Alice
Pagkatapos ng pangyayari sa may gate ay agad na inihatid na rin ako ni Sarah sa aking klase. Hindi man kami naging magkaklase eh ayos lang, nasa kabilang classroom lang naman ito. Ano man oras eh pwede ko siyang puntahan, ganoon din ito sa akin.
Madalas talaga, hindi kami nagiging magkaklase ni Sarah. Palagi itong napupunta sa Section B, habang ako naman ay nasa Section A.
"Alice!" Malawak ang ngiti na sinalubong ako ni Lila ng mahigpit na yakap at agad na iginaya patungo sa kanyang upuan, kung saan kami magkatabi.
Yep, kami ni Lila ang palaging magkasama sa klase. At walang school year, ang hindi kami nagiging mag kaklase. Bagay na palagi nilang pinagtatalunan ni Sarah.
Nasa tabi nito ang kanyang kaibigan na si Billy, habang nakikipag daldalan sa kanyang best friend na si Adriana, at iyong nasa bandang unahan naman nito ay ang tahimik na nagbabasa ng libro na si Breeze.
Best friend's silang apat, kung ako ay mayroong dalawang best friend, na si Lila at Sarah, si Lila naman, mayroon pang tatlo. Hanep, diba?
Hindi ako gaanong close sa kanila, kay Lila lang talaga ako palaging nakikipag-usap, ewan ko ba. Bukod kasi sa mayayaman na sila eh, ang gaganda pa nila. Isama mo na rin na, isa sa mga kilalang tao sa bansa ang pamilya nila. Kaya anong karapatan ko para makihalubilo sa kanila, hindi ba?
"Kumusta ang Summer mo?" Tanong ni Lila habang ipinupulot ang braso sa akin.
Napa isip pa ako kunwari bago muling tinignan siya sa mata.
"As usual, nagbebenta ng kung anu-ano at iba-iba rin ang raket." Sarkastikong sagot ko bago napatawa.
Hindi naman nito napigilan ang mapabusangot.
"Sana katulad mo rin ako, masipag." Biglang nalungkot ang mukha na sabi niya.
"Ano ka ba naman, masipag ka rin kaya." Pagpapagaan ko ng loob niya. "Nagtatrabaho ka rin kaya kagaya ko, kahit na wala naman sa itsura mo ang pagiging mahirap." Dagdag ko pa.
Totoo naman kasi, kutis mayaman at kilos mayaman kaya itong si Lila. Kaya kahit na anong gawin ko, hindi ako naniniwala na wala siyang mga magulang. Mayroong part kasi sa loob ko na may hindi pa siya sinasabi sa akin. Pero kung ano man iyon, kaya ko namang maghintay. Kapag handa na siya, alam kong magtatapat din ito ng totoo sa akin.
Hindi nagtagal ay dumating na ang aming magiging teacher para sa unang klase namin ngayong araw. At isa sa paborito ko ay Science, syempre ano pa nga ba? Nandyan na at hindi na yata mawawala pa ang 'Introduce yourself'.
Syempre, gustong gusto ko talaga ang palaging pumupunta sa harap at nagpapakilala ng aking sarili kapag ganitong unang araw ng klase. Pakiramdam ko kasi kapag ganoon, isa na akong ganap na Attorney.
Taas ng pangarap ano? Tuyo ng aking isipan.
Pagkatapos ng Science, sumunod namin na subject naman ay English, History at ang pinakaayaw ng karamihan sa lahat, ay ang Math.
Magsisimula na sana ang klase nang biglang bumukas ang pintuan dahilan upang makaagaw iyon ng maraming pansin.
Rinig na rinig ko ang pagsinghap ng lahat, at pawang naka nganga pa ang mga ito, noong magtama ang kanilang mga mata sa mala anghel na mukha ng isang babae.
Umuusok naman ang ilong sa galit at magkasalubong ang mga kilay na napatingin rin si Mrs. Javarez sa kapapasok lamang na estudyante.
Habang ako naman ay mabilis na napayuko noong makilala kung sino iyon.
Bakit naman sa dinami-rami ng pweding maging kaklase eh siya pa? Inis na tanong ko sa sarili.
"Ms. Delo Santos, do you know what time it is?! I guess you are too early for your next class. And we still have lunch break." Sarkastikong sabi ng aming teacher dahilan upang maging maingay ang klase dahil hindi napigilan ang matawa sa kanyang sinabi.
"And please, you should wear your uniform next time."
