webnovel

Chapter 8: First mission solved

LUNA'S POV

"Thanks kanina." Naglalakad na ako pauwi sa dorm.

"Mabait naman pala 'yong girlfriend mo na 'yon eh."

"Syempre, kaya nga mahal na mahal ko si Max eh."

"Eh, di kayo na." Napatawa siya.

"Porke boring lang ang love life mo diyan dinadamay mo pa ako sa pagka-bitter mo." Tiningnan ko siya ng masama.

"At sino'ng may sabi na boring ang love life ko?"

"Feeling ko lang. Bakit, totoo naman eh."

"Wala ka ng feelings patay ka na ano. Diyan ka na nga." Narinig ko pa ang pagtawa niya. May ilang tumitingin sa'kin pero wala na akong pakialam sa kanila.

SAINT MARIS DORMITORY. Katatapos ko lang magpalit ng pumasok si Paulo sa kwarto namin. Naupo siya sa kama habang nakatingin sa'kin.

"Bakit?" Naupo ako sa may tabi niya.

"Magsabi ka nga ng totoo sa'kin, may pinoproblema ka ba lately?"

"Wala."

"Hindi mo ako kayang pagsinungalingan, Luna ha. Nakita kita na umiiyak dito kagabi kaya anong wala ka diyan." Napatayo siya at sa may harap ng salamin naupo.

"Kapag hindi ka umamin isusumbong na talaga kita kay Tita Yvonne." Napahinga ako ng malalim.

"Sige na nga sasabihin ko sa'yo pero dapat maniwala ka, okay?"

"Oo na."

"Kasi namatay si Mike." Nangunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Sinong Mike?"

"Si Mike Alejandro, taga-MSU." Nag-isip siya sandali.

"Wala naman akong kilalang Mike Alejandro na taga-MSU eh."

"Namatay na kasi siya no'ng April 28, 2009."

"2-2009? Eh, 'di ba 2020 na ngayon? Ang ibig mo bang sabihin..."

"Oops! Balik." Papaalis na kasi sana siya. Naupo ulit siya kahit halatang takot na.

"Magtatanong-tanong ka tapos ang duwag mo."

"Alam mo naman na talaw ako, 'di ba?" Hindi ko siya pinansin.

"Naalala mo 'yong sinasabi ko sa'yo dating misyon?"

"M-Misyon? Ah, oo."

"Binigyan ako ng misyon ni Lolo."

"Sinong Lolo nga ba 'yang sinasabi mo?"

"Hmm...basta Lolo kasi hindi ko rin nakuha pangalan niya."

"So, ano'ng misyon ba ang binigay sa'yo ni Lolo na 'yan?"

"Binuksan niya ang third eye ko kaya ngayon sari-saring kaluluwa ang nakikita ko. Ang totoong misyon ko ay tulungan at mailigtas ang mga kaluluwa na hindi matahimik upang makatawid sila sa liwanag. Kaya lang 'yong sinasabi ko sa'yo na si Mike hindi ko siya nailigtas." Nakikinig lang sa'kin si Paulo at mukhang interesado na siya ngayon. Medyo nawala na rin ang takot niya.

"Paanong hindi?"

"Dahil pumatay siya ng may buhay. Kung may batas ang tao meron din pala ang mga kaluluwa. Mahigpit na ipinagbabawal para sa mga patay na hindi pumatay ng taong buhay dahil kung hindi ay kukunin ng Grim Ripper ang kanilang kaluluwa at itatapon sa impyerno. Gagawin nitong isang maitim na usok ang kaluluwa na nagkasala."

"Parang napapanood ko lang sa mga ghost movies 'yan ah. Ibig sabihin may pinatay 'yang sinasabi mong si Mike?"

"Oo, si Dean."

"Si Dean?" Napatango na lang ako. Pareho kaming natigilan ng may kumatok sa pinto. Si Paulo naman ay napasigaw pa sa pagkabigla. Talaw talaga. Tumayo na ako at binuksan ang pinto.

"Elay. Bakit?" Siya ang nabungaran ko sa pinto.

"May naghahanap sa'yo."

"Sino?"

