webnovel

I love you

"Mommy, ang tagal naman gumising ni ate." Kilala ko 'yung boses na 'yun. Si Jewel.

"Kailangan lang daw nya ng pahinga sabi ng doctor." Si tita. Panigurado nasa hospital ako. Naalala ko si Jared, nakita ko sya kanina. Agad-agad akong bumangon pagdilat.

"Ate!" Inalalayan ako ni Jewel.

"Si Jared? Nasaan ang kuya mo?" Tinignan ko sya sa mata pero umiwas sya.

"Ate, magpahinga ka muna."

Naalala ko 'yung dahilan kung bakit ako nandito, bigla akong napahawak sa tiyan ko.

"Okay lang ang baby, hija. Mag ingat ka next time, sabihin mo sa akin kung may masakit sayo." Hinaplos nya ang mukha ko.

"Pasensya po at nag alala kayo." Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Baby, sorry at hindi nag iingat si mommy. "Tita, si Jared po."

Biglang bumukas ang pinto at halos malagutan ako ng hininga sa nakita ko. Unti-unting tumulo ang luha ko.

"J-Jared." Hindi ako makakilos sa kinauupuan ko, nanghihina ako. Gustong-gusto kong tumakbo papalapit sa kanya para yakapin at halikan sya.

"Maiwan muna namin kayo." Sabi ni Tita. Nginitian nya ako bago sila lumabas.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong nya habang papalapit sa akin.

"M-Medyo nanlalambot lang pero okay na naman a-ako." Hindi ako makapaniwala na biglang nawala 'yung galit ko sa kanya.

Naupo sya sa harapan ko sa kama. "Mabuti naman." Nginitian nya ako at pinunasan ang luha ko.

"Jared. S-Sorry." Hinawakan nya ang mukha ko.

"Sshh. Ako ang may kasalanan." Hinalikan nya ang noo ko. Hindi ko na natiis at niyakap ko na sya. Namiss ko sya ng sobra kaya napahagulgol na ako.

"Tahan na Elaisa, makakasama 'yan kay baby." Hinaplos haplos nya pa ang likod ko.

Lumayo ako sa kanya para hawakan ang mukha nya. Hindi ko akalain na darating ako sa point ng buhay ko na mapapatawad ko sya. Dati takot na takot ako pero ito ako ngayon, masayang kasama sya.

"Akala ko nakaalis ka na?" Yun kasi ang sabi sa akin ni Nathaniel.

"Nakasakay na ako sa airplane then I receive a text from Nathaniel kaya agad akong bumaba." Paliwanag nya.

"Salamat ang binalikan mo ako."

"Hindi naman talaga kita kayang iwan, kung hindi mo 'yun sinabi, hindi ko naman gagawin." Ako naman talaga ang may kasalanan.

Kung hindi lang ako naging duwag, siguro hindi mangyayari sa amin 'to.

"N-Naging duwag ako. Natakot ako na baka hindi mo kami kayang tanggapin." Napayuko na ako at nagsimula na namang umiyak.

"Kasalanan natin Elaisa, parehas tayong may nagawang mali. Pangako, nasa tabi mo ako hangga't nabubuhay ako. I love you." Pinagdikit nya ang noo namin.

"I love you too." Matagal ko ng gustong sabihin 'yang salita na 'yan. At ito na ako ngayon, kayang-kaya ko ng ibigay.

----

Hindi na rin kami nagtagal sa ospital, nagpumilit akong umuwi dahil parang magkakasakit ako lalo. Natutuwa ako kay Jared dahil talagang inaalalayan nya ako. Dumiretso kami sa bahay nina tita para daw maasikaso nila ako.

"Ate, ano ang ipapangalan mo kay baby?" Naupo si Jewel sa tabi at hinaplos ang tyan ko.

"Hindi ko pa alam Jewel eh. Gusto ko munang malaman ang gender ni baby bago ako mag isip ng pangalan." Paliwanag ko.

"Pero ate, ano ang gusto mo? Babae o lalaki?"

