webnovel

CHAPTER 18: FLOOD OF SADNESS

Napatulala na lamang ako sa kawalan habang naglalakad pabalik sa hotel. Alas kwatro na ng hapon at balak ko na sanang mag half bath at kumain. Saka magbasa o kung anumang pwedeng gawin para malibang. Hanggang ngayon kase, nasa isip ko pa din ang alaalang bumuhos sa isip ko kanina. Kaninong alaala iyon?

Napakapamilyar ng pakiramdam. Na para bang ako mismo ang may ari ng alaalang iyon pero sa tanang buhay ko, wala akong naranasang ganoong pangyayare at ni hindi ko din nakita si Captain Chen noon.

Nakakapagtaka...

"Sino ang babaeng iyon?" Tanong ko sa sarili ko saka napabuntong hininga.

Tumingin na ako sa nilalakaran ko pero saktong nakita ko naman si Captain Chen na kasama ang lieutenant niya. May hawak na box si lieutenant at mukhang seryoso ang pinag uusapan nila.

Nang napatingin sila sa direksyon ko ay umiwas ako ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.

Alam ko na magkakasalubong kami at sa loob ko ay gustong gusto ko na magtanong sa kanya tungkol sa babae na nasa alaala kanina. Pero naisip ko din na baka hindi naman talaga yun konektado sa kaniya at baka bigla lang pumasok sa isip ko.

WAAHHH!

A-Ang gulo!

Napakuyom ako ng kamao at mabilis na naglakad. Hindi ko sila pinansin at nilagpasan lang sila. Ni hindi ko nagawang lingunin sila.

Bakit ba ako nagkakaganito?!

I guess kailangan kong ipahinga muna ito at mawawala din lahat.

Baka...

---

"P-Pasensya na." Nanginginig na sambit ng isang babae. Nakayuko siya at umiiyak.

"Wala ka talagang magawang tama ano? Ano? Gusto mo na mapahiya ako? Diba sinabi ko na wag kang lalabas ng kwarto mo dahil madami akong bisita na importanteng tao? Lumabas ka pa din at nakabasag ka pa ng gamit." Bawat salita na binibitawan niya ay para bang napakabigat sa dibdib ng babae.

Napaangat ako ng tingin at nakita si Captain Chen. Galit ang ekspresyon niya at mas bata siya tignan. Yung babae naman... Hindi ko maaninag ang mukha.

Basta ramdam ko lang ang nararamdaman niya. Na para bang iisa kami ng puso.

"S-sorry... Z-Zeid."

"At wag mo akong matawag tawag sa pangalan ko. Tandaan mo to, I don't like you and I reject you. Hindi ko hahayaang makapasok ka sa buhay ko." Galit na sabi ni Captain Chen saka mabilis na umalis.

Naiwan namang umiiyak ang babae. Napaupo siya habang hawak ang kamay niyang dumudugo pa.

Sinubukan niya siguro na ligpitin ang mga nabasag niya kaya naman...

Napakagat ako ng labi saka sinubukang lumapit sa kaniya. Inabot ko siya para patahanin sana ngunit lumagpas lamang ang kamay ko at bigla na lamang bumuhos ang napakaraming emosyon. Pero nangingibabaw ang galit sa sarili at lungkot.

Hindi ko namalayan na... tumutulo na din ang luha ko.

---

12:00 am

Napabalikwas ako ng bangon habang hinahabol ang bawat paghinga ko. Hinawakan ko ang pisngi ko at naramdaman na basa iyon.

Umiiyak ako...

"B-Bakit?" Naguguluhang tanong ko.

Umalis na lamang ako sa kama at sinubukang kumalma. Pero para bang paulit ulit kong naririnig ang sinabi ni Captain Chen. Tumatagos iyon sa puso ko na para bang sa akin mismo sinabi ang mga iyon.

Kinuha ko ang coat ko at panyo, saka lumabas ng kwarto ko.

Hindi ako makakatulog nito kaya naman gusto ko munang magliwaliw sa labas.

Nagpalakad lakad na lamang ako sa labas habang yakap ang sarili ko dahil medyo malamig pa din kahit na naka coat ako. Pinunasan ko ang luha ko at huminga ng malalim.

Iisa lang ang makakasagot ng mga tanong ko.

Walang iba kundi si Captain Chen.

Hindi ko alam kung bakit ko nakikita o naaalala ang mga alaalang iyon. Kung ano man iyon, kailangan kong kumpirmahin kay Captain Chen kung... may ganoon din ba siyang alaala at kung meron, sino ang babae na iyon. At bakit ko naaalala ang mga iyon.

Wala akong kahit na anong kapangyarihan na may kinalaman sa alaala o kung anuman na maaari kong maalala o makita ang alaala ng iba. Kaya nakapagtataka na biglaan iyong bumuhos sa utak ko at napanaginipan ko pa.

Pero...

Napahinto ako at napatingin sa harap ko.