"Lumabas ka na lang hindi ko rin kilala eh." Sumunod na lang ako sa kaniya. Nakita ko si Sir Alvin na naka-upo. Tumayo siya nang makalapit ako.

"Sir Alvin. Magandang hapon ho."

"Magandang hapon din sa'yo, Luna."

PAULO'S POV

Lumabas na rin ako pagkalabas ni Luna. Tiningnan ko 'yong sinasabing bisita niya saka ako lumapit kay na Aliya, Elay at Chendy na nagkukumpulan dito sa isang table malapit sa may kusina.

"Sino 'yon?"

"Ewan." Sagot ni Elay.

LUNA'S POV

"Akala ko po mamaya pa kayo pupunta dito mag-aalas singko pa lang po ah."

"Maaga kasi akong natapos sa trabaho at saka na-curious ako sa sasabihin mo kaya nagpunta na kaagad ako dito."

"Mahalaga po talaga ang sasabihin ko, sir Alvin. Saan po ba tayo mag-uusap?" Tiningnan niya ang paligid. Medyo marami kasi ang nandito sa salas.

"Kung okay lang sa'yo, let's find some other place?"

"Sige po. Wait lang po sir ah magpapaalam lang po ako."

"Okay." Nilapitan ko sina Paulo.

"Girl, sino 'yon?" Tanong agad ni Paulo.

"Mamaya ko na sasabihin sa'yo, alis muna ako." Tinalikuran ko na sila.

"Saan ka pupunta?"

"Babalik din ako kaagad." Pahabol na sabi ko bago bumaba ng hagdan kasama si sir Alvin.

Nasa may ikatlong hagdan pa lang ako nang makasalubong ko si Ate Jasmine, landlady namin. Nasa kuwarentahan pa lang ang edad nito. Lagot na istrikta pa naman 'to.

"Luna, saan ka pupunta? Sino 'tong kasama mo?" Binati naman ni sir Alvin si Ate Jasmine na tinugunan din nito.

"Mag-uusap lang po sana kami, Ate Jasmine. Sir Alvin, siya po ang landlady namin."

"Eh, saan ba kayo mag-uusap baka naman malayo? Alam mo naman bawal kayong umalis ng dorm kapag hapon na, lalo ka na dahil mahigpit kang ipinagbilin sa'kin ng mama mo."

"Eh, ate Jasmine-"

"Sa baba lang po kami mag-uusap ni Luna, Misis Jasmine. Ihahatid ko rin siya pagkatapos."

"Oh siya sige." Doon ko na lang inaya si sir Alvin sa may likod ng dorm namin kasi meron ditong food court. Wala naman na masyadong tao dito kaya makakapag-usap kami ng maayos. Bumili lang siya ng maiinom saka bumalik na rin sa may table namin.

"Ano ba 'yong sasabihin mo sa'kin? Let's direct into the point kasi mukhang istrikta 'yong landlady niyo baka pagalitan ka pa kapag umuwi ka ng gabi."

"Kaya nga po eh." Bumwelo muna ako para masabi sa kaniya ang nalaman ko.

"Pwede ko po bang itanong kung nasaan ang misis niyo, sir Alvin?"

"Nasa bahay siya ngayon eh. Bakit mo nga pala naitanong?"

"Kasi may nalaman po ako tungkol sa asawa niyo pero bago ko po sabihin 'yon may itatanong po ulit sana ako."

"Go ahead, Luna."

"Galit pa rin po ba kayo kay ate Melissa hanggang ngayon?" Sandali siyang nag-isip at napasandal pa sa bangko.

"Ahm...like what I've said matagal ng nangyari 'yon, naka-moved on na rin ako kaya hindi na ako galit sa kaniya. Kahit kailan naman hindi ako nagalit sa kaniya, nagtampo, oo, pero hindi nagalit. I was hoping na buhay pa rin si Melissa hanggang ngayon at sana kasinungalingan na lang ang lahat ng sinabi ni Rex."

"Kasinungalingan nga po ang lahat." Natigilan siya sa sinabi ko.

"Ha?"

"Lahat ng sinabi ni Rex ay hindi totoo, sir Alvin."

"Ipaliwanag mo, Luna hindi kita..."

"Hindi po namatay si Ate Melissa dahil sa aksidente kundi dahil pinatay siya."

