Chapter 14 - Sand Gopher
Nagpatuloy silang maglakbay sa kagubatan at sa ngayon ay wala pa silang nadadaanang beast. Ang ibang bata ay nakasakay na sa kanilang mga beast na kahit ang iba ay hindi kumportable sa kanilang inuupuan ay tinitiis na lamang nila dahil sila ay pagod na.
Samantala si Zeuz ay hanggang ngayon ay hindi pa pagod dahil mas mataas na ang tier niya sa iba.
Ilang sandali lang ay nakalayo na sila sa bukana ng gubat at hindi inaasahan Ng mga bata na makakasalamuha sila ng isang uri ng beast na naglalagi sa herd o mga kauri nila.
Ang mga beast na ito ay tatlong beses ang laki sa normal na daga at mahahawig din sila sa itsura Ng daga. Sila ay may kulay dark brown na balahibo. Sa pwesto ni Zeuz ay ginamit niya na ang kanyang ability, ang Divine Tortoise Eyes.
________________________________________
[Beast Name]: Gopher
[Affinity]: None
[Ranking]: Half-Stage Bronze-Rank
[Potential]: None
[Status]: Healthy
[Skills]: Bite, Claw
Bite (The owner use it's mouth to bite)
Claw (Use it's claw to attack)
________________________________________
Nabuntong hininga si Zeuz dahil mga Half-Stage Bronze-Rank lang ang mga ito ngunit nababahala pa rin siya sa Dani Ng mga beast na ito, sa bilang niya ay mga Gopher na nasa kanilang harapan ay umaabot sa 19 ang bilang.
Napansin niya rin sa data ng mga ito ang mga pagbabago, wala itong affinity, potential at Innate ability.
Ang tatlong nabangit ay lalabas lamang kung naabot na nila ang first-stage ng bronze-rank at nararamdaman niya ring ang mga Gopher na ito ay malapit ng mareach ang 1st-Stage.
"Mga bata, ang mga ito ay malapit pa lamang maging 1st-Stage kaya magandang pagkakataon para maging training" wika ng Sixth Elder at inutusan ang clan guards na iunsummon ang mga beast upang Hindi natakot ang mga Gopher .
Nagkalat ang mga bata upang maghanda dahil pinaghihiwalay rin Ng clan guards ang mga Gopher upang maging madali sa mga bata. Bawat Isa sa kanila ay may kaharap na isang Gopher ngunit ang nakakagulat ay apat ang kaharap ni Zeuz. Maski si Zeuz ay nagulat, at napatingin sa Sixth Elder na nakangisi sa kanya at doon napagalaman ni Zeuz ang nangyayari, siya ay naset-up.
Ang alam Ng Sixth Elder ay 1st-Stage lamang ang mayroon si Zeuz kaya Malaki ang tiwala niya sa kanyang plano ngunit nagulat na lamang siya Ng isang maliit at itim na daga ang humarap sa apat na Gopher na dalawang beses na mas malaki sa kulay itim na daga. Doon pumasok sa kanya ang konklusyon na may first summon beast na si Zeuz. Mas Lalo siyang nagulat sa sumunod na nangyari dahil ang apat na Gopher ay nahinto sa kinatatayuan ng mga ito at ilang sandali lang ay tila naging abo ang apat. Ang napansin niya pa ay may apat na tila dilaw na enerhiya ang pumasok sa tila lamparang nasa dulo Ng buntot ng daga.
Hindi na pinatagal ni Zeuz ang laban sa pagitan niya at Ng apat na Gopher, mabilis niyang kinausap si Munting Squeek na lumaban na tamad na sinunod ni Munting Squeek. Sinabi ni Zeuz na gamitin ang Soul Freeze, sunod ang Soul Ignite at huli ang Innate ability ni Munting Squeek na Soul Keep dahil alam niyang magagamit niya ang mga iyon sa hinaharap.
Natapos ang kanyang Laban ay pinanood nila ni Munting Squeek ang laban sa pagitan Ng mga bata at Gopher. Marami na ang nakapaslang sa kalaban, sinubukan ni Zeuz ipagamit kay Munting Squeek ang Innate ability nito sa mga napapaslang na Gopher Ng ibang bata ngunit walang naging epekto at nagkaroon siya Ng konklusyong tanging ang mapapatay Lang ni Munting Squeek ang maaari niyang makeep.
Natapos Ng paslangin Ng lahat ang kanilang kalaban marami ang napagod at nawalan Ng enerhiya dahil sa laban ngunit nagpatuloy pa rin sila sa paglalakbay nila patungo sa akademya.
Palayo Ng palayo ang kanilang nararating at dalawa pang beses silang nakasalamuha ng Gopher herd. Kagaya Ng nauna ay nilabanan rin ito Ng mga bata kahit sila ay pagod, katulad din Ng ginawa ni Zeuz ay ganon rin ang ginawa niya noong una ngunit napapansin niya ring dumadami ang makakalaban niyang gopher. Wala pa silang ibang beast na nakakasalamuha bukod sa Gopher. Wala namang ibang nangyari maliban sa napagod ang mga bata sa mainit na Laban ngunit mapapansin din ang pagbabago Ng aura nila mas naging maganda na tila unti-unting nawawala ang kaba, takot at pangamba.
Si Zeuz ay hindi gaanong napagod dahil Isa nalang ang ginagamit na skill ni Munting Squeek, ang Soul Command na kung saan ang mga nakeep niyang soul ang lumalaban. Napansin din ni Zeuz na ang soul ay hindi talaga purong kaluluwa bagkus ito ay kamukhang kamukha Ng ganyang napatay na beast. Ang pangyayaring iyon ay nagpagulat sa Sixth Elder at clan guards ang akala nila ay naglalaban na ang mga Gopher sa isa't isa ngunit napansin nila si Zeuz kaya nawala ang pagtataka at napalitan Ng pagkamangha.