Sa harap ko ay ang gate ng bahay nina Captain Chen. Ang mga guard ay nakatulog na sa gilid kaya naman hindi nila ako napansin.

Maglalakad sana ako papasok pero napahinto ako at napailing.

Hindi pa sa ngayon.

Kapag may naalala ako ulit o napanaginipan, saka ko na sasabihin sa kaniya. Sa ngayon ay ayokong manggulo sa buhay niya o guluhin siya. Bukod sa anong oras na ito ay hindi ko rin sigurado kung totoo itong alaala na to. Isa pa, ikakasal na siya sa byernes. Dalawang araw na lang at ayoko naman na mag-isip pa siya ng ibang bagay.

Tumalikod na ako at umalis.

Hindi na bale.

---

Nakahawak sa ulo akong bumalik sa hotel. Umaga na at bago pa lang ako nakabalik. Tumambay kasi ako sa tabi ng ilog.

Pagkasok ko ay napadaan ako sa living room ay may mga tao na pala doon. Hindi ko na lang sila pinansin kahit na napansin ko ang duchess. Paakyat na sana ako sa hagdan ay may humawak sa braso ko. Isang lalake na nakatingin sa akin ng maigi. Tulad ng ekspresyon na nakita ko kina Captain Chen, ganoon din ang ekspresyon niya.

"Mira." Sambit niya.

Bigla akong niyakap.

S-Sino ba to? At sinong Mira?!

Wala akong lakas para sumigaw o pumigil ng isang emosyonal na tao kaya naman hinayaan ko na lang siya hanggang sa bitawan niya ako.

"Sino ka?" Diretsang tanong ko na ikinagulat niya.

"Mira, alam ko na... Galit ka sa akin. Ako ang dahilan... kung bakit... Pero bakit ka bumalik? Paano ka bumalik?" Aniya. Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi niya kaya naman napakunot na lamang ang noo ko.

Nakita ko na lumapit si Maxson na mukhang nagtataka din. Mukhang kausap niya pala kanina ang duchess at hindi ko siya napansin.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Maxson.

Tumalikod na ako. Hindi ko na maintindihan ang lahat at dumagdag pa ang lalake na yan. Hindi ko siya kilala. Pero bakit ganyan siya kung makatingin sa akin.

At sino si Mira?

"Pasensya ka na pero hindi ako si Mira." Walang buhay na sabi ko saka umakyat na.

Sa sobrang dami ng iniisip ko, pakiramdam ko napapagod na ako. Kaya naman pagkarating ko sa kwarto ay hindi ko namalayang bumagsak na ako.

---

"Lila, gusto kong tanggapin ako ni Zeid pero... mukhang hindi naman mangyayare iyon." Naiiyak na sambit ko.

T-teka..

Sambit ko? Ano itong sinasabi ko?

Napakurap ako at napatingin sa babaeng kaharap ko. Nakangiti siya sa akin at inabot ang kamay ko.

"Hangga't kaya mo pa, madam, magtiis ka po muna. Alam ko po na balang araw ay tatanggapin ka din ni Master Zeid bilang asawa niya. Sa araw na iyon, makakangiti ka ng totoo sa harap ng lahat." Pinunasan niya ang luha ko na tumulo.

Isa itong panaginip diba? Pero mukhang alaala ito ng babae. Yung babae na nakikita ko nakaraan pa na pasulpot sulpot sa isip ko at sa panaginip. Yung kasama ni Captain Zeid.

Pero sa ngayon, mukhang ako ang nasa katauhan niya. Ramdam ko din ang emosyon niya. Hindi ako makakilos o makapagsalita ng gusto ko lang. Nasa katauhan niya ako pero hindi ko mapapakialaman ang mga pangyayare. Ibig sabihin, kung alaala nga ito ng babaeng iyon, sasabihin ko at gagawin ko ang mga nagawa niya na noon.

"Maghihintay ako sa araw na iyon, Lila." Tila ba na nadudurog ang puso ko habang sinasabi iyon.

Nagpalit naman ang senaryo at nasa isang pagtitipon kami sa loob din ng hall ng Chen Clan. Madaming tao sa loob at may handa din. Sa tingin ko ay may event.

Pumwesto lamang ako sa sulok at nakatingin sa isang direksyon. Nandoon si Captain Chen na nakikipag usap sa mga Co-captains niya. May mga babae naman na sinusubukang makipag-usap sa kaniya. May isang babae pa na pinulupot ang kamay sa braso ni Captain Chen. Imbes na lumayo si Captain ay hinayaan niya lamang itong dumikit dikit pa sa kaniya. Pagkatapos ay napalingon siya sa direksyon ko, naging masama ang tingin niya na ikinaiwas ko ng tingin.

Ngumiti na lamang ako habang nakayuko. Saka umalis. Sa labas ay hindi ko mapigilan ang emosyon ko kaya naman napaiyak na lang ako.

