webnovel

Chapter 31: Azine's Mission

AZINE'S POV

Pinagmasdan ko lang si Luna habang natutulog. Maya-maya may natanggap ako na emergency signal mula sa Paraiso. Sinulyapan ko lang si Luna at saka umalis na rin.

Naabutan ko sina Sky at Cloud nang makarating ako dito sa Paraiso. Nangunot ang noo ko nang mapansin ko na nandito halos lahat ng mga anghel at mga Grim Reaper. Sinenyasan ako ni Sky nang mapansin nila ako na nakatayo lang.

"Ano'ng meron dito?" tanong ko sa dalawa nang makalapit ako.

"Nagpatawag ng pagpupulong si San Pedro." si Sky.

"Tungkol saan?" Nangibit-balikat na lang sila.

"Mga anghel at Grim Reaper, magsilapit kayo dito sa aking harapan." Pumwesto kami sa may gilid. Nagsimula ulit si San Pedro.

"Salamat sa pagdalo sa kabila nang pagiging abala ninyo sa inyong mga sari-sariling misyon. Gusto ko'ng ipaalam sa inyong lahat na may isang misyon tayo na hindi pa rin nalulutas hanggang sa ngayon." Nagsibulungan ang iba dahil sa ibinungad ni San Pedro. Nagkatinginan lang naman kami nina Sky at Cloud.

"Ano ho'ng misyon 'yon, San Pedro?" tanong nang isang anghel.

"May isang kaluluwa na nagkukubli sa katawan ng isang tao. Hindi siya dapat manatili sa lupa at gumamit ng ibang katawan para magpatuloy ang buhay niya. Nararamdaman ko na ang kaluluwang iyon ay hindi gagawa ng mabuti sa lupa kaya't nang malaman ko ay agad ko'ng inatasan si Rain na bumaba sa lupa upang hanapin ang kaluluwang iyon subalit sa unang pagkakataon ay nabigo siya." Si Rain ang kilalang Grim Reaper dito sa Paraiso. Magaling siya sa pagtugis ng mga kaluluwa pero bakit kaya nabigo siya? Napatungo na lang si Rain na nakatayo sa gilid ni San Pedro.

"Nabigo ko kayo, San Pedro." Hinarap kami ni Rain. "Mahirap hanapin ang kaluluwang 'yon. Hindi ko alam kung paano niyang naikukubli ang sarili kung kaya't hindi ko siya natunton sa ilang linggo ko'ng paghahanap sa kaniya. Masyado siyang magaling magtago. Kakaiba siya'ng kaluluwa," paliwanag pa ni Rain.

"Gusto ko'ng magtalaga ng isa sa inyo upang hanapin ang kaluluwang 'yon. Meron ba'ng magbuboluntaryo sa inyo?" Sandali kami'ng natahimik lahat hanggang sa napatingin sa akin si San Pedro.

"Azine." Napatingin na rin sila sa akin. Napatighim naman ito'ng dalawa.

"Sa'yo ko gustong ibigay ang misyon. Naniniwala ako sa katangian mo bilang isang Grim Reaper. Baguhan ka pa lang pero hindi mo ako binigo sa mga ibinibigay ko sa'yong tungkulin. Ayos lang sa'yo, Azine?" Hindi agad ako nakasagot pero magandang opurtunidad ito para sa akin.

"Tinatanggap ko po, San Pedro." Napatango-tango siya at saka tumayo at lumapit sa may pwesto ko.

"Kayong lahat pabor ba kayo na si Azine ang humawak sa misyon?" Sumang-ayon naman sila'ng lahat.

"Kung gano'n sa'yo ko ibinibigay ang misyong ito, Azine. Hanapin mo ang kaluluwang nagkukubli sa katawan ng tao at dalhin mo sa Purgatoryo upang malitis. Binabalaan kita, Azine, masyadong delikado ang isang ito kaya naman mag-doble ingat ka kapag nakaharap mo na siya. Mag-report ka kaagad sa akin kapag nahanap mo na siya."

