webnovel

Chapter 14

He's right. That's none of my business.

Pero bakit naiinis ako?! Arrghhh!

Padabog na binitawan ko yung hose at kung saan na lang 'yon iniwan. Nadidilig ako ng halaman ni Papa pero hindi ko alam kung bakit badtrip ako. Mas mabuti siguro kung magpapalamig muna ako ng ulo at baka masira ko pa ang halaman ni Papa.

Pumasok na lang ako sa loob ng bahay namin saka nanood ng TV. Hindi muna ako pumunta kila Brynthx dahil baka siya pa ang mapagbuntunan ko ng inis.

Tama naman siya. That's none of my business pero bakit naiinis ako sa sinabi niya? Wala namang mali don o sadyang ako lang ang may problema?

Naiirita 'ko dahil ang bilis kong maiirita. Arrgghh! P*ta nakakairita!

Wala sa sariling napasabunot na lang ako sa aking buhok. Kung ano ano na pumapasok sa isip ko. Itinuon ko na lamang sa TV ang aking atensyon.

Nagtatawanan ang mga tao sa show na pinanonood ko samantalang nakabusangot ako dito.

"Nakakatuwa 'yon?!" biglang sabi ko sa TV

Inabot ko yung ko remote control saka pinatamay ang telebisyon. Malakas na napabuntong hininga na lang ako.

Bakit pati yung TV inaaway ko?!

Nababaliw na ata ako.

I flinch when my phone suddenly ring. Tita Kristine is calling me.

"Hello?" panimula ko pagkatapos kong sagutin yung tawag

"Bakit hindi ka pumunta dito? May ginagawa ka ba?" tanong si Tita

"Tanghali na po kasi akong nagising kaya naisipan kong hwag na lang pumunta dyan sa inyo tutal kagiling naman po ako dyan sa kahapon" pagdadahilan ko

Magdadahilan na nga lang ako tapos 'yon pa ang unang pumasok sa isip ko. Tsk tsk tsk.

"Pero busy ka ngayon?" tanong ulit ni Tita

"Hindi naman po....." sagot ko. Medyo nag aalangan pa ako dahil baka magkita pa kami ni Bynthx at kung ano ano pa ang masabi ko lalo na't wala ako sa tamang wisyo.

"Magpapasama sana ako kung free ka ngayon" sabi ni Tita

"Saan po ba pupunta?"

"Balak ko sanang magrocery"

"Sige po, gagayak na 'ko"

"Thank you!"

Pagkatapos non ay gumayak na 'ko. Hindi naman ako nagtagal ay natapos din agad. Nagsuot lang ako ng denim skirt, shirt, at rubber shoes para makagalaw ako nang maayos dahil alam kong mag iikot ikot kami sa aming pupuntahan.

Pagkatapos kong mga ayos ay lumabas na agad na ako ng bahay at pumunta kila Tita.

"Pasok na po ako" paalam ko bago tuluyang pumasok sa kanila.

Naabutan kong nakaupo lang si sala si Brynthx at nakaharap na naman sa kanyang nitendo console. Napatingin siya saking pagpasok ko.

"Why are you dressed like that? May pupuntahan ka ba?" tanong niya pero hindi ko siya pinansin at hinanap si Tita.

Hanggang ngayon ay bad mood parin ako at baka kung ano pa lumabas sa bibig ko kapag kinausap ko siya. Hindi naman niya kasalanan, sadyang ako lang ang may problema. Naiirita na naman ako sa aking naiisip.

Nakita kong bahagyang kumunot ang kanyang noo nang hindi ko siya sinagot.

"Let's go" sabi ni Tita nang makita ako.

"Where are you guys going?" tanong ulit ni Brynthx. Naramdaman kong nasa likuran ko na siya.

"Grocery Store" sagot naman ni Tita

"Hintayin ko na lang po kayo sa labas" paalam ko kay Tita LyKristine at tinanguan naman ako nito bilang sagot.

Magsasalita pa sana ni Brynthx pero nilagpasan ko lang siya at dire-diretsong lumabas.

Sorry! Ako na lang ang susuyo sayo kapag nabadtrip ka sa pag iinarte ko.

Maya maya ay lumabas na din si Tita. Mukhang maraming ibinilin kay Brynthx.

