webnovel

CHAPTER 39: I'll keep you safe

Nasisiraan na nga talaga sila. Natawa naman ako ng kaunti saka pinunasan ang dugo sa labi ko. Tumayo ako ulit at tumingin sa kaniya. Halos wala pa siyang galos samantalang ako ay may sirang damit na. Buti na lamang at sa mga laylayan lang ang sira.

"Gusto mo talagang magpakamatay ano, Ms. Nyssa?" Pinaglaruan niya ang itim na apoy sa kamay niya at ginawa iyong bola. "Ayoko sa lahat ay iyong matigas ang ulo." Aniya saka bumwelo. Inihagis niya sa akin ang bolang apoy ng may pwersa. Agad ko namang sinangga iyon gamit ang dagger ko. Ngunit sumabog iyon, dahilan para tumalsik ako sa medyo may kalayuan.

Napaubo naman ako dahil sa usok at dahan-dahang tumayo.

Tsk. Kainis.

"Ahhh, dapat ko palang pigilan ang sarili ko na patayin ka. Naku! Muntik ko ng makalimutan na ikaw ang susi sa plano namin." Ngumisi siya at tumawa.

Sa totoo lang, unti-unti na talaga akong naaasar sa kaniya. Kung pwede lang palamunin to ng pulboron sa labanan para hindi makapagsalita ay ginawa ko na. Pero mas maganda na ding madaldal siya. Baka may iba pa silang tinatagong plano, mahirap na.

I hissed.

"Alam mo, bakit hindi na lang tayo magkasundo? Gusto niyo ba talaga ang ganoong sistema? Lahat nga pantay-pantay pero kailangan niyong pumatay para maging posible ang mga pangarap niyo... o ang mga gusto niyong mangyare? Kasi sa totoo lang, sa nakikita ko, kung sa ganito kasimpleng bagay at sa napakaliit na dahilan ay kaya niyong pumatay at sumira ng buhay... mas magiging magulo ang pamumuno na gusto niyo. Hindi niyo ba bibigyan ng choice ang tao kung anong klaseng pamumuno ang gusto nila? Talaga bang tama iyang nasa isip niyo? Makakabuti ba sa lahat?" Tanong ko.

Napahinto siya at mukhang nag-iisip. Ngumisi siya sa akin at itinutok sa akin ang espada na gawa sa apoy niya.

"Makakabuti ba sa lahat? Wag kang umasta na parang isa kang bayani na kayang iligtas ang lahat. Hindi mangyayare ang mga bagay na gusto namin kung walang magiging sakripisyo." Aniya.

Tinitigan ko siya. Ang mga mata niya ay para bang mayroong sinasabi sa akin. Pero hindi ko maipaliwanag kung ano.

Ilang segundo ay mabilis siyang tumakbo papunta sa akin. Para bang bumagal ang lahat. Ang espada niya ay nakatutok sa akin at handa siyang bawian ako ng buhay.

Ano bang nangyare sa kaniya noon at bakit parang galit na galit siya sa mga nakatataas?

Bago pa man dumapo ang talim ng espada sa akin ay napahinto siya.

Hindi...

May tao sa likod niya..

Napaangat ako ng tingin at nakita ang pamilyar na mukha.

"C-Captain Chen.." Nauutal ko na sabi. Bakit nandito siya? Paano na ang plano?!

"You're such a..." Nanggagalaiti na sabi niya sa akin saka kinapitan ang damit ng lalake sa likod at hinagis siya sa pader. Napabuga naman ng hangin ang lalake at bumagsak sa sahig.

Lumapit sa akin si Zeid at kinapitan ako sa braso.

"We're leaving."

I try to yank my arm away. Pero masyado siyang malakas.

"Bakit naman?!" Tanong ko.

"Hindi ka nandito para lumaban. You said you're only going to lure them out. You stupid woman. Bakit ba napaka kulit mo at palagi ka na lang sumusugod sa kapahamakan? Gusto mo na bang mamatay?!" Inis na tanong niya.

Ngayon ko na naman siya nakita na ganito.

"Eh ano naman ngayon kung mamatay ako? Hindi naman ako kawalan sa--"

"Say one more word and I'll--"

"You'll what?!"

"Shut up--" Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng bigla niya akong buhatin at mabilis na umiwas sa atake ng lalake.

Puno na ng dugo ang katawan ng lalake. Mukhang napalakas ata ang ginawa ni Zeid sa kaniya.

Inilabas ako ni Zeid at nakarating kami sa isang malaking espasyo sa labas na puro damo. Parang field ang dating.

"Paano na lang ang plano natin?" Tanong ko matapos niya akong ibaba.

