webnovel

Chapter 2

LAURA'S Point of View

Sa gate, isang pamilyar na kotse ang huminto sa harap ko. Tatalikod na sana ako upang umiwas sa dalawang manglolokong iyon. Sina Gabby at Mandy, ngunit tinawag ako ni Gabby.

"Laura!" sigaw nito at patakbong lumapit sa akin. Hawak ang payong, sinukob niya ako roon.

"Laura, I'm sorry! Hindi ko alam kung anong nangyari!" hingal na sabi nito habang nakahawak sa kamay ko.

Sumulpot si Mandy sa likuran niya. Nakakaawa ang mukha nitong lumapit sa akin. Masasabi ko na umaarte lang ito dahil nandito si Gabby.

"Laura, maniwala ka kay Gabby! Kasalanan ko lahat. Sa akin ka nalang magalit. Kung gusto mo sampalin mo ako o kaya sigawan para mailabas ang galit mo."

Pagtingin ko sa dalawang taong nasa harapan ko ay hindi ko na napigilang pang umiiyak at tumawa.

"Akala ko sa nobela o drama lang nangyayari ang mga ganitong bagay, hindi pala! I didn't expect na mangyayari sa akin ito! Na magagawa mo ito!"

"Laura, please wag ganito!"

"Ano gusto mong sabihin ko? Patawarin kita? Para ano? Saktan mo ako ulit? Saktan niyo akong dalawa? Hindi na Gabby! I'm done with you."

"Ayusin natin 'to, please," pagmamakaawa ni Gabby.

"Alam mo kung ano ang mga pinagdaanan ko! Ikaw lang ang tinanggap ko! Naniniwala ako na hindi mo ko lolokohin, pero binabangungot lang pala ako."

Natahimik si Gabby sa sinabi ko. He is trying to pursue me. Iniisip ba niya na mababaw lang akong babae? Pag nag-sorry ay okay na ang lahat? Kapag nakapag-usap kami ay okay na. Kung sa tingin niya ay kaya ko pa siyang paniwalaan pag-katapos ng panloloko niya, nagkakamali siya.

"Alam ko!" napasabunot si siya sa ulo. "Hindi ko naman sinasadya! Nawala ako sa sarili ko. Aaminin ko, naging mahina ako. Hindi ko na uulitin ang nagawa ko. Believe me, Laura! Please, patawarin mo 'ko."

Napatingin naman ako sa gawi ni Mandy nang magsalita ito pagkatapos magpaliwanag ni Gabby.

"Laura, kasalanan ko. Ako ang nang-akit sa kanya. Nakakahiya mang isipin pero sorry talaga. Nadala lang ako ng pagmamahal ko kay Gabby. Gabby is kind and generous kaya't huwag mo siyang sisihin."

"Siguro nga ay may kasalanan ka Mandy, pero mas malaki ang kasalan ni Gabby dahil nagpaakit siya sa isang katulad mo."

Binaling kong muli ang tingin ko kay Gabby. "Sinayang mo lang ang pagmamahal na binigay ko sayo. Darating din ang araw na pag babayaran mo lahat ng pagkakamali mo. At nagsisisi ako na sinayang ko ang buhay at pagmamahal ko sayo. Gabby, tapos na tayo!"

"Sorry Laura!" tugon nito habang hawak-hawak ang braso ko.

Tinabig ko iyon at saka humakbang patalikod.

"Gabby, I don't need your sorry! Ngayon patas na tayo! Dahil sayo, nakuha ko ang trabaho na pinapangarap ko." Binaling ko ang tingin ko kay Mandy, "At ikaw Mandy! Tinutuldukan ko na ang pag-kakaibigan natin." Nagpalinga-linga ako sa dalawa, "Kaya kayong dalawa, 'wag na kayong mag-aksaya ng panahon na kausapin pa ako. Simula ngayon, hindi ko na kayo kilalang dalawa!"

Umatras at tumalikod ako palayo sa dalawa. Wala akong pakialam kahit mabasa ako sa ulan. Ang mahalaga ay makalayo ako sa dalawang taksil na ito. Sa sobrang pagkatuliro ay hindi ko na napansin na may paparating na itim na kotse papasok sa University.

