webnovel

Chapter 44: Arif's issue

ARIF'S POV

"Tapos mo na ba 'yong pinapagawa ko sa'yo?"

{ "Malapit na po, sir Arif." }

"Kailan pa ba 'yang malapit na 'yan? I neded it tomorrow morning, okay?"

{ "S-Sige po, sir." }

"Ipa-deliver mo na lang sa binigay kong address sa'yo." Pinutol ko na ang tawag at ibinaba ang telephone sa mesa. Napatingin ako sa may pintuan nang may kumatok.

"Anak?" si mommy pala. Nilapitan ko ang pintuan at pinagbuksan ito.

"Mom."

"Pwede ba akong pumasok?" Napatango lang ako at saka siya pumasok. Nagmasid lang siya sandali at saka ako binalingan.

"Anak, okay ka lang ba?"

"Yes mom, I'm fine." Lumapit sa akin si mommy.

"Arif, simula nang maaksidente ka pansin ko na parang lumayo ang loob mo sa amin ng daddy mo. Hindi kagaya noon na palagi kang nagkukwento sa amin ng mga bagay na nangyayari sa'yo. Anak, kung may mga pinagdaraan ka o may mga pinoproblema 'wag mong kalimutan na narito kaming pamilya mo at pwede mo kaming maging sandalan." Bahagya akong mapangiti.

"Thanks, mom. Thanks for understanding me."

"Of course, anak. Siya nga pala kinausap ko na ang dad mo, sinabi ko sa kaniya na 'wag ka ng pilitin na sumali sa art competition na 'yon. Ang sabi naman niya..."

"Don't worry mom, magsa-sign up po ako do'n bukas na bukas din." Nakita ko ang saya sa mukha ni mommy.

"Really, anak? Teka, baka naman napipilitan ka lang? Arif, okay lang naman kung hindi ka mag-join do'n eh. Kakausapin ko na lang ulit ang daddy mo alam ko mauunawaan ka naman niya."

"It's okay, mom. I know it's for my own good din naman. Nagpapasalamat po ako sa inyo ni daddy." Maluwang siyang napangiti at agad akong niyakap.

"Love you, anak."

LUNA'S POV

Pagpasok ko sa classroom naabutan ko 'yong mga classmates ko na busy sa kani-kanilang cellphone. Bakit na naman kaya? Nilapitan ko na lang si Jedda.

"Ano'ng meron?" Sandaling napahinto si Je sa pagsi-cellphone at tiningnan ako.

"Usap-usapan kasi sa gc na nag-sign up na raw si Arif do'n sa Art Competition."

"Talaga? Akala ko ba hindi 'yon sasali?" Nangibit-balikat si Je.

"Ewan ko nga rin. Baka ikaw 'yong reason." Nagulat pa ako sa sinabi niya.

"Ako? Bakit ako?"

"Hula ko lang."

"Tss." Bumalik na siya sa pagsi-cellphone. Mabuti naman at naisip niyang sumali. Maya-maya napahawak ako sa tiyan ko. Kung kailan naman nandito na ako sa room saka naman ako tinawag ng banyo.

"CR lang ako." Hindi ko man lang narinig ang boses ni Je at hindi man lang niya ako nilingon. Busy'ng-busy talaga siya sa phone niya. Para namang big deal ang pagsali ni Arif sa competition na 'yon. Ano pa ba aasahan ko famous eh. Dahil dito ang klase namin sa SENG 2 kaya dito ako nagpunta sa likuran. Narito kasi ang CR namin. Nang makarating ako malapit sa may CR napahinto ako saglit dahil may lalaking nakaharang sa daraan ko. Nakasuot siya ng blue t-shirt at naka-pants.

"Ahh... excuse me." Dahan-dahan itong napabaling sa akin.

"Arif! Ikaw lang pala 'yan akala ko kung sino. Ano'ng ginagawa mo dito?" Nakangunot lang ang noo niya at pinagmasdan akong mabuti.