"Dadalhin ko sa purgatoryo ang kaluluwang 'yon. Salamat sa pagtitiwala." Binalingan naman ni San Pedro ang iba.

"Sakaling mabigo si Azine, isa sa inyo ay kailangang sumalo sa misyon kaya maghanda kayo. Kailangan nating magkaisa kung hindi pa rin mariresolba ang kasong ito. Mahalaga ang misyong ito kaya kung maaari ay magtulungan kayo'ng lahat mga anghel at Grim Reaper. Pwede na kayo'ng bumalik sa inyo'ng mga tungkulin. Paalam!" Umalis na rin kaagad si San Pedro. Iniwanan na lang ako ng "good luck" ng mga anghel at Grim Reaper saka umalis. Naiwan kaming tatlo ni Sky at Cloud.

"Tutulungan ka namin." Napatingin ako kay Sky.

"Oo nga, Azine. Magtatanong-tanong din kami sa lupa. Sa ngayon bumalik na tayo sa trabaho."

LUNA'S POV

Nalibot ko ng tingin ang kwarto ko. Simula kanina hindi ko pa nakikita si Azine.

Akala ko ba sasama siya?

Tiningnan ko ang bulaklak na dinala ko ulit dito. Ayokong iiwan sa dorm kasi baka pagbalik ko wala na. Baka busy si Azine ngayon kaya hindi niya ako pinupuntahan. Napatayo na ako at kinuha ang backpack ko saka lumabas na.

"Ready na ba kayo?" tanong ni mama nang makababa ako. Ngayon na kami aalis papuntang Manila kasi bukas na ang concert ng BoybandPh.

"Born to be ready, Tita." sagot ni Paulo na halatang excited. Nandito din sila kanina pa.

"Tita Yvonne, hindi ka ba talaga sasama sa'min?" si Je.

"Hay naku ija walang makakasama ang lola Cora mo dito. Kayo na lang tatlo, mag-enjoy kayo do'n, huh."

"Sure 'yan, Tita," singit ni Paulo. Iniwan ko muna sila at pinuntahan si lola sa kwarto saka nagpaalam. Lumabas na rin ako agad matapos 'yon.

"Dalhin ko na 'tong gamit mo sa kotse." Kinuha ni Paulo ang backpack ko at nauna na sa labas. Nagsimula na rin kaming maglakad tatlo.

"Ano'ng pangkukumbinsi ang ginawa mo at ipinahiram sa'yo ni Tito Aly ang kotse niya, huh, Paulo?" Natatawang tanong ni Jedda nang tuluyan kaming makalapit. Iyon ang gagamitin namin paalis.

"Kunting bola lang tapos lambing-lambing. Alam mo naman si papa masyadong madaling mauto." Nagkatawanan kami.

"Isusumbong kita kay Aly makita mo Paulo."

"Si Tita Yvonne naman hindi na mabiro. Ha-ha-ha!" Napailing na lang ako.

"So paano umalis na tayo kasi baka maiwan na tayo ng barko." Aya na ni Je. Hinarap niya si mama. "Bye, Tita!"

"Bye, ija!" Nakipagbeso siya kay mama.

"Bye, Tita Yvonne!" Nag-wave na lang si Paulo kay mama.

"Bye! Paulo, ingat sa pagmamaneho, huh?"

"Yes, tita." Hinarap ko si mama.

"Alis na kami, 'ma."

"Okay! Ikumusta mo na lang ako sa kuya mo. Luna, 'wag pasaway sa Kuya Von mo, huh? Paalam kayo sa kuya Von mo kapag lalabas ng bahay, okay?"

"Okay."

"Pa-kiss nga ulit." Hinalikan ulit ako ni mama sa pisngi. She's treating me like a kid talaga.

"Drive slow, okay? Bye guys!" Nag-wave na lang ulit kami sa isa't isa. Pumasok na ako sa kotse at ilang sandali pa ay umalis na rin.

MAKATI, MANILA.

