webnovel

CHAPTER 14: MEET WITH THEM?

Light's POV

Pagkatapos kong binasa lahat ng nasa libro ay sinara ko na ang libro grabe ang dami kong natutunan, at nakakalungkot naman ang nangyari sa dalawang manglilikha na yun, kapatid na nga ang turing nila sa bawat Isa tapos si Nox na masamang nilalang hayyys pasalamat siya ang gwapo at ang hot niya sa pic na nakita ko sa libro kung hindi ewan ko nalang. Ang dami ko ring natutunan about sa mga kaharian, ang dami pala ng kaharian dito i think more than 20, OMG ang dami naman At ang  nakakaintriga talaga ay ang history about sa mga gods at angels grabe hindi ko aakalain na ang mga diyos ay mga pira pirasong kapangyarihan ni lux at ang mga anghel ay mga tagasunod niya, nakakaawa din yung sa part na kailangan nang mga gods and goddesses na magsacrifice just to close the portal that connecting between the two table  and about naman sa ibang angel ang chachaka ng ugali nila, nag aklas sila laban sa mga kapwa nila anghel. Ang akala ko, ang mga pinag aralan ko when i was sa mundo ng mga tao are true but i think 80% are xrong. Hayyys makatulog na nga hindi naman ako gutom ngayon maybe bukas nalang ako kakain and I'm so excited for tomorrow dahil papasok na ako sa new school ko yessss I can't wait!!!.

Hihiga na sana ako nang may naalala ako sa past dream ko habang sumasakay kami ng eroplano patungong antarctica.

"May connect ba yun? Parang may connect ha " wika ko ng mag isa habang hawak hawak ang aking salamin na tatanggalin na sana sa pagkakasuot. Parang may koneksyon kasi yung panaginip ko about kasi yun sa liwanag at sa dilim and ang palayaw nila sa Isa't isa is magkapatid hayys panaginip lang yun!!..

Ginulo gulo ko naman ang itim kong buhok na parang may iniisip na hindi ko mawari kung totoo ba yun o hindi, may koneksyon ba sa librong aking nabasa o hindi hayyys matulog na nga lang baka mag kapimples pa ako wait ang tanong nagkapimples ba ako no way wala pa in my entire life sabi pa nga sa akin ni shiela ay ang swerte swerte ko daw na kahit hindi daw ako matulog at araw araw yung pagiging stress ko hindi daw ako nagkakapimples hahahha I'm so lucky.

Hindi ko na namalayan sa aking pag-iisip habang nakahiga at nakakumot ay nakatulog naman ako.

Kuya Michael's POV

Ako nga pala si Michael Celester, habulin ng mga babae hahaha totoo yun, isa akong heneral ng hukbong sandatahan ng biringan city at wala pa akong kasintahan alam niyo na choosy laruan lang yung iba at parausan, kung pwede nga lang si light yung gusto kong maging asawa ehhh perfect siya nandoon na lahat ng hinahanap mo sa kanya including physically, sobra ang ganda niya kapag wala siyang eyeglasses I can't explain madaming nag sasabi na mukha daw siyang babae and also a hot handsome guy and yung ugali may pagkachildish na gusto ko rin naman para siyang baby hahahah buti nalang kuya at kapatid ang turing niya sa akin kung hindi baka shittt hahahah baka hindi ako makapagpigil sa kanya. Natagpuan lang namin siya noon sa may tipak ng bato sa may tabi ng puno ng buhay, magdadasal na sana sa mga oras na yun sina nanay minerva at tatay thomas pero may natagpuan kaming bata at sobrang cute niyang hawakan until lumaki siya ako yung nagdadala at nag aalaga sa kanya, pinag aagawan pa nga namin yan ni ethan, gusto niya rin daw maging asawa si light at tawang tawa naman sina tatay thomas at nanay minerva sa pagtatalo namin paminsan nga sa sobra naming pagtatalo, nag away kami dahil kay light sino ba namang hindi aagaw sa kanya ehhh ang ganda sa mata at ang unique ng beauty at handsomeness niya hahahhah.

