webnovel

Chapter 391

"O edi yan ang napala mo hmmp! Makaalis na nga!" Puno ng paninising saad ng batang si Li Zhilan habang nakatingin ng mapait sa binatang estrangherong nasa harapan niya. Sininghalan niya pa sa huli ang nasabing estrangherong lalaki.

Ewan ba niya sa kuya Xiaolong niya kung bakit niya dinala rito ang pesteng nilalang na ito na sobra ang kahambugang tinataglay nito.

May sasabihin pa sana ito kanina ngunit mabilis itpng pinigilan ng kuya Xiaolong niya. As if naman na isang maharlika ang nilalang na nasa harapan niya. Akala nga niya ay may bagong Kuya na siya na tatawagin ngunit sa pag-uugali nito ay siguradong magiging pabida-bida ito sa pamilya nila. Siya lang dapat ang bida sa pamilya nila, ekstra lang ang Kuya Xiaolong niya noh. Siya pa ba.

Mataman lamang na nakatingin ang batang si Li Xiaolong at ang mismong estrangherong binata na dinadala nito. Nagsusukatan pa ng tingin ang mga ito na animo'y parang mayroon silang negosasyon.

Naglakad na lamang siya palayo habang animo'y nagdadabog. Ikaw ba naman ang paroon at parito ang lakad kani-kanina ay hindi ka ba maiinis? Malamang ay maiinis ka. Ni wala ngang pasalamat man lang siyang natanggap sa estrangherong ito na para sa kaniya ay ubod ng yabang.

Naikwento ng kuya Xiaolong niya nitong nakaraang mga araw na magkaedaran lang daw kasi ang estrangherong binatang ito sa Ate Li Jianxin nila. Medyo nagtampo din siya sa kapatid niyang si Li Xiaolong nang sabihin nitong mabait daw ang estrangherong ito, edi siya namang si uto-uto ay napapaniwala naman kaagad-agad kaya ito napala niya ngayon.

Konting-konti na lang talaga ay isusumpa niya ang kapestehan ng estrangherong ito. Kung alam niya lang na maitim ang budhi nito, siya na mismo ang pumaslang nito habang hindi pa ito nagigising. Nakakagigil para sa kaniya ito.

"Humanda ka sakin estranghero, malalaman mo kung sino ang boss dito sa Green Valley!" Parang kontrabidang saad ng batang si Li Zhilan habang padabog-dabog pa rin itong naglalakad.

Nakita naman ito ng batang si Li Xiaolong sa hindi kalayuan at kung paano ito lumakad ay halos humagalpak na sa kakatawa ang isipan niya. Indeed, epektibo ang ginawa niya. Alam na niya ang takbo ng utak ng kapatid niyang si Li Zhilan.

Ngunit nawala ang kasiyahan niyang ito nang sumalubong sa kaniyang tingin ang talim ng pagkakatitig ni Prinsipe Lei na siyang prinsipe ng Sky Ice Kingdom na iniligtas niya.

Kinabahan naman bigla ang batang si Li Xiaolong sa paraan ng pagkakatitig ng binatang prinsipe na animo'y parang kakainin siya nito ng buhay habang nanlilisik ang pares ng mga mata nitong nakatingin sa kaniya.

"Hindi ko aakalaing natalo ako ng isang batang paslit na katulad mo hmmp! A mere Xiantian Realm Expert tsk!" Puno ng panghahamak na saad ni Prinsipe Lei nang mapansin nito kani-kanina pa ang pamilyar na laki ng batang nasa harapan niya ngayon.

Pansin niyang hindi normal ang paglaki nito kumpara sa mga ordinaryong batang nakikita niya. Base sa bone structure ng paslit na batang ito ay nasa walong taong gulang pa lamang ito.

Bahagyang napaismid ang batang si Li Xiaolong ngunit hindi niya ipinahalatang nagulat siya sa sinabing ito ng kalaban niyang si Prinsipe Lei.

"So alam mo na palang ako ang nakalaban mo. Why bother knowing about it?!"walang pakialam na wika ng batang si Li Xiaolong pabalik kay Prinsipe Lei.

"Hindi ka ba natatakot na mapaslang kita sa lugar na kinaroroonan mo ngayon? Kating-kati na kong paslangin ka at isunod ang pesteng Crowned Prince!" Puno ng pagkagalit na banta ni Prinsipe Lei habang matalim pa rin ang pagkakatingin nito sa batang si Li Xiaolong.

