webnovel

Chapter 27: Kuya Von

LUNA'S POV

Natigilan kami sa pagkain nang mag-ring ang cellphone ko.

"Kuya Von mo, Luna." Sabi ni Je. Nandito pa rin kami sa Clinic at kasalukuyang kumakain. Iniabot ko muna kay Paulo ang pagkain ko at kinuha ang cellphone. Sinenyasan ko muna sila na tumahimik saka ko sinagot ang tawag ni Kuya.

"Kuya!" Masaya ko'ng bungad sa kaniya. Sakto, kailangan ko'ng makarinig ng boses mula sa pamilya ko para ganap ako'ng maka-recover.

[ "Are you that excited to talk with your handsome kuya?" ]

"Oo na kasi naman na-miss kita, Kuya."

[ "Totoo ba 'yan miss mo ako?" ]

VON ZYKE'S POV

[ "Syempre, ikaw lang ang nag-iisa ko'ng kuya eh." ] Napangiti na lang ako.

"Nasa'n ka, nasa school ka ba ngayon?"

[ "Yes, kuya." ]

"Ibababa ko na muna, Luna. I'll call you again."

[ "Okay." ]

Binusinahan ko ang guard bago ako tuluyang pumasok sa gate at may isa namang lumapit sa akin.

"Yes, sir?"

"Okay lang ba ako'ng mag-park sa loob? May bibisitahin lang ako'ng isang student ng MSU."

"Kailangan niyo pa sir mag-sign in sa aming log book. Eh, sino ba sir ang bibisitahin niyo dito?"

"Si Ms. Maria Luna Del Mundo sana eh."

"Si Ms. Luna, sir?"

"Kilala niyo, Kuya guard?"

"Aba syempre naman po, eh, tropa po namin 'yon eh."

"Huh?" Tropa?

"I mean medyo close naman po kami. Kaanu-ano ka po ba ni Ms. Luna, sir?"

Naging artista na yata ang little sis ko dito.

"I'm her older brother, Doctor Von Zyke Del Mundo." Inabot ko ang kanang kamay ko sa kaniya at nakipagkamay.

"Ahh, kapatid ka po pala niya, doc."   Napatango-tango siya at tinawag 'yong isang kasama.

"Log book nga, brad." Iniabot din naman nito kaagad.

"Doc, mag-sign in na lang muna kayo dito."

Kinuha ko sa kaniya ang log book at nag-sign in saka iniabot na rin dito. Napatingin ako sa paper bag na nasa tabi ko.

FLASHBACK

"Uuwi ka sa province, Von?" Tanong ni Tita Kriztine. She's Nizu's mom. Nasa bahay nila ako ngayon at katatapos ko lang i-check si Nizu.

"Yes, Tita pero one day lang naman ako do'n eh. Bibisita lang ako kasi may problema lang sa bahay."

"Gano'n ba?"

"Pero, sino ang titingin kay Nizu habang wala ka? Natatakot ako baka..."

"Tita." Nilapitan ko siya at inalo.

"Don't worry maayos ang lagay ni Nizu ngayon, Tita Kriztine. Si Doc Macky na lang muna ang bahala sa kaniya habang nasa province ako." Medyo kumalma naman na siya.

"Ay teka hindi ba at sa Marinduque ka uuwi, ijo?"

"Yes, tita."

"Pamilyar ka ba sa MSU?"

"Do'n nag-aaral ang younger sister ko, Tita Kriztine, at sa katunayan do'n ang tuloy ko para ma-surprise ko naman si Luna."

"Luna ba ang pangalan ng kapatid mo?"

"Opo."

"Sana makilala ko siya."

"Don't worry tita isasama ko siya dito one day para makilala niyo naman. Bakit niyo nga po pala natanong ang tungkol sa MSU?"

"Eh kasi ipapadala ko sana sa 'yo ang naiwang gamit ni Maxine."

"Maxine, Tita?" Hindi kaya siya 'yong babae'ng nagpunta dito no'ng nakaraan?

"Oo, Maxine Panganiban, ijo. Sa MSU siya nag-aaral, Von, anak siya ng kaibigan ko. Sandali lang maupo ka muna at kukunin ko ang gamit niya. Ayos lang ba sa 'yo, ijo?"

"Of course, Tita."

"Sige. Anyway, you need anything? Coffee? Juice? Tea?"

"No need, Tita. Thanks!"

"Okay, sige sandali lang ako maupo ka muna diyan."

"Take your time, Tita."

Naupo na muna ako samantalang si Tita ay umakyat na sa itaas. Ilang saglit lang bumaba na rin siya at may dala na ito'ng paper bag.