May naiisip ako ngayon na gusto kong matulog with my loving brother na jowa ko hahahahha jwk habang nagluluto ako ng favorite niya ay ngumingiti ako na Parang timang, hindi ko mapaglagyan ang ngiti ko ngayon dahil nakakapiling kona ang baby boy namin even though wala na sina nanay minerva at tatay thomas and by the way pala magkapatid talaga kami ni ethan pero yung mga biological parents namin ay pinaslang ng mga dark folks habang sila ay nangangahoy, kagaya ni light kinupkop din kami nina tatay thomas at nanay minerva kaya ganun na lang ang utang na loob namin sa kanila nag promise ako na babalik sa mundo ng mga tao pero huli na ang lahat wala na sila.

Habang nagluluto ako hindi ko namalayan na nasa tabi ko na itong mokong na ethan na ito hindi man lang siya nag salita at pinagmamasdan pa talaga ako habang ngumingiti.

"Ohh ba't ka nandyan?? hindi ka man lang nagsasalita para kang akyat bahay dyan!!! " Inis na saad ko at tumawa naman siya.

" Bago ka magsalita, may tanong ako ba't ka ngumingiti diyan ngayon ko lang yan nakita hah? " Nakakalokong sabi nito hayys nang aasar ba siya sipain ko ito ehhh .

" Sige na nga!!, may balak kasi ako ngayon matutulog ako ngayon sa kwarto ni light heheh" tugon ko sa kanya at bigla namang nagbago ang kanyang mukha niya from tawa to naiinis. Hahahha alam kong ayaw nito na magkatabi kami kasi inggit siya hahah.

"Balak ko din yun hah!! Wait ganito nalang magbato bato pick nalang tayo kung sino ang mananalo siya ang matutulog dun!! " Seryosong hamon niya go akala mo pumapabor ang tadhana sayo no way hahaha.

Pinuwesto namin ang aming kamay at nagsimula  kaming mag bato bato pick ilang segundo lang ay ibinuklat namin ang kamay namin, ako naman ay gunting at siya ay papel hahahahah so I'm the winner magiging akin ngayon si light yes hahahahh.

"Ohhh ako ang nanalo so ayos na ba sayo hahahah yan kasi hamon ng hamon ka matatalo ka lang naman" pang aasar ko at naasar naman siya hahahha. Hindi namin namalayan ay nandyan na pala sa labas ang dalawang kaibigan ni light na tumatawa.

"Sigi na nga sayo muna siya ngayon and by the way hoyyy wag mong galawin si baby light lagot ka sakin " pagbabanta nito na ikinatawa ko naman.

" Oo na hahahah" pagsasang- ayon ko habang tumatawa at ibinalik ang aking focus sa pagluluto ilang sandali lamang ay tapos na ako, kakain na kami para sa gabing ito bihira lang ako magluto basta para sa baby light ko.

"Tawagin mo daw si light bilis at and shiela, dim kain na " utos ko sa kanila at si ethan naman umiiling iling lang siya first time niya kasi akong makita magluto bihira lang kasi, alam niyo na para sa baby ko lang.

"Wag mo nang gisingin yun baka matapunan lang tayo nun nang unan iba pa naman ugali nun gisingin mo na lang ang manok kaysa ang tulog na si light" pagwiwika ni ethan at natawa naman ako sa bagay may punto naman ang mga pinagsasabi niya ganun kasi siya noon nung hindi pa kami nakabalik dito ayaw niyang ginigising habang tulog siya kasi daw may mga panaginip daw siya tinatanong ko naman siya  kung anong klaseng panaginip tinatapunan naman ako ng unan ayaw niyang sabihin sa akin at parang secret na kay nanay minerva niya lang sinasabi pero ang cute niya kapag kumukusot ng mata para siyang namumukadkad na bulaklak na nasa umaga mo lang masisilayan diba napaka precious niya.

Hindi na ako nagsalita pa gutom na din naman ako at sayang naman ang handa ko para sa kanya pero ok lang naman yun, bibilis bilisan ko nalang para makatulog ako ngayon sa tabi niya i absolutely missed how i hug him gaano kabango yung buhok niya, yung strawberry na amoy niya. Kulang na nga lang sasabay ako maligo bukas Sa kanya gaya nalang ng kinaugalian namin noon nung mga bata palang kami hahahahahaha.

