webnovel

Ang Dyosa kong Body Guard

LGBT+
Contínuo · 11.2K Modos de exibição
  • 4 Chs
    Conteúdo
  • Avaliações
  • N/A
    APOIO
Sinopse

Tags
3 tags
Chapter 1ADKBG 1

Reign Pov

"Hayy this is life!"

Inalis ko ang shades ko at pinagmasdan ang asul na dagat.

What a beautiful view isn't it.

Kinuha ko ang coconot juice na fresh na fresh from the tree at ininom ito.

"So refreshing"

"Tama ka diyan gurl ang akala ko talaga hindi mo nakami tatawagan for a vacation" my friend avril said.

"Shes right reign ang akala korin ay mabubulok nako sa bahay. Mabuti nalang at tumawag ka kaya andito na tayo ngayon sa magandang paraiso ng batanes!" Zian said. Shes my other friend.

I only have two friends Zianna Daluraya and Avril Saryantes. Kagaya ko mga taga pagmana din sila pero hindi kami yung mga taga pagmana na nagpapakabulok lang sa office.

Kami ang mga taga pagmana na hindi nagpapahuli sa outing. You heard it right mas gusto naming mamasyal at i-explore ang mundo kesa umupo sa isang upuan at tumunganga sa laptop kasama ng mga equation na hindi naman namin makuha.

Anyway I am Reignalyn Feliciano the one and only Heirs of Feliciano Corp. hindi lang ako maganda kundi saksakan pa ng sexy hinahabol ako ng lahat ng lalake saan man ako mag punta. Well hindi ko yon maiiwasan dahil nananalaytay nayon sa dugo ko hindi paman ako ipinapanganak.

Kinuha ko ang sun block sa lamesa at in-apply ito sa balat ko.

"Kayo lang naman ang walang tiwala sakin remember this kapag sinabi ko gagawin ko at walang makakapigil sakin kahit sino man siya*smirk*"

----

Rowan Pov.

"Im sorry sir pero hindi ko kayang tumunganga pa habang pinapatay na ng mga ug*k nayon ang mga tao sa loob"

"SPO1 BONIFACIO you can't just ignore my command!"

"Sorry sir but this is my job kaya wala akong paki-alam kung mamatay man ako para sa kaligtasan ng nakararami"

Agad kong inalis ang earpiece na nasa tenga ko at mabilis na tumakbo palapit sa sari-sari store na hinoldap ng dalawang armadong tao.

Isang oras na kaming nasa labas at nakikipag negosasyon sakanila pero napakarami nilang hinihingi at hindi lahat ng yon ay kaya naming ibigay.

Humanap ako ng mapapasukan kung saan hindi nila ako mapapansin.

Tamang tama at may nakita akong bintana kaya mabilis ngunit dahan dahan akong pumasok dito.

Muntik pakong hindi mag kasya mabuti nalang at kaya kong i-adjust ang sarili ko.

Dahan dahan akong naglakad palapit sa kinaroroonan nila ngunit napatigil ako ng makita kong may hawak pala itong isang babae at nakatutok pa rito ang baril niya.

Bwisit paano ako susugod kung may hostage siya.

Inikot ko ang paningin ko para humanap ng pwdeng ipanglansi sakanila.

Kinuha ko ang nakita kong lata ng magic flakes at hinagis ito sa malayo.

Lumikha ito ng ingay kaya nakuha nito ang atensyon nila.

"Ano yon?" Tanong ng hostage taker na nakasilip sa may pintuan.

"Hindi ko alam tignan mo baka nasalisihan na tayo" utos sakanya ng isa pang hostage taker.

Siya ang may hawak sa babae kaya dapat makaisip ako ng paraan para mabitawan niya ito at magawa ko na ang dapat kong gawin.

Lumapit ang isa sakanila sa lugar ng pinaghagisan ko ng magic flakes kaya nakakuha ako ng tyansa para patumbahin siya.

"Sino-"

Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya at mabilis siyang sinikmuraan na naging sanhi ng pagluhod niya.

Pinalo ko ang batok niya gamit ang baril ko kaya nawalan ito ng malay.

Mabilis akong nagtago ng makaramdam ako ng yabag papalapit sa kinaroroonan ko.

