VENICE CLARK
Nangigigil ako kila carl at sila na mismo ang pababagsakin ko. Kinausap ko si donnie na papuntahin ang dalawa sa blacksheep kong kaibigan na si julse at xenon. Kaya andito na ako sa point na nakatali sa upuan si marco at kasama ko ang dalawa.
"Ano na nalalaman mo tungkol samin ni carl?"
Tanong ko kay marco na nakagapos
"Eh ano pa nga ba? Edi yung kayabangan mo"
"Ang talas din ng dila mo eh noh" sabay sampal ko sa kanya
"Ikaw ang dahilan kung bakit lumayo sakin ang best friend ko" dugtong ko
"Gag* dahil sa kinain ka na ng kayabangan mo at pati si ELI HINIWALAYAN KA"
Sinipa ko siya nang kinatumba ng upuan at pati siya. Pero may narinig akong ingay mula sa di kalayuan.
"Patayin ka na sana ng k-konsensya mo" sagot lang niya na nanghihina
Lumabas ako sa abandonadong bahay at nakita namin si Carl at MJ.
"Ilabas mo kaibigan ko!" Ani carl na wala man lang emosyon
"At paano mo naman nalaman?"
"Sinundan ko kayo" lumabas sa likura nila carl si yannah
Papunta ito saamin at pinaghahampas ang dalawa kong kaibigan. Pero nahawakan ko siya at sinampal. Bigla ako sinugod ni carl
"Saktan mo na ako wag lang ang mga kaibigan ko" sabay suntok ko sa kanya ng malakas
Umawat si MJ at napaupo ako.
"Wow kaibigan? Ako ba tinuri mong kaibigan?" Galit na sagot ko sa kanya
"Oo pare"
at napayuko ako
"ikaw lang, binalot ka lang ng kayabangan mo" nakakuyom ang kamay niya
Parang nakaramdam ako ng poot sa ilang taon kong pagiipon ng sama ng loob sa kanya.
"Pero bakit mo kami pinaghiwalay ni eli"
"Dahil sa kayabangan mo"
"Bakit mo ginamit si ate hannah?"
"Gumanti ako"
Siya naman ang sinugod ko at pinagsusuntok hanggang sa:
PRRRRRT
May baranggay tanod na ang sumugod saamin pero nakatakas din kami.
MJ RAMOS
Puro rebelasyon ang bumalot saamin matapos ang sagutan ng dalawa. Pumasok ako sa abandonadong bahay at nadatnan ko si marco na nakagapos sa upuan at walang malay kaya tinulungan ko siya. May abulansya na ang andun sa lugar na pinangyarihan. Si marco ang unang sinakay sa ambulansya at sumunod si yannah na wala ding malay at huli si carl na sugat sugat lang ang natamo.
"Tawagan mo sila xander" ani carl na nanghihina na din
Hinding hindi ko sila mapapatawad. Nakakarami na yang venice na yan.
Nasa ICU ang dalawa at si carl naman nasa clinic nang biglang dumating ang iba naming mga kaibigan
"What is happening?"
bungad ni xander na tumatakbo papunta samin
"Na gang fight, si venice"
"Tang*na talanag ni venice" -bryan
"May sinabi si ford saakin bago niya utusan sila julse" dugtong niya
"Ano?"
"Ang sunod daw na target ikaw tas ang mga babae, at panghuli si xander" -Bryan
Kailangan may gawin kaming hakbang para matapos na ang gulong ito.
Nagpunta din ang mga babae na kinagulat ni kyla ang nangyari sa kaibigan.
"Ano nangyari kay yannah?"
Gulat na tanong ni Kyla
"Nadamay"
Nakatingin lang ako sa malayo nang makita ko si venice na naka hood at mukhang may binabalak nanaman.
"Guys maiwan ang dalawa sa atin"
"Ako na lang, i'll call abby for security" sagot ni xander
"Sama ako" ani kim
Pinasama ko si bryan sa akin at sinundan si venice.