"Von, paabot na lang nito sa guard ng MSU, huh, tatawagan ko na lang si Max para malaman niya." Kinuha ko sa kaniya ang paper bag na mukhang damit lang yata ang laman.

"Maraming salamat, ijo."

"You're always welcome, Tita. Paano, alis na rin po ako kasi may kailangan pa ako'ng asikasuhin sa ospital. Don't forget to call me, Tita Kriztine, if ever na may urgent dito, okay?"

"Yes, ijo, I will. Mag-iingat ka sa byahe, huh?"

"Thanks, Tita."

"Ihahatid na kita sa labas." Hinayaan ko na lang siya at naglakad na kami palabas.

PRESENT

"By the way, may Maxine Panganiban ba kayo'ng estudyante dito?"

"Maxine Panganiban, sir? Sandali lang sir itatawag ko sa registrar."

Pumunta siya sa may guard house at may tinawagan nga. Maya-maya bumalik na siya sa may pwesto ko.

"Doc, meron po'ng Maxine Panganiban dito, Tourism student. Ano po'ng kailangan niyo sa kaniya?" Kinuha ko ang paper bag at iniabot sa guard.

"Pakibigay naman nito sa kaniya."

"Okay po, doc." Kinuha niya na sa akin.

"Sige doc pwede na kayo'ng mag-park. Gusto niyo po ba'ng samahan ko na kayo kay Ms. Luna?"

"No need tatawagan ko na lang siya. Sige." Pinasok ko na ang kotse at nag-park.

GLYDE'S POV

Napahinto ako sa paglalakad nang mapansin ko ang isa'ng lalaki'ng kalalabas lang sa kotse. Namumukhaan ko siya.

"Kuya ni Luna 'yon ah." Napapatingin sa kaniya ang halos lahat ng dumaraan. Ang gwapo kasi eh.

"Sino?" Napatingin ako sa aki'ng jowa. May jowa na nga pala ako.

"'Yon oh. Sandali lang, huh." Nilapitan ko kaagad siya na kasalukuyang pumipindot ng cellphone.

"Excuse me po." Napatingin siya sa akin.

"Yes?"

"Ikaw po 'yong kapatid ni Luna, di ba?"

"Ako nga, I'm Von."

"Glyde po." Nag-shake hands lang kami.

"Kilala mo si Luna."

"Classmate niya po ako."

"Gano'n ba? Alam mo ba kung nasa'n si Luna ngayon?"

"Nasa clinic po siya sasamahan ko na po kayo." Natigilan ako ng mag-iba ang expression niya. Saka ko na-realized ang sinabi ko. Clinic? Patay!

"What do you mean nasa clinic si Luna? What happened to her?" Nakagat ko na lang ang labi ko.

LUNA'S POV

"Luna, tubig." Kinuha ko ang iniaabot ni Paulo na bottled water at uminom muna.

Natigilan ako ng makita ko si Glyde na nakatayo sa may pintuan.

"Bakit nakatayo ka diyan, 'lika nga dito." Napatingin na rin sina Je at Paulo kay Glyde.

Hindi naman siya kumibo at parang kinakabahan.

"Huy, bakla bakit nakatanga ka lang diyan?" Si Paulo.

"L-Luna, may bisitang naghahanap sa 'yo." Kinakabahan niya pa'ng sabi. Nangunot ang noo ko.

"Sino?"

"S-Si... Ang kuya V-Von mo."

Pare-pareho kami'ng natigilan nang lumitaw si Kuya mula sa likod ni Glyde. Napatabi naman ito ng kunti. Napatayo si Je mula sa pagkakaupo at napatunganga lang kay Kuya pati si Paulo.

"K-Kuya."

Lumapit siya sa akin at mataman lang na nakatingin. Dali-dali ako'ng napatayo at akmang aakapin sana siya nang itulak niya ako sa noo pero mahina lang naman. Kunyare ako'ng nagmaktol.

"Payakap lang naman kuya eh." Paglalambing ko. Kinuha niya ang kamay ko at pinulsuhan ako.

"Ano'ng nangyari dito? Balita ko suki ka na raw ng clinic ah." Napatingin ako kay Glyde at napailing naman siya. Paano niya kaya nalaman?

"Wala ako'ng sakit, huh. Eh, kasi ang OA lang nito'ng si Paulo at Je kuya nahilo lang ako ng kunti dinala na agad ako dito." Pinanlakihan ko ng mata sina Je at Paulo no'ng magrireklamo pa sana.

"Talaga?"

"Oo." Kunyari'y inosente ko'ng sabi. Madali pala namang mabola si Kuya eh. Ha-ha!