"Uy, bakit ganiyan ka makatingin? Okay ka lang ba?" Nakangiti pang tanong ko. Naguguluhan kasi talaga ako sa reaksyon niya.

"Do you know me?" Ako naman ang napakunot-noo.

"Ano'ng sinasabi mo diyan? Naka-drugs ka, ano?" Hindi pa rin nagbago ang reaksyon ng mukha niya. Ano'ng nangyayari sa kaniya?

"Ah! Famous nga pala ako sa campus na 'to kaya for sure kahit sino makikilala ako and you're one of them, right?" Huh? Si Arif ba 'tong kausap ko? Parang ang yabang niya naman.

"Teka nga alam mo ako kanina pa ako naguguluhan sa mga sinasabi at ikinikilos mo. Hindi kaya nagtatampo ka sa akin kasi hindi kita pinayagan na ihatid ako kahapon?" Nangunot muli ang noo niya. Cute niya din eh.

"Ikaw ihahatid ko?"

"Oo."

"Bakit naman? Hindi nga kita kilala eh at saka..." Pinagmasdan niya ang kabuuan ko. "Sorry ah pero hindi kasi kita type eh." WHATTTT? Hindi agad ako makapagsalita. Eh, ano pala 'yong mga ipinapakita niya sa akin nitong mga nakaraang araw? Hindi ako type? Dahil lang sa hindi ko siya pinayagan na ihatid ako kahapon ganiyan na siya magsalita. Akala mo kung sinong gwapo!

"M-Mas hindi kita type, OKAY!?" bulyaw ko sa kaniya na nagulat pa. Akala naman nito kung sino siyang famous. Yabang!

Tinalikuran ko na siya at pahakbang pa lang sana nang may tumawag sa akin na boses ng babae.

"Ate Luna, okay ka lang po ba?" tanong niya. Tingin ko freshmen siya. Kilala niya ako? Maliit lang siya at cute huh.

Nasaan na si Arif? Imposible namang nakalayo agad dito 'yon eh kakatalikod ko lang naman?

"Ate Luna?" Napatingin ako sa kaniya.

"Okay naman ako, bakit mo naitanong?"

"Eh, kasi ate kanina pa po kita pinagmamasdan habang nagsasalita mag-isa eh."

"Huh?" Todo kunot na talaga ako.

"Ano'ng ibig mong sabihin? May kausap ako dito kanina si Arif." Siya naman ang naguluhan.

"Wala naman po si Kuya Arif dito eh. Saka hindi po 'yon napapadpad dito, Ate Luna. Hindi po ba kayo naniniwala heto po oh nakuhanan po kita ng video kanina." Iniabot niya sa akin ang cellphone na kinuha ko naman. Pinanood ko 'yong video at nakuhanan do'n ang mag-isang ako habang kinakausap ang... wala? Nagsasalita lang ako mag-isa pero wala sa video si Arif. Ano'ng ibig sabihin nito? Bigla akong naguluhan. Napatingin ako sa paligid.

"Eh, sino 'yong kausap ko kanina? Imposible namang hindi si Arif 'yon." Sinampal-sampal ko pa ang mukha ko kasi baka lang nananaginip ako pero hindi naman. Si Arif talaga 'yon eh.

"Luna." Napatingin ako sa tumawag na si Je.

"Halika na andito na si sir." Ibinalik ko na sa kaniya ang cellphone at nagpaalam. Naguguluhan pa rin ako.

Sino pala 'yong kausap ko kanina?

Tapos na ang klase at lahat. Nakatambay na kami dito sa Mini at lahat ay hindi pa rin ako maka-move on sa nangyari kanina. Alam ko na may mali eh pero hindi ko lang maisip kung ano.

"Luna! Mamaya mahipan ka ng masamang hangin ewan ko lang sa'yo," maya-maya'y sabi ni Je. Hindi ko siya pinansin.