Napahawak ako sa dibdib ko.

"Ayoko din naman sa relasyong ito. Dapat galit ako diba? Dapat galit din ako dahil wala din naman akong alam sa desisyon nila. Pero bakit hindi ko magawa yun? Bakit ba pinipilit ko pa ang sarili ko? Gumising ka nga Mira!"

Nagbago na naman ang senaryo at patuloy na ipinapakita ang lahat sa akin. Sa bawat alaala, lungkot, saya, pagkapit sa pag asa at pagkasawi lang ang halo halong umiikot sa puso ko.

Lahat ng iyon ay para bang inipon lahat ng babae sa loob niya.

Ang babaeng ito...

Tumingin ako sa salamin at nakita ang babae.

Ako?

---

Nagising ako na pinagpapawisan. Nasa gilid naman ng kama si Maxson habang nakapatong ang ulo at braso niya sa kama habang mahimbing ang tulog.

Sa noo ko ay may telang medyo basa pa. Umupo ako at kinapa ang noo ko at leeg.

Mainit ako. Ibig sabihin, nilalagnat ako at...

Napadako ulit ang tingin ko kay Maxson na mahimbing ang tulog.

Binantayan niya ko?

Dahan dahan akong umalis sa kama at nilagyan siya ng kumot. Bago naghanda na. Tinignan ko ang kalendaryo at nakita ang nakabilog na araw ngayon.

Byernes?

Teka teka teka.

BA'T ANG BILIS?!

Tinignan ko kung sira ang kalendaryo na pinapagana ng energy stone pero hindi din. Tama lamang ang date.

Noong myerkules ang huli kong natatandaan.

Ibig sabihin ba, tulog ako buong araw kahapon?

Napakapit naman ako sa ulo ko dahil medyo sumakit iyon. Sariwa pa sa akin ang mga napanaginipan ko na mukhang alaala ng babaeng iyon na ang pangalan ay Mira.

Hindi ko alam kung tama lang ba na itanong ko na sa kaniya ngayon. Pero hindi na rin siguro masama. Isa pa, ikakasal na siya sa iba. Kung totoo ang alaalang ito, edi diba mas magiging masaya siya na wala na si Mira? At bibigyan ko din siya ng isang malaking suntok.

Nagagalit ako.

Nagagalit ako para kay Mira. Noong una ay para bang ang tapang ni Mira. Ang ganda ng facade mo Mira.

I want to say that she's so weak for letting Captain Chen hurt her so much. Pero ayokong manguna. Because...

She...

She was...

"She's starting to fall in love with him." Bulong ko sa sarili ko.

Napakuyom ako ng kamao pero inalis ko na muna iyon sa isip ko. Nagugutom ako at gusto ko ding pasalamatan si Maxson kaya paghahandaan ko siya ng pagkain ngayon.

Bumaba na ako at pumunta sa kitchen, saka nagtanong ng available nilang pagkain. Sinabi ko din ang posibleng gusto ni Maxson.

Sinong nagsabi na ako ang magluluto?

Nang matapos sila magluto ay aakyat na sana ako sa taas pero nakita ko si Maxson na living room na. Inilagay ko sa mesa ang pagkain at tinignan siya.

"Sabay na tayo kumain, Sire." Aya ko saka inihanda ang pagkain niya at pagkain ko.

Umupo naman siya saka ngumisi sa akin.

"Anong nakain mo at nasa loob mong ipaghanda ako?" Aniya

Inikot ko ang mata ko saka umupo na din katapat niya.

"Inalagaan mo ko tama?" Sambit ko.

Natahimik naman siya at umiwas ng tingin. Namula pa siya saka kumain na.

"Nag-alala lang ako sayo ng konti dahil hindi ka na umalis kahapon. Tapos may lagnat ka na pala. Ngayon ba ayos ka na?"

"Hindi. Pero ayoko namang matulog na naman. Mas lalo lang akong magkakasakit, Sire."

"Tsk. Wag mo na nga akong tawagin niyan. Solve na ang utang mo. Isa pa, parang nang aasar ka lang pag sinasabi mo yan." Aniya saka kumagat ulit sa pagkain niya.

Buti naman at napansin niya.

"Hindi na ako magtatanong sa mga napanaginipan mo. Pero sana lang wag mo ng hahawakan ng maigi ang kamay ko. Hindi tuloy ako nakaalis sa kwarto mo." Nakita ko na sinusubukan niya ng mang asar sa akin. Imbes na magalit ako ay namula ako dahil sa nalaman ko.

Kaya pala hindi siya nakaalis.

"A-Ahem.. Pasensya na." Sambit ko.

Gulat naman siyang napatingin sa akin at natawa.

"Marunong ka palang magsabi niyan? HAHAHA!" Aniya

Umirap naman ako saka napatingin sa pagkain ko. Napangiti ako.

Kahit papaano pala ay may ganoong side si Maxson.

Próximo capítulo