"What...nonesense are you talking about, Luna?" Napainom siya ng juice na binili niya.

"Natatandaan niyo po ba sir Alvin, six years ago, isang araw bago kayo ikasal ni Ate Melissa nawala na lang siya bigla na parang bula? At no'ng araw ng kasal ninyo isang text message na lang po ang natanggap mo mula kay ate Melissa, na nagsasabing iniwan ka na niya at sumama siya kay Rex sa ibang bansa. Ang totoo sir Alvin hindi po siya umalis ng bansa, hindi po siya sumama kay Rex, at lalong hindi ka po niya niloko. Pinatay siya ng misis niyo, si Valiree. Totoo po ang sinasabi ko kaya maniwala po kayo sa'kin, sir Alvin." Hilam na sa luha si sir Alvin dahil sa mga nalalaman niya. Nakakuyom ang kamay at nagpupuyos sa galit. Naka babà ang mukha niya.

"Sa likod ng lumang bahay nina Valiree sa Maynila niya matatagpuan ang labi ko, Luna." Napatingin ako kay ate Melissa.

"Sa likod daw po ng lumang bahay nina Valiree sa Maynila, doon mo po matatagpuan ang labi ni ate Melissa. Six years ago, the day before your marriage, pinuntahan ni ate Melissa si Valiree sa bahay na 'yon para humingi ng tawad at para makumbida na rin sa kasal niyo, kaya lang galit ang napuno sa puso ni Valiree no'ng araw na 'yon kaya sinasadya man o hindi napatay niya ang magiging asawa niyo sana. At dahil takot siyang makulong naisip niyang ibaon ang bangkay sa likod ng bahay. Ang lahat ng sinabi ni Rex ay plano lang lahat ni Valiree, sir Alvin para mapaniwala niya kayo na niloko ka ni ate Melissa kaya ito nawala. Dahil ang totoo namatay na siya no'ng araw na 'yon." Tiningnan ako ni sir Alvin na namumugto na ang mga mata. Pinunasan ko na rin ang ilang butil ng luhang tumulo sa pisngi ko.

"P-Paano mo nalaman ang lahat ng 'yan, Luna?"

"May... third eye po ako, sir at nakakausap ko si ate Melissa."

Napabangon ako sa pagkakahiga at sumandal sa ulunan ng kama. Nahihimbing na sa pagtulog si Paulo samantalang ako ay kanina pa hindi dalawin ng antok. Iniisip ko si sir Alvin. Ano na kaya ang gagawin niya ngayon?

"Sabi na nga ba at gising ka pa eh." Tiningnan ko ang sumulpot na si Azine.

"Eh, ikaw bakit pagala-gala ka pa rin? Hindi ba natutulog ang mga multo?"

"Hmm...ewan, hindi ako inaantok eh. Bakit hindi ka pa nga pala natutulog?" Naupo siya sa bangko sa may harap nang salamin.

"Kailangan ba talagang gumawa pa ng masama para lang makuha ang pag-ibig ng isang tao? Bakit hindi pwedeng magparaya na lang kasi 'yon naman ang mas magandang paraan 'di ba para walang gulo?"

"Na-inlove ka na ba, Luna?" Tiningnan ko siya na nakatingin din sa'kin. Na-inlove na nga ba ako? Hindi pa.

"Ang taong in love gagawin ang lahat para sa taong minamahal niya masama man ito o mabuti.  Love is complicated, but for me, it's too simple. Kung alam kong hindi na masaya sa'kin ang taong mahal ko handa ko siyang palayain kahit masakit. Masaya na ako makita ko lang siyang maligaya kahit sa piling na ng iba."

"Sana kagaya mong mag-isip si Ms. Valiree." Nangunot ang noo niya.

"May nangyari na naman ba?" Tiningnan ko siya.

"Paano mo nasasabi 'yan? Nasaktan ka na ba? Iniwan ka na rin ba?"

"Hmm... parehong hindi. Hindi pa ako nasasaktan dahil si Maxine lang ang nag-iisa kong girlfriend. Mabait siya, mahal namin ang isa't isa at wala pa kaming pinakamalalang pinag-awayan. I can say hindi pa ako nasasaktan when it comes to love."

