webnovel

Devil 57: Fight for You

Someone's Pov

"Seriously Shane? Okay lang ba talaga sina Jack at Zero?" Hindi mapakaling tanong ni Cody habang nakatingin sa madilim nang karagatan. Lubog na ang araw at nakagawa na rin sila ng bonfire sa tabing dagat ngunit wala pa ang dalawa.

Kanina pa kasi lumangoy pailalim ang dalawa subalit hindi pa sila umaahon mula ngayon.

"Cody, relax okay? Kung nag-aalala ka kay Zero. I'm telling you. There's no other place in this world is more safer than to be with Jack. So stay still and enjoy the moment, okay? Mamaya lang darating narin ang mga yun." Ani Shane habang inaayos ang barbeque na iniihaw niya.

Napakamot naman sa ulo si Cody.

"Really? Nasaan na ba sila ngayon? Nasa ilalim parin ba sila ng dagat? Ano yun? Serena si Jack at dinala nya sa kaharian nila si Zero at-! Ouch!" Angal niya nang tamaan ng maliit na kahoy sa ulo na hinampas sa kanya ni Shane.

"Ikaw ang lawak ng imahinasyon mo ano-!" Ani Shane ngunit napatigil siya ng may sumigaw sa gilid.

"Shanix! Don't hit him in the head!" Asik ni Jichell at agad na dinaluhan si Cody na noon ay bahagya ding nagulat.

"Are you okay Cody Sean?" Masuyong tanong ni Jichell dito at chineck ang tinamaang part ng ulo niya though hindi naman iyon masakit.

Naparoll eyes naman si Shane at tinaboy ang dalawa dahil sagabal lang ang mga ito sa niluluto niya.

Ilang sandali pa ay nilapitan naman siya si Third na waring mainit na din ang ulo at bakas ang pag aalala sa mukha.

"Shane, When will get Zero back? Are you sure that he's okay?" Anito.

Napabuntong hininga si Shane saka hinarap ito.

"Thirdy, didn't I tell you just a while ago that he's fine? He's just enjoying himself with Jack. So, don't worry okay?" Aniya at muling hinarap ang ginagawa.

"But it's passed dinner already and he hasn't back yet. What if something happened to them?" May pag-aalalang turan nito.

"Well, yes I'm sure there is really something happened to them." Medyo natatawang sagot ni Shane.

"What? And you still laughing like that? How rude you are? I thought you're Jack's friend how can you-!" Napatigil sa pagsasalita si Third nang biglang kunin ni Shane ang ilang nagbabagang uling at iniumang sa kanya.

"Talk more and I'll burn you. Get out of here!" Taboy din sa kanya ni Shane na sya nya namang kinataranta at patakbong umalis. Not to mention na bigla nya pang naalala ang sinabi ni Cody na kung fu master ito.

Marahas namang napabuntong hininga si Shane at nagpatuloy sa ginagawa.

"Haayst! My God, Jack! Better explain yourself if you get back dahil naiimbyerna na ako sa paulit ulit na tanong ng mga bantay ni Zero. My God!" Asik niya habang inaayos ang niluluto.

"Shane, here's the-!"

"What!?" Agad niyang singhal sa bagong dating sa pag-aakalang isa na naman itong magtatanong ng tungkol kina Zero. Ngunit natigilan siya nang makita ang nagulat na si Drew habang dala dala ang lalagyan ng mga inihaw niya. Inutusan nga pala niya itong kumuha ng lalagyan.

"Oh, uhh.. Sorry...akala ko kasi sina Cody at Thirdy na naman na mangungulit sakin." Apologetic na paliwanag niya.

Bahagya namang napangiti si Drew at inilapag ang tupper ware malapit sa ihawan nya.

"It's okay. Normal lang din na mag-alala sila. Kahit naman ako nag-alala sa kanila but since I trust your words that they're going to be okay then I won't worry anymore. Besides, I know Jack will never let anything bad happens to Zero." Anito.

Bahagya naman siyang pinamulahan sa nalamang may tiwala ito sa kanya.

"Thanks. Of course Jack will never let that happened. And believe me or not. Jack was capable of protecting you friend no matter what the problem is." Aniya saka pinagpatuloy ang ginagawa.

Natahimik naman si Drew at bahagyang lumapit sa kanya.

"I know. She's not so ordinary sabi mo nga." Anito at nahigit niya ang hininga nang hawakan nito ang handle ng grills kung saan naroon din ang kamay niya. Sinakop ng kamay nito ang kamay niya at ewan ba niya ngunit tila bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa katawan niya sa simpleng hawak na iyon.

