Maingat na inilagay ko sa tauban ang mga pinag kainan namin. Nagpunas ako ng kamay dahil nabasa 'yon nung nag urong ako. Inabutan ko ng isang basong tubig si Tita Kristine. Si Brynthx naman ay nauna ng pumasok sa kwarto niya tulad ng nakasanayan.
Hindi ko alam pero biglang pumasok sa isip ko yung litrato sa kwarto ni Brynthx. Curious talaga ako kasi apat na tao yung nakita ko sa picture pero hindi ko lang ito nakita nanag maayos dahil kinuha na ni Brynthx yung picture frame mula sa kamay ko. Bukod kay Tita Kristine, Tatay ni Brynthx at si Brynthx ay meron pa ba akong hindi nalalaman tungkol sa pamilya nila? Sigurado akong apat sila sa picture pero hindi ko kilala kung sino yung pang apat.
"Tita..." panimula ko at umupo sa tapat ni Tita Lyn.
"What's wrong?" mabilis na sagot naman nito at tinignan ako
"Can I ask a question.....?" nag aalangang tanong ko
"Yeah, sure. What is it?"
"Nasaan po yung Tatay ni Brynthx?" tanong ko. "Nacurious po kasi ako bigla saka hindi ko pa nakikita yung Papa niya. Maski picture man lang ay wala"
Napaisip naman ni Tita na parang may inaalala.
"Seaman kasi ang trabaho ng Papa ni Brynthx kaya minsan lang 'to umuwi sa bahay. Tuwing pasko at bagong taon lang siya umuuwi" sagot naman ni Tita
Napatango naman ako. "Ano po ba pangalan ng asawa niyo?" tanong ko ulit
Napahawak naman si Tita sa kanyang mukha na parang kinikilig kahit pangalan pa lang ng ka nyang asawa ang usapan. Napahalakhak naman ako.
"Christian. Christian Evangelista" banggit niya sa pangalan ng asawa
"May kapatid po ba si Brynthx?"
"Hmm....bakit mo naman natanong bigla?" sagot ni Tita
"Nung nakaraang araw po kasi may nakita akong picture sa kwarto ni Brynthx tapos nung titignan ko na po yung picture biglang na lang kinuha ni Brynthx na parang ayaw niya pong makita ng iba" kwento ko kay Tita
Napaisip naman bigla si Tita.
"Wait, may kukunin lang ako sandali" paalam niya kaya tumango ako.
Umakyat siya sa taas. Nakarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pinto. Mukhang pumasok ni Tita sa kwarto nilang mag asawa. Maya maya pa ay bumaba din ulit ito. May bitbit siyang album.
Bumalik siya sa pagkakaupo at ipinakita sakin ang mga litrato.
"Eto yung Papa ni Brynthx" sabi niya at may tinurong picture kaya napatingin naman ako don.
Litrato ito ng isang lalaking nakasuot ng unipormeng pangseaman at may isang malaking barko sa likod nito. Nagulat ako nang makitang kamukhang kamukha ni Brynthx ay kanyang Tatay. Para itong seaman version ni Brynthx. Napamaang ako sa aking nakita.
"Grabe magmukhang magkamukha po talaga sila." maghang sabi ko
Nakangiti lang ng malawak si Tita at hindi maalis ang tingin sa litrato ng asawa.
"Kaylan po huling umuwi dito si Tito Christian?"
"Noong nakaraang pasko lang"
Sayang naman at hindi ko man lang nakita si Tito Christian ng personal. Hindi ko din kasi alam na magiging kapitbahay ko sila.
Magtatanong pa sana ulit ako kay Tita kaso biglang bumaba si Brynthx at nilapitan ang kanyang Ina. May ipinakita si Bynthx kay Tita sa kanyang phone.
May ibinulong si Brynthx sa kanyang Ina pagkatapos ay hinawakan ang palsuhan ko at umakyat na kami papunta sa kanyang kwarto. Iniwan niya ang kanyang phone kay Tita. Nagulat ako dahil hindi niya naman 'yon ginagawa dati.
Pinaupo niya ako sa kanyang kama sabay sabing... "Can you please wait here for a moment?"
Wala sa sariling napatango naman agad ako. Nagmamadaling lumabas siya ng kwarto. Tingin ko kay mag uusap sila ni Tita. Dito na lang siguro ako para makapag usap naman ng matino yung mag ina.
Tahimik na lang akong naghintay dito sa kwarto ni Brynthx at nag iisip ng pwedeng mapaglibangan nang may bigla ako maalala.
Yung picture frame!
Napatingin ako kung saan ko unang nakita yung frame ngunit wala na ito sa don. Lumapit ako sa desk ni Brynthx at naghanap, umaasang makikita ko na ulit yung frame pero wala talaga.
Maingat na sinara ko yung pinto ng kwarto ni Brynthx saka bumalik sa aking ginagawa. Bubuksan ko na sana ang isa sa mga drawer sa kwarto ni Brynthx ngunit mabilis na pinigilan ko ang aking sarili. Oo, aaminin kong curious ako pero hindi naman tama na mangialam na lang ako ng gamit ng iba lalo na't wala akong permiso ng may-ari. Paano na lang kung ayaw talaga ipakita ni Brynthx? baka magalit pa siya sakin at ayaw kong mangyari 'yon
Bumalik na lamang ako sa pagkakaupo kanina na parang walang nagyari. Hindi naman nagtagal ay bumukas na ang pinto ng kwarto at pumasok don si Brynthx.
"Tapos na kayo mag usap?" tanong ko pagkapasok niya
"Yeah"
Nagulat ako nang bigla niyang ihagis sakin yung game controller. Nanlalaki ang matang napatingin ako sa kanya.
Paano na lang kung hindi ko nasalo yun?! Baka ako pa ang pagbayarin niya. Wala pa naman akong pang bayad sa ngayon.
"Let's play" sabi nito at binuksan ang kanyang computer.
Napangiwi naman ako dahil hindi ako sanay sa ganyang laro. Mahina ako pagdatin sa ganyan.
"Ayaw mo yung nilaro natin nung nakaraan?" tanong ko
Mabilis na umiling naman siya bilang sagot.
Kung ayaw mo edi huwag. Nakunan naman kita ng litrato nung nakaraan.