Pero sa halip na humingi ito ng tawag ay napa ngisi lamang siya bago napa irap. Parang wala itong narinig o nakitang na teacher at nagpatuloy lamang sa pagpasok.
"Whatever." Bulong niya na rinig naman ng lahat.
"Whoa, bad girl." Rinig kong bulong ni Billy habang naiiling.
Mabilis na humanap ito ng kanyang mauupuan hanggang sa...
"Fck!" Hindi ko napigilang mapamura bago napahawak ng mahigpit sa kamay ni Lila.
Paano ba namang hindi eh, biglang nagtama ang aming paningin.
"Aww!" Reklamo niya. "What was that for?" Naguguluhan na tanong niya dahil sobrang nagpapanic na ako.
Naramdaman ko na papalapit ito sa aking pwesto kaya mas lalo akong hindi mapakali.
"Hoy, ikaw! Tabi dyan." Rinig kong utos niya sa malditang boses. Napapikit ako ng mariin at tatayo na sana ng biglang tumayo ang isa kong katabi at mabilis na humanap ng kanyang bagong pwesto.
Nagtataka ang mga mata ni Lila na sinundan ako ng tingin, hanggang sa muli akong mapa-upo.
At swear, ngayon lamang ako pinag pawisan ng ganito. Iyong malamig at parang hihimatayin na dahil sa kaba. Hindi ko rin magawang ibaling ang aking mga mata sa kanya kahit na konti or kahit na sandali.
Natatakot ako na baka mamaya bigla na lamang niya akong sampalin, o hindi kaya, sabunutan kagaya ng mga malditang babae na napapanood ko sa mga pelikula, kahit wala namang ginagawang mali iyong bidang babae.
Nagsimula na sa pag discuss ang aming teacher sa harapan, pinipilit ko ang huwag ma distract pero hindi talaga ako makapag concentrate.
Bakit paramdam ko, nasa akin lamang ang kanyang mga mata at hindi niya iyon inaalis kahit na sandali? Hindi ko na rin tuloy mapigilan ang ma conscious sa aking katawan. Baka kasi mamaya, masyadong maiksi na ang palda ko. O kaya, nag mukha na pala akong suman sa uniform ko dahil masikip na sa akin. Hays!
Kailangan ko na bang magpatahi ng bago?
"Alice!" Biglang pukaw ni Lila sa malalim kong pag-iisip.
"Okay ka lang ba? Lunch break na." Noon ko lamang napansin na wala na ang ibang nasa loob ng classroom kung hindi kami nalang.
Wala na rin iyong babaeng muntik na akong sagasahan kanina at kung makatingin eh parang sinasaksak ako ng maraming beses sa katawan.
Mabilis akong napalunok ng mariin at wala sa sarili na tumayo na. "S-Sorry...hindi ko namalayan." Pero alam kong hindi iyon uubra kay Lila. Lalo na sa mga tingin niya ngayon na para na akong nababaliw sa harap niya.
"Jesus, Alice! Nasa earth tayo! Earth 'to!" Pagmamaktol niya. "Ano bang nangyayari sayo? Bakit ang lutang mo?" Dagdag pa niya.
Muli akong napahinga ng malalim. "Wala...baka napuyat lang ako kagabi." Pagsisinungaling ko. "Tara na? Gutom na ako." Pagkatapos ay hinila ko na ito patungong Canteen upang hindi na ako muling tanungin pa.
----
Pagdating naman sa loob ng Canteen. Ay mayroon na agad na pagkain ang nakahanda para sa akin. Nagtataka man eh, agad ko na lamang iyong ipinagpasalamat kina Billy. Isa pa, nakakatamad din kasi ang pumila sa napaka habang pila na meron ngayon.
Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay sandaling nagkatinginan muna silang apat, at hindi na lamang ako pinansin.
Tss! Weird.
Panay ang aking pag buntong hininga kahit na kumakain na ako. Nag-aalala kasi ako na baka ngayong araw na pala ang katapusan ng buhay ko.
Hindi kaya, ako ang next target ng babaeng iyon? Iyon bang ipapahiya at paglalaruan sa harap ng maraming tayo?
At mas lalo pa akong nangamba noong muli na naman na mayroong nahagip ang aking mga mata na pamilyar na awra sa may kabilang lamesa.
Halos mabilaukan ako noong makompirma na siya nga iyon habang tinititigan ako ng masama. Pagkatapos ay awtomatikong napa ngisi ito.
