webnovel

KABANATA 9

Kabanata 9

Mcdo

Maling desisyon talaga 'tong ginawa ko. Hindi na nga ako makapagsalita, hindi rin ako makahingang maayos! Ang trenta minutos na byahe mula sa resto bar pauwi sa amin ay mistulang dalawang oras ang tagal.

Ang awkward lang. Isama pa 'tong love song na tumutugtog. Naninigas na ang kamay ko sa mga hita ko. I'm dying to know if he's feeling the same way, too? Nagsisisi rin kaya siya? I am thankful for what he did pero kaya ko naman, e.

Pero buti nga sa Kalel na 'yon! Siguro naman matatauhan na 'yon lalo na't iisipin niyang may boyfriend na ako!

My mouth gape and I gasped for air in silence. Naalala ko na naman 'yung sinabi niya! Unti-unti kong isinandal ang likuran ko sa backrest ng sasakyan. Iba na itong sasakyan niya sa nakita ko noong may apat na bilog sa unahan. Ngayon naman may kabayo na at two seater lang.

Sinulyapan ko siya saglit. Prente lang siyang nagdi-drive. Ang amo talaga ng kanyang mukha. Mula sa hugis na nagco-compliment sa bawat features niya. Looks like God did take His precious time on making this man.

The side of his eyes was glistening. Bumaba ang paningin ko sa kaliwa niyang braso, tinitigan kong maiigi iyon. Balot pala iyon ng tattoo! Full sleeve tattoo pero hindi ko makitang maigi ang detalye no'n. Sa tuwing madadaan kami sa poste ng ilaw ay naaninag ko lamang 'yon ng kaonti.

Nang mapansin niya ang tingin ko ay nagpatay malisya ako. Nagwala na naman itong puso ko.

"Diyan lang sa kanto..." sabay turo ko sa sakayan ng tricycle.

"Saan ang bahay mo?" Agap niyang tanong.

Binalingan ko siyang mukhang hinahanap talaga kung saan ako nakatira. Napalunok ako at naiilang na tumawa pero ang puso ko ay dumoble pa ang bilis.

"Ah... s-sa looban kasi kami. 'Di kasya sasakyan mo..." pagsisinungaling ko.

Sa looban kami pero kasyang-kasya ang sasakyan niya roon. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya! Kahit na ba wala akong nararamdaman mali o masama sa kanya, I still can't trust him. Hindi ko nga kilala 'di ba? Besides he doesn't need to know.

Tumango siya at pumarada sa harap ng tindahan ng burger. Bawat taong nakakakita sa sasakyan niya ay humahabol ng tingin. Isa rin naman ako sa kanila na first time makakita sa personal ng ganito kagarang sasakyan at nasakyan ko pa!

Ang mga tricycle driver at mga costumer sa burger shop ay manghang tinitigan ang sasakyan. Tumikhim ako at tinanggal ang suot na seatbelt. Nahirapan pa akong kaonti, nung akmang tutulungan niya ako ay mas lalo akong nataranta kaya naalis ko agad.

"S-salamat pala..." nginitian ko siya habang kinakapa ang handle para makalabas na at makalanghap ng hangin.

Ngumiti siya kasabay ng mga palasong tumarak sa puso ko. Nanikip pa lalo ang dibdib ko. Kabado akong tumawa na tingin ko'y nahalata niya dahil nagsalubong ang kanyang kilay.

Lumunok ako at nag iwas ng tingin. Humugot ako ng malalim na hangin. Naubos ko na yata lahat ng hangin dito sa loob ng sasakyan kaya ganito na lamang ang nararamdaman ko!

"S-sino ka nga ulit?" Tanong ko sa kanya na hindi tumitingin. Kinagat ko ang ibaba kong labi.

Marahan niyang ibinugha ang hangin sa kanyang baga at umayos sa pagkakaupo paharap sa akin. Nagtiim ang bagang ko at nagdidikit na ang labi ko sa pannuyot.

"Shaun," aniya.

Tumango-tango ako. Yinakap ko na ang backpack ko at binuksan ang pinto gamit ang nanlalamig kong kamay. Saktong nalanghap ko ang malamig na hangin na dumampi sa pawisan kong balat dulot ng kaba sa loob ng sasakyan.

Pagbaba ay pinihit ko ang aking katawan at bahagyang yumuko para tignan siya. I wet my lips to part them.