"Eh, ano 'to?"

Hinarap niya sa akin ang cellphone niya at nagpi-play na do'n ang video no'ng nangyari kanina.

Game over! Wala talaga ako'ng lusot sa kaniya.

"Sumama ka muna sa akin pauwi sa  bahay. Kayo'ng tatlo bumalik na muna kayo sa mga klase ninyo."

"Yes, doc." Nagsialisan na sila'ng tatlo.

"May klase pa ako."

"I don't care."

Kinuha niya na ang bag ko at nauna ng naglakad. Sakto namang dumating si Nurse Laila kaya hinarap siya ni Kuya.

"Hi, I'm doctor Del Mundo."

"Hi, Doc Von! Nice seeing you here, doc." Kilala niya si Kuya?

"Nice to meet you, too. By the way, isasama ko na ang sister ko pauwi."

"Okay, doc. Bye! Bye, Luna." Tinanguan ko lang si Nurse Laila at sumunod na kay Kuya.

"Kuya, ang famous mo pala?"

"'Wag mo 'kong bolahin. Kailangan nating mag-usap ng matino sa bahay." Patay!

Nasa amin lahat ang atensyon ng mga estudyante.

"Luna!" Napahinto kami ni Kuya at napatingin sa tumawag sa akin.

Si Arif kasama ang barkada niya. Napalapit sila sa amin.

"Ayos ka na ba? I heard about what happened earlier."

Tiningnan ko muna si Kuya na nakatingin din sa akin at pinaningkitan ako. Binalik ko ang tingin kay Arif.

"Ayos lang ako, salamat." Napatingin si Arif kay Kuya. Nagkatinginan sila'ng dalawa.

"Hi, sir, I'm Arif Zamora, Luna's friend." Inabot niya ang kanang kamay kay kuya para makipagkamay. Inabot naman ni Kuya ang kamay ni Arif at nag-hand shake sila.

"Von, Luna's brother." Napatingala si Arif kay Kuya at naiilang na napangiti. Nagbitaw na rin sila.

"So, ito pala si Arif, huh?" Tiningnan ko si Kuya ng masama.

"Kuya, let's go." Sinagi ko pa ng mahina si Kuya.

"Friend ka lang ba talaga ng kapatid ko?"

"Kuya!"

"Arif, alis na kami." Hinila ko na kaagad si Kuya.

"You're blushing, little sis. Nililigawan ka no'n, ano?"

"Hindi! Nasa'n kotse mo?"

"Deny pa."

"Hindi nga sabi!"

Nabyabyahe na kami pauwi ni Kuya ngayon. Hindi na ako nakadaan ng boarding house. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Paulo.

[ "Wag mo'ng pakikialaman ang mga gamit ko sa kwarto, okay? Lalo na 'yong halaman ko do'n, gets?" ] Sent.

"Tini-text mo 'yong lalaki kanina?" Napatingin ako kay kuya at sinimangutan siya.

"Schoolmate ko lang si Arif, Kuya." Hindi niya pinansin ang paliwanag ko.

"Teka, bakit ka nga pala biglang umuwi? May tinatakasan ka'ng babae, ano? Nabuntis mo?" Inismiran niya lang ako.

"Tss, asa ka! Medyo stress lang sa work kaya ako umuwi."

"Teka kuya," Nangalumbaba ako sa harap niya samantalang ito ay abala sa pagmamaneho.

"Para'ng mas lalo ka'ng gumagwapo ngayon? Para'ng hindi nga halata na stress ka sa work eh." Mahina niya'ng pinitik ang noo ko. Tinawanan ko na lang siya.

"Tigilan mo ako dahil hindi ka lulusot sa 'kin. Marami mo'ng dapat ipaliwanag sa akin mamaya." Napasimangot na lang ako.

MAXINE'S POV

[ "Max, ija, how are you?" ] Lumabas muna ako ng classroom kasi ang ingay dito.

"Hi, Tita Kriztine! I'm fine, Tita! Kayo po, how's Nizu?"

[ "We're good, ija. Si Nizu, gano'n pa rin he's still in a coma state." Napabuntong-hininga si Tita.

"Don't worry tita, anytime soon magigising din siya."

[ "Salamat, ija. Ah siya nga pala ipinadala ko kay Doc Von ang ilang gamit na naiwan mo dito sa bahay. Paki-check mo na lang sa guard, okay?" ]

"Si Doc Von ho 'yong doctor ni Nizu ba ang tinutukoy niyo Tita?"

[ "Oo siya nga. Dadaan daw kasi siya diyan sa school niyo para bisitahin 'yong younger sister niya." ] Dito nag-aaral ang kapatid ni Doc Von? Akala ko ba taga-Manila sila?