XANDER GONZALES
Nakatitig lang ako sa phone ko at nakabukas ang verified official twitter account ko. Nagpost ako kagabi ng pinost ko sa facebook. Nagbabasa ako ng mga comments. Hindi ko namalayan na katabi ko na pala ang pinsan ko
"What are you doing?"
Sabay tingin niya sa twitter ko pero pinatay ko agad yun.
"Nothing"
Naupo naman sa tabi ko si kim at malungkot naman.
"W-why are you sad kimmy?"
"Aba, kailan kapa nagi--" sabay ni abigail
"Shut up"
Bigla ko naalala naging ex pala ni kim si marco. Bigla bigla na lang ako niyakap nang kinabilis ng tibok ng puso ko
"May pinagsamahan naman kami pero hindi ko aakalaing mangyayari sa kanya yan kasama ng matalik kong kaibigan" ani nya sa malambing na boses
"Damn you're blushing and its cute"
Hindi maipagkakaila dahil sa maputi siya.
"Pwede pasintabi muna, nilalanggam ako eh" sabat ni abigail.
"Can you please.."
"Can you not" sabay dila niya at umalis
Kahit kailan talaga napaka asar ng pinsan ko. Tinignan ko ulit phone ko at binalik sa bulsa.
Makalipas ang ilang oras at lumabas na ang doktor at nadatnan namin sina MJ, Bryan, Ford at si maam cherry
"Ano po nangyari sa kapatid ko" bungad agad ni maam sa doktor
"Well, may pilay siya sa kamay at binti at kailangan niyang gumaling in 3weeks"
Nagbuntong hininga naman si MJ at nakita ko si bryan na galit na galit.
"Kailangan niya muna magistay ng ilang araw dito para maobserbahan siya, si yannah naman nashocked lang siya at dahil sa shock niya, nafaint siya. Pero pwede na siya lumabas in few days"
"Hay salamat naman" ani kim
"Si carl naman kailangan palitan ang buto niya sa kamay dahil sa natamo niya, katulad ni marco, magiistay muna siya"
Matapos makipagusap si maam sa doktor
"Guys, kailangan natin magdobleng secure, malakas si venice, nakaaway na niya kapatid ko noong una"
at biglang umiyak si maam na pinatahan naman nila Jha
"Kailangan ng dobleng bantay sa dalawa" -bryan
"Kami na bahala bukas kay venice" ani MJ
"Pinalagpas ko na yung una eh, sinabi ko na kay venice noon na walang sisihan kung bakit pinatalsik siya ng sarili niyang best friend sa banda"
Naguluhan padin ako kung bakit malaki ang galit niya kay carl at marco.
Matapos ang ilang oras na pagbantay ni maam cherry sa hospital ay pinauna na kami ni maam cherry at siya na ang magbabantay.
Nasa arko kami ng gamewoods dahil dun kami binaba ni kim sa sasakyan ni bryan. Walang imik lang kaming naglalakad sa isa't-isa. Nagtinginan kami pero nagiwasan agad, nagtinginan ulit kami pero umiwas ako sa mga mata niya.
"You know, you're too awkward" bungad niya agad
"Yeah i know"
At kamot ko sa ulo ko at tinignan ko siya pero nagtawanan lang kami
"Someday, we'll be friends"
Ani kim sabay una na nya sa paglalakd at papasok sa bahay niya pero hinarang ko agad siya.
"We're already friends"
At ngumiti ako sa kanya.
"See yah" dugtong ko at dumerecho na sa paglalakad at pumasok na din sa bahay.
Pagkapasok ko ay may sapatos akong nadatnan sa floormat ko at pagpasok ko ay si abigail at si fresco lang iyon, nagluluto si fresco at si abigail naman ay naghahanda.
"Tara kain na tayo" sabi nito saakin
"You guys are so great, thanks a lot" sabi ko din kay abigail na niyakap agad ako
"I hope na magtutuloy-tuloy na yan mr.accent" ani niya at umakbay siya
Ningitian ko lang siya at natapos na magluto si fresco, adobo ang niluto niya.
"Damn i miss this dish" sabay kuha ko agad ng ulam at kumain.
End of chapter 18