webnovel

CHAPTER EIGHT

ALANGANING pumasok si Rose sa flowershop kinaumagahan. Pasilip-silip pa nga siya bago mabilisang pumasok roon. Kung hindi lang katawa-tawa ay malamang na nag-disguise pa siya. Napaparanoid siyang baka biglang bumalik si Thorn doon at muli siyang kidnapin.

Napasimangot siya nang maalala ang sariling katangahan. Later that day, tumawag ulit si Baileys sa kanya. Nagpasalamat ito sa pagbabalik niya sa folder nito. Nagtaka lang daw ito kung bakit hindi siya sumama kay Thorn gayong inaasahan pala siya nitong makausap dahil may iniaalok itong business deal sa kanya.

Hindi naman kasi sinabi ng walanghiyang Thorn na iyon na kaya pala siya nito hinila at sapilitang isinakay sa kotse nito ay dahil iniutos iyon ng iniirog niya. He had put too much drama on his little errand, kaya nagkagulo ang lahat sa pagitan nila.

Had she known about it, baka siya pa mismo ang nagtulak sa kotse nito makarating lang sila sa bahay ni Baileys. Dahil din sa kalokohan nito ay nakagawa ulit siya ng isang katawa-tawang sitwasyon para sa kanilang dalawa ng binata. She sighed.

"Good morning my princess!" masiglang bati ni Nicanor sa kanya.

"G-good morning," walang siglang bati niya rito.

"May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong nito nang mapansin nito ang pamumutla niya.

"W-wala," isimuladong iling niya.

"Siya nga pala, may tumawag dito kanina. Loan shark daw eh. Maniningil daw siya mamaya. Kelan ka pa nagkaroon ng utang? Alam ba nina Tita at Tito ang tungkol doon?"

Napakunot ang noo niya. "Wala naman akong utang sa—" napatutop siya sa bibig. Posible kayang si Thorn iyon? "A-ano'ng oras siya tumawag?" kinakabahang tanong niya.

"Mga mag-iisang oras na rin siguro."

Napapalatak siya. "`Canor, papasukin mo si Dracula rito, dali!"

"H-ha? Eh `di ba ayaw na ayaw mong pumapasok siya dito?"

"Just do what I say! May paparating na halimaw. Kailangan natin ng magtataboy!"

Bagamat nagtataka dahil sa biglaang pagkataranta niya ay napatalima ito at mabilis na ipinasok si Dracula sa shop. Nakahinga siya ng maluwag. Napapakamot sa ulong lumabas si Nicanor upang ayusin iyong mga bulaklak sa garden at ipasok sa shop. Kabubukas pa lang nila.

Umupo siya at tinitigan sa mata si Dracula. "Dracula, kapag may lalaking gwapo na sobrang bango ang pumasok rito, kahulan mo agad ha? Bad iyon. Balak niyang saktan ang girlfriend mo," kausap niya sa alaga. Tila nakakaunawang umungol naman ito at napakahol.

Naagaw ang pansin nilang mag-amo nang biglang tumunog ang chime sa pinto ng shop. A sweet smile crept into her lips to welcome their first costumer. Ngunit agad na nawala ang ngiti niya nang mapagsino ang costumer na biglang pumasok.

"Kaya pala mahilig kang mangagat, pati aso kinakausap mo."

Amidst the tremor she felt, her eyes narrowed as she stared at the devil in front of her. Tumayo siya at nakapamewang na hinarap ito. As if on cue, Dracula stood too. Sa tabi niya ay tila handa rin itong lapain ang lalaking kaharap sa oras na may gawin itong hindi maganda.

"Ano'ng ginagawa mo rito? Manggugulo ka na naman? Kikidnapin mo na naman ako?"

Tumaas ang kilay nito. "Sabihin na lang nating nandito ako para mangingil."

"Wala akong utang sa iyo," ismid niya bago humalukipkip. "Sa katunayan, ikaw ang may malaking atraso sa akin. Pwede kitang isuplong sa mga pulis dahil sa paghila mo sa akin kahapon ng sapilitan, alam mo ba iyon?"

The corner of his lips kicked up from one side, showing an angry-yet-unbelieving-grin. Naningkit ang mga mata nito. "Ako pa ang isusuplong mo sa pulis eh ako na nga itong kinagat mo? Alam mo bang kagagaling ko lang sa ospital para magpa-inject ng anti-rabies?"

Napatingin siya sa balikat nito. Somehow, she felt guilty for what she'd done to him. Hindi siya bayolenteng tao ngunit ewan niya kung bakit pagdating rito ay nag-e-evolve siya. Ever since the day she'd met him, parang lahat ng magagandang asal na itinuro ng nanay at tatay niya ay biglang nawawala sa tuwing nakakaharap niya ito. For some reasons she couldn't understand, he had that kind of effect on her. Bakit parang konektado ito sa pagkulo ng dugo, pag-iinit ng ulo, paghapdi ng tiyan at pagpapawis niya ng malapot?

"My shoulder's not fine. I hope that adds to your guilt," sarkastikong dadag nito.

She nervously blinked. "A-ang aga mo naman yatang maningil ng utang, Mr. Loanshark? Mga bumbay nga hapon naniningil eh," pag-iiba niya sa usapan. Tinignan niya ito mula ulo hanggang pa. She had a bad feeling about it. Pakiramdam niya ay may hatid itong delubyo.

Sa halip na sumagot ay iginala nito ang tingin sa paligid. Naglakad ito palapit sa sofa sa gitna ng flowerhop na nagsisilbing waiting area para sa mga customer nila. Tumayo rin si Dracula na tila nakaamba na ring daluhungin si Thorn, naghihintay ng hudyat niya.

"I am here to buy this flowershop," mayamaya'y deklara nito.

Próximo capítulo