3rd person's POV

Habang kumakain ang mag kuya at ang dalawang kaibigan ni light hindi nila alam na may nangyayaring kakaiba kay light habang natutulog ito.

" Kuya ethan at kuya michael may bagyo po ba ngayon ba't may tunog ng malakas na hangin at kulog ng kidlat??" Nagtatakang tanong ni shiela na ikinatigil nila dahil naririnig din nila ang mga tunog na iyon.

" Oo nga noh wala naman kaming balita na may mga bagyo " tugon ni ethan at dali dali silang pumunta sa bintana at binuksan ang takip nito na tela. Totoo ang kanilang hinala na may malalakas na hangin, ulan at kulog ng kidlat ang makikita sa kalangitan.

" Ngayon lang ito nangyari sa buong agartha!!" Wika ni michael habang nakatingin sa labas ng langit.

" Ipagpatuloy nalang natin ang pagkain huhupa din yan" pagpuputol ni ethan at bumalik na sila at kumain at pagkatapos nito ay matutulog narin.

Samantala sa loob ng kwarto ni light, si light ay napapalibutan ng isang barrier habang ito ay nakalutang at may magic runes din sa kama nito na nag pasilaw sa paligid, hindi parin natatapos ang paglutang nito hanggang sa pumasok na si Michael na katatapos lang maligo at matutulog sana siya sa kwarto ni light ng tumambad sa kanyang harapan si light na nakalutang at may magic runes sa baba nito at may barrier pa , nilapitan niya ito ngunit siya ay tumalsik sa pader. Napadaing naman siya sa sakit nang pagkakatalsik nito sa semento hindi na niya ito sinabi sa iba na baka mag cause pa ng gulo kaya yun hinintay nalang niya, natulog muna siya sa baba babalik nalang siya kapag nakita niyang wala na ito. Alam niya kasi na binabasbasan lang siya ng kanyang guardian na nagbabantay kay light noon pa kaya nagkaganyan yan pero napaisip pa rin siya na naiiba ito dahil may magic runes at barrier pa hindi tulad ng mga kwento kwento sa kanya ng mga guro at kaibigan niya about sa mga rare event na minsan lang maranasan ng mga magic folks sa kanilang buhay at itong nangyayari ngayon kay light ay iba.

Light's POV

Habang naglalakad ako sa madilim na lugar ay bigla na lang ito nagbago at naging maaliwalas na lugar naggagandahang mga tanawin inikot ko ang paningin ko at biglang tumambad sa akin ang mga naggwagwapuhan at naggagandahang nilalang wait si Zeus ba yun wait ang dami naman ng mga kasama niya may something ba o magproprotesta ba sila papunta sa malacañang grabe more than ayyy ewan hindi ko alam.

"Bathalang Zeus ikaw ba yan?" Tawag ko sa kanya hayys hindi pa din ba siya nakapangdamit pang itaas pareho sa mga kasama niyang lalake dito ano bang trip nila??? Ano ito bar??

" Ohhh nice to see you again light " nakangiti nitong sabi wow wala parin kupas kupas ang kagwapuhan niya at yung anyo niya ngayon parang pang 20-25 years old lang grabe

"Ohhh hello light ako ito si athena kilala mo pa yung nagpakita sa panaginip mo nung bata kapa" pagpapaalala ni athena ayy oo nga pala sino ba ang hindi makakaalala sa kanya ehhh pinagsisipa niya ako nung first meet namin.

"Heyy kiddo did you remember me ??poseidon" pagkakaway nito ayyy sino ba naman ang hindi makakaalala sa lalaking ito ehhh nilunod ba naman ako sa tubig at take note laro lang daw iyon hah

At maraming pang diyos ang nagbati at nagpakilala sa akin kaya nahilo ako sa dami nila hayyys

"Wait ang dami niyo, ang taong saan ba ako?" Wika ko sa kanila

"Nasa divine realm ka kiddo" tugon ni poseidon at tumango naman si zeus at ang lahat. Wait so it's means patay na sila diba na basa ko ito sa book of knowledge.

"Wait so it's means lahat kayo dito ay nagsakripisyo just to close the portal that connecting the two table" naguguluhang sabi ko sa kanila.