"Thank you ulit, ah... Shaun! Salamat! Ingat ka!" Paalam ko sabay sara ng pintuan.

Nagmadali akong sumakay sa isang tricycle. Niyakap ko ang tuhod ko, tulala pa rin. Paano ako makakatulog nito buong gabi kung hindi siya maalis sa isip ko? Hindi ako pwedeng magka-crush man lang dahil may girlfriend na 'yung tao! Mabait lang siya, okay?

Ginulo ko ang buhok ko sa inis na lalo pang gumulo sa paghampas ng hangin dito. Bumaba na ako ng tricycle at inabot ang pamasahe na nakaipit sa likod ng aking bulsa.

"Boyfriend mo 'yon, MJ?"

"P-po? Ay kayo po pala Kuya Mar," tinanguan ko siya.

Tiyuhin siya ni Ate Cielo. Madalas ako sa kanya sumasakay, 'di ko lang talaga siya napansin. Pumasok na ako sa loob ng bagay. Wala pa rin ako sa sarili. Pabagsak akong nahiga sa kama, nakayakap sa unan, tinitingala ang kisame.

Nagpagulong-gulong ako sa kama at pigil ang pagtili. Pinilit ko na lamang ang sariling makatulog.

As I expected, napuyat ako kakaisip sa kanya. Shaun ang pangalan niya? Sa daming pangalan sa mundo, parehas pa sila ng amo ko. Kinikilig akong nakangiti habang naglilinis kasama sila Ate Sam at Jean.

"Ikaw ha! Binalaan na kita sa lalaki na 'yan," Si Jean.

"Natatandaan ko naman 'yon. Bawal bang ngumiti kapag naglilinis? Ha?" nakangiti kong angil.

Napailing si Ate Sam na nakatingin sa akin. "Bawal kung siya ang iniisip mo," aniya.

Sumimangot akong tumingin sa kanya. "Ate naman, e. Yaan niyo na, minsan lang naman, e." katwiran ko.

"Minsan na nga lang sa may jowa pa. Tsk!" Sabat ulit ni Jean.

"Di ka sure," sabi ko.

"Tanungin mo 'pag nagkita kayo." Hamon niya.

Bumuntong hininga ako at nagpatuloy sa trabaho. "Kung magkikita pa," bulong ko.

Umakyat na ako sa penthouse. Hindi ako makapag focus sa trabaho ko! Ibinabalik ko pa rin ang sarili ko sa nangyari kagabi. Naiilang nga lang ako tuwing bibigkasin ko ang kanyang pangalan kahit sa isip ko.

Iba talaga 'yung nararamdaman ko sa kanya. There's a familiarity with my feelings towards him as if I'd seen him before, hindi ko nga lang matanto kung ano iyon. Ipinikit ko ang mata ko at minasahe ang sentido habang hinihintay ang pagtunog ng elevator.

Paglabas na paglabas ko sa elevator ay nakita ko na agad si Sir Shaun na nakapamulsang tinatanaw langit. Nagdahan-dahan akong tulak sa trolley.

"Good afternoon po, Sir S-Shaun," bati ko.

Sakto namang tumunog ang kanyang cellphone niyang nasa bulsa. Nagsimula na akong maglinis. Medyo lumayo ako para hindi marinig ang paguusapan nila.

'Di ko naiwasang hangaan ang tulad niya, pero mukha pa rin siyang nakakatakot na tao. Kanina pa siya sa cellphone, 'di tuloy ako makapag vacuum malapit sa kanya, mapagalitan pa ako.

Sinilip ko saglit ang kanyang mukha. Kagat-kagat niya ang labi niya at panaka naka ang pagsinghot. Mukhang naiiyak na yata ang isang 'to. Sino kayang kausap nito? Girlfriend? Nawawala ang pagiging nakakatakot niyang tignan kapag ganito, mukha siyang tutang iniligaw.

"I'll make it up to you, Hanabi..." dinig kong sabi ni Sir Shaun sa kausap.

Hanabi pala pangalan ng girlfriend niya. Lumayo pa ako sa kanya para hindi na siya marinig. 'Di naman ako chismosa pero naririnig ko talaga. Sa laki ng lugar na 'to, nage-echo pa rin ang boses niya.

"Oh fuck it!"

