webnovel

Chapter 30

"Clear!" Sabi ni Valerie.

"Move!" Sabi ni Luke.

Mabilis na lumipas ang araw, linggo, buwan at isang taon sa bawat isa. Ang TOP ay nagpatuloy sa pagsagip ng buhay sa loob ng ospital samantalang ang ORION nagpatuloy sa pagliligtas ng taong bayan.

"Saan ang date mamaya?" May nanunuksong ngiti sa mukha ni Abigail habang nakatingin kay Valerie. "Sa bahay lang." Natingin bigla sila Archer, Genesis, at Mia sa sagot ni Valerie samantalang napanganga naman si Abigail.

"One year, Val! One year na kayong in a relationship and sa bahay lang kayo mag-celebrate?" Hindi makapaniwalang sabi ni Abigail. "KJ n'yo ha!" Sabi naman ni Archer. "Wala man lang surprise si Luke?" Si Genesis ang nagsalita. "Malay naman natin baka paglabas ni Val mamaya eh nandyan na si Luke sa labas and they will travel out of town." Sabi naman ni Mia. Natatawa lang si Valerie sa mga nadidinig sa mga kaibigan.

"We both need a rest at mas gugustuhin pa namin na mag-stay sa bahay and baka po nakakalimutan ninyo na bukas na din ang flight ko going to Mindanao?"

Saka lang naalala ng TOP na bukas nga ang one week convention ng mga Cardiologists sa buong Pilipinas.

....

"Saan mo dadalin si Val mamaya?" Nakangising tanong ni Andre sa kaibigan. "Sa bahay." Kumunot ang noo ni Andre. "Hindi ba may plano ka na?" Tanong muli ni Andre. "Yeah, ang kaso bukas ang alis niya papuntang Mindanao 'di ba?" Sagot ni Luke. "Pagbalik na lang niya." Dugtong ng binata.

"Uwi na kayo, Cap?" Tanong ni Aziz ng makitang halos sabay na lumabas sila Luke at Andre sa kanilang opisina. "Husband's duty." Sagot ni Andre. "Boyfriend's duty." Sagot naman ni Luke. Iiling-iling na sinundan ng tingin nila Aziz, Ceasar, Darwin, at Bowie ang dalawa.

....

Nagbibihis na si Valerie ng mag-ring ang kanyang phone. Nangiti siya ng makita kung sino ang nasa caller ID.

"Hon!" Excited na bati ni Valerie kay Luke. "Hon, hindi kita masusundo, may emergency meeting kasi eh." Biglang nawala ang masayang ngiti ni Valerie sa maganda niyang mukha.

"Okay, ano'ng oras ka makakauwi?" Tanong ni Valerie. "Hindi ko sure eh." Sagot ni Luke. "Ah, ok." Nangiti si Luke ng halata sa boses ng girlfriend ang lungkot. "Sige na, bye." Magsasalita pa sana si Valerie pero naputol na ang linya.

....

"Ganon!?" Naiiritang sabi ni Abigail ng ikwento ni Valerie ang nangyari kanina. "Yeah." Maikling sagot ni Valerie. "Bakit siya lang? Bakit hindi niya kasama si Andre?" Kumunot ang noo ni Valerie ng madinig ang sinabi ni Abigail. Magsasalita pa sana ang dalaga pero nadinig na nila ang boses ni Andre.

"Tart!" Nakangiting bati ni Andre sa asawa bago niya halikan ito sa labi at himasin ang malaki na nitong tiyan. "Nandito na si Daddy." Sabi ni Andre sabay halik sa tiyan ng asawa.

Kabuwanan na ni Abigail at sabi ng kanyang Obstetrician gynaecologist ay maaring na siyang manganak sa mga susunod na araw kaya ganoon na lang ang pag-iingat sa kanya ni Andre na minsan ay overacting na para sa kanya.

"Saan ang meeting ni Luke? Bakit hindi ka kasama?" Nangiti ng lihim si Andre.

....