Sa pwesto naman ni Zeuz ay nagtaka siyang nakatingin sa soul Ng bago niyang napaslang na Gopher na ayaw makeep kaya ginamit niya ang kanyang ability para makita ang nangyayari. Tinignan niya si Munting Squeek at nagfocus Lang siya sa soul keep nito
________________________________________________
[Innate Ability]: Soul Keep (15/15)
________________________________________________
Doon niya napagalamang puno na pala ang kanyang Soul Keep. Kaya pumasok sa isip niya na sana ay pili niya ang soul keep beast na ikekeep niya kaya naghihinayang siya ngunit nagulat siya Ng kausapin siya ni Munting Squeek sa kanilang soul bond.
"Zeuz, wag kang magalala at may paraan akong naiisip. Dapat Lang nating gamitin ang Soul Bind" wika ni Munting Squeek sa napakatinis na boses.
Doon muling lumiwanag ang mga mata ni Zeuz kaya iniutos niya na kay Munting Squeek ang sinuggest nito. Ilang sandali lamang ay ang apat na makalabas na soul keep Gopher at nagsama-sama at ganoon rin ang iba tanging tatlo nalang ang natira. May tatlo ring umiilaw at Ng tignan ni Zeuz ito ay namangha siya.
________________________________________________
[Beast Name]: Gophers
[Status]: Soul Binding...
________________________________________________
Nananabik siya sa mangyayari kaya nagantay siya at ilang sandali pa ay natapos rin ang lahat. Lumitaw ang tatlong bagong beast halos kapareho lang ito ng Gopher ngunit mapapansin na naging mas mapusyaw ang balahibo Ng mga ito at sa paa Ng mga ito ay may tila lupa. Pinagmasdan ni Zeuz ang mga nilalang at natuwa siya, halatang double ang lakas nito kaya sa Gopher kay tinignan niya ito gamit ang kanyang ability.
________________________________________
[Beast Name]: Soil Gopher (Soul Keep Beast (
[Affinity]: Earth
[Ranking]: 1st-Stage Bronze-Rank
[Potential]: Depends on user of Soul Keep
[Status]: Healthy
[Innate Ability]: Land Trap (Description: The land that the opponent stepping in will be soft like mud)
[Skills]: Bite, Soil Claw, Soil Hand
Bite (The owner use it's mouth to bite)
Soil Claw (the claw of owner will covered by soil and use it to attack. The soil covered claw will deal more damage than normal claw)
Soil Hand (The skill can materialize a human-like hand made of soil on the ground)
________________________________________
Natuwa siya sa nakita dahil alam niyang mas malakas ito kaysa sa normal na Gopher. Napatingin siya sa nagiisang natirang soul Ng napatay niya kaya kineep niya ito at ginamit ang soul bind sa natitirang apat na Soul Keep Gopher at katulad Ng nagyari kanina ganoon rin ang nangyari sa huli.
Napaisip si Zeuz kung anong mangyayari kung pagsasamahin niya ang apat na Land Gopher kaya ginamit niyang muli ang Soul Bind at ang apat na Land Gopher ay nagsasama-sama at umilaw ng kulay dilaw.
Nagantay muli si Zeuz habang abala ang iba sa pakikipaglaban sa mga Gopher. Hindi nagtagal ay nawala ang dilaw na liwanag at lumitaw ang bagong itsura ng pinagsamasamang Land Gopher ang bagong itsura ay kulay na Ng buhangin sa disyerto ang balahibo at may buhangin sa mga paa nito. Muling ginamit ni Zeuz ang kanyang ability.
________________________________________
[Beast Name]: Sand Gopher (Soul Keep Beast)
[Affinity]: Sand
[Ranking]: 2nd-Stage Bronze-Rank
[Potential]: Depends on user of Soul Keep
[Status]: Healthy
[Innate Ability]: Sand Dunes (Description: The part where the opponents, standing in where become sand and make the opponent speed decrease or trap on sand)
[Skills]: Bite, Sand Claw, Sand Hand
Bite (The owner use it's mouth to bite)
Sand Claw (the claw of owner will covered by sand and use it to attack. The sand covered claw will deal more damage than normal claw and soil claw)
Sand Hand (The skill can materialize a human-like hand made of sand on the ground. The damage are more high than soil hand)
________________________________________
Tuwang-tuwa si Zeuz, isipin mo nga naman na isang 2nd-Stage Bronze-Rank beast ang napunta sa iyong kamay Ng hindi man lang nababawasan ang slot diba.
"Dahil magiging parte ka na Ng adventure ko kailangan ay pangalanan kita. Ano kaya ang magandang pangalan mo? Hmmmm...muka kang kulay ginto kaya ang ipapangalan ko sayo ay, Goldy" wika ni Zeuz habang hinahaplos ang golden brown na balahibo Ng Sand Gopher.
_________
Natapos muli ang laban at Wala Ng sumunod pa. Mayroon sa ibang bata ang sumailalim Ng blood contract na pinayagan naman Ng Sixth Elder ngunit ang iba ay hindi matipuhan ang iba nilang nakakasalamuha. Nagyong ay nasaa gitna na sila Ng gubat at marami Ng malalakas na beast na nilalayuan nila ang nananahimik lang at nilabanan Ng clan guards ang sumusugod sa kanila na Paisa Isa Lang naman.