Huli na ang aking reaksyon para makaiwas. Tumama ang buong katawan ko sa harap ng sasakyan at bumagsak sa kalsada. Mabuti na lang at mahina lang ang pagka-bangga ko kaya't hindi naman gaano nasaktan.

Sa likod ko ay narinig ko pang napasigaw si Gabby, "Laura!" Akmang tatakbo papunta sa akin ngunit mabilis akong sumakay sa kotse. Kahit pa hindi ko kilala kung sino ang nagmamay-ari ng sasakyan ay mas minabuti ko ng sumakay para umiwas. Hindi ko na kaya pang tignan ang lalaking ito.

Napasilip ako sa bahay ng aking estudyante. Malalim akong bumuntong hininga habang papalayo roon. Nang makarating kami sa ospital ay dumiretso kami sa Orthopedic Department. Doon ay sinuri ako ng doktor. Namula pa ako dahil sa seryosong pagtatanong sa akin kung saan masakit.

"Maam, saan po ba ang masakit sa inyo? Balakang, mga paa, ano po?"

Hindi ako makasagot dahil wala naman sa mga iyon ang masakit sa akin. Nakakahiya kung sasabihin ko pa 'yon. Napatingin ang doktor kay Syd na mas kinamula ng aking mukha dahil parang naghahanap pa ito ng simpatya sa kanya.

"Ma'am, kailangan mo makipag-cooperate at sabihin kung saan ang masakit sayo!" pagalit na sabi ng doktor.

Mas natahimik pa ako nang si Syd ang sumagot sa doktor.

"Give her whole body examination. CT Scan, MRI, laboratories, X-RAY, etc. Anything na pwede niyo gawin para ma assure na wala itong kahit ano man injury."

Napanaganga ako sa sinabi ni Syd at mabilis na umiling-iling sa doktor.

"Hindi na! Hindi na kailangan. Maayos na po ang pakiramdam ko. Wala po talaga akong injury," tarantang sagot ko.

"Kung tumatangi ka dahil sa expenses, you don't have to worry dahil ako ang mag-babayad. Gusto ko lang masigurado na maayos ka at wala kang injury dahil sa pag-bangga mo sa kotse."

"Hindi na nga kailangan!" iritang sagot ko sa kanya.

Ayaw makinig ni Syd sa akin. Nilakihan pa nito ng mata ang doktor para sumunod sa kanya.

"Okay! Ipapa-ready ko na lahat, Mr. Walton." sabi ni dok habang nire-ready ang mga request.

Pabulong pa akong napatanong sa nars na nag-aasist sa doktor.

"Magkano aabutin lahat ng check-up at mga labs ko?"

"Around 20-30 thousand. Depende po sa mga gagawin na request," diretsong sagot ng nars.

"What? Nars wait lang ha, at kaausapin ko lang ang kasama ko." Paalam ko.

Hinatak ko ang kamay ni Syd palayo sa dalawa. Pataray ko itong tinitigan bago nagsalita.

"May sasabihin ako sa'yo!"

"What? Sabihin mo na para matapos na tayo rito."

Napakagat labi ako at namula. Iniwas ko pa ang tingin nito dahil nag-dadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya. Kumuha ako ng lakas ng loob at napabuntong hininga.

"Hindi ko na kailangan ng full examination. Ok lang talaga ako! Ito talaga ang masakit sakin…" Sabi ko sabay turo ng mata ko sa pagitan ng dalawang hita.

Nakita kong napasimangot si Syd habang tinitignan ako.

"Ano nga?" iritang tanong sa akin ni Syd.

Masasabi kong nawawalan na din ito ng pasensiya.

"Masakit ung pagitan ng hita ko!" padilat na mahinang sabi ko sa kanya.