"Maswerte ka."

"Ikaw for sure hindi ka pa nasasaktan dahil hindi ka pa nagkaka-boyfriend eh."

"Ikaw na ang may jowa. At sino'ng may sabi na hindi pa ako nagkaka-boyfriend? Umalis ka na nga matutulog na ako." Pahiga na ako  no'ng bigla siyang sumulpot sa harap ko. Nakayukod siya sa may mukha ko. Napabaling na lang ako bigla dahil ang lapit niya na sa'kin. Napangiti siya dahil sa reaksyon ko.

"Matulog ka ng mahimbing. Goodnight, Luna." Nakahinga lang ako ng maayos no'ng naglaho na ulit siya. Nahawakan ko ang dibdib ko na kumakabog sa kaba. Lokong multo na 'yon ah.

VALIREE SANTIAGO-MARTINEZ'S POV

"Bakit hindi niya sinasagot?" Tumigil na ako sa kakatawag at naupo na lang sa sofa. Narito ako sa salas dahil hinihintay ko si Alvin. Tiningnan ko ang wall clock at mag-aala una na ng madaling araw.

"Ija, ano pa ang ginagawa mo dito sa salas? Bakit hindi ka pa natutulog?" Napatingin ako sa mommy ni Alvin. Two days na kami dito sa Marinduque dahil may tinrabaho lang siya at may inasikaso na papers sa old school niya. Ayoko nga sanang sumama dito dahil naiwan 'yong mga bata sa Maynila pero mapilit si Alvin kaya sumama na rin ako. Bukas na ang balik namin sa Manila pero bakit kaya wala pa siya? Maaga pa ang alis namin tomorrow eh.

"Hinihintay ko po kasi si Alvin eh."

"Bakit, wala pa ba si Alvin?"

"Wala pa po eh. Tinatawagan ko kanina pa pero naka-off naman ang cellphone."

"Eh, saan naman kaya pupunta 'yon gabi na ah. Wala namang establishments dito na bukas 24 hours. Baka naman may pinuntahang kaibigan o kaya kakilala."

"Tatawag naman po sa'kin 'yon eh kung gagabihin siya ng uwi kaso ni-text wala, mommy. Saan naman po kaya nagpunta 'yon?"

"Hay naku, umakyat ka na sa room mo bukas naman uuwi 'yon. Sige na pumanhik ka na sa itaas."

ALVIN MARTINEZ'S POV

"Sir dito po ba?" Tanong ni Mang Kulas.

"Oo, diyan kayo maghukay." Nagsimula ng maghukay itong dalawang binayaran ko. Pagkatapos kong kausapin si Luna hindi na ako umuwi ng bahay at nagtuloy agad sa port. Ngayon narito na ako sa lumang bahay nina Valiree at pinapahukay na nga sa kanila. Sana hindi totoo ang sinabi ni Luna dahil hindi ko alam ang gagawin ko kay Valiree. Ilang minuto pa ang lumipas at may napala na 'yong isang naghuhukay kaya napalapit na ako sa may butas.

"Sir, mukhang may nakabaon nga po dito."

"Dahan-dahanin niyo lang." Nagbawas pa sila ng  lupa at maya-maya ay malinaw ko ng nakita ang mga buto.

"Mukhang bangkay 'to na binaon dito ah." Yumukod si Mang Kulas at may kinuha sa may buto.

"Sir." Nagulat ako sa pinakita niya pa sa'kin. Nanlambot na ang tuhod ko kaya napaluhod na ako sa timbon ng mga lupa.

"Ayos lang po kayo?" Kinuha ko sa kaniya ang singsing. Binaha na ng luha ang pisngi ko. Hinding-hindi ko makakalimutan ang singsing na ito kahit anim na taon na ang lumipas. Ito ang engagement ring namin ni Melissa. [I'm crying at this moment. Some tears fell into my eyes while writing. Whoa!] Napahagulhol na ako ng iyak nang makompirma ko na si Melissa nga ang nakalibing dito.

