila Chandler na Ivy, Angel, at Ashley. Baka kaibigan iyon ni Chantal." Saad ni Kuya Bert.

"Teka... Diba, sinabi na nila Lake na kaibigan iyon ni Faith?" Tanong naman ni Beana.

"Yun na nga ang isang clue. Kaibigan sila ni Chantal at kaibigan din nila si Faith. Masyado naman atang maliit ang mundo nila." Saad ko.

"Ano bang pakialam nyo?" Saad ng kung sino. Napatingin kami sa pintuan at nandoon si Brent na madilim ang muhka. "Hindi nyo kilala ang taong pinaghihinalaan nyo." Saad pa nito at pinagkrus ang mga braso.

"Apo ko iyon, Brent. Ikaw ang walang karapatang mangiilam." Makapangyarihang saad ni Lolo.

"Chairman Ackerman, si Chantal ay hindi basta-bastang tao. May kasunduang pinirmahan si Chantal na dapat hindi nyo malalaman maliban kung kayo ang makakaalam. Hindi ordinaryong tao si Chantal, Mr. And Mrs. Ackerman. Ang anak nyo ay hindi nyo pa lubusang kilala, kaya wala kayong makukuhang impormasyon dahil lahat iyon ay itinatago ng gobyerno." Saad nito at naglakad na. "Goodluck!" Sigaw nito.

"Naintindihan nyo ba ang sinabi nya?" Tanong ko.

"Sa tingin ko ay may alam ang batang iyon tungkol sa pagkatao ni Chantal." Saad ni lolo. "Lahat tayo ay kumuha ng private investigator." Saad ni Lolo.

"Bakit parang kinakabahan ako sa sinabi ni Brent?" Tanong ni Mommy at yumakap kay Daddy.

"Sa Acquaintance Party. Nandoon tayong lahat. Makikita natin doon ang babaeng iyon at si Chantal. Pag-isa sa kanila ang wala doon. Clue number 2 nayon." Saad ko.

"Tama. By the way, magju-judge si Lolo sa Beauty Contest na gaganapin doon. Kakausapin ko si Ninong Rodney para maging contestant si Chantal." Saad ni Kuya Bert.

"Kailangan nating maging maingat dahil sabi ni Brent ay gobyerno ang kalaban natin." Saad ni lolo.

"Dad, pano kung buhay pala ni Chantal ang nakataya dito?" Tanong ni Daddy.

"Kung ganon, kailangan nating mas maging maingat dahil baka maipahamak natin si Chantal." Saad ni Lolo.

- - - To Be Continued - - -

Próximo capítulo