SYD'S Point of View

Napangiti ako ng makita kong muli ang babaeng ito. Gustohin ko 'man itabay ito sa sasakyan ay hindi ko magawa dahil sa kirot na naramdaman ko nang makita siya sa ganitong kalagayan. Umiiyak, malungkot at tuliro. "Ano kayang nangyari sa kanya?" tanong ko sa aking sarili.

Nakilala ko ang lalaking tumatakbo pa punta sa kanya. Si Gabby Lin, anak ni Dean Lin. Napatalim ang mata ko habang tinitignan ang lalaki na humahabol sa likod ng kotse ko. "Anong koneksiyon nila sa isa't-isa?" pagtataka kong tanong muli sa aking isipan.

Hindi na ako nagsalita pa dahil baka gusto nito ng katahimikan. Hinayaan ko itong umiyak na para bang walang pakiaalam. Muntik na akong mapatawa ng mag-request pa ito kay Manong Ken. "Iba talaga ang babaeng 'to!"

"Sir, pwede po ba ako makisuyo sa inyo na mag-pahatid? Sa McKinley Road? Please po! May importante lang po akong pupuntahan."

Napatingin sa akin si Manong Ken, hinihingi nito ang go signal kung papayag ako sa request ni Laura.

"Go!" tipid kong sagot kay Manong Ken.

Pinaandar ni Manong Ken ang sasakyan. Hindi pa kami nakakalayo sa unibersidad ay nakita ko pa na lumingon si Laura sa labas ng bintana. Mas napaiyak pa ito at humihikbi.

"Here!" sabi ko. "Wipe your tears," abot ko ng panyo sa kanya.

Pagka-abot ko ng panyo ay umangat naman ang ulo nito at bumaling sa akin. Nakita ko ang pamimilog ng mata nito.

"I-ikaw? Pasensya na. Pasensiya na!"

"Surprised to see me?" pang-iinis kong sabi sa kanya.

"Hindi! Hindi naman sa ganun. I didn't expect na sasakyan mo pala ang nasakyan ko. I'm sorry at hindi rin kita napansin," nauutal na sabi nito.

"Now you know! Tandaan mo, may utang na loob ka sa akin dahil sa pag-tulong ko sa'yo. Bukod pa 'ron, nabasa mo ang loob ng sasakyan ko." malamig at mabilis kong sabi.

"Ssh! Pasensya na talaga kung nabasa ko pa ang sasakyan mo. Napasugod na ako sa ulan dahil kailangan ko na talagang umalis. Hayaan mo at lilinisin ko na lang ang kotse mo 'pag gumanda ang panahon."

Hindi na ako kumibo pa at tinuon ang mata sa bintana. Makalipas ang kalahating oras, huminto ang sasakyan sa McKinley Road.

"Sir, dito na po ako! Salamat po talaga," nahihiyang sabi nito at pag-papaalam. Pagkahinto ng kotse ay agad naman itong bumaba.

Hindi ba nag-iisip ang babaeng ito? Gusto ba talaga niyang nababasa sa ulan?

Napatitig ako kay Laura habang pababa ito. Pero bago ito tuluyang makababa sa kotse ay nilingon ko na si Manong Ken upang ipakuha ang payong.

"Manong Ken, paki-kuha ang isang payong sa comfartment at paki-bigay mo sa kanya."

Kinuha ni Manong Ken ang payong at sinukob iyon kay Laura habang pababa ito sa kotse. Nakita ko ang pag-ngiti nito ng kunin niya ang payong kay Manong Ken. Akala ko ay aalis na ito pero hindi pa pala. Yumuko ito at tumingin sa pwesto ko at pilit na ngumiti.

"Sir, thank you!"

"I don't accept thank you by words," malamig na tugon ko.

Hindi pa kami nakakalayo ay muli akong napabuntong hininga dahil sa paika-ikang lakad ni Laura. Baka nasaktan ito kaya ganoon siya mag-lakad.

"Stop the car!" utos ko kay manong.

Pagkahinto ng sasakyan ay inabot ko ang payong na nakalagay sa driver seat. Sinundan ko si Laura. Hindi ako mapapalagay na makita siya ng ganito. Hindi ko maintindihan ang sarili dahil sa pag-aalala na nararamdaman ko.