Matapos ang ilang oras na byahe ay inihinto na ni Paulo ang kotse sa tapat ng bahay ni Kuya.

"We're here!" Tinanggal ko na ang seatbelt ko at bumaba. Nakita ko kasi agad si Kuya na nakatayo sa harap nang gate ng bahay niya.

"Kuya!" Lumapit kaagad ako sa kaniya.

"Luna." Binalingan niya muna si Paulo. "Paulo, idiretso mo na ang kotse sa garahe." Saka ako hinarap ni Kuya.

"Kumusta ang byahe?"

"Nakakapagod syempre."

"Hayaan mo na kapalit naman niyan ay ang concert ni Niel mo." Napangiti ako ng maluwang.

Biglang naglaho ang pagod ko, ah. BoybandPh, here I am.

"Hi, Doc Von!" Nakalapit na rin sa amin si Je.

"Hi, Je! Let me help you." Kinuha ni Kuya ang dalang paper bag ni Je. 

"Thanks, Doc."

"Let's go inside."

"Okay!" Pinuntahan ni Kuya si Paulo at tinulungan sa mga backpack namin saka kami pumasok na sa loob.

Maraming beses na kaming nagbakasyon ditong tatlo kaya familiar na rin kami sa bahay ni Kuya. Malaki at maganda ang bahay niya kaya lang parang nakakatakot dito dahil mag-isa lang si Kuya. Hindi ko talaga feel ang mag-isa lang sa bahay.

"Nag-prepare ako ng late lunch kumain na muna kayo." Mag-aalas dos na kasi nang makaraing kami dito.

Nagtuloy agad kami ni Je sa dining area ni Kuya samantalang ibinaba muna no'ng dalawa ang mga dala sa sofa. Wala naman ako'ng masyadong nararamdaman  dito kaya makakapag-rest ako ng tahimik. Dito na lang muna ako sa bahay ni Kuya.

"Wow, ang sasarap! Ikaw nagluto, Doc?"

"Yep! Chicken joy lang ang hindi."

"Favorite kasi 'to ni Luna." Napangiti ako kay Kuya.

"I love you na talaga, Kuya."

"Love you too. Sige na kumain na kayong tatlo." Nagtuloy muna ako sa sink at naghugas ng kamay saka muling bumalik sa kanila at naupo. Dumampot ako ng chicken joy at nagsimulang kumain. Kumakain na rin sila maliban kay Kuya Von.

"Pagkatapos niyo'ng kumain pwede na kayo'ng magpahinga muna. Mamaya o bukas  magsisimula na tayo'ng gumala."

"May time ka naman ba, Kuya Von?" tanong ni Paulo habang kumakain.

"Gagawan natin ng paraan 'yan. Luna, kumain ka ng gulay." Kapag nandito ako palagi na lang healthy food ang hinahain ni Kuya. Hindi yata uso sa kaniya ang junk foods. Good for me.

Maya-maya nag-ring ang phone na nasa bulsa ko. Si mama. Ibinaba ko muna ang hawak kong manok.

"Hello, ma?"

{ "Luna, nasa'n na kayo?" }

"Nandito na po kami sa bahay ni Kuya Von, ma."

{ "Hay naku mabuti naman kung gano'n. Ang kuya mo nasaan?" ]

"Nandito po." Ni-loudspeaker ko ang phone at tinapat kay kuya.

"Si mama."

"Hi, ma."

{ "Von, anak, ikaw na bahala diyan sa tatlo, huh? 'Wag mo hayaan gumala 'yan ng kanila lang, okay?" }

"Okay, ma."

"Mama, marunong naman po ako sa direction."

{ "Basta, malaki ang Maynila, Luna. O, siya siya at ibaba ko na ang telepono para naman makapagpahinga muna kayo. Ingat kayo diyan, huh?" }

"Opo."

"Bye, Tita Yvonne!" korus ni Paulo at Je.

{ "Bye! Enjoy kayo diyan." }

"Bye, ma." Binabaan niya na ako. "Si mama talaga oh."