"Si Arif, 'day."

"Nasa'n?" agad-agad kong tanong.

"Binanggit ko lang si Arif nabuhayan ka na agad. Aminin, ano'ng meron sa inyong dalawa? Kayo na, ano?"

"Tss. Sandali lang may itatanong lang ako kay Arif." Napatayo na ako at nilapitan sina Arif na tatambay sa isang vacant table. Kasama nito ang mga barkada niya. Pansin ko na hindi sila naka-uniform at nakasuot lang sila ng jersey.

"Hi, Luna!" bati sa akin nang mga barkada niya nang makalapit ako.

"Hi!" Binalingan ko si Arif na nakatayo malapit sa akin.

"Arif, may gusto sana akong itanong sa'yo eh." Naupo na ang mga kasama niya samantalang ito naman ay nanatiling nakatayo gano'n din ako.

"Ano 'yon?" magiliw niyang tanong.

"Ano kasi eh di ba kanina kausap kita do'n sa may likod ng SENG 2? Naka-Nakasuot ka ng white shirt at pants kanina, di ba?"

"Sa likod ng SENG 2?" Napatingin kami sa nagsalitang si Nico. "Hindi naman nagagawi si Arif do'n eh at saka nasa court lang kami kanina naglalaro ng basketball," pagpapatuloy niya pa. Nangunot na talaga ang noo ko. Tuluyan na akong naguluhan sa nangyayari.

"Kanina kasi... Hindi ba talaga ikaw 'yon? Kanina di ba nakasuot ka ng blue na damit tapos naka-pants ka?" Biglang naging seryoso sila. May nasabi ba akong mali?

"Luna, hindi naman nagsusuot ng blue si Arif eh. He hates blue color," sabi ng isang tropa niya. Bakit naman favorite ko kaya ang blue. Kaya pala ni minsan hindi ko siya nakitaan na nagsuot ng outfit na may blue na kulay. Bakit kaya?

"Hindi mo pala alam 'yon, Luna?" tanong no'ng isa pa niyang kasama. Nahihiya akong napailing. Wala naman na silang imik. Parang nagbago din ang mood ni Arif.

Ibig sabihin hindi talaga si Arif  'yon? Kung gano'n sino 'yong nakausap ko na 'yon kanina? Kambal ni Arif? Imposible naman na imagination ko lang 'yong nangyari kanina kasi pinatunayan 'yon no'ng babae. Ahhh! Naguguluhan na talaga ako. Napatighim si Arif.

"What do you mean na nakausap mo ako kanina, Luna?"

"Huh? Ahh... Baka napagkamalan lang kita. Kamukha mo lang siguro 'yon." Napatango-tango lang siya.

DORM. Nakangalumbaba lang ako dito sa may table habang nagluluto sina Paulo at Aliya ng pang-lunch namin. Nagsi-cellphone naman si Elay samantalang may ka-video call naman si Chendy. Si Jedda naman ay nasa tabi ko. Maya-maya nilapitan ako ni Paulo. Pinagmasdan niya ako hanggang sa ilapit pa nito ang mukha sa akin.

"Bakla, buhay ka pa ba? Ano'ng ganap?" Pinasaringan ko lang siya na lumayo na rin sa akin.

"Ano kasi'ng nangyayari sa'yo?"

"Oo nga kanina pa 'yan nakatulala eh," sang-ayon ni Aliya na naghahalo ng niluluto.

"Hay naku, kanina pa ganiyan 'yang si Luna." si Je.

Inalis ko na ang pagkapangalumbaba ko.

"Hindi ba talaga nagsusuot ng kulay blue'ng damit si Arif?"

"Ay, dios ko 'day! Manliligaw mo si Arif pero hindi mo alam ang mga simpleng bagay tungkol sa kaniya?" sabi ni Paulo. Naupo siya sa mat katapat ko.

"Hindi ko siya manliligaw," depensa ko.

"Hindi pa nga raw," singit ni Je.

