webnovel

Devil 27: West Academy

Zero's Pov

Mataman kong tinitigan ang nakangising kalaban habang hawak ng mahigpit ang bat. West Academy ang kalaban namin ngayon at sa klase ng mga hitsura nila ay mukhang confident sila na sila ang mananalo sa larong ito.

Yun ang akala nila.

Kami ang unang papalo at sila ang bantay. At ako na ang titira. Puno na ang tatlong base kaya dapat kong lakasan ang palo ko dahil kung hindi maa-out kami dahil mukhang alisto rin ang lahat ng kalaban.

Nang pumito ang ampire ay ngumisi muna sakin ang pitcher saka niya nirelease ang bola.

Mabilis ang bato nya ngunit hindi iyon sa bat papunta kundi sa mukha ko. At kung hindi ako nakapag adjust ng mabilis ay sapul sana ako sa mukha. Bahagya akong umatras ng mabilis at tinira ang bola ngunit hindi ko iyon tinamaan.

"Strike one!" Sigaw ng ampire.

Bullshit! Sinadya nyang ipatama iyon sa mukha ko dahil alam nyang titirahin ko parin yun kahit 'balls' yun.

Napangisi muli ang pitcher nang ibigay sa kanya ang bola. Tumingin ako sa mga kasama kong nasa base na at waring nag usap ang aming mga mata at nang irelease niya ito ay inihanda ko na ang sarili ko.

If they're not easy to fight with... so are we.

I hit the ball as hard as I can and it thrown away outside the field. Dumagundong ang malakas na sigawan at hiyawan ng mga fans namin at nagsimulang sumayaw ang mga cheer dancers at sumigaw ng kanilang yell.

I just did a home run for the first inning.

I saw the pitcher's eyes glaring at me while gritting his teeth.

I just smirk at him as if I'm saying that they can't win against us.

They called a time-out after that.

After a few minutes we're back in the game.

But it got more serious now. Because two of our member got injured after hitted by a ball.

"I think they're doing it on purpose." Inis na turan ni Cody.

"They are." Matigas na sagot ko habang masamang nakatingin sa captain ball nila na noon ay nakangising nakatingin din sakin.

"So, this is West Academy huh? They like dirty games." Saad ko.

"Yeah I think so. What do we do now captain?" Ani Drew.

Napatingin ako sa mga kasamahan ko na naghihintay rin ng sagot ko.

"Ano pa ba? Let's do what we are good at." Nakangising sagot ko.

Napangiti rin ang iba at alam na ang gagawin.

Na-out kami dahil sa mga injured team mates namin.

At nang sila na ang sumalang ay pumwesto narin kami sa aming designed position.

The first three batter was good. Malalakas silang tumira at nakakabilib na nagagawa nilang tamaan ang bolang binabato ko ng walang pag aalinlangan.

Napuno na ng tatlong batter ang base at ang susunod na papalo ng bola ay ang kanilang captain.

Hindi parin nawawala ang ngisi sa mukha nya.

Napatiim bagang ako nang pumito ang ampire.

Saka nginisian ang kalaban kong pitcher din. At tulad ng ginawa nya kanina sakin ay sinadya ko ring ipatama sa mukha niya ang bola at mukhang nagulat siya sa ginawa ko. Halatang hindi nya inasahan na gagawin ko ang ginawa niya kanina.

"Balls!" Sigaw ng ampire dahil inilagan lang ng titira ang bola.

Nang sumunod na pito at ibinato ko ng mabilis ang bola. Ngunit masyado yata iyong naging mabilis dahil halos hindi nakahuma ang papalo ng bola.

Bahagya akong natawa nang makita ng inis sa mukha niya.

What a losser! Bulong ko sa isip ngunit mukhang nahalata nya na ganun ang iniisip ko dahil lalo siyang nainis. And this time ay mukhang mas naging seryoso na sila. I can see his teammates whispering at him.

And when I look at Drew he signaled me that they got serious now.

Pagpito ng ampire ay umakto akong ibabato ng malakas ang bola ngunit bigla ko iyong hininaan upang madivert ang isip ng titira. At hindi nga ako nagkamali dahil nauna ang pagtira niya keysa sa pagdating ng bolang ibinato ko.

"Strike two!"

Muling naghiyawan ang mga nanonood lalo na ang aming mga cheerers.

Rinig ko rin ang pagcurse ng captain nila na animo'y kakainin na ako ng buhay sa sobrang inis nito.

