webnovel

Chapter 5

"Kailangan ko na ang pera kung gusto mong masimulan na ang paghahanap."

Tiningnan ko si Dave mula sa iniinom kong espresso. The man is leaning back on the collapsible chair outside a famous cafe while looking at his phone. Passers-by cannot help but throw us a glance from time to time. I can't blame them. We are quite an eye-catching pair.

Dave is wearing an old English-style outfit. May suot na Victorian-style na hat, double breasted jacket at overcoat na leather. May cane pa ito na dala-dala at dark brown na spectacles na nakataas sa ulo. I on the other hand is screaming in colors. I'm literally in neons. My shirt is neon pink with a neon green scribbles on the center paired with a striped yellow and red neon pajamas.

"Magkano?"

Nagtaas ito ng tingin mula sa binabasa sa cellphone. "One million."

Nasamid ako sa iniinom na kape dahil sa labis na pagkabigla dahil sa sagot niya. Napaubo ako dahil sa likidong walang paalam na pumasok sa ilong ko. Inabutan ako ng lalaki ng tissue na agad kong kinuha at ipinunas sa ilong. Nang makarecover na sa pagkabigla ay tiningnan ko ng masama ang lalaki.

"Isang milyon? Seryoso ka? Aso ang ipinapahanap ko, Dave. Hindi ang Yamashita treasure."

Tuluyan na nitong inabandona ang  cellphone at ipinagsalikop ang mga kamay sa mesa.

"It's not just an ordinary dog, Femella. It's a Tibetan Mastiff dog, one of the most expensive breed of dogs in the whole wide world. It's a million dollar dog and it's what we need to get the lead."

Napaisip ako. "No, I still think a million is too big for searching a dog, a freaking dog, Dave."

"And I stand by my statement that it's not just an ordinary dog."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Ginugulang mo ba ako? Dave Estrella, wag mo nang subukang paikutin ako. You don't know me."

"Woah, Femella Alcantara! Tinatakot mo ba ako?" nakangisi nitong tanong. Humigop ito sa tasa ng kape.

"No, I'm just telling you not to mess up with me. Sa kangkungan ang aabutin mo kapag niloko mo ako." I crossed my arms and studied the smirking man across me.

"Now you're threatening me." Ngumiti ito.

"Why, you're scared now?"

"No, not all all." He leaned back. "Back to the business, I need a million or you would have to find me a replacement to do the job."

Nagbuga ako ng malalim na hininga, inayos ang nakapusod na buhok at tinitigan ng blangko ang lalaki.

"Dave, let me ask you a question," I said impatiently.

"I hope it's not another threat. I'm sick of talking to every client serving me their top-tier death threats. Now be different and don't come at me with those most used lines."

"Who recommended me to you?"

Kumunot ang noo nito. "Si Mr. Rowald."

Tumango-tango ako. "Yes, that's right. Mr. Rowald recommended me to you. Alam mo ba kung bakit?"

Mas lalong nangunot ang noo ng lalaki. "Ano ba ang pinupunto mo?"

"Wala. Wala akong pinupunto. Now, answer my question."

"He said a client wanted a detective. He can't cater to you dahil mas marami siyang high-profile cases na hinahawakan."

"Uh-uh. I'm hurt. So mine is not considered to be a high-profile one. Anyways, hindi iyan ang totoong dahilan kung bakit. You see, Rowald is too exposed in the detective scene so he's not a part of my choices. Madali na siyang ma-detect ngayon kaya nga nag-practice na siya uli sa litigation. He gave me to you, no, practically he gave you to me to handle my very high-profile case because I need someone  a novice. Iyong bagito. Iyong kasisimula pa lang sa mundong ito and you Dave is the perfect one."

Natahimik ang lalaki sa mga sinabi ko. Ilang sandali muna bago nito nilimi ang lahat bago ako tiningnan uli.

"And to add further for that obvious shock look you have, I have all your credentials in me." Pinaglaruan ko ang puswelo ng kape.

Nanlaki ang mga mata ni Dave. Shocked is plastered all over his face.

"No way!"

"Yes way!" I smirked.

"That's impossible! Hindi iyan gagawin sa akin ni Mr. Rowald. He knows my conditions," tutol nito. Nawala ang ngiti sa mga labi.

Nagkibit'balikat ako. "I don't know why he gave that to me. Maybe, just maybe, it's a proof that we were so so..." itinaas ko ang kanang kamay at pinagdikit ang dalawang daliri "so close."

"I don't believe you. If you're doing this to scare me so that I would give in to you then you're wrong. I could drop your case like a hot potato. It's not my loss." Medyo kabado nitong sagot. May nasagap pa akong kaunting nginig sa boses nito.