Nagulat ako sa sigaw ni Sir. Hindi pa man ako tapos ay niligpit ko na ang gamit ko panlinis. Bumalik na ako sa trolley, bitbit ang mahabang mop. Tinulak ko na ang trolley nung bigla naman akong tawagin ni Sir.

"What are you doing here?" malalim ang boses niya.

Lumunok ako bago humarap sa kanya, nakangiti. Kanina pa ako naglilinis dito hindi pala niya ako napansin. Well lit ang buong lugar kaya kitang-kita ko ang galit na itsura niya.

"Naglinis lang po, Sir Shaun."

Kumunot ang noo niya. "Don't call me Sir Shaun anymore. Naiirita ako. Sir lang ang itawag mo sa akin, naiintindihan mo ba?"

Tumango ako. "Opo, Sir!" sagot ko at tumalikod na.

Nakahinga akong maluwag. Mas pabor nga sa akin iyon. Nakakailang talaga na iisa sila ng pangalan ng crush ko. E, ang layo-layo naman nila. Hindi bagay sa kanya ang Shaun, lagi na lang galit 'di naman inaano.

Namomroblema siguro dahil ikakasal na siya sa babaeng hindi naman niya mahal. Luging-lugi naman si Blanca sa kanya. Masungit na nga, babaero pa.

Excited akong pumasok sa resto bar pagkauwi ko sa bahay. First time kong suotin ang nagiisang dress na pagmamayari ko. Kasama 'to sa binigay ni Kuya noong linggo. Ipinatong ko ang spaghetti dress na 'yon sa white t-shirt ko na fitted.

Hanggang tuhod ang haba no'n. Ipinares ko lang sa puti kong sapatos gaya sa mga nakikita ko sa pinterest. No choice rin naman ako, e. Wala naman na akong ibang sapatos na maayos-ayos.

Sinubukan ko naman 'yung medyo mapulang lipstick na bigay ni Ate Cielo, naumay na ako kaka-liptint.

"Ganda mo ah. Sa'n awra?" pabirong sabi ni Ate Chandra, taas ang isang kilay.

Tumawa ako at bumeso sa kanya. "Sa stage, kakanta."

"May nakapagsabi sa aking may naghatid daw sa'yo ha? Naka Ferrari! Sino 'yon?" usisa niya.

Kumunot ng noo ko. Sinabayan niya akong maglakad patungong dressing room, kakapasok lang din niya. Nagpalit yata sila ng shift ni Kuya Stephen.

"Ferrari?" takang tanong ko.

"Hindi mo alam?" sabay irap niya, "Yung sasakyan niya Ferrari. Sino nga 'yon? Costumer dito?"

Tumango ako, nakangisi. "Oo. Shaun ang pangalan... 'Yung crush ko," nahihiya kong sagot.

"Ang harot! Magiingat ka riyan. 'Di mo kilala 'yan..." paalala niya.

Nung kumanta ako sa stage, dumating siyang muli. Napapansin ko na talagang tuwing patapos ang shift ko ay saka siya dumarating at aalis naman 'pag tapos na talaga ako. This time, naglakas loob akong lapitan siya bago umalis sa resto bar.

Iniwasan ko ang matalim na tingin ni Ate Chandra sa akin, parang lalabas na kasi ang pagiging Richard niya, e. Kung hindi lang siguro siya busy sa paghahalo ng drinks, ganon nga talaga ang mangyayari.

"H-hi!" nautal pa ako.

Nilingon niya ako, gulat pero unti-unti ring ngumiti. "Hi!" he exclaimed happily.

Mabilis siyang tumayo at inusog ang upuan sa kanyang tabi, inalok akong maupo. Naupo ako.

"Uh... thank you pala ulit kagabi. Pasensya ka na sa abala," ipinagpapasalamat ko na lang talagang hindi gaanong maliwanag sa pwesto namin, hindi niya halata ang namumula kong pisngi.

Nagsuot akong damit na maayos kasi alam kong darating siya. Sinabihan ko na ang sarili kong 'di ko dapat 'to gawin pero ginawa ko pa rin! Magaling ka talaga, Emery! Pinatunayan mo lang sa sarili mo na patay na patay ka sa lalaking ito.

Balot na ang braso niya ng denim jacket na suot. Mas naging attractive nga siya sa paningin ko nung nakita ko ang kanyang tattoo. Siguro dahil mas gumwapo siya? Ayaw ko talaga sa lalaking may tattoo. Maraming tambay sa amin na may tattoo, e. Mga lasinggerong malalaki ang tiyan.