One strike to go.

Masama na ang tingin sakin ng captain dahil sa pang aasar na larong ginagawa ko.

Sa ikaapat na pagbato ko ay mas binilisan ko pa iyon na halos hindi na niya namalayan ang pagsalo rito ni Drew. At mukhang natulala pa ang gago dahil di agad nakatakbo. In short, they're out.

And we won the game. Since it's just three inning. Wala naring kwenta kung manalo man sila sa third inning dahil nakadalawang panalo na kami.

We yelled in victory. At hindi pa nakuntento ang mga kasama ko dahil binuhat pa nila ako.

Nang muli kong tingnan ang West Academy ay waring nagtatalo talo pa sila sa nangyari. Bago tuluyang umalis ay tiningnan muna ako ng masama ng kanilang captain but I just smirk at him.

I know he's mad. But he should've thank me coz he didn't lose to just nobody else but us.

****

After the game we gathered in the locker room and talked about the reactions of our opponents.

"Grabe, nakita nyo ang mga reactions nila? Haha! Ang priceless dude!" Tawang tawang turan ni Cody.

"Galit na galit ang captain nila dahil siguro first time nyang mapaglaruan sa game." Turan naman ng isa.

"At mukhang nag away away na sila pagkatapos ng laro." Saad pa ng isa.

Napailing nalang ako sa kanila habang inaayos ang mga gamit ko sa locker.

"Syempre, iba talaga ang captain natin eh!" Hiyaw ng isa.

"Mabuhay si cap!"

"Mabuhay!"

"Oh shut up guys!" Kunwa'y suway ko sa kanila.

Napuno muli ng kantyawan at sigawan ang locker room.

"Hey.." Bati ni Drew saka tumabi sakin ng upo sa bench. Habang ang iba naman ay sige parin sa walang katapusang usapan kung paano kami nanalo.

"Hey.." Ganting bati ko sa kanya.

"Have you thought about Jack?" Deretsong tanong nya.

Naalala ko na naman tuloy ang nangyari pati na ang paghingi ng tawad ni Draco.

Nagkibit balikat lang ako.

"Hindi ko alam kung makakausap ko si kuya Eros tungkol sa bagay na yun since he doesn't really want that party. Siguro kay Erhis ko nalang itatanong."

Medyo nagliwanag ang hitsura niya na pinagtaka ko. Napatango tango naman siya sa sinabi ko.

"Why do you look so happy about it?" Takang tanong ko habang natatawa.

"What? I'm not. I'll go take a shower." Mabilis na tanggi niya at bahagya pa akong tinapik saka umalis.

Minsan talaga weird itong si Drew.

"Tsh." Napailing nalang ako sa kanya.

Since wala na kaming laro pagkatapos niyon ay pumunta nalang kaming gym upang panoorin naman ang basketball team.

And they're the highest too. 30 points ang lamang ng team namin sa kalaban.

Magulo din ang gym ngunit mas naging maingay ang tao nang pumasok ang baseball team upang manood. Napuno ang gym ng mga manonood.

Ngunit bahagya akong natigilan nang makita si Heart sa isang bench sa kabilang side ng kinauupuan namin habang masayang nakikicheer sa ibang naroon.

Hindi pa kami nagkakausap ulit mula kagabi and I don't know if she watched our game kanina dahil sa nakikita ko ngayon, mukhang kanina pa siya rito nanonood.

Well maybe because she's just doing her job as a president of sport club. Besides, she's with her student council officers.

I get my phone and called her. She diverted her attention for that moment and look at her phone. Napangiti ako dahil kahit busy sya ay nagagawa nya paring sagutin ang tawag k-!

Nawala ang ngiti ko nang i-cancel nya ang tawag ko at sumigaw ng cheer nang magkapoints ang pambato namin.

I felt dismay pero inintindi ko nalang sya dahil baka bawal syang tawagan this time.

Pero bakit parang hindi nya manlang napansin na nandito kami?

Nang muling magkapoints ang team namin ay napatingin ako sa taong chineer nya at sinigawan ng 'good shot'.

He was the captain ball. As far as I know. Nakita ko na sya dati.

But why is he looking at her like that?

I felt jealous with the way they look each other. But maybe because he's an ace to the team that's why Heart supports him.

At nang mag time out ang game ay hindi na ako nagsayang pa ng oras. Agad akong umalis sa kinauupuan ko upang lumapit kay Heart.