"Eh, bakit mo ba natanong 'yang about sa blue keme na 'yan?" tanong ulit ni Paulo.

"Kasi nakita ko talaga siya kanina eh at nakasuot siya ng blue t-shirt at pants. Hindi ako pwedeng magkamali siya talaga 'yon eh."

"Girl, bigyan mo na ng ibang kulay si Arif 'wag lang ang kulay asul." si Je.

"May kwento kasi 'yan eh." Napatingin ako kay Aliya na lumapit na sa amin. Napatango-tango naman sina Paulo at Je na mukhang alam na ang sasabihin ni Aliya.

"Paula, ikaw na magkwento."

"Okay, alam na alam ko 'yan eh." Naupo si Aliya sa tabi ni Paulo samantalang ito naman ay atat ng magkwento.

"Bago pa man mangyari ang aksidente kay Arif," panimula ni Paulo. Mataman naman akong nakinig sa kaniya ganoon din 'yong dalawa. Samantalang si Chendy at Elay naman ay may sariling mundo. "Color blue talaga ang favorite niyang kulay. Pero nang maaksidente siya marami nang pagbabago ang napansin ng mga fans niya at isa na ako do'n, bakla. Palakaibigan si Arif dati pero ngayon iilan na lang ang barkada niya. Naging masungit na rin siya hindi kagaya dati na approachable. At natatandaan ko pa about nga diyan sa kulay asul na 'yan, no'ng birthday niya may isang babaeng nagregalo sa kaniya ng t-shirt na blue, gurl. Alam mo ba kung ano ang ginawa ni Arif sa gift na 'yon?"

"A-Ano?" singit ko.

"Sinunog niya lang naman sa mismong harap ng mga bisita niya. Girl, present ako that day." Napanganga ako sa sinabi ni Paulo.

"Isama mo ako, bakla." si Je.

"Kasama ka din?"

"Oo. Hindi mo na siguro tanda pero pinipilit ka naming sumama no'n kaya lang ayaw mo." Nangibit-balikat ako.

"Gano'n niya kaayaw ang blue?" nanghihina kong tanong.

"Super." si Je. "At ayaw na ayaw pa niya na nababanggit 'yon sa harap niya mismo."

"Talaga?" Napatango sila. Kaya pala nagbago expression ng mukha niya kanina.

"Ano'ng dahilan at ayaw niya sa kulay blue?"

"'Yan ang hindi namin alam." si Aliya.

"Tingnan ko lang muna ang niluluto natun." Napatayo na siya at lumapit sa lutuan.

"May kakambal ba si Arif?" Pare-pareho silang napatingin sa akin.

"Saan mo nahagilap 'yang tanong na 'yan, 'day?" Nakangunot na tanong ni Paulo.

"Nag-iisang anak na lalaki lang si Arif tapos isang bunsong babae wala ng iba. Siya 'yong na-meet natin sa concert ng BoybandPh, tanda mo?" Napatango ako.

"Bakit mo ba naitanong 'yan, Luna?" tanong ni Aliya na nakalapit na ulit sa amin.

"K-Kasi kanina may-may nakausap akong kamukhang-kamukha ni Arif at palagay ko... isa siyang... kaluluwa."

"Kaluluwa?" sabay-sabay nilang banggit. Napatingin pa sina Chendy at Elay.

"Oo. Kaya sigurado ba talaga kayo na walang kakambal si Arif."

"Sure na sure kami na wala." si Je.

"Eh, sino pala 'yong nakausap ko kanina?" Hindi na sila nakasagot. Ako nga naguguluhan at hindi rin alam ang sagot eh sila pa kaya.

ARIF'S POV

"Nico, alam mo ba kung nasaan si Arjay ngayon?" Narito kami sa bahay ngayon dahil dito ko siya inayang mag-lunch. Sa lahat ng barkada ko masasabi kong si Nico ang pinakamatapat sa akin kaya naman siya lang ang mas pinagkakatiwalaan ko. Alam niya lahat ang tungkol sa akin at lahat ng mga sekreto ko.