[ "Max, ija?" ]

"Y-Yes, tita, tatanungin ko na lang po sa guard mamaya kapag tapos na ang klase ko."

[ "Okay, sige. Paano, ibababa ko na at titingnan ko muna si Nizu sa room niya. Take care, sweetheart! Ipakamusta mo na lang ako sa parents mo, okay?" ]

"Okay po, Tita. Ingat din po kaya saka balitaan niyo po ako about kay Nizu."

[ "Sige. Bye, ija." ] Binabaan niya na ako.

Sino naman kaya ang kapatid ni Doc Von dito? I should meet her.

Dahil nandito lang naman ako sa tapat ng gate kaya naisip ko'ng pumunta na sa may guardhouse.

"Excuse me, kuya guard." Tawag-pansin ko sa dalwang guwardya na napatingin naman sa akin.

Parang sinusuri niya ang mukha ko.

"Miss Panganiban? Maxine Panganiban?"

"Ako nga ho."

"Ay ma'am may nag-iwan ng paper bag para sa 'yo."

"'Yon nga ho ang sadya ko dito eh."

"Sandali lang, ma'am." Kinuha no'ng isa'ng guard at iniabot sa akin.

"Heto po." Kinuha ko naman sa kaniya. Ito 'yong jacket na naiwan ko.

"Salamat kuya." Patalikod na sana ako nang may maisip ako'ng itanong.

"Uhm... Kuya guard." Napatingin ulit sila sa akin.

"Yes po, ma'am?"

"Pwede ko po ba'ng malaman kung sino 'yong nagdala nito?"

"Si Doctor Von Zyke Del Mundo, miss Maxine."

Del Mundo? Hindi lang naman si Luna ang may Del Mundo'ng apelyido dito sa university eh.

"Kuya, nandito pa ba siya?"

"Kaaalis lang ma'am eh."

Sayang hindi ko siya naabutan.

"Ah sige po salamat." Tinalikuran ko na sila.

Sino kaya ang kapatid ni Doc Von dito sa campus?

AZINE'S POV

Lumitaw ako dito sa kwarto ni Luna pero wala siya. Tiningnan ko na sa labas pero wala pa rin. Nilibot ko na ang buong campus nila pero mga kaibigan niya lang ang nakita ko.

"Saan siya nagpunta?" Napalapit ako sa bulaklak at pinagmasdan lang ito.

"Kuya Azine." Napatingin ako sa likod ko.

"Princess."

"Nasa'n si Luna? Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko makita."

"Hindi ko rin siya mahanap." Naupo ako sa kama ni Luna samantalang nakatayo pa rin si Princess.

"Salamat sa pagliligtas kay Luna kanina, Kuya Azine. Kung wala ka baka napahamak na siya." Napatingin ako kay Princess.

"Sino ba 'yong kaluluwa na 'yon? Bakit gusto niya'ng ipahamak si Luna?" Inis ko'ng tanong.

Kung hindi agad ako nakarating baka kung ano na ang nangyari kay Luna.

"Hindi si Luna ang target ng kaluluwa'ng 'yon kundi ako, Kuya Azine. Gusto niya'ng saktan ang lahat ng malapit at tumutulong sa akin."

"Bakit?"

"Gusto niya ako'ng paghigantihan."

"Nasa'n na 'yong kaluluwa?"

"Hindi ko alam kung nasa'n na pero alam ko'ng bigla na lang ulit 'yon lilitaw."

"Alam ba 'to ni Luna?"

"Oo."

"Kahit delikado nangako pa rin sa akin si Luna na tutulungan niya ako." Napatayo na ako.

"Delikado ang kaluluwa'ng 'yon kaya hanggat malaya pa siya ay mag-doble ingat ka. Gagawan na lang natin ng paraan."

"Salamat, Kuya Azine. Pasabi na rin kay Luna na mag-iingat siya dahil baka balikan siya nang kaluluwa'ng 'yon." Naglaho na si Princess.

Hinarap ko ang bulaklak.

"Nasa'n ka ba kasi? Tss! Umuwi kaya siya?"

Naglaho agad ako at sa bahay na nila Luna nagtuloy. Wala siya dito sa kwarto niya kaya naglaho ako ulit at sa may salas nila lumitaw. Nakita ko siya na nakayakap sa isa'ng nakatalikod na lalaki habang nakatawa pa. Nakaharap siya sa akin kaya nakita niya ako agad. Napabitaw siya sa pagkakayakap pero niyakap ulit siya nito ng mas mahigpit pa.