Mabilis naman na binigyan ako ni Lila ng tubig. Kahit na alam kong inis na inis na ito sa mga nagiging ka werduhan ko ngayon.
Sandali rin na nagpaalam na muna ako sa kanila na pupunta lamang sa CR. Hindi ko na kaya, gusto ko na ng ilabas ito. Pinagpapawisan na rin akong muli ng malamig.
"Relax, Alice. Kaya mo ito, okay? Dapat matapang ka, walang kinatatakutan, hindi ka pweding ma distract ng kahit na sino o kahit na ano. Okay? Mag focus ka." Parang siraulo na kinakausap ko ang aking sarili mula rito sa loob ng isang cubicle.
Magkakalahating oras na yata akong nandito at mauubos na lang yata ang naiiwan kong oras dahil sa pagkulong rito. Kanina pa rin naman ako tapos sa pagdumi.
"Hays! Ano ba kasing problema ng impaktang 'yun?!" Inis na maktol ko na naman.
Impaktang maganda? Tanong ni innerself.
Ah basta! Pangit ugali niya eh.
"Aba! Ngayon lang yata ako magiging biktima ng mga mga bully na katulad niya ha!" Dagdag ko pa. "Pinapangako ko sa sarili kong hindi ko siya uurungan. Kahit na sino pa siya!"
Naghintay pa ako ng ilang segundo bago tuluyang lumabas na, pagkatapos ng mahabang panahon.
"Brave girl, huh?"
"Ay palaka!" Kusang bumilis ang pagtibok ng aking puso noong makita na nasa labas lamang pala siya ng cubicle kung saan ako nang galing.
Mabilis na inilapit nito ang kanyang mukha sa akin dahilan upang mapasandal ako sa pintuan.
Bakit ang lapit ng mukha niya? Baliw ba siya? Bulong ng aking puso. Naiinggit lamang tuloy ako kasi kahit na isang bakas yata ng tigyawat, hindi yata siya nagkaroon.
"H-Hoy! Ano ba!" Mabilis na itinulak ko ito papalayo sa akin pero muli lamang itong napangisi pagkatapos.
"Ano bang kasalanan ko sayo? Bakit ka nandito? B-Bakit mo ako sinusundan?!" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
Ngunit sa halip na sagutin ako o muling ngisian ako, this time ay napatawa na siya.
Oh la la.. Bakit mas lalo yata siyang gumaganda kapag tumatawa siya?
Ayt? Erase. Erase.
"Am I not allowed here? As far as I know, I am also a girl."
Ahhhh. Oo nga naman. Sang ayon ng aking isipan.
"E-Eh bakit kailangan ilapit mo pa yang mukha mo sa akin?" Inis na wika ko at lalabas na sana ng tuluyan pero muli na naman nitong iniharang ang kanyang sarili sa aking daraanan.
Napahinga ako ng malalim. Malapit ng magsimula muli ang klase pero nandito parin ako, nakikipagtalo sa isang siraulo.
"Pwede ba?! Paraanin mo'ko, utang na loob!" Malapit na akong maubusan ng pasensya. Akala niya matatakot pa ako sa kanya ha! Parehas lang kaming estudyante rito. Kaya wag siyang ano. Hmp!
Mataman na tinitigan niya akong muli sa aking mukha bago ito nagsalita.
"Una, may utang na loob ka talaga sa akin. Asaan na ang 546 ko? Utang mo 'yun sa akin. Pangalawa, nandito ako kasi..." Napalunok siya. "Just because."
Anong just because pinagsasabi nito?
"At pangatlo, gusto kong mas makita ang mukha mo sa malapitan kaya ko inilapit ang mukha ko kanina. Okay na?! Did I answered all your questions?" Sarkastikong dagdag pa niya.
Pero sa lahat ng sinabi niya, iyong utang ko lang sa kanya ang natatandaan kong lumabas sa labi niya.
Kaya naman, mabilis na kinuha ko ang aking wallet sa bag at ibibigay na sana ang pera noong mabilis na nauna na siyang lumabas.
"Teka---" Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin noong muli na naman siyang pumasok.
"Treat mo nalang ako next time." Naka ngiting sabi niya habang naka kagat pa sa ibabang parte ng kanyang labi.
"And please, remember my name. I'm Raven."
Hindi ko mapigilan ang mapatawa sa aking sarili noong patakbo na muli na naman siyang lumabas.
"A-Ano yun?" Natatawa na bulong ko sa sarili.
Raven. Cute.