"May kuwintas pa ho oh." Tiningnan ko 'yong tinutukoy ni Mang kulas at kinuha 'yon sa kaniya. Sa pagkakatanda ko ito 'yong kuwintas na regalo sa kaniya ng nanay niya. Tumigil na sa paghuhukay sina Mang Kulas.

"Pwede na kayong umalis, Mang Kulas."

"Sige ho." Pagkaalis nila doon ako binaha ulit ng luha. Napahagulhol ako ng iyak. Hindi ko akalain na ganito ang nangyari sa kaniya.

"I'm sorry, Babe. Hindi manlang kita nailigtas kay Valiree. Sorry, sana ngayon buhay ka pa."

MELISSA OLAVIDEZ'S POV

Kanina ko pa pinagmamasdan si Alvin habang umiiyak. Napangiti ako dahil sa wakas ay nalaman niya na rin ang totoo, na hindi ako nagtaksil sa kaniya kahit kailan. Lumapit ako kay Alvin na nakaluhod pa rin. Niyakap ko siya gaya ng gusto kong gawin bago ako umalis. Napaangat ang ulo niya dahil marahil ay naramdaman nito ang lamig sa katawan ko. Hinalikan ko siya ng bahagya sa pisngi saka ako napatayo na.

"Mahal na mahal kita, Alvin. Bye!"

"I'm sorry, Melissa. Kung nasa'n ka man, s-sana masaya ka. Mahal na mahal kita, sana naririnig mo ako, Babe."

ALVIN MARTINEZ'S POV

Kinaumagahan, tumawag na ako ng mga pulis at ngayon nga ay kinukuha na nila ang labi ni Melissa. Marami na ang tao dito.

"Nasa'n ang anak namin? Melissa?" Napatayo ako ng marinig ko ang boses ni Tita Amy, nanay ni Melissa. Nakita kong kasama niya si Tito at ang bunsong kapatid ni Melissa. Nilapitan nila ako.

"Alvin, nasa'n si Melissa? Hindi totoo 'yong sinabi mo kanina sa telepono, 'di ba?" Bungad sa'kin ni Tita Amy. Lumapit sila sa may hukay at napahagulhol na rin ng iyak nang makita ang labi ni Melissa na kinukuha ng mga pulis.

"Mamang pulis, sigurado ba kayo na si Melissa, ang anak namin, ang nailibing diyan?" Tanong ni Tito na kahit pinipilit maging kalmado ay parang papaiyak na rin. Binigay ng pulis 'yong nakuha naming singsing at kuwintas na nakasupot na.

" 'Yan ang mga gamit na nakuha sa mga labi, mister, misis. Huwag kayong mag-alala dahil pwede nating ipa-DNA ang mga labi para ma-identify kung anak niyo nga ito."

"Ang anak natin, Diyos ko." Napaiyak na naman si Tita.

"Ate." Napalapit na rin ako sa kanila.

"Kuya Alvin. Ano'ng nangyari kay ate?" Isa si Rhon sa mga hindi naniniwala na patay na ang ate niya kaya ngayon ay napaiyak na rin ito. Nayakap ko na lang siya. Nilapitan ako no'ng pulis na naka-assigned sa kaso.

"Mr. Martinez, nakipag-coordinate na kami sa Marinduque Police pero may ipapadala pa rin akong mga pulis doon para umaresto kay Valiree Santiago-Martinez. May warrant of arrest na rin kami para kay Rex Santiago."

"Kuya, si ate Valiree ang pumatay kay ate Melissa?" Hindi makapaniwalang tanong ni Rhon. Narinig na rin nina Tita ang sinabi ni Rhon.

"Napakawalanghiya talaga ng babaeng 'yon. Mabubulok siya sa kulungan, hayop siya."

"Tita, Tito, I'm sorry. Hindi ko po alam na... Kung alam ko lang sana, Tita. Kasalanan ko ang nangyari kay Melissa." Wala akong magawa kundi ang humingi ng tawad sa kanila. Pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat. Napaiyak na rin ako.

"Alvin, anak. Wala kang kasalanan sa nangyari." Nayakap na lang din ako ni Tita Amy.

MARINDUQUE, PROVINCE

VALIREE SANTIAGO-MARTINEZ'S POV

Nakita ko si mommy na nakatanaw sa labas. Sinilip ko na rin ang tinitingnan niya.

