Tahimik na nagdidilig ng halaman habang nag iisip kung ano ang pwedeng kong gawin na mapaglilibangan.
Kaalis lang ni Mama para pumasok sa kanyang trabaho habang si Papa naman ay kanina pa nauwi dahil mas maaga ang pasok niya. Naiba na naman ang shift ng kanilang pasok kaya nararamaman ko ng gabi na silang makauuwi.
Huminto ang isang sasakyan sa tapat at lumabas ang sakay nito.
Si Tita Kristine!
Hindi ako nito napansin dahil abala siya sa pagkuha ng mga grocery bags sa sasakyan nito. Hindi nito malaman kung paano niya dadalhin lahat ng kanyang pinamili. Dumulas sa kanyang kamay ang isang grocery bag dahilan kung bakit nahulog ito sa lupa. Nagmamadaling lumapit ako sa kanya upang tulungan ito.
Maingat na pinulot ko ang laman ng grocery bag saka tumayo upang iabot sa kanya ngunit masyado sa siyang maraming bitbit.
"Tulungan ko na po kayo" magalang na sabi ko at kinuha ang iilang dala niya upang hindi siya masyadong mahirapan.
"Thank you" mahinhing pasasalamat nito at isang malawak na ngiti ang iginawad niya sa akin.
Nagsimula na siyang lumakad papasok sa loob ng kanilang bahay kaya naman tahimik na sumunod na lamang ako.
Binuksan niya ang pinto at pumasok doon. Dumako siya sa kusina ng bahay kaya ganoon din ang ginawa ko. Tahimik na inilapag ko ang aking bitbit sa lamesa.
Aktong lalakad na sana ako palabas ng bahay ngunit bigla siyang nagsalita.
"Magstay ka muna dito saglit at maghahanda lang ako ng miryenda" sabi nito
Nagulat ako ng marahang hawakan niya ako sa aking palapulsuhan at hinila papuntang sala. Pinaupo niya ako sa isa sa mga sofa na nadoon.
Umupo siya sa aking harap.
"Hindi mo ba ako natatandaan?" tanong nito sa akin. "Sakin ka lagi iniiwan ng Mama mo kapag papasok siya sa trabaho" patuloy pa nito
Pilit kong isipin ang mga nagyari sa nakaraan ngunit hindi ko maala ang kanyang sinabi
"Sandali lang...." biglang sabi nito at umakyat sa ikalawang palapag ng bahay.
Kahit na nagtataka ay naghintay na lamang ako doon. Inilibot ko sa buong bahay ang aking tingin. Ngayon ko lang napansin na mas malaki ang bahay nila kumpara sa bahay namin. Malawak ang sala at kusina nito at may mahabang hagdan paakyat sa ikalawang palapag ng bahay.
May mga picture frame at paintings na nakasabit sa pader. At syempre hindi mawawala ang chandelier na kumikinang sa ganda.
Nabalik lang aking pansin nang nagmamadaling bumaba si Tita Krislyn at lumapit sakin. Inilapag niya sa aking hanap ang isang litrato.
Natuwa ako nang makita ang batang version ni Mama at Papa bitbit ang isang batang babae na may hawak ng lollipop. Katabi ni Mama sa kanan ang isang babae na tingin ko ay mga nasa 20's ang edad. Napatingin naman agad ako kay Tita Krislyn.
"Ikaw po ba 'to?" nagtatanong na sabi ko
Nakangiting tinanguan niya ako bilang sagot. Tinignan kong muli ang litrato. Sinuri kong mabuti ang itsura ni Tita Kristine noon. Nagbabakasakaling maalala ko siya.
Biglang pumasok sa aking isipan ang mga alala ko noon. Nanlalaki ang matang tinignan ko siya.
"Tita Lyn ?!" masayang sabi ko. "Ikaw po yung nagbibigay sakin ng candy kapag umiiyak ako kasi ayaw kong pumunta sa trabaho si Mama" sambit ko.
Naaalala ko pa na madalas niya akong dalhin sa parke para lamang tumigil ako sa pag iyak at minsan naman ay binibilhan niya ako ng ice cream at candy.
"Naaalala mo na?" masayang sabi ni Tita
""Opo" sagot ko naman at mabilis na niyakap siya
"Grabe ang tagal po nating hindi nagkita. Miss na miss po kita. Lagi ko po kayong iniintay sa bahay pero sabi Mama ay lumipat na daw po kayo" nagagalak na sabi ko
"Oo nga eh. Hindi man lang ako nakapag paalam sa inyo" malungkot na sabi ni Tita Lyn
"Pero ayos na po 'yon dahil nagkita naman ulit tayo"
Marami pa kaming napagkwentuhan pagkatapos non. Hindi ko na napansin kung anong oras na dahil napasarap ang usapan namin ni Tita.
Sinabi ko sa kanya ang mga mangyari sakin nung nag aaral pa lang ako sa High School pati yung kunga paano ako harutin ni Mama.
Hindi man lang daw nagbago si Mama sabi ni Tita kaya natawa na lang ako. Halatang halata na magkakasundo ulit kami katulad dati. Marami pa kaming napag kwentuhan hanggang sa napunta sa anak niya ang usapan.
"Ano nga po pala yung pangalan ng anak niyo?" tanong ko sabay subo ng cheesecake na inihain ni Tita Lyn kanina.
"Brynthx" sagot naman nito at sumubo din ng pagkain.
"Brynt--po?" tanong ko ulit dahil hindi ko nasundan ang sinabi niya
"Brynthx. As in B-R-Y-N-T-H-X. Brynthx" sagot ulit nito
"Pano po binibigkas 'yon?" naguguluhan parin ako
Masyado naman yatang kakaiba ang pangalan non.
"Brynthx pronounce as 'Brins'. Parang yung Prince, papalitan mo lang ng letter B yung umpisa" paglilinaw naman ni Tita Lyn
"Eh bakit ganon po yung spelling ng pangalan niya?" tanong ko ulit
Nacurious lang ako. okay....
"Aba malay ko dun sa tatay niya kung bakit ganon ang ginawa niyang spelling ng pangalan ng anak ko. Pahirapan tuloy sa pag aayos ng mga dokumento niya dahil laging na lang nagkakamali sa spelling ng pangalan kaya paulit ulit na lang namin pinapaayos" kwento ni Tita sabay buntong hininga sa hirap
Napahagikgik naman ako kaya pati si Tita Lyn ay natawa na din.
"Bakit po lagi na lang nakasuot ng mga damit na longsleeves at face mask si Brynthx?"
Ang masayang mukha ni Tita ay unti unti napalitan ng kalungkutan. Pati ang saya sa mata nito ay nawala din.
Dapat siguro ay hindi na lang ako nagtanong....
"H-hindi niyo naman po kaylangang sagutin yung tanong ko" natatarantang sabi ko.
Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang nag iba nag ihip ng hangin kaya hindi na lang ako nagsalita pa ulit.
"Hindi kasi naging maganda ang childhood ni Brynthx. Natrauma siya sa nangyari noon at 'yon ang epekto. Takot siya tao maliban sa aming kapamilya niya pero kahit ganoon ay hindi parin siya lumalabas ng kwarto niya. Laging siyang nagsusuot ng face mask dahil takot siya na may makakita sa kanyang ibang tao." kwento ni Tita Lyn. "Hanggang doon lang ang masasabi ko. Mainam na siguro kung siya na mismo ang tanungin mo tungkol sa iba" dugtong pa niya at nagpilit ng ngiti
Hindi ko inaasahan 'yon.....
Iba ang naiisip ko kumpara sa mga sinabi ni Tita.