"Tinawagan din ako ni papa kanina eh inform ko na lang siya later na nandito na kayo. Sige na kumain pa kayo." Dinampot ko ulit ang chicken joy at kumain. Maya-maya nagsalita ulit si Kuya.

"Luna." Napatingin ako sa kaniya.

"May nararamdaman ka ba'ng spirits dito?"

"Wala naman."

"Doc, naniniwala ka sa mga spirits?" Tanong ni Je.

"Oo naman."

"Meaning naniniwala ka kay Luna, Kuya Von?" Si Paulo naman.

"Yeah." Nginisihan ko ang dalawa.

"The best ka talaga, Kuya." Nginitian lang ako ni Kuya. Nagpatuloy na ako sa pagkain ng chicken joy. Sarap talaga. Yummy!

As usual na set up magkasama kami ni Je sa isang kwarto while si Paulo naman ay nasa kabilang guestroom. Ayaw siyang ipasama sa'min ni Kuya eh. Mala-Azine din ang peg?Speaking of Azine. Baka busy 'yon sa pagsundo ng mga kaluluwa. Hayaan na nga lang siya. Hinubad ko ang sapatos na suot ko at ibinagsak ang katawan sa malambot na kama. Ang sarap matulog! Sobrang nakakapagod kasi talaga ang magbyahe.

"Hindi ka magpapalit?" tanong ni Je na naghahalwat ng gamit niya.

"Later," tamad ko'ng sagot. Ipinikit ko na ang mata ko at natulog.

Nahinto ako sa paglalakad nang makita ko si Azine na nakatayo hindi kalayuan sa kinapupwestuhan ko. Nakatalikod siya sa akin. Wala ako'ng masyadong makita dahil madilim dito at hindi ko rin alam kung nasaan kami. Maliwanag ang puting kasuotan ni Azine.

"Azine," tawag ko sa kaniya pero hindi pa rin siya lumingon sa akin. Tila hindi niya ako naririnig.

Humakbang siya maya-maya kaya napasunod na lang din ako habang tinatawag pa rin ang pangalan niya. Hindi pa rin niya ako nilingon hanggang sa maya-naya ulit napahinto na si Azine.

"Azine, sa'n ka pupunta?" Napalingon siya sa akin. Walang emosyon ang mukha niya at direkta lang na nakatingin sa akin.

"Ano'ng ginagawa mo dito?"

Nangunot ang noo ko. "Hindi ko alam. Ikaw, ano'ng ginagawa mo dito?"

"Umalis ka na dito, Luna, hindi ka dapat narito. Babalikan kita kapag natapos na ang misyon ko. Bilisan mo umalis ka na." Nag-aalalang mukha ni Azine ang nakita ko. Halatang seryoso siya sa sinasabi niya.

"Ano ba'ng problema, Azine? Ano'ng misyon?" Bigla ako'ng nakaramdam ng pag-aalala para sa kaniya.

May biglang lumitaw na kaluluwa pero hindi ko makita ang mukha nito dahil halos mabalot na ito ng itim na usok. Umaapoy pa ang may mukha nito kaya nakaramdam din ako ng takot. Napatingin si Azine sa halimaw na kaluluwa. Namalayan ko na lang na naglalaban na sila'ng dalawa. Napasigaw ako nang mapatumba si Azine dahil sa malakas na kapangyarihang itim na ibinato ng halimaw na kalukuwa sa kaniya. Nilapitan pa niya si Azine at sinakal hanggang sa maglaho na si Azine.

"AZINE! AZINE! ANO'NG GINAWA MO KAY AZINE? AZINE!" 

"Luna! Luna, gising." Naimulat ko ang mata ko at si Je ang nasilayan ko.

"Ayos ka lang? Binabangungot ka ba?" Napabangon ako at sinapo ang sarili. Pawis na pawis pala ako.

"Ikukuha kita ng tubig dito ka lang." Bumaba na si Je at agad din namang bumalik dala ang baso ng tubig.