" Yes accurate!!" Wika ni zeus at pumalapak ng isa .

"So why I'm here? Mangangaral na naman ba kayo hello nakakasakit ng tenga kaya" sarkastikong saad ko at tumawa sila, wow para akong nasa stadium sa dami nila sobra.

"Your here par..." Tugon ni zeus pero agad ko naman itong pinutol.

"Wait one question nalang ilan pala kayo dito kanina pa ako nacucurious ehhh pwede paki state ng total" pag uutos ko sa kanila at sumimangot naman si zeus kiyahhhh ang hot niyang sumimangot.

"Ok yun na ba wala na kung wala na sasagutin ko na, ang populasyon namin dito  ay 3142 god and goddesses but if I'm mistaken maybe more than that" tugon nito at napanganga ako wow ang dami naman nila mga pieces of power ni lux huh grabe powerful talaga si Lux.

"So yun nga the reason kung bakit ka nandito is that babasbasan ka namin at makikipag sign contract kaming lahat sayo" pagpapatuloy ni bathalang zeus at napanganga naman ako wait ano summoner ba ako para makipag sign contract sila sa akin and ang nagpanganga sa akin is that all of them.

" Ahhhmm wai-wait ba-bat ako po?" Putol putol kong saad sa kanila at tumawa sila.

" Malalaman mo rin yan " tugon ni zeus habang yung iba ay tumatawa

" Ba-bat ang da-dami ni-niyo??" Kinakabahan kong tanong kasi kung creature ko sila na pwede kong tawagin ay ako ang pinaka kakaiba sa buong agartha i will be the most powerful folks ever exist in the world.

"Natural lang, pinili ka naming lahat at talagang kami ay iyong iyo na noon pa man hindi ka pa pinanganak" tugon nito woooo so it's means they're destined to be my creature ang sewrte ko naman.

"Bilisan mo na gawin na natin ang ritwal dahil may pupuntahan kapa" pagpapabilis nito wow so adventure time ba ito pati sa pagtulog meeon nito hayyss.

"Sigi na nga " pagsasang ayon ko at lumapit ako sa kanila. Lumutang ako wooo at sila din at habang lumulutang sila ay parang naglelevitate na nakaupo silang lahat kaya ginaya ko para pack one pack all hahaha.

Inangat nila ang kanilang isang kamay at hinawakan nila ang bawat balikat ng bawat isa na papunta sa aking direksyon at si zeus ang nasa harap ko nilagay niya ang kamay niya sa aking batok at may salita silang binabasa at sinara ko naman ang mata ko nakaramdam naman ako ng kapayaan at parang feeling ko parang may kakaibang kapangyarihan ang bumalot sa internal oragans ko. Pagkatapos ng ritwal ay bigla akong niyakap ni Zeus at kumalas ito at bigla silang nagsiluhod na ikinabigla ko habang ako naman ay nakalutang parin shitt paano ako makakababa nito.

"Ba't kayo lumuluhod lahat hindi po ako diyos kagaya mo?" Takang tanong ko sa kanila at wala parin silang imik at lumuluhod parin ayyy ang weird.

" Hello sagutin ako hello" wika ko atsaka sila tumayo muli at humarap sa akin.

" Sa tanong mo na iyon light hindi ka kagaya namin iba ka sa lahat at sa katunayan kami ay nanggaling sa iyo at ikaw lang ang makakaalam nun kung bakit" tugon nito about sa nakabinbin kong tanong sa kanila wait how? paano? kailan? I'm just a simple magical folks who just posses supporting power.

"Wait nakakalito po kayo hindi ko po alam iyang mga pinagsasabi mo" nalilito kong saad habang kamot kamot ang aking buhok.

" Totoo yun light" pagsasang-ayon ni athena.

"At ikaw lang ang makakaalam nun at about sa kapangyarihan mo ikaw rin ang makakaalam nun" dagdag nito.

" Wait zeus yung naudlot na tanong ko pala last time sayo about sa kapangyarihan ko sabi mo sasabihin mo sa akin? " Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa maamong mukha nito.

