webnovel

Chapter Fourteen

🛍Chapter Fourteen 💗Nang lapitan siya ng isang kidnaper may dala itong tray para sa kanya at may pagkain na doon meron ding soft drinks, bigla niya itong sinuntok sa tiyan, hindi niya inaasahan para itong bulak na natumba na lang bigla, nabuhos ang mga pagkain nitong dala.

"Naku hindi ko nakontrol ang suntok ko, kawawa ang mamang ito ," sa isip ni Rey ,

Palabas na sana siya ng makita siya ng isa sa dalawang bantay sa labas ng pinto, palapit sa kanya ang isa may hawak itong (spika sticker fixed knife 548 spika) sasaksakin na sana siya nito, ngunit naka ilag siya at ng magka buwelo ay sinuntok niya ang tuhod nito kaya bigla itong natumba, tatayo pa sana ito ngunit hindi na nito magawa, at ang palapit naman sa kanya na isa pa ay hindi na ito naka porma na flying kick niya ito hayun tumilapon sa malayo tulog.

Hangang sa palikong pinto ng abandonadong building ay may nakasalubong siyang dalawa pang kalaban ang isa ay may hawak din na jungle knife 9cm, inambahan siya nito ng saksak ngunit sinipa niya ito ng ubod lakas kaya malayo ang inabot nito,  mabuti na lang ay dingding na ang kinasadlakan nito dahil kung hindi ay malamang nahulog na ito, nasa ikaapat pa namang floor sila , durog durog na sana ang katawan nito, siguro naging criminal na si Rey pag nagkataon, lumakad lang ng lumakad si Rey na sa palagay niya ay palabas na siya ng building, ng may nakasalubong pa siyang 3 pang kalaban lahat ito ay may hawak na kutsilyo kaya unang amba sa kanya ng kalaban ay tinamaan siya ng kutsilyo nito sa tiyan , napaurong at napahawak siya sa tiyan kung saan siya tinamaan, pero hindi siya nagpatinag kaya nasuntok niya ito sa panga  ng makalapit ito sa kanya, bigla itong natumba, dalawa pa ang kalaban ni Rey, dahil sa marami na ang dugong nawawla sa kanya ay nanghihina na siya kaya ng salakayin siya ng isang malaking lalaki ay natumba siya , at nasaksak pa nito ang kanang balikat niya dumugo din iyon, umikot siya para umiwas ng konti sa kalaban, palibhasa pareho sa kanan ang tama, kaya ang kaliwang kamay  na lang ang ipinangsuntok niya , dahil panay nga ang practice niya ay ininda din ng kalaban ang suntok sa mata nito at sinundan pa niya ng suntok ito sa panga bumagsak na din ito, hangang sa isa na lang ang kalaban pero marami na talagang dugo ang nawawala sa kanya kaya nanghihina na siya, sinamantala ng kalaban ang nakikitang kahinaan niya, iwinasiwas nito ang hawak na patalim sa mukha niya pero nakailag pa siya ,pero nagawa nitong suntukin siya buti na lang sa kaliwang balikat niya tumama ang suntok nito at naback kick niya ito ng 540 degrees ayun tulog ang pobre.

Nakalabas na siya ng building, naka salubong niya si Andrea at may kasama itong matangkad at malaking lalaki kamukha ito ni Andrea siguro ama nito iyon, pagkakita nito sa kanya ay sandali itong natigagal, siguro dahil sa dugong nakikita nito sa uniform na longsleeves  kulay puti na suot ni Rey, o kung hindi ay sa nagtaka ito kung paano siyang naka ligtas sa walong lalaking pinadala nito para kidnapin siya, hindi na siya nagsayang ng panahon at tumakbo siya at nagawa niyang masipa ito na tumilapon ng hindi naman kalayuan dahil hindi na mapuwersa ang katawan niya gawa ng galing siya sa pagtakbo sa ganoon ay mababawasan ang lakas mo, at dahil na rin sa nanghihina na talaga siya kasi nga ay sa dami na ng dugong nawawala sa kanya, nilapitan niya ang lalaki pero hindi pa siya nakakalapit dito ay nasipa na siya nito tumilapon din siya pero agad siyang tumayo at agad na niyang nasuntok ng ubod lakas ang naka lapit ng lalaki sa kanya ng kaliwa niyang kamay kaya hayon nakatulog din ang lalaki , Si Andrea ay agad nahimatay siguro dahil sa takot at mga agam agam ng mga nangyayari sa kasalukuyan. Napa upo na lang siya sa maint pang simento dahil mainit na ang alas otso ng umaga, inumaga na siya sa lugar na iyon, wala siyang magawa hangang sa masulyapan niya ang cellphone na naka kalat lang sa semento siguro cellphone ito ng tatay ni Andrea , tumawag siya kay Junas dahil iyon lang ang memorize niyang number , hangang sa nawalan na lang siya ng malay, nagsidatingan na ang maraming pulis pati mga navy na tinawagan na ng nanay niya, naisakay na din siya sa ambulansiya papuntang hospital,

"Mrs. Crisologo marami na po ang nawalang dugo sa anak ninyo pambihira pa naman ang dugo niya AB+ wala kaming stocks sa blood bank namin tinawagan na din namin ang lahat ng blood bank dito sa Pilipinas pero wala talaga ang dugong puwedeng maisalin sa kanya, ang last chance na lang po natin ay galing mismo sa tao na may ganitong klase ng dugo, may mga kamag anak ba kayong willing na mag donate ng dugo na ka type ng kanyang dugo? Major Crisologo?," o kung hindi ay ibang tao bayaran na lang natin, pero 10 percent lang ang chance natin na meron tayong makuha, at sa ibang bansa na blood bank ay may posibilidad tayong makakuha doon , ang risk ay wala na tayong oras makakuha man tayo hindi na aabutin 50 50 na ang chance ng pasyente, ikaw Major hindi ka ba puwedeng mag donate,"

" Type O po ako dok hindi kami match ,"

"Pakitawagan po ninyo ang mga kaibigan ninyo o mga kaibigan ng anak  ninyo malay po natin baka makakuha tayo ng donors isa man sa kanila,"

Iyon na nga ang ginawa niya ,unang dumating sa hospital si Junas , pagka pa check nito ng kanyang dugo ay dumeretso kaagad Ito sa Intensive Care Unit, naka suot na siya ng Laboratory gown ng makapasok siya sa loob , tumutulo na ang kanyang luha habang papalapit siya sa hospital bed kung saan naka ratay si Rey ,

"Rey  bakit ba napakatapang mo hinintay mo na lang sana ang mga magliligtas sayo, sana nga lang magka type tayo ng dugo para maka ligtas ka na sa kalagayan mo ngayon mahal na mahal kita alam mo ba yon?,

Hawak hawak niya ang kamay nitong nasa labi na niya iyak siya ng iyak pati mga luha niya ay hindi na tumitigil sa pag agos hindi niya na kayang pigilan, binitiwan niya ang kamay nito at maingat itong kinumutan , hangang sa matapat ang ulo niya sa mukha nito , natukso siyang halikan ito, hinalikan niya ito sa noo iyon lang ang nakaya niyang gawin , naramdaman niyang may pumasok, si Eli ay nasa harapan na din niya ito habang humihikbi at pinupunas ang mga luha na patuloy na umaagos sa mula sa kanyang mga mata . Magka type ang dugo ni Eli at Rey kaya naka pag donate si Eli ng two bags 500cc each, Chapter Fourteen

Próximo capítulo