"Inom ka muna." Hinimas niya ang likod ko bilang pampakalma. Matapos ko'ng uminom inabot niya sa akin ang baso at inilapag sa side table. Naupo siya sa tabi ko.

"Mukhang masama ang napanaginipan mo ah. Ano'ng nangyari kay Azine sa panaginip mo?" Bigla ako'ng napatingin kay Je.

"Binabanggit mo kasi ang pangalan niya kanina habang binabangungot ka," sagot niya na wari ba'y nahulaan na ang tanong na nasa isip ko. Napatingin ako sa ibang direksyon bago siya sagutin.

"Namatay si Azine sa panaginip ko. Pinatay siya ng isang itim at halimaw na kaluluwa." Sandaling natigilan si Je saka maya-maya ay bahagyang napangiti.

"Huwag ka nga'ng magpaapekto sa mga ganiyang panaginip. Ang sabi ng matatanda kabaligtaran lahat ang panaginip. Wala naman sigurong mangyayaring masama kay Azine." Alam ko'ng pinapagaan niya lang ang loob ko.

"Bakit ako nanaginip ng gano'n? Hindi kaya... Hindi kaya may-may nangyari kay Azine?" Mas lalo ako'ng kinabahan sa naiisip ko.

"Ayst! Sinabi na ngang 'wag ka'ng masyadong nega eh. Ano naman ang mangyayari sa isang kaluluwa? Relax ka lang, okay? Ang mabuti pa magpalit ka na muna at lalabas tayo'ng tatlo. Nag-aya kasi si Doc na kumain sa labas. Go na, wait kita dito." Napatango na lang ako.

Ano nga ba ang pwedeng mangyari sa isang kaluluwa? Pwede pa rin ba sila'ng mapahamak kagaya naming mga buhay?

Bumaba na kami matapos ko'ng makapagpalit. Naabutan namin sina kuya sa living room. Nakabihis din sila at halatang ako na lang ang hinihintay.

"Ang ganda naman ng little sis ko," bati ni Kuya. Nasa harap na nila kami.

"Eh ako hindi mo ba babatiin, Doc?" pabirong sabi ni Je na nilangkapan pa ng reaksyong animo'y nagtatampo.

"Syempre maganda ka rin."

"Eh ako kuya Von?" Napatawa kami sa hirit ni Paulo bagamat ito naman ay nakasuot ng panlalaki.

"Wala ka'ng ganda, bakla," pang-aasar ni Je kaya nagsitawanan na lang kami.

"Shall we go?" aya ni Kuya.

"Okay, let's go." Lumabas na kami ng bahay at nagtuloy sa kotse. Ang kotse na ni Kuya ang gagamitin namin.

Tahimik lang ako sa buong byahe namin. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang panaginip ko kanina. Wala naman sigurong ibig sabihin 'yon.

SALA RESTAURANT. Nakakahiya naman pumasok dito halatang mamahalin. Hindi pa ako nasanay kay Kuya Von. Nasa Makati lang din 'to. Sa pagkakaalam ko European dishes ang sini-serve dito eh. Minsan na kasi kaming nakakain dito nila mama.

"Dr. Von Zyke Del Mundo, sir. Welcome po sa inyo!" bungad nang waiter kay Kuya at sa amin.

"Thanks, bro."

"This way to your reservation, doc." Sumunod na lang kami kay Kuya. Sa isang table na good for four person kami dinala nitong attendant. Naupo agad ako gano'n din sila.

"Ang sosyal naman dito, friend. Doc Von, madalas ka ba dito?" tanong ni Je na.

"Oo eh dito ako madalas kumain kapag tinatamad ako magluto. Masarap kasi mga dishes nila dito eh, Europe."

"Tama po kayo, doc."  singit nitong attendant. "Sigurado kapag natikman niyo ho ang mga specialties ng restaurant baka araw-arawin niyo po ang pagpunta dito." Nakangiting sabi nito.

"Talaga?" si Bakla.

"Oho naman, s-sir." Natawa ako ng bahagya sa pag-aalinlangan nitong tawagin si Paulo ng sir. He-he.