Hindi mapakali ang mata ko nang mahuli niya ang titig ko. Nasa bulsa ng denim jacket niya ang kaliwang kamay at ang isa ay nakakuyom na nakapatong sa lamesa.

"Ah, 'yun ba? Wala 'yon," he chuckled. Nag init ang pisngi ko. Tinikom ko ang labi ko at sinikap na 'wag ipahalata ang kanyang epekto.

"Wala na siya rito. Hindi na babalik."

Nagpalinga-linga ako. Bumuntong hininga ako pagbalik ko ng tingin sa kanya, nakangiti pa rin siya sa akin.

"Oo nga. Mabuti na lang kasi perwisyo siya, e."

"mmm," he muttered.

Natahimik na ako, walang ideyang pumasok sa isip ko na pwede kong itanong sa kanya. Hinigpitan ko ang magkahawak kong kamay, hindi niya naman 'yon nakikita dahil nasa ilalim 'yon ng lamesa. Tumikhim ako.

Bahala na! Wala namang mawawala sa akin, e. Maliban na lang kung siya ang mawala dahil sa itatanong ko?

"May girlfriend ka na?"

"Do you have a boyfriend?"

Humalakhak ako at kinagat ang pangibabang labi. He shook his head nonchalantly, laughing. I pursed my lips at ininom ang tubig na nasa lamesa para naman mawala ang kaba sa dibdib.

Pakiramdam ko ay kami lang ang tao rito. My heart's gonna burst with all these feelings!

"So... kamusta ka?" tanong niya.

Natawa ako sa kanyang tanong. "Okay naman."

Nakangiti siyang tumango. Iniiwasan kong mapatitig at baka matunaw ako rito na wala sa oras.

"Oh, that's good to hear. Hmm, gusto mo bang lumabas tayo?"

I looked at him, poker face.

He swallowed hard. "Kung gusto mo lang. May nadaanan kasi akong malapit na fast food," aniya.

"Ah... s-sige," sabi ko.

Tumayo na siya at inalalayan akong makatayo. Huminga akong malalim. Dinumog ng costumer si Ate Chandra kaya 'di na nakaalis. Nagmadali akong maglakad palabas dahil baka bigla na lang niya akong sabunutan.

Hinanap ko 'yung pula niyang sasakyan pero wala roon.

"Saan ka nakap—"

Paglingon ko sa gilid ko para tignan siya, laking gulat kong nakasakay siya sa isang matte black na ducati. Nakangiwi ako. Gaano ba karaming sasakyan o motor ang meron ang taong 'to? 'Di nauubusan, e.

"Hop on," aniya sabay abot ng helmet na kapares ng sa kanya, mas maliit lang ng kaonti.

Napaisip lang ako saglit. Kung hindi ko naman gusto ang taong ito, malamang kanina ko pa 'to sinampal o ano. At sumama pa talaga ako sa kanya ha! 'Di man lang ako nagpakipot ng kaonti.

I swear to God hindi ako ganito! May hiya naman akong tao pero pagdating sa lalaking ito at take note, hindi ko naman talaga kilala! Bigla ko na lang tuloy narinig sa likod ng isip ko ang pagalit na payo ni Jean.

Ini-stand niya ang ducati at bumaba. Lumapit siya sa akin at kinuha ang helmet sa aking kamay.

"Ako na," sinuot niya iyon sa akin.

Pinigilan ko ang hinihanga ko habang isisusuot niya sa akin 'yon. Saktong-sakto sa ulo ko ang helmet, kung tutuusin para talagang ginawa 'yon para sa akin.

"May kapatid ka bang babae?" tanong ko.

Wala siyang girlfriend pero may pangbabaeng helmet. Hindi ko pinahalatang nagsususpetsa ako dahil wala naman akong karapatan. Duh! Sino ba ako naman ako 'di ba? Kakakilala lang pero masyado nang pumapapel. Ewan ko ba sa sarili ko!

He chuckled. "Wala. Tatlo kaming magkakapatid na lalaki. Ako 'yung middle child. I have a sister-in-law and a girl cousin. Minsan, sinusundo ko ang pinsan ko gamit nitong motor ko kaya meron akong maliit na helmet,"

Nabasa ba niya ang isip ko?! Tumawa na lamang ako. At least alam ko na ang sagot. Nahirapan pa akong sumakay sa motor sa taas no'n kaya kinailangan kong kumapit sa kanyang balikat.