"Hindi ko alam eh tawagan ko ba?"

"Hindi na wala pa naman akong kailangan sa kaniya eh. We'll contact him kapag dumating na 'yong result ng contest."

"Okay. Ah! Siya nga pala Law... Arif, hindi ka ba nagtataka sa sinabi ni Luna kanina?" Naalala ko ulit ang mga sinabi ni Luna kanina.

"Bakit?"

"Wala lang kasi naguluhan lang din ako sa sinabi niya." Ako din naguluhan pero wala naman akong inaalala. Panatag ang loob ko na wala ng gagambala sa akin.

"Pasok na tayo I need to see Luna."

"Okay."

LUNA'S POV

Naglalakad na ako papasok sa school. Hindi ko kasabay si Je kasi may pupuntahan pa raw siya.    Patawid na ako ng kalsada nang mapansin ko si Arif na naglalakad sa may kabilang side malapit sa may gate ng campus.

"Arif!" tawag ko sa kaniya. Hindi niya ako nilingon kaya tinawag ko ulit siya ng isang beses hanggang sa mapansin niya na ako. Napahinto na siya at mukhang hinihintay akong lumapit. Ang reaksyon niya ay gaya pa din nang makita ko siya kanina. Nasa kalagitnaan na ako ng pagtawid sa kalsada nang may tumawag naman sa pangalan ko mula sa likuran. Napahinto ako. Hindi ako pwedeng magkamali dahil kilala ko ang boses na tumawag sa akin. Dahan-dahan akong napalingon at napamulagat talaga ako sa lalaking nakatayo 'di kalayuan sa akin. Maluwang siyang nakangiti at kumakaway pa. Samantalang ako naman ay hindi makahuma ni hindi makakilos sa kinatatayuan ko. Mabuti na lang at wala masyadong sasakyan ngayon dito. Nang matauhan ako ay agad akong napabalik-tingin kay Arif na una kong nakita. Sobra ang pagkagulat at lito ko nang makita ko siya doon na nakatayo pa rin at nakamasid sa akin. Kinurap ko ang aking mga mata saka muling tingnan ang Arif na nasa aking likuran. Nakatayo pa rin ito doon at nakangiti sa akin.

"Luna," tawag niya pa ulit sa pangalan ko. Nangunot na ng tuluyan ang aking noo.

Bakit dalawa ang nakikita kong Arif ngayon? Sinasabi ko na nga ba at may kakambal siya eh.

Muli akong napatingin kay Arif na nasa may malapit sa gate. Napansin ko na hindi na ako ang tinitingnan niya ngayon at nang sundan ko  ang tinitingnan niya ay si Arif pala na nasa may likuran ko na sa akin naman nakatingin. Mataman lang siyang nakatingin dito. Maya-maya ay mas may ikinagulat pa ako sa mga nangyayari. Napalaki na talaga ang aking mga mata nang may babaeng biglang dumaan kay Arif na nasa gate at malagpasan lang siya nito. Napabuka pa ang bibig ko sa pagkabigla.

Isa siyang kaluluwa? Hindi ko maialis ang paningin ko sa kaniya. Sobra talaga akong nagulat. Maya-maya nag-iba na ang expression niya na parang galit na galit.

"Hey, Luna!" Napalingon ako sa nagsalitang si Arif na nakalapit na pala sa akin. Maaliwalas ang mukha niya at mukhang hindi nalalaman ang nangyayari.

Ano'ng ibig sabihin nito? Bakit dalawa ang Arif?

"A-Arif?" Nanginginig ko siyang hinipo sa may dibdib niya. Naramdaman ko na tumitibok naman ang puso nito. Parang nagtaka naman ng bahagya si Arif. Napalingon ako sa isa pang Arif at nakita ko pa rin siyang nakatayo doon at nakatingin lang ng diretso kay Arif. Hanggang sa maglaho na ito agad.