Tss! Sinamaan ko lang siya ng tingin at paalis na sana.

"Sandali!"

Halos nakasigaw na si Luna kaya natigilan ang mama at lola niya gano'n din naman ang lalaki na nagulat pa. Napabalik ako ng tingin kay Luna at sinamaan pa rin siya ng tingin.

"Kuya," diniinan niya ang salitang kuya.

Tss! Teka... Kuya?

"Kuya, 'wag mo nga ako'ng yakapin!" Reklamo niya pero sa akin pa rin nakatingin.

"Ah gano'n?" Hindi pa rin niya binitawan si Luna kaya nakaharap pa rin siya sa akin. "Sino'ng gusto mo'ng yumakap sa 'yo si Arif, huh?"

Kuya niya 'tong nakayakap sa kaniya? Tiningnan ko 'yong family picture nila na nandito sa may wall.

Kuya pala niya 'to akala ko naman kung sino.

"Wait, what? Ano'ng kinalaman ni Arif dito?"

"I'll explain to you later." sabi ni Luna sa isip niya. Tiningnan ko lang siya ng masama.

"At sino'ng Arif naman 'yon bakit hindi ko kilala?" Lumapit ang mama ni Luna sa kanila at nakiyakap na rin.

"Mama, kailan pa natutong maglihim sa inyo si Luna, huh?"

"Mali ang iniisip niyo, okay?"

Sa akin nakatingin si Luna kaya mukhang para sa akin ang sinabi niya'ng 'yon.

"Sa kwarto! A.S.A.P!" Wala'ng emosyon ko'ng sabi sa kaniya saka naglaho na.

Pagdating ko sa kwarto niya pinagmasdan ko lang ang mga poster ng idol niya. Mukha na lang ng lalaki'ng 'yon ang nakakalat dito. Tss! Napatingin ako sa bumukas na pinto at nakita ko si Luna na hinihingal pa. Isinara niya ang pinto at lumapit sa akin.

"Ano'ng ginagawa mo dito? Si Kuya Von 'yong yumayakap sa akin kanina baka kasi kung ano na naman ang..."

Hinila ko na lang siya at niyakap ng mahigpit. Natigilan naman si Luna sa pagsasalita. Hindi ko siya pinakawalan at mas niyakap pa.

"A-Ayos ka lang ba? May problema ba?"

"Pinag-alala mo 'ko." Naramdaman ko'ng niyakap niya rin ako. 

"Sorry." Pinalipas ko lang ang ilang sandali at binitiwan na siya.

Tiningnan ko lang siya ng diretso. "Ayos ka lang ba? May masakit ba sa 'yo?"

"A-Ayos lang ako, Azine. Salamat sa pagliligtas sa akin kanina."

"Pwede ba'ng mag-ingat ka na sa susunod? Paano na lang kung wala ako do'n? Hindi kita palagi'ng mababantayan, Luna." Napababa siya ng tingin.

"Alam ko. Sorry!"

Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok ni Luna na tumatabon sa pisngi niya at bahagyang iniangat ang mukha kaya napatingin ulit siya sa akin.

"Don't deal with those harmful spirits, Luna. Kaya ka nila'ng saktan ulit." Napatango lang siya. Hinimas ko na lang ang buhok niya at niyakap ulit.

"Isa pa nga pala, pwede ba'ng mag-iwan ka ng notes sa dorm mo para naman alam ko kung saan ka hahanapin?"

"Akala ko ba marami mo'ng special ability kaya tingin ko naman hindi na 'yon kailangan." Natawa pa siya. Napailing na lang ako at pinakawalan na siya.

"Kailangan ko ng bumaba naghihintay si Kuya."

"Kailan pa siya dito?"

"Kanina lang. Babalik din agad siya bukas sa Manila kaya susulitin ko na habang nandito pa si Kuya. Matatagalan na naman kasi bago siya bumisita ulit dito."

"Sige na." Tinalikuran niya na ako pero napaharap ulit.

"Ikaw, saan ka pupunta?"

"May susunduin pa ako. Bumaba ka na."

"Sige." Tuluyan na siya'ng lumabas ng kwarto. Naglaho na din ako.

______________________________________

Thank you so much, guys. Love ya'll 💙💙💙

Anyways,' wag ninyong kalimutan na mag-FAN sa' kin, VOTE, and SPREAD THE STORY.

Please, mahalaga po ang VOTE niyong lahat.

MARAMING SALAMAT! ☺️

OTHER STORY:

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero Terror [ https://www.wattpad.com/story/210888996?utm_medium=link&utm_source=android&utm_content=share_writing ]

Próximo capítulo