"Bakit ho maraming pulis sa labas?"

"Hindi ko nga rin alam eh."

"Ma'am! Ma'am!" Napatingin kami sa katulong na humihingal pa.

"Meling, bakit may mga pulis sa labas?" Tanong ni mommy.

" 'Yon na nga ho, ma'am eh. Ka-Kasi ho...ano...'yong mga pulis, eh...ano." Kandabulol na sabi nito.

"Ano? Meling, ayusin mo nga 'yang pagsasalita mo. Ano, bakit may pulis?"

"Hinahanap po kasi si-si Ma'am Valiree." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Ako?"

"Oho. Lumabas raw po kayo." Nagkatinginan kami ni mommy.

"Bakit raw hinahanap ang manugang ko?"

"Ewan ko lang po ma'am." Bigla akong binundol ng kaba. Sumunod na lang ako sa kanila na pumanhik na sa ibaba. Nilapitan kami no'ng mga pulis na nakapasok na sa loob.

"Sino po si Valiree Martinez?"

"Ako ho." Kinakabahan kong sagot dito.

"Mrs. Valiree Santiago-Martinez, may warrant of arrest kami sa inyo. Sumama na lang kayo sa'min."

"Teka, bitawan niyo ang manugang ko. Bakit niyo siya inaaresto, ano'ng kasalanan niya?"

"Sinampahan siya ng kasong murder. Siya ang tinuturong pumatay kay Ms. Melissa Olavidez, six years ago." Halos manlambot ako dahil sa sinabi ng pulis. Paano nila nalaman? Sino ang...? 

"Kakasuhan ko na kayo sa salang pamimintang ha." Galit na singit ni mommy. Kaya lang nasagot ang mga tanong ko nang makita ko si Alvin na papalapit sa'min. Nakakatakot ang tingin niya at salubong pa ang kilay na nakatingin sa'kin.

ALVIN'S POV

"Alvin, ijo saan ka ba nagpupupunta? Itong asawa mo pinagbibintangang-" Natigilan si mommy sa pagsasalita ng sampalin ko si Valiree. Wala siyang imik sa ginawa ko.

"Alvin! Bakit mo sinampal ang asawa mo?" Naikuyom ko ang kamao ko sa sobrang galit. Marahas kong hinawakan si Valiree sa magkabilang balikat. Napadaing siya pero wala akong pakialam. May tumulong luha sa pisngi ko dahil sa galit.

"Alvin, nasasaktan ako."

"Hayop ka, Valiree! Napakasama mong tao. Kung alam ko lang hindi sana kita pinakasalan. Kung may pinagsisisihan ako sa buhay 'yon ay ang nakasama kita ng maraming taon."

"A-Ano ba'ng sinasabi mo?"

" 'WAG KA NG MAGSINUNGALING."

"Aray!"  Mas hinigpitan ko kasi ang paghawak sa kaniya.

"Alvin, ano ba'ng kasalanan ko?"

"PINATAY MO SI MELISSA. PINATAY MO ANG NAG-IISANG BABAENG MINAHAL KO. PINATAY MO SIYA. ALAM KO NA ANG LAHAT, VALIREE. ALAM KO NA ANG LAHAT NG GINAWA MO KAY MELISSA." Natigilan siya sa sinabi ko. Wala ring imik si mommy sa narinig niya dahil hindi rin ito makapaniwala. Close din kasi sila ni Melissa no'ng nabubuhay pa ito.

"P-Paano mo nagawa 'yon, Valiree?"

"Al-Alvin, hindi ko sinasadya na patayin si Melissa. Aksidente lang ang lahat maniwala ka. Alvin." Binitawan ko na siya.

"Sumama ka na sa amin Mrs. Martinez." Nagpumiglas pa siya sa mga pulis.

"BITAWAN NIYO AKO. ALVIN, MANIWALA KA SA'KIN HINDI KO SINADYA. ALVIN. BITAWAN NIYO SABI AKO KAILANGAN KONG MAKAUSAP ANG ASAWA KO." Nilapitan ako ni mommy at niyakap. Samantala, kanina pa sila pinagmamasdan ni Melissa. Naglaho din naman ito kaagad.