"Really Johnny boy? You'll drop me like a hot potato? Paano kung sabihin ko sa lolo mo na wala ka talaga sa Amerika para mag-aral? All this time you were here in the Philippines trying to be like what, like Sherlock Holmes? Uhm, what do you say?" It's my turn to smirk.

Namutla ang mukha ng binatilyo. Yes, the young man is just trying to hide his real age by wearing retro and baggy clothes.

"N-no, please. Ayokong bumalik sa Amerika. I don't like it there." Nagyuko ng ulo ang bata.

Ngumisi ako. "Good. Mabuti naman at nagkasundo na tayo. I'll give you half a million next week. Mukhang kailangan ko na talagang magpa-take out. Oh well, as if may choice pa ako." Tumayo na ako at tinapik sa balikat si Dave.

"Rowald gave you to me because he trusts your ability. Now I'll send the money to you and after that you'll find the dog for me. Understand? Okay?"

Sinalubong nito ang mga mata ko, may kakaibang kislap sa mukha ni Dave. "I'll be expecting the money. After that, I can guarantee you the information about the dog."

"Good. Aalis na ako. Pipili pa ako ng lalaking magbibigay sa akin ng pera mo. Adios!"

Tinalikuran ko na si Dave at paimbay-imbay na naglakad patungo sa sasakyan na naka-park sa tapat lang din ng cafe. Binuksan ni Chino ang pintuan sa back seat at pinasakay ako.

"Ano? Ok na ba?" tanong nito agad.

Umiling ako. "Hindi." Pinalungkot ko ang boses. "Ayaw niya akong pautangin." Kunwari ay nagbuntung-hininga ako. "I have no choice Chino but to go with my bidder next week. Kailangan ko na ang pera, bakla. May mamamatay kapag hindi ko naibigay ang pera."

"Ready ka na ba? Baka si Mr. Samontino ang mag-bid  sa iyo. Narinig kong pinag-uusapan ka nila ni boss noong isang linggo. Hindi nga lang nakaporma sa iyo ang matanda kasi binili ni Mr. Fafa Maverick ang oras mo at ginawa pang collateral ang bagong-bagong kotse. Iba talaga ang tama sa iyo ni fafa ko no? Ang bongga mo day!"

Napaisip ako. If Maverick will bid me next week then I have no other choice but to submit to him. One night. It'll be just one night. He's not a bad lover I think. Pero kung si Mr. Samontino naman...

"Chino, ilang porsyento kaya ang probability na ibibid ako ni Mr. Samontino?"

"Ay day, tinatanong pa ba iyan? Of course, 100 percent! Baliw na baliw iyon sa iyo, e. Close to obsession na ata iyon sa iyo."

Sumandal ako sa kotse at humalukipkip.

"Chino, do you have the names of the attendees last week? I need them."

Nagtatakang tinapunan ako ng sulyap ni Chino. "Bakit?"

"I just want to know the cards on the deck. I have to play them to my own advantage this time."

Tumango ito. "Gumagana na naman iyang utak mo Femella. Oo, may listahan ako. Ano ba kasing gagawin mo?"

Bumaling ako kay Chino na titig na titig sa akin.

"Hindi na ako maghihintay pa sa susunod na linggo. Ngayon pa lang, ibebenta ko na ang sarili ko."

"HUY Femella! Sigurado ka ba sa gagawin mo? Baka malaman ito ni boss. Patay tayo. Bawal itong ginagawa mo huy!" Hinila ako ni Chino sa gilid bago ko pa magawang pindutin ang doorbell sa malaking bahay.

"Hindi niya malalaman kung walang magsusumbong. Unless..." ibinitin ko ang sasabihin.

"Huy! Friendship tayo! Hindi kita ilalaglag," agad na sabi nito.

"Mabuti naman. Kaya kung ako sa iyo, just stay mum and follow me. Baka magtaka na ang management ng club kung bakit hindi pa tayo nakakabalik."

Sumunod na si Chino sa akin nang hatakin ko siya pabalik sa gate. Pinindot ko ng tatlong beses ang door bell bago naghintay. Nakarinig kami ng mga yabag palapit at ang tunog ng nagbubukas na bakal. Bumukas ang gate at sumungaw ang babaeng nakasuot ng uniporme ng katulong. Bata pa ang babae. Mga kasing-edad ko lang.

"Ano pong kailangan niyo maam?" Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Chino. Nagtagal ang tingin niya sa akin lalo na sa suot ko.

Nginitian ko ng buong tamis ang babae bago sumagot.

"Good morning. I'm Femella Alcantara and this is my friend Chino Mason. Mind if I ask if Jason is inside? We are his friends. He is expecting us."