Akmang aalisin niya ang kamay nang lalo pang dumikit sa kanya si Drew at halos yakap na siya nito mula sa likod.

"Don't move. Someone's watching you." Masuyong bulong nito sa gilid ng teynga niya na halos ikapanindig balahibo niya.

Oh God! What are you doing Drew?

Wait..what?? Someone's watching me?? Who??

Bahagya siyang lumingon sa gilid nila at napansin ang ilang kalalakihan na nag-iinuman habang panaka nakang tumitingin sa gawi nila.

She sigh in relief. Akala pa naman niya kung sino na. Mga nag-iinumang kalalakihan lang pala na mukhang nagbabalak ng masama sa kanila.

"Don't mind them. Wala naman silang magagawa." Aniya at bahagyang lumingon kay Drew subalit agad din siyang natulala nang sa kanyang paglingon ay halos ilang inches nalang ang pagitan ng kanilang mga labi. Ramdam pa niyang nagkabanggaan ang kanilang matatangos na ilong.

Pakiramdam niya ay agad na umakyat sa mukha niya ang lahat ng kanyang dugo at mabilis siyang bumaling paharap.

Naramdaman din niyang bahagyang lumayo si Drew dahil marahil ay nagulat din ito sa nangyari. Ngunit hindi ito umalis sa likod niya at umaktong tinutulungan parin siya.

Samantala, hindi naman mapakali si Third kakatingin sa paligid dahil baka biglang dumating na ang uncle nya. Kahit naman palagi niya itong inaasar at kinokontra ay nag-aalala parin siya sa anumang pwedeng mangyari dito lalo na at walang signal sa lugar na iyon.

Palakad lakad siya sa tabing dagat na medyo may kalayuan sa kanilang bonfire na binabantayan nina Cody at Jichell.

Zeroin! Where the hell are you? Aniya pa sa isip habang palakad lakad ngunit nagulo ang pag-iisip niya nang may mabangga.

"Ouch..!" Anang babae at napaupo sa buhanginan.

"Miss, I'm sorry..." Agad na agap niya at mabilis itong dinaluhan ngunit nagulat siya nang makilala ito.

Ito rin ang babaeng nakabangga niya kanina.

At muli ay waring natulala na naman siya sa ganda nito at nakalimutan na yata niya ang pag-aalala sa uncle niya.

"Oh, you're.." Saad niya nang makatayo ang babae. Wari namang nagulat din ang babae ng makita siya.

"You..!" Anito at bahagya pa siyang tinuro.

"Yeah, me." Medyo nahihiyang turan niya saka napakamot sa ulo.

"I'm sorry. I didn't mean to bumped you." Aniya rito.

Nagpagpag naman ang babae at inayos ang suot nito.

"It's alright. It's my fault for not looking anyway." Anito at umaktong may hinahanap.

"Are you looking for something?" Tanong niya.

"Yeah, it's my necklace. I think I lost it here." Anito habang naghahanap sa buhanginan gamit ang ilaw sa phone nito.

"Well, mind if I help you?" Alok niya. Napatingin naman sa kanya ang babae.

"Well, sure. Thanks in advance. And uh..it's a silver necklace with a small house pendant on it." Anito at napangiti.

Muli na naman siyang natulala sa ngiti nito.

Wow, is she an angel? Di makapaniwalang bulong niya.

"It must be an important gift from someone special to you right?" Komento niya habang naghahanap na rin.

"Yeah, it's a gift from my dad." Anito.

Bahagya siyang napangiti nang malamang daddy lang nito ang someone special nito.

"Well, maybe he would understand if we didn't find it right?"

Napatigil ang babae. "No, I need to find it. It's the last gift that I received from him before he died." Anito na medyo nalungkot.

Natigilan siya sa nalaman.

"Oh, I'm sorry."

Mapait na napangiti ang babae.

"It's alright. It's been so long since he left so I'm not that affected anymore." Anito.

Nagpatuloy sila sa paghahanap at nagulat siya nang makita ang hinanap nito. Agad niyang kinuha ang makintab na kwentas sa buhangin at itinaas ito at sakto din na nasa loob pa nito ang pendant na bahay.

"I think I found it." Aniya. Agad namang napatingin sa kanya ang babae at nanlaki ang mga mata nito.

"Oh My God! This is it!" Hiyaw nito at mabilis na kinuha sa kanya ang kwentas.