Nang maabutan ko ito ay kinuha ko ang braso niya at hinatak pabalik sa kotse. Napatingin pa ito sa akin ng kinaladkad ko pa siya.

"Sir? May kailangan pa po ba kayo?" tanong ni Laura na may pagtataka.

"Sumakay ka sa kotse. Dadalhin kita sa ospital."

"Bakit? Huwag na Sir Syd, okay lang naman ako!"

"You're injured!"

Napaisip ako dahil sa pag tanggi nito sa akin. Nasaktan na siya pero ayaw pa rin mag-pagamot? Ano bang klaseng babae 'to. Uunahin pa niya ang ibang bagay kasya sa sarili niya.

"Ok lang ako! Maliit na galos lang ito na pwede ko gamutin pag-uwi ko."

"Doktor ka ba? Maari mo bang bigyan ng reseta ang sarili mo? Pasok sa kotse!" malamig na utos ko habang mahinang patulak kong pinasakay sa kotse.

"Wag na, Sir Syd! Kailangan ko pang puntahan ang tutor ko."

"Tutor? Uunahin mo pa ang tutor kesa sa sarili mo? Look at yourself! Sa tingin mo hindi mag-aalala ang estudyante mo pag nakita kang ganyan?"

"I…." Hindi na nito naituloy ang pagsasalita dahil niyuko ko na ang kanyang ulo para makapasok ng tuluyan sa kotse ng sa ganon ay hindi na ito maka-palag pa.

Pagsakay ko ay inutos ko agad kay Manong Ken na dumiretso sa ospital.

May kung anong saya sa puso ko ng sabihin nito kung anong masakit sa kanya. Kahit kailan ay hindi pa ako nakakita ng babaeng katulad nito na maganda pa rin kahit masungit. Napatingin ako sa pagitan ng dalawang hita ni Laura. Napangisi ako ng takpan niya iyon ng dalawang kamay. Nakita ko rin ang pag-irap nito sa akin. Pagtalikod nito ay saka ito mabilis na nagsalita.

"Aalis na ko! Kung mag-tatagal pa ako dito, mawawalan na ako ng trabaho."

Hinagod ko ng tingin ang likuran nito. Hindi ko mapigilan ang tawa habang sinusundan ito.

Pagkalapit sa nars at doktor ay kinausap ko ang mga ito.

"Dok, I'm sorry dahil sa pagpipilit ko. Okay na siya! Thank you for your time and concern."

Nakakahiya man dahil sa pagiging OA ko ay masaya ang puso ko ng maalala ko ang gabing kasiping si Laura.

Mabilis itong naglakad papalabas sa exit door pero mabilis ko itong hinatak papasok. Hinatak ko ito pa-akyat sa second floor.

"Ano na naman ba?!" reklamo nito habang nagpupumiglas sa pagkaka-hawak ko.

"Kung alam mo na may masakit sayo, magpatingin ka sa doctor!" tugon ko sa kanya habang hawak-hawak ang kamay nito.

"Sa tingin mo sinong babae ang magpapadoktor kapag ganito kaselan ang ipapatingin?" pabalang na sagot ko sa kanya.

Matalim kong tinitigan si Laura. Napakakulit at napaka-pasaway.

"Mamili ka! Bubuhatin kita o maglalakad ka kasunod ko papunta sa OB Department?" banta ko dito.

Wala itong sagot at panay irap pa rin sa akin kaya naman akmang bubuhatin ko ito ng pigilan niya ako.

"Oo na! Maglalakad na ako. Sige na mauna ka na mag-lakad at susunod ako."

"Are you sure? Huwag mong subukan takasan ako dahil hahabulin kita kahit 'san lupalop ka pa mag-punta."

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation! Like it ? Add to library!Have some idea about my story? Comment it and let me know. I tagged this book, come and support me with a thumbs up! And don't forget to click VOTE. Please follow my account by clicking the heart sign in my profile.

Thank you so much and happy reading :D

cloudymichiqohcreators' thoughts
Próximo capítulo