"Pero mukhang imposible 'yon kasi mga probinsyana kami eh."

"Walang problema sir pwede naman ho kayo'ng bumisita dito anytime you want. O-order na ho ba kayo?"

"Ang chika mo kasi eh pero gusto ko 'yang mga ganiyang waiter hindi boring. Dahil diyan mamaya may tip ka kay Doc Von." Napatawa si Kuya.

"Ipinasa mo pa talaga kay Doc, bakla."

"Gano'n talaga."

"Ha-ha! Hay naku um-order na nga kayo para makakain na tayo." Kinuha ko ang menu na nasa table.

"Doc Von, sagot mo kahit ano huh." si Je.

"Of course! Order lang kayo ng mga gusto niyo. About the bill? Leave it to me." Napangisi ang dalawa at muling binalikan ang menu. 

"Kuya, pwedeng ikaw na lang um-order nang para sa akin? Hindi ko alam kung ano ang masarap dito eh." Ibinaba ko na lang muna ang menu.

"Okay."

"Pero sa dessert ko gusto ko 'tong Italian almond cake with strawberries and vanilla ice cream. Iti-take out na lang natin matitira. Tapos orange juice sa'kin."

"Okay, ma'am." Um-order na si Kuya saka ang dalawa.

"Wala na po ba?"

"'Yon lang."

"Okay po." Inulit niya lang mga order namin ulit. Matapos at kinuha niya na ang mga menu saka nagpaalam sa amin na umalis. Napatingin-tingin na lang ako sa paligid habang naghihintay. Sila naman ay nag-usap lang.

"Little sis, are you okay?" Napatingin ako kay Kuya. Napatingin din sa akin ang dalawa. Napangiti ako agad.

"O-Oo naman, kuya. Bakit?" Medyo lumapit si Kuya sa akin kasi katabi ko naman siya.

"Baka lang may mga multo dito at ginugulo ka." Mahinang sabi niya. Natawa na lang ako.

"Meron nga kuya pero hindi naman nila ako ginugulo."

"That's good." Maya-maya lang nag-serve na rin ang waiter. Mukhang masasarap nga ang mga dishes dito.

"Wow! Mukhang 'da best nga 'tong restaurant na 'to ah." si Je.

"Oho naman, ma'am."

"Ang diet mo, bakla!" si Paulo.

"Hindi naman ako nagda-diet eh."

"Enjoy your food, ma'am, sir! Tawagain niyo na lang po ako kapag may kailangan pa kayo. Excuse me po." Nagsimula na rin kaming kumain kasi bigla akong nagutom matapos kong makita lahat ng pagkain.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang makaramdam ako ng pagtawag ng banyo. Naiihi ako. Uminom muna ako ng tubig saka tiningnan sila.

"Kuya, punta lang ako ng restroom."

"That way, Luna." Turo ni Kuya sa kinapupwestuhan ng restroom.

"Okay."

"Go ahead." Tumayo na ako at nagtuloy sa banyo.

Bumungad sa akin ang isang babaeng multo.  "Luna!"

"Huwag ngayon puputok na 'tong pantog ko." Pumasok na agad ako sa isang cubicle.

"Hay salamat." Lumabas na ako matapos.

"Nasa'n na 'yon?" Hindi ko na nakita 'yong kaluluwa kanina. Nagtuloy na lang ako sa may sink. May malaking salamin dito kaya nakisalamin na rin ako. Sana lang walang multo paglabas ko. Inayos ko lang ng kunti ang buhok ko.

Pahakbang na sana ako paharap nang may mabanggaan ako'ng ginang. Hindi naman siya natumba pero nalaglag lang sa sahig ang dala nitong pouch.

"I'm sorry po, ma'am!" Napayukod ako agad at saka pinulot ang ilang mga gamit na lumabas mula sa nakabukas na pouch. Kasalukuyan yata itong may kinukuha doon nang mabangga ko kaya nakabukas. Napatayo na ako ay iniabot sa ginang ang gamit niya.