"Really?" Nangingiting wika niya habang pinagmamasdan ang masayang mukha nito at ganun nalang ang gulat niya nang bigla siya nitong yakapin.

"Thank you so much! You have no idea how happy I am right now!! Thank you, thank you!!" Masayang bulalas nito habang yakap siya ng mahigpit.

Nagulat man ay wala sa sariling gumanti rin siya ng yakap dito ngunit wari namang naalarma ang babae at agad na kumalas sa kanya.

"Oh, I'm sorry. I was just carried away." Agad na paliwanag nito sa kanya at bahagyang namumula.

"No, it's okay. I'm happy to help." Aniyang napakamot sa batok.

"I'm Jobelle Mae Smith by the way. Mae for short." Anito at naglahad ng palad.

"I'm Third Enzo Montero. Third for short." Pakilala niya saka tinanggap ang palad nito at bahagyang pinisil.

Ilang sandali pa silang nagshake hands na waring wala na yatang balak na maghiwalay kung hindi pa dumating ang ilang kalalakihan na masamang nakatingin sa kanya.

"What are you doing Bunso?" Madilim ang mukha na tanong ng isang lalaki na medyo matured sa lahat.

Agad naman silang nagbitaw ng kamay at napatingin sa mga ito.

"Oh, kuya. I found my necklace and he helped me to find it. Actually he's the one who found it." Ani Mae dito.

Napataas naman ang kilay nito at waring di makapaniwala.

"Wow, that's good news. So, may utang na loob pala tayo sa isang 'to?" Anang isang lalaki na pumwesto sa likod niya at inakbayan siya.

"Uhh.." Alinlangang reak niya at bahagyang napatingin sa mga ito.

Napalunok siya at di malaman ang sasabihin.

"Kuya Jules, stop teasing him. Tinulungan nya na nga ako eh tatakutin mo pa." Ani Mae at inalis ang kamay ng kuya niya na nakaakbay kay Third.

"By the way brothers, he is Third, the one who found my necklace and Third? They are my brothers. This is my eldest Kuya Rome, second is Kuya Jules, third is Kuya Jeric, fourth is Kuya John and last but not the least my half brother and sister Kuya Jhoey." Pakilala niya sa mga ito.

"Bruha, I told you I'm not your brother! I'm your sister!" Asik ni Jhoey na agad na lumapit sa kanya.

"Hi Third! It's so nice to meet you! Are you alone? You can come and join us or join me if you want-!" Hindi na nito natapos ang sasabihin nang hilahin ito ng isa nitong kapatid.

"O tama na yan. Marami pa tayong gagawin. Iisa ka pa eh!" Ani John sa kapatid at inakbayan ito upang ilayo sa kanya.

Napangiti lang siya sa inasal nito.

"Thanks bata, pero mauna na kami." Ani Rome na bahagya lang siyang tinapik sa balikat at sinenyasan na ang ilan na umalis.

"Sige Third. Thanks ulit." Ani Mae at sumabay na sa mga kapatid.

Noon naman nakahinga ng maluwag si Third at pinanood ang papalayong sina Mae.

Whoaahh! I thought I'm gonna die! Geez!

Of all people, why does she have to be the one who has five brothers? Oh man!

Napakamot siya sa ulo at napapailing nalang na bumalik sa bonfire.

"Hey Thirdy, where have you been?" Tanong sa kanya ni Cody na noon ay may hawak na gitara. Napakunot noo siya.

"Where did you get that?" Tanong din niya.

"Just somewhere." Sagot nito at muling nag strum ng gitara.

Naupo naman si Third at pinanood ito.

"Where's the others?" Tanong niya nang mapansing wala roon si Jichell at ang iba.

"Jichell went to the bathroom while Drew and Shane are preparing the barbeque." Anito at nagpatuloy sa pagtugtog.

Samantala, habang pabalik sa kanilang grupo si Jichell ay napatigil siya nang harangin ng apat na lalaki.

Mukha itong mga nakainom at namumungay ang mga mata.

"Hi miss beautiful!" Anang isang lalaki na malaki ang pangangatawan.

Agad siyang pinalibutan ng mga ito.

Napataas ang kilay niya at tiningnan lang ang mga ito.

"What do you want?" Tanong niya.

Napangisi ang isa at bahagyang lumapit. Naamoy niya ang mabahong amoy nito na nagpa-iba sa timpla ng mukha niya.