Napaisip ako. "Hmmn. Babae." Napangiti ako. Gusto ko ng babae para pwede ko syang bihisan ng mga magagandang damit.

"Ako din! Tapos i-spoiled ko sya! Ikaw kuya? Babae o lalaki?" Tanong ni Jewel sa kuya nya na naghihiwa ng mga prutas.

"Gusto ko ng kambal, babae at lalaki." Ngumiti pa sya ng nakakaloko.

"Wala naman tayong lahi na kambal eh. Kayo ba ate?"

"Wala." Ang alam ko ay wala talaga kaming lahi na kambal.

"Edi tatrabahuhin natin." Nagets ko ang sinabi nya kaya biglang namula ang mukha ko sa sobrang hiya.

"Ha? Pwede ba 'yun?" Tanong ni Jewel habang papunta sa taas.

Naupo si Jared sa harap ko at inilapag ang hiwa-hiwang prutas.

"I'm dead serious Elaisa. Gusto ko ng kambal." Titig na titiga sya sa akin, feeling ko anytime ay matutunaw na ako.

"A-Ano.. W-Wala naman tayong lahi na kambal e-eh." Ugh! Bakit ba ako nauutal?

"Like I said earlier, tatrabahuhin natin." Ngumisi pa sya ng nakakaloko.

Wala na. Kinilig na talaga ako, pulang-pula na ang mukha ko.

"You're so cute." Pinisil nya ang ilong ko bago ako subuan ng mansanas. "Kailangan mong bumawi sa akin. Pero hindi muna ngayon dahil kailangan mong magpahinga."

Hindi na ako nakapagsalita dahil bigla nya akong siniil ng halik. Halos manlaki ang mata ko sa sobrang gulat, pero saglit lang 'yun dahil napapikit na rin. Hindi maitatanggi na talagang miss ko na sya, yung mga haplos nya, yakap, at halik.

Hinawakan ni Jared ang leeg ko, medyo napasinghap ako kaya he had a chance to enter his tongue. Kahit kinakapos na ako ng hininga ay hindi pa rin ako tumigil, ayokong tumigil.

Magmamaktol sana ako ng biglang humiwalay si Jared, narinig ko pang natawa sya dahil hinabol ko ang labi nya.

"Marami pa tayong araw para ituloy 'to. Sa ngayon ay kailangan mo ng magpahinga. Kapag gumaling ka na, mas matindi pa doon ang gagawin natin." Dinampian nya ako ng mapang akit na halik bago ako inalalayan paakyat sa kwarto.

Hindi ko alam pero hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako tuwing magkakasolo kaming dalawa ni Jared. Hindi dahil sa takot kundi dahil sa pagmamahal.

Pagkatapos kong magshower ay nagsuot na lang ako ng manipis na sando at short. Hindi na rin ako nag bra dahil feeling ko lumalaki na ang dibdib ko at nasisikipan na ako.

Nahiga na rin si Jared sa tabi ko. "Yan lang ang suot mo?" Tanong nya.

"Oo, para presko." Dinama ko ang higaan, amoy ni Jared. Napapikit ako.

"I can see your nipple." Nanlaki ang mata ko.

"Bastos!" Nahampas ko sya sa braso. Kaagad akong nagkumot.

"Why? Nakita ko na naman 'yan. Ngayon ka pa ba mahihiya?" Tawa pa sya ng tawa. Bigla nyang inalis 'yung kumot.

"Jared naman! Nakakainis ka!" Tumalikod na lang ako sa kanya. Pagod at antok na ako pero ito sya at nang iinis. Naramdaman kong humiga sya sa tabi ko, pinulupot nya ang kamay sa dibdib ko.

"I'm sorry, sweetheart. I just missed you, and this." Napasinghap ako ng hawak nya ang isang dibdib ko. Dahan-dahan nyang pinisil 'yun. "Ugh." He groan.

"Matulog na tayo." Hinawakan ko ang kamay nyang nakahawak sa dibdib ko.

"I love you sweetheart."

"I love you too." And just like that, we fell asleep. I'm excited for tomorrow.

Próximo capítulo