HAHAHAHAHAHA!!!

Napahagalpak naman sa kakatawa ang batang si Li Xiaolong na siyang ikinapagtataka ni Prinsipe Lei. Mabilis din nagseryoso ang mukha nito at agad din itong nagsalita. Tumalim din ang tingin nito sa nasabing prinsipe.

"Ang tanga mo naman. Nasa teritoryo ka namin kaya umayos ka. Hindi mo alam ang maaari kong gawin sa'yo sa oras na gumawa ka ng maling galaw rito." Pagbabanta ng batang si Li Xiaolong sa binatang prinsipeng si Prince Lei. Ang kapal ng pagmumukha ng isang hamak na prinsipeng ito upang pagbantaan siya. Titulo lang ang hawak nila ngayon pero sa susunod ay mas lalamang siya sa mga ito.

Bahagyang nagulat naman si Prinsipe Lei at napalaki pa ang pares ng mga mata.

Napakunot bigla ang noo nito nang inilibot bigla ni Prinsipe Lei ang buong kapaligiran na nakikita niya. Indeed, tama nga ang hinala niyang nasa teritoryo siya ng kalaban niya.

"Nasaan ba ako ngayon ha? Napakapangit naman ng lugar niyong ito tsk!" Panghahamak na saad ni Prinsipe Lei habang napaismid pa ito kasabay ng tanong nito.

"Nasa Green Valley ka, lugar ng mahihirap na mga angkan. Pangit ba ang lugar namin?!" Nakakunot-noong sambit ng batang si Li Xiaolong at animo'y parang nag-iisip pa ito ng mabuti.

"Green Valley?! Ano'ng klaseng lugar to sa Sky Ice Kingdom? Humanda ka talaga batang paslit kapag nakabalik na ko sa palasyo dahil ikaw ang una kong tutugisin at ipapapaslang sa harap ng publiko!" Seryosong wika ni Prinsipe Lei habang mala-demonyo pa itong nakangisi sa gawi ng batang si Li Xiaolong.

Tiningnan siya ng batang si Li Xiaolong na parang wala itong pakialam sa mga sinasabi niyang mga pagbabanta. Parang napahinga pa ito ng malalim at napa-sigh na lamang.

"Hindi mo ba kilala ang Green Valley? Do you really think takot ang lugar na ito na siyang tinitirhan namin sa banta ng isang pesteng prinsipeng katulad mo? Pabalang na sagot ng batang si Li Xiaolong habang parang walang emosyon habang sinasabi ang mga mapagbantang salitang binitawan ni Prinsipe Lei sa kaniya at sa buong lugar na ito.

Mas kumunot naman ang noo ni Prinsipe Lei matapos niyang marinig ang mga salitang binitawan ng batang lalaking nasa harapan niya sa hindi kalayuan mula sa pwesto niya.

"Ano'ng ibig sabihin mo bata? Diretsuhin mo kasi ang sinasabi mo? Kahit ano'ng klaseng pangalan ng lugar pa itong napakapangit niyong pook ay siguradong hindi ito makakaligtas sa bagsik ng aming kaharian." Puno ng kayabangang turan ni Prinsipe Lei habang nakangiti pa ito ng malaki. Pansin ang kasiyahang nakapaskil sa mga labi nito.

"Talaga ba? Kung gayon ay pormal kong ipapakilala sa'yo ngayon ang Green Valley, sakop ng kaharian ng Sky Flame Kingdom. Ang mortal na kahariang kinamumuhian niyong mga taga-Sky Ice Kingdom!" Malakas na pagkakasabi ng batang si Li Xiaolong habang may malademonyong ngising nakapaskil sa mukha nito.

Ang malawak na ngiti ni Prinsipe Lei ay mabilis na nawala at mistulang natuod pa ito sa kaniyang sariling pwesto. Nanlalaki pa ang pares ng mga mata nitong nakatingin sa gawi ng batang kakakilala pa lamang nito. Hindi niya aakalaing nautakan siya ng isang walong taong gulang na batang hindi niya lubos akalaing bitag pala ang lugar na ito para sa kaniyang isang nilalang na galing ng Sky Ice Kingdom.

Próximo capítulo