"Miss beautiful, hwag ka munang bumalik sa mga kasama mo na mga mukhang lampa. Dito ka muna samin at sinisiguro namin sayo na mag-eenjoy ka." Anito na sinabayan ng tawa.

"Tsh! Are you harassing me?" Walang pag-aalinlangang tanong niya sa mga ito.

"Naku, hindi. Ba't naman namin gagawin yun. Eh, ang ganda ganda mo at ang ang sexy sexy mo pa." Anito at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngunit hindi niya ito pinansin.

"I'm busy and I'm not in the mood to fool around." Aniya at akmang aalis nang hawakan siya ng isa braso.

"Miss naman, sinabi ng hwag ka munang umalis eh. Di pa nga tayo nagsisimulang magsaya eh!" Anito at hinila siya papunta sa isang kubo na malapit sa mga ito kung saan meron pang ibang kalalakihan na nag-iinuman.

"Get off me!" Asik niya at akmang tatadyakan ang lalaki nang may nauna nang sumuntok dito.

Bahagya siyang nagulat nang makabitaw ang lalaki sa kanya.

"Jace, are you alright? Jesus! Stay behind me." Anang nag-aalalang si Cody at dinala siya sa likod nito matapos nitong suntukin ang lalaking may hawak sa kanya kanina.

Bahagya siyang napangiti sa ginawa ni Cody.

She knows na kinakabahan na ito ngunit pinipilit nitong maging malakas para sa kanya.

"It's alright Cody Sean." Aniya at hinawakan ang balikat nito.

"P*tangina! Ang lakas ng loob mong suntukin akong gag* ka!" Sigaw ng lalaking sinuntok ni Cody.

Naalarma din ang iba nitong kasama sa nangyari kaya naman nagsilapitan pa ang ibang nasa kubo.

"Pare, may sinasabi rin pala ang batutang ito eh. Hahaha!" Wika ng isa at sabay na nagtawanan ang mga ito.

Agad namang tinawag ni Third sina Drew at Shane nang walang habas na sumugod si Cody sa mga naglalasingang lalaki na binabastos si Jichell.

Agad namang naalarma si Drew at nagtungo rito habang tinatamad namang napasunod si Shane at ibinilin pa muna ang niluluto niya sa kanilang crew.

"Don't even think to touch her again, fucking old man!" Ani Cody while glaring at the man who touched Jichell.

"Aba, may english english ka pa ha? Bakit? Kasalanan ko bang nagbibilad ng katawan yang syota mo at inaakit kami? Aba eh tao lang ako at marupok sa tukso totoy." Anito at sinabayan ng tawa.

Napaatras sila nang umabante ang mga ito.

Kinakabahan si Cody subalit hindi niya nanaising may mangyaring masama kay Jichell kahit mabugbog pa siya.

"H'wag kayong lalapit." Banta niya sa mga ito ngunit tinawanan lang sya.

"Cody Sean.." Ani Jichell sa likod niya.

"It's alright Jace. I won't let anything happen to you." Aniya rito at inihanda ang sarili.

"What happened here?" Napalingon sila sa dumating. Medyo nakahinga siya ng maluwag nang makita si Drew atleast meron na siyang kakampi.

"Hay naku, dumagdag pa ang isa."

"Ano ba yan. Tumbahin nyo na nga ang mga asungot na yan at dalhin dito ang babaeng yan. T*ngna kating kati na ako eh!" Sigaw ng isang lalaki sa kubo.

"Yes boss!" Sagot naman ng lahat at muling tumingin sa kanila ng nakangisi.

"Panu ba yan bata. Kating kati na raw si Boss namin. Ibig sabihin nun. Kailangan nya ng magpakamot sa syota mo! Hahaha!" Nangilabot siya sa sinabing iyon ng lalaki at wala sa sariling sinuntok ito. Ngunit hindi pa siya nakakabawi sa sakit ng kamao niya nang bigla naman siyang sinipa sa tiyan ng isa.

Napaigik siya sa sakit. "Dy!" Sigaw ni Drew at sumugod narin sa mga kalalakihang naroon.

Napapikit sa sakit si Cody at hinawakan ang kanyang tiyan.

Fuck! Get up Cody! Hindi ka pwedeng maging mahina ngayon!

Pilit siyang bumangon.

"Cody Sean!" Agad naman siyang dinaluhan ni Jichell.

"Jace, lumayo kana dito." Aniya at muling humarap sa mga kalaban.

Nakita niyang nakikipag buno narin si Drew sa ilang lalaki.