Hinubad niya ang suot na jacket at inabot sa akin.

"Wear this, Emery. Malamig ang gabi."

"Hindi na," tanggi ko.

Hindi na niya pinilit pa ang gusto at muling sinuot ang jacket. Binuhay na niya ang motor. Pansin kong mabagal lang ang patakbo niya. Nawala tuloy ang excitement ko. Mabilis ang ducati, base sa napapanuod ko sa t.v. Akala ko pa naman mae-experience ko 'yon.

24 hours ang mcdonalds na tinutukoy niya. Katabi nito ay starbucks at cinnabon. Inaya niya ako roon pero mas afford ko ang mcdo. Libre niya pero mas gusto ko pa rin ang mcdo.

Isa pa, golden rule para sa mga inililibre ay dapat piliin ang mas mura. Ang kapal naman ng mukha ko kung doon ako sa mahal. Wala rin naman akong alam sa menu ng dalawang shop na iyon.

Kape lang ang in-order niya. Nagkape rin ako pero may fries at burger. Pagkatapos namin kumain ay tumambay kami sa likod na open space parking lot, hawak ang natirang kape.

Bukod sa mga ilang sasakyan na nakaparada ay kami lang ang tao roon. Nakaupo kaming dalawa sa gutter. Hindi naman ako nakaramdam ng panlalamig dahil sa kapeng iniinom ko. Busog na busog din talaga sa nakain ko.

"Businessman ka siguro 'no? Andami mong kotse tapos may motor ka pa na kapresyo na ng sasakyan," sabi ko matapos sumimsim sa kape.

"Hmm, oo." Nginitian niya ako. "Ilang taon ka na nga ulit?"

"20 na."

"20?" Paguulit niya.

Nakangiti akong tumango. "Oo nga. Ikaw?"

"27."

Sumimsim ulit sa kape. "Kaidad mo pala ang kuya ko," sabi ko.

"Talaga? Siya ba 'yung bartender sa resto bar?"

Muntik ko nang maibugha ang kape. "Hindi 'no!" Giit ko, "Boyfriend 'yun ng ate ko. Ex-boyfriend na kasi wala na ang ate, e. Pero 'di naman sila nagbreak kaya para sa akin, sila pa rin,"

"Oh, I'm sorry..."

"Wala 'yun. Nagkukwento lang naman ako, e."

He laughed. Ang boring ko talagang kausap pero buti 'di siya nabo-bored. Tanong pa siya nang tanong kapag wala na akong masabi. Interisado siya masyado nung sinabi kong kapangalan niya 'yung boss ko.

Parang sumimangot nga siya nung sinabi kong nagtatrabaho ako sa hotel at medyo masungit ang amo ko.

"Pinapahirapan ka ba niya?" naging seryoso bigla ang tono niya.

Umiling ako. "Hindi... pero kanina parang mainit yata ang ulo. Kausap yata niya 'yung girlfriend niya. Uy 'di ako chismosa ha! Ang lakas kasi ng boses niya, e." Suminghap ako at inubos ang natitirang kape.

Tumayo ako at tinapon iyon sa basurahan sa dulo ng parking. Habang naglalakad ako pabalik sa kinauupan niya ay napansin ko ang pag igting ng kanyang panga. Anong problema nito? Parang galit, e.

"Okay ka lang ba?" tanong ko pagdating ko sa kanyang harapan. Tumayo siya habang tinatanggal ang suot na jacket at ipinatong iyon sa likod ko.

"Hatid na kita," His face softened.

Naiwan akong nakatulala roon. Samantalang sumakay na siya sa kanyang motor. Kanina ko pa siya na aamoy pero mas tumapang pa nung isuot niya sa akin ang jacket. Parang flash ng camera ang mga alaalang pumasok sa aking isipan.

Humarap ako sa kanya. Nagkatitigan kami. Lumunok ako. I can hear my heartbeat clearly. Kaamoy niya ang jacket ni Sir Shaun. Kaamoy na kaamoy. Kaya siguro pakiramdam ko pamilyar siya dahil sa amoy?

"Let's go, Emery. May pasok ka pa bukas 'di ba?"

Tumango ako. Pasampa na ako sa motor nang maalala kong wala naman akong nababanggit na may pasok ako bukas.

"Pasok bukas?" Naghihinala kong tanong.