Sumakay na kami sa kotse ni Tita at umalis. May kalayuan pala ang pupuntahan namin kaya naging matagal ang byahe. Nagkwetuhan lang kami ni Tita Lyn ng kung ano ano. Maya maya pa ay nakarating na kami sa aming pupuntahan. Ipinarada ni Tita Lyn ang kanyang sasakyan saka kami pumasok sa loob.

Kumuha siya ng push cart saka kami nag ikot ikot sa loob. Kinuha niya muna ang mga kaylangan niya. Nagsimula kami sa mga gulay at prutas, sunod naman ang iba pang sangkap sa pagluluto. Si Tita ang kumukuha ng mga kaylangan niya samantalang ako naman ang nagtutulak ng push cart. Sinusundan ko lamang siya habang tahimik na inuusad ang push cart.

Hindi pa ata na kukuha ni Tita ang lahat ng kaylangan niya pero nangangalahati na ang laman ng push cart. Medyo hahihirapan nadin akong itulok 'yon dahil sa laman nung cart.

Pagkatapos namin sa mga pagkain tulad ng, gulay, prutas, tinapay at biscuit at iba pang meryenda ay dumako na kami sa mga panlinis ng bahay at sabon.

Kumuha siya ng shampoo, toothpaste, sabon sa katawan, sabon panlaba, sabon panlinis ng bahay. Sa shampoo pa lang nila ay iba't iba na ang klase paano pa kaya yung iibang sabon.

Nililingon lingon ako ni Tita at sinisilip kung ano ang lagay ko. Nakita niyang medyon nahihirapan na ako sa push cart kaya naghanap siya ng isa pa at inilipat ang kalahati ng laman nito sa bagong kuhang push cart. Si Tita na ang nagtulak non habang tumitingin tingin ng mga produktong naka display.

Pagkatapos naming mamili ay nagbayad na si Tita sa cashier. Napangiwi na lang ako sa dami ng kanyang kinuha. Hindi na ako magtataka kung bakit hirap hirap siyang dalhin mag isa yung mga grocery bags nung nakaraan.

Paglabas namin ay madilim. Hindi ko na napansin pa ang oras dahil abala ako sa aming ginagawa.

Umalis na kami don pagkatapos naming ipasok sa sasakyan ang mga napamili namin. Napabuntong hininga na lang ako dahil nagsisimula ko nang maramdaman ang sakit sa aking paa.

Huminto muna kami sa isang fast food chain at nagdrive thru ng pagkain.

"Pasenya ka na, mukhang naparami ang binili ko, nahirapan ka tuloy" sabi ni Tita habang hindi inaalis ang tingin sa kalsada.

"Naku, wala pa 'yon kumpara sa ginagawa niyo para sakin" sagot ko naman

Wala nang nagsalita pagkatapos non. Halata sa mukha ni Tita na pati siya ay napagod sa aming ginawa.

Sa hindi inaasahan, biglang bumuhos ang ulan bago pa kami makauwi.

Ako na ang nagprisinta na magbukas ng gate nila para makapasok yung saksakyan. Tumakbo ako papunta sa gate at mabilis na binuksan 'yon saka bumalik sa loob ng sasakyan. Ipinarada na ni Tita ang kanyang sasakyan.

Biglang lumabas sa pinto ng bahay si Brynthx at nagbukas ng payong. Pinayungan niya ang kanyang ina at iginaya sa loob si Tita. Lumapit si Brynthx para payungan din ako kaso tumakbo na ako papasok sa loob ng bahay nila bago pa man siya makalapit sakin. Lalo akong nabasa sa ginawa kong pagtakbo papasok. Si Brynthx na ang kumuha ng mga pinamili namin sa loob ng sasakyan.

Napayakap naman ako sa aking sarili dahil nakabukas pala ang A/C ng kanilang bahay. Nagulat ako ng biglang may naglagay ng tuwalya sa ulo ko. Napatingin ako kay Brynthx pero dire-diretso lang siyang naglakad papunta sa kusina at tinulungang magtimpla ng kape si Tita.

Inabutan ako ng kape ni Tita kaya inabot ko naman 'yon.

"Uuwi ka na ba agad? Dito ka na kumain ng hapunan" sabi ni Tita habang hinahanda yung pagkaing binili namin kanina sa fast food chain.

"Sige po" naiilang na sagot ko dahil nararamdaman kong nakatingin sakin si Brynthx

Próximo capítulo