"Gago! Epal ka masyado!" Sigaw pa ng isang lalaki at akmang susuntukin si Drew nang may sumalo sa kamao nito.

"Uh-uh! You think I'll let you punch my Mr. Perfect?" Nakangising wika ni Shane habang salo salo ang kamao ng lalaking susuntok sana kay Drew.

"Wow, ang galing mong sumalo baby ah. Gusto ko yan. Palaban-! Ahhh!" Nawala ang ngisi sa mukha ng lalaki nang walang pakundangang baliin ni Shane ang kamao nito.

Natigilan ang ilang malapit dito at maging si Cody ay natulala sa ginawa ni Shane. Kaya naman hindi na niya namalayan pa ang papasalubong na kamao sa mukha niya at napapikit nalang siya at hinintay na dumapo ito sa mukha niya.

Ngunit malakas na tunog ng pagsalag ang narinig niya at nang imulat niya ang mga mata ay ang galit na mukha naman ni Jichell ang nakita niya habang nakatingin sa lalaking susuntok sana sa mukha niya.

"Who told you to touch my Cody Sean?" Galit na saad nito at hindi na hinintay pang makapagsalita ang lalaki at isang kisap mata lang ay isang malakas na sipa din sa tiyan nito ang natamo nito mula kay Jichell at nanlaki pa ang mga mata niya nang tumalsik ito sa kubo ng mga ito kung saan naroon ang tinawag nitong Boss nito.

Dugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdug.....

Walang tigil ang lakas ng kabog ng dibdib ni Cody habang nakatingin kay Jichell na parang magaang papel lang na pinagsisipa nito ang mga lalaking kalaban nila.

Pakiramdam niya ay tumigil ang mundo niya at nag slowmo ang paligid habang pinapanood niya si Jichell na parang lumilipad sa ere kung makipaglaban.

Para tuloy siyang nanonood ng Lara Croft 3d sa astig nitong makipaglaban.

Samantala, hindi naman hinayaan ni Drew na ipagtanggol nalang siya ni Shane at tinulungan parin itong talunin ang mga kalaban.

Nakita na niyang makipaglaban si Shane at alam niyang marunong nga ito sa martial arts subalit sa isip niya ay babae parin ito at dapat paring ipagtanggol.

Napansin naman ni Shane ang pakikipaglaban ni Drew at napangiti siya saka lumapit dito habang hinahabol ng kalaban.

Nang malapit na ang kalaban sa kanya ay kumapit siya sa balikat ni Drew na medyo kinagulat nito ngunit hinawakan nito ang mga kamay niya nang malaman ang gagawin niya. Sukat doon ay agad siyang tumalon sa punong nasa likod ni Drew at umikot sa ere habang nakahawak parin sa mga balikat ni Drew saka sinipa sa ulo ang kalabang humahabol sa kanya. Pagbagsak niya sa lupa ay magkahawak kamay parin sila ni Drew.

Napangiti siya rito at napangiti rin ito.

"Nice move." Anito. "I know." Sagot naman niya at muling sumugod sa mga kalaban na lalo yatang dumami.

"P*tangina! Boss, ang lalakas nila! Mauubos na tayo!" Sigaw naman ng isang kalaban ngunit bago pa ito makapagsalitang muli ay isang malakas na 'crack' sa leeg nito ang naramdaman nito bago tirik ang mga matang napalugmok sa buhanginan.

"Hey Bitchy! Don't kill them!" Sigaw naman ni Shane kay Jichell.

"Just carried away!" Ganting sigaw naman ni Jichell na waring normal lang dito ang nangyari.

Agad namang dinaluhan ni Third si Cody na noon ay natulala nalang kay Jichell.

"Hey Cody are you alright!" Bulalas nito. Napalingon naman dito si Cody.

"I'm fine. Ugh!" Igik niya nang sumakit ang tiyan niya na sinipa ng lalaki kanina.

"Woahhh! They really are a kung fu master like you said!" Bulalas ni Third habang nakatingin kina Shane at Jichell na nakikipaglaban.

"I...I told you. So, don't even think of teasing them anymore if you don't want to end up like these idiots old men, okay?" Hirap na saad niya kahit ang totoo ay ngayon nya lang din nalaman na magaling pala sa martial arts si Jichell. Si Shane naman ay napanood na nyang lumaban dati pero di niya akalain na mas magaling pa pala ito sa inaakala niya.

"Yes, I'll take note on that. Oh man!" Ani Third habang hindi parin makapaniwala sa nakikitang galing ng dalawa.

--

Próximo capítulo