Saglit na nag-alangan muna ang babae bago niluwangan ang pagkakabukas ng gate.

"Pasok po kayo ma'am, sir. Tatawagin ko lang po si sir Jason. Naalala ko kasing may nabanggit siya kagabi na pupunta ritong mga kaibigan. Baka kayo na po ang tinutukoy niya."

"Thank you."

Kinindatan ko si Chino na hindi pa rin maitsura ang mukha. Naglakad kami papasok sa malaking lawn ng bahay hanggang marating namin ang pool side ng bahay. May mesa at upuang nakalagay doon.

"Ma'am, maupo po muna kayo. Tatawagin ko lang po si sir," ani ng babae.

"Sure. We'll be waiting here. Thank you."

Umupo na ako at pinagkrus ang mga binti. Si Chino ay aligaga pa ring palakad-lakad lang.

"Oh, come on Chino. Chill out! Para kang inahing manok na hindi makaitlog. Umupo ka nga. Relax ka lang. I have this under my control."

"Sino ba kasi ang hindi kakabahan sa mga pinagagagawa mong babae ka? Hello? Hindi mo ba alam na kaibigan ni Jason si boss? Paano kung isumbong niya tayo? Eh di maki-kick out ako ng wala sa oras? Paano na ang mga chikiting ko bakla? At ikaw? Baka ano pa ang gawin sa iyo ni boss! Baka tuluyan nang mawala ang privilege mo sa loob ng club. Umalis na tayo Femella habang hindi pa lumalabas ang Jason na iyon. Tara na!"

I chuckled. "He will never do that. If he is the type of person I assumed him to be then most probably he will accept my proposal. If he is not, well... ang malas lang natin."

Mas lalong nalukot ang mukha ni Chino sa sinabi ko.

I grinned. "I'm just joking. Of course, I know he will say yes the moment I laid down my plan. Jason is someone you can easily toy with. Typical man with an overbloated ego. He'll do anything to feed it. Now back off Chino. He's coming."

Tumayo ako at ipinaskil ang pinakamatamis na ngiti sa mga labi. Sinalubong ko ang nakakunot-noo na lalaki.

"Jason Santos. I'm Femella Alcantara. Nice to meet you." Inabot ko ang kamay ng lalaki na pinaunlakan naman nito.

"What brings the great Femella into my humble abode?" May suyo sa tinig na tanong nito nang makaupo na kami. Si Chino ay nakatayo pa rin sa kalayuan.

I curled the ends of my hair using my fingers and hurled a seductive smile to the guy at the other end of the table. "Well, I have a proposal to make."

Naglaro ang mapang-akit na ngiti sa mga labi nito. Bumaba ang tingin niya sa fitted shirt kong suot at nagtagal doon.

"Let's hear it."

"I want you to bid for me, next week." Walang paligoy-ligoy ko na saad.

Jason laughed mockingly. "Oh yeah? Why?" He indulged me.

I stood my ground and firmly answered. "Because you want me."

The guy laughed heartily. "Tama nga ang mga naririnig ko tungkol sa iyo mula sa mga kalalakihan. Femella Alcantara is fierce, bold and straight-talker. Now I get to experience the real thing at hand. About your proposal, merely saying I want you doesn't sit well with me. You have to do more than that Femella. Convince me, maybe give me a demonstration?" His eyes grazed again to my chest.

I leaned forward and intentionally squeezed my boobs in the process to give him a better look. Hindi niya naman ako binigo. He gawked on them. He is a man after all.

"Hindi mo naitatanong, magaling akong mangumbinsi. First, I'm a good fuck. Ask why men pile on me? It's a simple logic. I'm desirable. I'm beautiful. Second, you want me. Nalaman kong walang nag-bid sa akin last week because of Mr. Fuentebella which leads me to the third one. Getting me is a boost on your ego. Isipin mo, sa lahat ng mayayaman at makapangyarihang lalaki na nagkakandarapa sa akin, ikaw ang napili ko."

"Bakit nga ba ako Femella?" Curiousity is written on his face.

"None of your business. Fourth, I'm a virgin. I have documents to prove that. Fifth, you have a fetish for virgins. Don't deny. I did my little research. And lastly Mr. Santos, you clearly want me so I see no credible reason to reject me. Palay na ang lumalapit sa manok kaya tukain mo na."

The guy just snorted. "And what if I still reject you?"

"Which I doubt you will. Pero kung tatanggihan mo pa rin ako, I can go to your brother and offer him the same proposal." My heart beamed when his face grimaced.

Matagal muna bago sumagot si Jason. Tinitigan muna niya ako na parang hinuhubaran. "I don't know why you resorted to this but call. How much do you need?"

Lihim akong napangiti. "Now you're talking."

Próximo capítulo