"Are you okay?" Napabalik ako ng tingin kay Arif. Agad kong inalis ang kamay kong nasa may dibdib pa rin niya.

"S-Sorry! Ka-Kasi... ano...." Naituro ko pa ang kinatatayuan ng isang Arif kanina pero wala namang eksplanasyong lumalabas sa bibig ko.

"Kasi ano?"

"Ahh.... wa-wala. Alis na ako." Umalis na agad ako. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero hindi ko na siya nilingon. Nagtuloy ako sa CR ng SBM at agad naghilamos ng mukha. Matapos ay napatingin ako sa salamin.

"Panaginip lang 'to. Panaginip lang 'to." Sinampal-sampal ko pa ang mukha ko pero ako lang din ang nasaktan.

"Hindi ako nananaginip?" mangiyak-ngiyak kong turan sa sarili.

Ano'ng nangyayariiiiii? Sino sa kanila si Arif? Hindi ko naman siguro imahinasyon ang isang Arif na 'yon, di ba? Helppppppp!

Pagdating ko sa classroom namin hinila ko agad si Je papunta sa may gilid. Hindi na talaga ako makatiis na hindi sabihin sa kaniya.

"Dahan-dahan nga, ano ba 'yon? Aligaga ka na naman eh."

"Je, ano... kasi nakita ko si... nakita ko si... Kanina kasi pagpasok ko may... may ano... dalawa! Hindi ako nananaginip, di ba?"

"Huh?" Nakanganga pang banggit niya.

"Sa dami ng sinabi mo ni isa wala akong na-gets. Ano ba kasi ang sasabihin mo? Kumalma ka nga muna, bakla! Hinga." Kinalma ko muna ng kunti ang sarili ko.

"Okay ka na?" Napatango ako. "Ngayon sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin."

"P-Pagpasok ko kanina nakita ko si Arif."

"Dios ko 'yan lang pala ang sasabihin mo? Akala ko naman kung ano ng emergency, girl."

"Makinig ka muna kasi. Kanina nakita ko si Arif... dalawang Arif." Natigilan din siya saka biglang tumawa.

"Nakahithit ka, ano?"

"Maniwala ka nga dalawa ang nakita kong Arif kanina sa may labas ng campus. Isang buhay na Arif at isang kaluluwang Arif. Hindi-Hindi nga rin ako makapaniwala eh akala ko nananaginip lang ako pero totoo, Je. Dalawa sila!"

"'Yan ba 'yong kinukwento mo sa amin kanina?"

"Oo!"

"Totoo ba 'yan?"

"Totoong-totoo! Je, hindi ako pwedeng magkamali kitang kita ng dalawang mata ko."

"Ano'ng ibig sabihin no'n? Kung dalawa ang Arif na nakita mo kanina, sino 'yong isa?"

"'Yan ang hindi ko alam. Masisiraan na yata ako ng ulo!"

Sino nga kaya 'yong isa?

"Nakausap mo na ba 'yong sinasabi mong Arif na kaluluwa?"

"Oo pero hindi kami masyadong nagkausap."

"Kung gano'n siya ang kailangan mong makausap, Luna. Alam na ba ni Arif ang tungkol dito?"

"Mukhang hindi pa."

"Mabuti! Huwag mo munang sabihin sa kaniya ang nalaman mo ngayon. Kailangan tayo ang unang makatuklas kung ano ang hiwagang meron sa kaniya." Naging seryoso na si Jedda.

"Kung gano'n kailangang makita ko ulit ang kaluluwa na 'yon."

__________________________________________________

Hay naku Luna pati ako curious na rin. Sino ba kasi 'yon? Kayo ba alam niyo na? Ehem! Ha-ha! Let's see sa next chapter, guys. Nalalapit na ang pagtatapos.💙💙💙

Próximo capítulo