Masama siyang tumingin sa akin.

"Ikaw ang unang sumira sa plano. Sabi mo kailangang sila mismo ang humanap sayo. Pero ikaw ang sumugod doon. Ano sa tingin mo ang mangyayare? Edi malalaman nila na may binabalak tayo, baliw ka ba?!" Naiinis niyang yawyaw sa akin.

Napakamot naman ako sa batok.

"Wag kang mag-alala. Ngayon, alam na natin kung sino ang tatlong itlog na nasa likod ng nangyayare noon pa man." Sabi ko at ngumisi.

Napakunot ang noo niya at mukhang na-realize niya din ang totoo kong pinaplano.

Una, yung lalakeng nakalaban ko na kamukha ni Maxson. Pangalawa ay malamang pumunta na iyon sa grupo nina Zeid kanina kaya siya nagmamadali papunta sa akin. At iyong pangatlo... Naniniwala akong napansin na iyon nina Captain Masashi. Kanina kasi, nararamdaman ko na may sumusunod sa amin. Isang shadow.

"At sa tingin mo matutuwa pa din ako?" Tanong niya pero hindi niya na ako napagalitan pa ng matagal dahil biglang may mabilis na itim na apoy ang mabilis na paparating sa amin. Agad na inilabas ni Zeid ang espada niya at hinati iyon sa dalawa.

Ang gwapo niya tignan mula sa likod. Pakiramdam ko-- Aish! Jusme marimar. Kailangan kong magpokus at tawagan sina Captain Kiro.

Inilabas ko ang phone ko at tinawagan siya. Agad namang may sumagot.

"Mm.." Sagot ni Captain Kiro.

"Ahh.. Ano... Captain--"

"Sa ilalim ng lupa... May tunnel... Mula dito sa Artrias.. May altar kung saan saktong sakto ang artifact ng Chen Clan." Sambit niya saka napahinto. May nagsalita naman. Mukhang boses ni Lieutenant Eisha.

"At may mga forbidden symbols dito na ma-aactivate lamang kapag nakuha na nila ang artifact. Pero... may isang malaking arcane symbols dito na maaari nilang gamitin kung sakaling pumalpak ang plano nila. Sa madaling salita, ikaw ang kailangan nila. Isa sa compatible na spell caster na konektado sa artifact ng Chen Clan. Sa ganoong paraan, kahit hindi nila makuha ang artifact, gagamitin ka nila bilang tulay. Mula sayo, kukunin nila ang kapangyarihan ng artifact at magagawa nila ang gusto nila. Ang mga forbidden symbols na ito ay.... ginamit noong ilang centuries na ang nakalilipas para gamitin laban sa mga bansa. Ngunit ipinagbawal na ito at ang Hiyosko ang nagtago. Ilang dekada ang nakalilipas, bigla na lamang itong nawala. Walang nakaka-alam kung sino ang nagnakaw." Paliwang ni Eisha.

"Malinaw na ngayon." Sambit ni Captain Kiro.

Para bang hindi ko naririnig ang pagsabog at pag tunog ng espada ni Zeid habang naglalaban sila.

Mas malinaw na ngayon kung bakit gusto nila akong makuha.

"Kung ganoon, ang mga simbolo na iyan ay konektado sa mga halimaw, tama ba?" Tanong ko.

"Oo tama. Tingin ko, hindi sapat ang halimaw na nagagawa ng isa o dalawa sa Black Trio kaya naman para mangyare ang gusto nila, kailangan ka nila at ang artifact. Huwag kang mag-alala, kumikilos na din ang ibang squads para mahuli ang lahat ng konektado sa Black Trio. Babantayan namin ang lugar na ito para makasiguro. Mag-iingat ka, Nyssa." Sambit ni Captain Kiro bago namatay ang tawag.

Napadako ang tingin ko kay Zeid na patuloy akong pino-protektahan sa mga apoy ng lalake.

He look so determined...

Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam pero parang masaya ako.

Tanggap mo na ba ako kahit hindi bilang asawa mo, Zeid?

Dahil kung oo.. Masaya si Mira ngayon.

Nanlaki ang mata ko ng biglang may paparating sa aking apoy. Inihanda ko ang dagger ko at ang sarili ko para umiwas. Pero bago pa man iyon makarating sa akin ay nahati na iyon ni Zeid sa napakaraming pieces at nawala.

"Zeid.." Pabulong na sabi ko.

Lumingon siya sa akin at inilipad ng malamlam na hangin ang buhok niya.

"This time... I'll keep you safe."

Para bang um-echo sa tenga ko ang boses niya.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko pero.

Natawa na lamang ako.

"Salamat Zeid.."

Próximo capítulo