Lord, please 'wag naman sana siyang lalabas na stalker. Turn off 'yon!

Kumunot ang noo niya na para bang may mali sa sinabi ko.

"Sa trabaho? 'Di ba? Oh... day off mo bukas?"

Napakurap ako. Ang OA ko talaga... oo nga pala! Napraning lang ako bigla. Idinaan ko na lang sa tawa ang pangyayari.

"Day off mo ba bukas?" Tanong niya habang pasakay ako.

"Hindi. May pasok ako sa school bukas. Scholar kasi ako ng Rizaldo Empire kaya nga ako nagtatrabaho sa hotel nila, e."

Pinaandar na niya ang motor pagkaayos kong upo. Medyo mabilis na ang takbo namin. Inayos ko ang kapit ko sa kanyang balikat. Ngiting-ngiti naman ako. Pulido kasi ang muscle niya roon. Wala naman din silang pinagkaiba ng katawan ni Kuya. Mas malaki lang ng kaonti ang kay Kuya. Magkaiba lamang sila ng kutis dahil magkasing puti ang aming balat.

Ngayon ko lang nadama ang bilis ng oras. Wala pa yatang kinse minutos nang marating namin ang aking tirahan. Syempre, maingat akong tao. Sa ibang bahay ako nagpababa. For safety purposes din naman ito. Kahit na ba halos gumulong ako sa kilig, kailangan ko pa rin mag-ingat. Lalo na't ako lamang ang mag-isang nakatira sa bahay.

"Salamat ulit, Shaun!" Inabot ko ang helmet.

"Basta ikaw, Emery. Bukas ulit?"

"Huh?" Nanlaki ang mata ko.

Ang bilis naman yata! Pwede bang wait lang, Shaun? Pahingahin mo naman ako! Naghuhurumentado na ang sistema ko at nagsisigaw na ako sa isipan ko.

"Pupunta ulit kasi ako resto bar, e." kaswal niyang sabi.

Tahimik na naman ang aming kalye. Curfew na rin kasi. Nasa ilalim kami ng streetlight, malapit sa junk shop ni Aling Kusing. Kaonting lakad lang ang layo nito mula sa aming bahay.

"Sige. O-okay lang naman sa akin, e. Pabor nga 'yon kasi makakatipid ako," sabi ko na lang.

Nairaos ko namang sabihin iyon na walang halong kilig. Nahihirapan pa rin akong tagalan ang titig sa kanya. Ang amo talaga ng kanyang mukha. Isama pa 'yung mata niyang laging nangungusap.

"Bakit ka nga pala laging napunta sa resto bar? Uh, tinanong ko kasi si Ate Chandra kung regular ka ba roon. Sabi niya hindi raw, e," usisa ko.

Imposible naman na pumunta siya roon dahil sa akin. Sobrang feelingera ko na no'n! Tumawa siyang marahan at napailing.

"Napadaan lang kasi talaga ako roon. Nakita kita kaya... lagi akong napunta. Naalala ko kasi nung una kitang nakita, nung tinadyakan mo 'yung snatcher?" Tinignan niya ako.

Nag init ang pisngi ko. Nag iwas akong tingin. "Oo, tanda ko pa 'yon..."

"But you forgot my name." Pabulong niyang sabi.

Sinulyapan ko siya. Walang halong biro ang pagkakasabi niya. His eyebrows furrowed in fraction.

"'Di ko kasi narinig, e. Sorry naman." Sabay tawa ko.

Napalitan na ng ngiti ang kanyang labi.

"Forgiven," masaya niyang sabi. "Ano? Bukas ulit?"

"Oo..."

Lumapad pa ang kanyang ngiti. "See you tomorrow night, Emery!"

Nagkunwari akong papasok sa junk shop. Kinawayan ko siya paalis. Nang mawala na siyang tuluyan ay matulin akong tumakbo pauwi sa bahay. Pagpasok na pagpasok ko sa bahay ay nagtitili akong walang humpay, halos maglumpasay na rin ako sa kilig!

Panaginip ba 'to? Nasa libro ba ako ng fairytale?! Ang swerte ko naman dahil pinapansin ako ng crush ko!

Nahinto ako sa pagsasayaw nang malakas na nag-ring ang cellphone sa suot kong tote bag. Huminga akong malalim, inayos ang magulo buhok at sinagot na ang tawag mula kay Kuya Elias.

Okay, back to reality!