LUNA'S POV

SCHOOL CAMPUS, GS LIBRARY.

Nasa klase kami ngayon. Nagsusulat ako ng mapaangat ang tingin ko dahil sa presensyang naramdaman ko. Nakita ko si ate Melissa na nakatayo sa may pintuan habang nakatingin sa'kin at nakangiti. Ngayon ko lang nakita si ate Melissa na nakangiti ng gano'n kalawak. Mukhang masaya siya.

"Sir, excuse me, punta lang po ako sa cr." Sinundan ko si ate Melissa na nagpunta sa may likod.

"Ate Melissa." Hindi siya nagsalita sa halip niyakap na lang niya ako.

"Ate Melissa, ano po'ng nangyari at mukhang masaya kayo?" Tanong ko matapos kaming magbitaw ng yakap.

"Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon, Luna. Nangyari na ang pinakahihintay ko kaya handa na akong umalis dito sa lupa. Maraming salamat sa tulong mo, Luna kung hindi dahil sa'yo baka hindi pa rin alam ni Alvin ang totoo."

"Sinabi ko lang po sa kaniya ang nalaman ko mula sa'yo. Masaya ako para sa'yo ate Melissa. May gusto ka po bang ipasabi sa'kin para kay sir Alvin?"

"Aalis ako na masaya, Luna. Si Alvin lang ang pinakamamahal ko at baon ko 'yon sa pag-alis ko ngayon. Si Valiree pinapatawad ko na siya dahil 'yon lang ang magagawa ko para sa kaniya." Napatabon ako ng mukha nang biglang may lumiwanag sa likuran ni ate Melissa. May usok naman na biglang sumulpot pero ngayon kulay puti na. Maya-maya naging tao ito at ng pagmasdan ko ay ang Grim Ripper pala na kumuha sa kaluluwa ni Mike. Hindi siya nakasuot ng fully black ngayon kundi fully white naman. Hinarap niya si ate Melissa. Binuksan niya ang papel na dala-dala niya gaya kay Mike pero ngayon kulay white na rin ito.

"Melissa Olavidez, born on December 5,1989. Died on May 13, 2007 at exactly 4 o'clock PM. Kailangan mo ng umakyat ngayon sa purgatoryo para litisin." Tiningnan ako ni ate Melissa at nginitian ng maluwang. Kumaway lang siya sa akin na ginantihan ko naman  at maya-maya'y hinigop na siya ng liwanag. Masaya ako para kay ate Melissa. Hinarap ko naman ang Grim Ripper. Ay, wait parang mas gwapo siya sa white outfit ngayon ko lang napansin dahil emotional ako no'ng nakaraan. Hindi ko alam ang age niya ha pero parang magka-age lang kami. Tingin ko lang.

"Hindi ba mas masaya kung sa liwanag mo naihahatid ang mga kaluluwang sinusundo mo?" Tinalikuran ko na siya.

"Sandali." Nilingon ko ulit siya.

"Hindi lahat ng kaluluwa ay gumagawa ng mabuti kaya bakit parang kasalanan ko na may naliligaw na kaluluwa? Bakit parang sinisisi mo ako? Bakit parang kasalanan ko?"

"Bahala ka nga diyan ang drama mo. Mabuti pa puntahan mo na ang mga kalukuwa na susunduin mo baka naiinip na sila." Tinalikuran ko na ulit siya.

"Grabe! Gano'n niya ako kausapin?" 

Pagtingin ko sa may kubo ngayon ko lang napansin na ang dami palang mga Law enforcement na student doon at lahat sila ay nakatingin sa'kin. Tiningnan ko si Grim Ripper na nakatawa pa.

"Akala yata nila baliw ka na." Inismiran ko lang siya na tumawa pa ulit. Nakatungo akong naglakad at  nilampasan na lang sila. Bumalik na lang ako sa room. Kakahiya ako.

__________________________________________________

Thank you so much, guys. Love ya'll 💙💙💙

Anyways,' wag ninyong kalimutan na mag-FAN sa' kin, VOTE, and SPREAD THE STORY.

Please, mahalaga po ang VOTE niyong lahat.

MARAMING SALAMAT! ☺️

Próximo capítulo