" Ahhh yun ba pasensya na ngunit nagbago na ang isipan ko, hindi ko muna sasabihin sayo mas mabuting ikaw ang makadiskubre nun ayaw kong mabigla kita" ltugon ni zeus nakita ko naman ang pagkaseryoso nito and wait bakit naman ako mabibigla ano naman yung power ko.

"Alam kong maraming nakabinbin na tanong diyan sa utak mo pero kung maaari ipagpaliban mo muna yan dahil malapit na ang oras namin ilang oras kalang pwedeng dumito baka magalit yung next nanakaschedule sa iyo inip na inip na iyon sa kakahintay na Makita ka nila." Mahabang wika ni zeus ayyy oo pala sabi niya ehh.

" Wait isa nalang plss sino pala ang mga magulang ko?" Pagpupumilit kong tanong sa kanila.

" Iyan ang hinding hindi namain masasabi sa iyo, tanungin mo muna ang sarili mo kung bakit ka walang pusod, kami nga may pusod ikaw lang ang wala, at ang tanong mabubuhay kaba sa loob ng 9 months kung wala kang pusod ? " tugon ni zeus na ikinatango naman ng iba pang diyos. Waitt oo nga nu so it's mean wala akong magulang ang unlucky ko namang tao ba't wait if wala akong magulang sino ang gumawa sa akin???

" Mag sisimula na tayong mag contract signing wag nang maraming tanong" biglang saad ni zeus.

" Wait hindi pa ba yun contract signing yung kanina??" Nagtatakang tanong ko sa kanila at naiinis na si zeus bakas naman sa mukha nito.

"Tumpak hindi yun contract signing , binasbasan ka namin kanina" tugon ni athena at nag ok sign pa.

" And wait lahat ba kayo walang master??" Another tanong ko naman at bumubulusok na ang ilong ni zeus.

" Meron si Ares ang bathala ng digmaan master niya si prince xavier Ang makapangyarihan at mayabang na nilalang sa agartha bale guardian siya ni prince xavier at bale dalawa yung guardian ng xavier na yun isang anghel pa at don't worry light bale guardian mo kaming mga bathala pwede mo kaming tawagin without using your unlimited mana" wika ni poseidon at napa ohh naman ako.

" And wait alam kong magtatanong ka pa sasagutin ko na lang, oo unlimited yang mana mo kaya nga iba ka  diba at about kay Ares naman ay gusto niyang sumama sayo ewan ko ba kung anong nakita niya sa prinsepeng mayabang na yun kung bakit siya naging guardian nun pero hindi siya creature ni prince xavier ok at meron pa diba sabi ko na guardian mo rin kami, tama yun!!simulat sapul guardian mo kami kaya nga kami hindi kumuha ng kanya kanya naming mga master its because of you and about pala sa pagcocontract signing namin dahil gusto din naming maging creature mo" pagpapaliwanag nito at napaohhh lang ako ganon ba yun so it's means makapangyarihan ako.

"Tapos kana ba !!!" Galit na tanong ni zeus shittt ang gwapo niya pa rin. Tumango nalang ako at kaagad na nilang ginawa ang pag sign ng contract with me at itinaas nila ang isa nilang kamay at hinarap sa akin may sinambit silang mga lengwahe na hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin kaya tumingin naman ako sa kanila. Grabe naman ang tagal nito. Isang libro ba yung sasabihin nila bago sila matapos niyan. Ilang sandali lamang ay natapos na sila.

" Congratulations bakla" masayang saad ni athena at pumunta sa aking harapan at niyakap ako ng mahigpit wooo grabe naman siya kung makapagsabi ng bakla bisexual ako ehhh.

" Light let me remind you, wag na wag mo kaming tatawagin lahat hhahh dahil magdudulot iyon ng kapahamakan sa mundo ng agartha at lalo na sa iyo. Isa pa yang aura at presensya mo ngayon nakaseal yan sineal namin yan ng mga bathala simula sanggol ka palang para hindi nila malaman kung ano ka. So natapos na namin ang ritwal at contract signing ay pwede mona kaming utusan at wag mong sabihin na napanaginipan mo ito hahh light at light wag kang magpapakain sa galit at poot ok " pagpapaalala ni zeus hayss oo na always remind nalang.