"Sorry po talaga hindi ko ho kayo napansin. Heto ho ang gamit niyo, ma'am." Halatang mayaman ito sa itsura at pananamit pa lang. Maganda siya at sexy kahit halatang kaedad lang siya ni mama. Si mama kasi medyo chubby. Kinuha niya ang iniaabot kong pouch.

"Walang anuman, ija, okay lang."

"Salamat po." Pinagmasdan ko ang mukha niya. Bakas sa kaniya ang kagandahan at isa pa napakaamo ng mukha niya.

"Bakit ija m-may dumi ba sa mukha ko?" Napailing agad ako at napangiti.

"Ang ganda niyo ho kasi ma'am tapos ang bait niyo pa po. Hindi manlang po kasi kayo nagalit sa akin nang mabangga ko kayo." Napangiti din ito ng maluwang. Halata sa kaniya na mabait talaga siya.

"Bolera ka, huh."

"Hindi naman po nagsasabi lang po ako ng totoo."

"Hay naku ayokong magalit kasi baka masira ang beauty ko." Nagkatawanan kaming dalawa.

"Ikaw rin ija napakaganda mo rin."

"Salamat po." Napababa siya ng tingin. Maya-maya napansin ko na biglang nagbago ang reaksyon ng mga mata  niya. Pansin ko na nakangiti nga siya pero iba naman ang sinasabi ng mga mata nito. Naramdaman ko na parang may dinaramdam siya.

"Ayos lang po ba kayo, ma'am?" Tiningnan niya ako.

"Thank you, ija." Nangunot ang noo ko.

"Para ho saan?"

"Kasi napangiti mo ako ngayon. Na-realized ko na matagal na rin pala ako'ng hindi nakakatawa at nakangingiti ng ganito." Napawi na rin ang mga ngiti sa labi ko. Parang isang iglap naging kaisa ang puso ko sa anumang nararamdam ng ginang.

"Mabuti naman ho at napasaya ko kayo, ma'am. Hindi ko po alam ang problema niyo pero sana ho maging malakas kayo at 'wag susuko. Palagi lang ho kayong mag-pray kay God at sasagutin niya ho ang lahat ng mga panalangin niyo." Kinuha niya ang kamay ko at nginitian ako.

"Maraming salamat sa'yo, ija. Sana nga sagutin na ng Panginoon ang panalangin ko sa Kaniya." Binitawan niya na ang kamay ko. 

"Huwag ho kayong mag-alala hindi niya ho kayo pababayaan. May kaibigan nga ho ako na mas nakakaawa eh. Sinasabi niya sa akin na namatay siya pero hindi niya alam kung paano at bakit siya namatay. Wala ho siyang pagkakataon para malaman ang nangyari sa kaniya. Kaya anuman ho ang problema niyo malulutas niyo po 'yan kasi maraming pagkakataon ang isang buhay na katulad  natin para malutas ang isang problema." Hindi na ako nakarinig ng salita mula sa kaniya. Nag-ring ang cellphone ko na nasa sling bag na dala ko. Kinuha ko at tiningan kung sino ang tumatawag. Si Je. Hinarap ko muna ang ginang.

"Mukhang hinahanap na ho ako nang mga kasama ko. Maiwan ko na ho kayo, ma'am. Laban lang po, huh." Tinanguan niya lang ako at nginitian. Gano'n din ako sa kaniya saka lumabas na at sinagot ang tawag ni Je.

"A-Ano'ng ibig niyang sabihin?"

______________________________________________________

Thank you so much, guys. Love ya'll 💙💙💙

Anyways,' wag ninyong kalimutan na mag-FAN sa' kin, VOTE, and SPREAD THE STORY.

Please, mahalaga po ang VOTE niyong lahat.

MARAMING SALAMAT! ☺️

OTHER STORY:

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero Terror [ https://www.wattpad.com/story/210888996?utm_medium=link&utm_source=android&utm_content=share_writing ]

Próximo capítulo