"Dude where you going?" Hindi ko na pinansin ang tawag ni Cody.

Nangunot ang noo ko nang makita ang captain ball na lumapit kay Heart imbis na sa kanyang mga team mates.

And Heart gave him a bottle of water.

This jerk hitting on my Heart?

"Thank you Miss Pres." Nakangiting turan pa niya kay Heart at nang bubuksan na niya ang bottle nang agawin ko at ininuman ito. Nagulat siya sa ginawa ko ngunit mas nagulat si Heart.

"Z-zeck!" Bulalas ni Heart.

"Aah! Grabe, uhaw na uhaw ako. Thanks for the water dude. Ang galing ng laro nyo ha? Pero mukhang natamaan ka yata ng bola sa ulo at naligaw ka ng base." Nakangising turan ko sa kanya.

Napatingin siya kay Heart at muling tumingin sakin.

"Ah, pasensya na.. Nasa malapit lang kasi ako kanina kaya dito na ako nakihingi ng tubig. Sige pare, balik na ako base." Aniyang waring nahiya.

Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makarating sya sa base nila.

"Z-zeck.."

Bumaling ako kay Heart na noon ay waring namumutla.

What's wrong Heart? What's with that reaction?

Gusto ko yung itanong sa kanya ngunit nginitian ko sya ng matamis at tinabihan sa upuan.

Naghiyawan ang mga nasa malapit samin at ang iba ay tinutukso kaming dalawa.

"I miss you." Bulong ko sa kanya ngunit ngumiti lang siya sakin at waring naiilang.

"Where's my 'I miss you too?'" Nakangusong tanong ko.

"Zeck, maraming nakatingin satin." Sagot niya habang kunwari'y busy sa pagsusulat.

"We won the game today." I said.

"Really? Congrats." Nakangiting bati niya ngunit alam kong pilit lang ang ngiting iyon.

"Hindi ka nanood?" Medyo may paghihinampong turan ko.

Natigilan siya at napatingin sakin.

"Ha? Uhh, s-sorry Zeck..kasi medyo busy ako kanina sa pagprepare ng mga game schedule kaya hindi ko naabutan ang laro nyo." Aniya.

Well, that's sad. But it's okay. I understand her.

"Ganun ba, it's okay. I know how busy you are. Ihahatid nalang kita mamaya."

I saw hesitation in her eyes.

"Zeck, ano kasi eh...I can't go with you today. Masyado akong busy sa mga sched ng laro. Need ko pang iprepare ang mga schedule bukas kaya baka gabihin na ako mamaya." Aniya.

"It's okay. I'll wait for you." Sagot ko.

"No, okay lang naman ako. Kasabay ko namang uuwi ang mga officers ko and besides, Ashley is with me."

Napanguso ako sa sinabi nya.

"Alam mo minsan, gusto ko nang magselos kay Ashley." Bahagya syang natawa sa sinabi ko ngunit muli lang din syang naging seryoso.

At nang magsimula na muli ang laro ay naging tahimik na siya.

I think she's not comfortable having me beside her while she's working.

Kaya naman kahit gusto ko pa syang makasama ay nagpaalam nalang ako na lalabas na.

Ngunit dahil wala naman akong ibang pupuntahan ay niyaya ko nalang sina Drew and Cody sa bar ni Jude. Ngunit mukhang nag eenjoy ang dalawa sa panonood kaya naman nauna na ako sa kanila. Susunod nalang daw sila pagkatapos ng 3rd quarter.

Halos walang natirang estudyante sa paligid dahil nasa field at gym ang lahat.

Dumaan muna ako ng locker room upang kunin ang ilang gamit bago nagtungo sa parking lot.

As I'm about to open the door of my car when someone grab my shirt and push me inside my car.

"What the hell-!" I tried to look at them but they put a blindfold on me.

"Shut up captain!"

I know that voice.

I can't see them but I think they're four who get inside my car. Someone grab my key and start the engine.

"Tsh! So, this is what you are huh? You really like a dirty game don't you?" Asik ko sa kanila.

"I said shut up!" Gigil na turan ng kanilang captain.

"Ugh!" Halos mahilo hilo ako nang bigla nalang may humampas sa batok ko.

"Let's go." Rinig ko pang wika ng captain nila bago tuluyang dumilim ang paningin ko.

--

Próximo capítulo