Pagkatapos ng mga huling sinabi niya ay bigla na lang akong nahilo at napunta sa napakamaliwanag na lugar. Grabe naman ang ilaw dito magkano kaya ang bayad nila sa Meralco.

"Magbigay pugay at lumuhod kay master" saad nang kung sino pag talikod ko ay tumambad sa akin ang mga nilalang na may pakpak ang iba naman ay may 6 na pakpak wait paano sila nakakalipad niyan anim eh.

Ilang sandali lang lumuhod at nag sibaba ang iba na lumilipad papunta sa akin at lumuhod. Wait another nilalang na naman ang lumuluhod sa akin kani kanina lang mga diyos ang lumuluhod sa akin at ngayon mga anghel na naman tama ba ako sa word anghel???. Nagsitayo sila at lumapit ang magandang lalaki shuta ka ang hot at ang gwapo niya shittt.

"Maligayang pag babalik master " pagbabati ng gwapong ito wait ano ibig sabihin niya wait nakapunta na ba ako dito noon??

" Ahhm ano po yung sinasabi niyo na pagbabalik??? At hindi po ako master" nagtatakang sabi ko sa kanya at binigyan naman niya ako nang nagtatakang tanong magsasalita na sana siya ng may lumapit sa kanya na isa pang anghel at may binulong ito sa kanyang tenga. Habang nagbubulungan sila pinagmamasdan ko ang ganda nila shittt may armor yung iba shiitt may tinapay ang hot nila at sobrang tangkad nila same sa mga diyos at diyosa kanina.

"Ahhmm pasensya na pala master " pagpapasensya ng gwapong anghel at binigyan ko naman siya ng nagtatakang Mukha.

"Hindi niyo po ako master!!" Pagtatangi ko at umiling naman ang iba.

" Master ang itatawag namin sa iyo dahil noon pa man ay master ka na namin. Tagasunod mo kami light, lahat ng pinag uutos mo sa aming mga anghel mahirap man o madali ay aming susundin ikakasama man o ikakabuti ay aming susundin" wika nito hahh so it's means alagad ko sila wow I'm so powerful naman grabe.

"Wait ba't ang dami niyo parang uncountable kayo dito hah ilan ba kayo" tanong ko sa kanya

" We are more than 100 millions hindi ko alam yung exact" tugon nito na nagpaohhh sa akin shhitt ang dami nila so it's means kung ako yung master nila i can conquer the two world the world of agartha and the humans OMG.

" We don't need to make contract signing we are already yours " sabi niya wait anong pangalan niya.

" Anong pangalan niyo??" Tanong ko sa kanya at napakamot nalang ito sa kanyang buhok kiyahhhh ang cute niya.

" Ang pangalan ko nga pala si serephiel isa akong seraphim na anghel at ang mga nasa likuran ko naman ay seraphim din ang mga pangalan nila ay uriel, seraph,jehoel,metatron." Pagpapakilala niya sa kanyang sarili at sa iba pa.

" Alam mo ang hot at cute mo " pagpupuri ko at pumula naman siya kyahhhh ang cute niya.

"Ikaw din naman po master ehhh ibang iba po kayo" balik niya sa akin kiyahhh nakakakilig.

" So anong ginagawa ko dito? "Tanong ko

" Gusto ka lang namin makita at may ibibigay kami sa iyo na isang singsing, ginto ang kulay ng diyamante ng singsing na ito at walang makakahawak nito kung hindi ikaw lang, makakatulong ito sa iyo dahil kung may ipag uutos ka sa amin lahat ay matatawagan mo kami kaagad gamit nito at agad agad kaming magpapakita sa iyo." Pagpapaliwanag nito wooo sobra sobra na ito I can't take it anymore.

"May master din ba Kayo?" Tanong ko sa kanila i need to ask them a lot para malaman ko lahat ng impormasyon about sa kanila.

" Yes karamihan sa amin pero kaming seraphim maliban kay metatron ay walang master, si metatron kasi ay may master na, si prince xavier" sagot nito kaya pala nakasaad sa book of knowledge sa part about sa kaharian nakasulat ang pangalan niya bilang pinakamalakas  na magical folks na may hawak ng sampung kapangyarihan kaya pala.