"Akala ko ba hindi na tuloy ang plano mo?" Nakangising tanong ni Andre ng madinig ang pag-uusap nila Luke at Valerie sa phone. "Hindi nga pero syempre kahit papano naman magset-up din ako ng date kahit sa bahay lang kami." Sagot ni Luke. "Naks naman, parang hindi Captain ng ORION ang kausap ko ah." Tukso ni Andre. "Basta gumawa ka ng paraan na madelay ang uwi n'yo ha?" Nag-thumbs up si Andre bago sila sumakay sa kanya-kanyang sasakyan.

....

"May mga kailangan lang siyang kausapin." Sagot ni Andre. Naniningkit ang mata ni Abigail na tumingin sa asawa. "Bakit feeling ko may hindi ka sinasabi?" Ngumiti ng pagkatamis-tamis si Andre bago kumunot ang noo. "Tart, mag-CR muna ko ha. Kanina pa hindi maganda timpla ng tiyan ko eh." Magsasalita pa sana si Abigail pero nakatakbo na palayo si Andre.

"Hayaan mo na." Sabi ni Valerie na inaya munang maupo ang buntis na kaibigan. "May tinatago talaga yung mokong na yun eh." Sabi ni Abigail. "Hayaan mo na sabi eh. Malalaman ko din naman yun mamaya pag-uwi ni Luke." Hinimas ni Valerie ang umbok sa tiyan ni Abigail.

"Huwag ka munang lalabas ha? Intayin mo si ninang ha?" Nangiti si Abigail sa sinabi ni Valerie. "Mag-iingat ka doon ha? Bakit kasi hindi mo sinama si Genesis?" Sabi ni Abigail. "At paano ang mga pasyente ko?" Balik na tanong ni Valerie. "Pwede naman natin silang i-refer muna sa ibang Cardiologists." Sabi ni Abigail. "Para namang papayag ang mga iyon. Kung kay Genesis nga minsan nag-aalangan pa sila kung hindi pa nila malalaman na Assistant ko siya, eh paano pa kung sa ibang doctor."

Sabi naman ni Valerie. "Bakit kasi ang galing mo?" Natawa si Valerie sa sinabi ng kaibigan. "Don't worry, nandun naman si Iggy." Ang sabi na lang ni Valerie para mapanatag na ang kaibigan.

....

"Ang tagal mo naman!" Naiinis na sabi ni Abigail ng halos isang oras silang nag-intay kay Andre. "Ang sakit talaga ng tiyan ko eh." Kunyaring hinimas pa ni Andre ang tiyan. "Ano ba kasi ang kinain mo? Tara nga sa ER ng macheck up kita." Sabi ni Valerie. "Hindi na, hindi na. Nabawasan naman na eh. Mabuti pa ay umuwi na tayo." Aya ni Andre sabay alalay sa asawa.

....

"Paktay!" Sabi ni Andre sabay tampal sa sariling noo. Halos hindi pa sila nakakalayo sa ospital ng biglang tumigil ang kotse ni Andre.

"Bakit?" Tanong ni Abigail. "Biglang namatay eh." Sabi ni Andre sabay tingin sa rear view para makita si Valerie. Buti na lang at walang alam si Abigail sa pagmamaneho at hindi din naman nakatingin si Valerie sa harapan.

"Ano ba yan, Tart? Nagugutom na kami ng anak mo." Inis na sabi ni Abigail. "Ang mabuti pa ay kumain muna tayo pero tatawag muna ako ng mekaniko." Sabi ni Andre sabay baba ng kotse para matawagan si Luke. Tinaas kunyari ni Andre ang hood ng kotse para mas maging kapanipaniwala.

"Okay na ba? Naiinis na sa kin si Abigail." Sabi ni Andre habang kausap si Luke sa phone. "Oo, pwede na." Sagot ni Luke at nagmamadali ng pumasok si Andre sa loob ng kotse.

"Oh, bakit umadar na?" Nakataas ang kilay ni Abigail ng tumingin sa asawa. "Hehe, may sinabi lang yung mekaniko na galawin ko." Gusto ng batukan ni Abigail si Andre dahil sa kakaibang kinikilos nito. "Tara na, tara na at baka mag-alburoto na ang inaanak ko eh lumabas bigla." Natatawang sabi ni Valerie.

Próximo capítulo