"Pero wag kang mag alala nasa saiyo pa rin ang loyalty namin master" sagot nito woooo I'm so powerful naman kung ganon pero i need to keep it as a secret para sa kaligtasan ko at kaligtasan ng lahat.

"Ahhh master maaari ko bang hawakan ang iyong kamay upang isuot itong singsing" sagot nito habang namumula. nakakakilig!!! ang hot at cute niya. Sa sobrang pula niya ay natawa na lang ang mga anghel na kasama. Halahhh ang ganda ng tawa nila nakakabighani.

"Master wag ka pong magpapakain sa dilim hah" pagpapaalala niya habang sinusuot ang singsing kiyahhh kinikilig ako. Ba't hindi muna siya nagsabi ng will you marry me kyahhh assumera ko. Ipagkatapos nun ay tumayo na siya.

"Master wag mong sabihin na maraming kang guardian hahh kasi magiging mapanganib ang buhay mo at baka pagka interesan ka ng mga masasamang nilalang." Pagpapaalala nito at bigla nalang nag iba ang lugar at napunta ako sa isang madilim na bahagi na lugar. Nakakatakot naman dito ang creepy. Sa ilang lakad ko lang ay natanaw ko ang mga nilalang na may itim na pakpak at may sungay shittts napakacreepy nila pero hot parin sila noh. Lumapit sila sa akin shitt nakakatakot sila ang seseryoso ng ekspresyon sa kanilang mukha at agad agad itong nag siluhod ang isa naman ay agad pumunta sa aking paa, sisipain ko na sana siya pero wag na lang ang sama sama ko naman kung ganun at nang makatungtong ito sa aking paa ay bigla na lang niya itong hinalikan at lumuha.

"Master patawad po sa aming kasalanan dahil sa aming kasalanan ay sinumpa kami ng buong kalangitan" wika nito habang umiiyak wait ano bang klaseng nilalang sila at ano ba itong pinagsasabi nila.

"Wait sino ba kayo??" Nagtataka kong tanong at agad naman silang nag sitayo at nagtataka din sila.

" Wait lang master hindi mo kami kilala ako ito si baal isang anghel at matapat na tagasunod mo ngunit ako'y nag aklas laban sa mga kapwa ko anghel" pagsasalaysay nito

" Hindi kita kilala sa katunayan nga ngayon ko lang narinig yang pangalan mo and wait anong pinagsasabi mong anghel ehhh ba't nakaitim kayong lahat??" Nagtatakang sabi ko at parang alam na nila na hindi ko sila kilala buti naman.

"Ahhh kung ganon Hindi mo kami kilala. Master ako nga pala si baal isa sa mga hari ng middle realm ang mga nasa harapan mo ngayon ay ang mga anghel na nag aklas sa liwanag at ngayon ay isinumpa kami ng langit, kami ay fallen angel  kaya kami humihingi ng tawad sayo master nag sisisi na kami sa aming nagawa dahil nag padala kami sa mabulaklak na salita ni lucifer at si lucifer naman ay naging hari na ng impiyerno ngayon. " Pagsasalaysay nito ohhh ganun ba I'm surprised with that ang mga nababasa ko lang sa book of knowledge ay nasa harapan kona.

" Bilang simbolo ng aming pag sisi at sa kagustuhan naming makabalik ng light realm ay may regalo kami sayo na tiyak kong makakatulong sa iyo isa siyang singsing ang kakayahan ng singsing na ito ay kaya mong utusan ang lahat ng legions of army namin bawat isa sa amin ay may legions of army lumalagpas ito ng 200 legions and take note kada legions ay may 6000 na fallen angels so we have i think I'm not but 1000+ legions na hawak na min sana makatulong po sa iyo" pagwiwika nito woooo another rings ibig sabihin ba nito that I'm the most powerful person in the whole world OMG

"Maaari ko bang hawakan ang kamay mo? " Tanong nito at ibinigay ko naman ang kamay ko nakita naman niya ang isang singsing.

"Binigyan karin po nila ng singsing ang lakas niyo naman po kung ganon" pagpupuri nito at umoo naman ako at sinuot na niya na ang singsing sa kamay ko at everything went black.

Abangan....

Próximo capítulo