Mukang hindi ko na kailangan pang mag-isip kung paano niya bibitawan ang babae.

"Anong hoy gumising ka!" Sipa niya sa kasamahan niya.

Kinuha ko ang pagkakataong yon para sunggaban siya.

Sinakay ko ang leeg niya patalikod pero nag pumiglas siya ng pilit kaya napabitaw ako rito.

"Hay*p kang babae ka!" Sumugod siya sakin at inambahan ako ng suntok na mabilis ko namang iniwasan.

Hinawakan ko ang kamay na pinansuntok niya sakin at ako naman ang sumuntok sakanya sa mukha.

"Bye bye ilong."

Sinuntok ko siyang muli sa tagiliran at  nilock ang kamay niya papunta sa likod.

"Ngayon sino satin ang hay*p" bulong ko rito bago ko siya hampasin sa batok kagaya ng ginawa ko sa kasama niya.

Lumapit ako sa pinto ng sari-sari store at tinawag ang mga kasamahan ko.

Inakay ko ang mga nanginginig na mga hostage at pinalabas na sila sa sari-sari store.

Ganom lang pala ka easy patumbahin ang mga yon pinahirapan pako tss.

Mukang kailangan kong magpamasahe mamaya kay aling magda dahil pakiramdam ko may nabaling daliri sakin ng suntukin ko ang matigas na mukha ng tabachoy nayon.

--

Reign Pov.

"Where do you think you are going young lady" napatigil ako sa paglalakad paakyat ng kwarto ko ng biglang sumulpot si dad sa likod ko.

Humarap ako sakanya at ngumiti ng malaki.

"Hey dad i miss you po" sabay halik ko sakanya.

"Wag mo kong idaan sa mga galawan mong yan reignalyn feliciano" mautoridad niyang sabi.

"Hindi ba binalaan na kita na wag kang aalis ng hindi nagpapaalam sakin. Napakatigas talaga ng ulo mong bata ka. Kung hindi ko pa malalaman sa driver natin kung nasan ka wala pakong ideya kung ano ng nangyayari sayo" i just rolled my eyes.

"Dad malaki na po ako kaya ko na ang sarili ko kaya hindi niyo na kailangan pang mag-alala sakin" umupo ako sa sopa at nag cross legs.

Napahilot sa sintido si dad at umupo sa kabilang sopa sa may harapan ko.

"Reignalyn alam mong hindi kita kayang pabayaan nalang sa lahat ng gusto mo. Anak kita at ikaw ang taga pagmana ng Feliciano Corp.paano nalang kung may masamang mangyari sayo ng hindi ko alam. Naisip mo ba kung ano ang  kahihinatnan ng kumpanya natin. Sayo ako umaasa kaya wag mo naman sana akong biguing bata ka"

Tumayo ako at umupo sa kinauupuan niya.

I massage his head kaya napapikit nalang si dad.

"Dad alam ko ang obligasyon ko sa kumpanya pero hindi ko kayang maupo at hayaan nalang na mabulok ang sarili ko sa apat na sulok ng kwartong yon." Napamulat siya at umayos ng upo.

Itinigil ko ang pagmamasahe ko sakanya ng kuhain niya ang dalawang kamay ko.

"Anak hindi lang ang kumpanya ang iniisip ko kundi narin ikaw. Ayoko lang na may masamang mangyari sayo kaya iniingatan kita. Ikaw nalang ang meron ako kaya ayokong pati ikaw mawala"  may pag-aalalang hayag nito.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay ni dad at tumingin sa mga mata nito.

"I can protect myself dad kaya wag na kayong mag-alala pa at magpahinga nalang kayo alam kong pagod kayo sa trabaho" i said.

Hinatid ko si dad sa kwarto niya at tumuloy na sa kwarto ko.

Pumasok ako ng banyo at mabilis na naligo.

Pakanta kanta pako habang nagsasabon ng katawan.

Pinatay ko na ang shower ng masigurado kong wala ng sabon sa katawan ko.

Sinuot ko ang robe ko bago tuluyang lumabas ng banyo.

Nagpatuyo muna ako ng buhok sabay kuha sa phone ko at tignignan ang mga pictures namin.

"Bakit sa lahat ng angulo maganda ako, wala bang parte ng katawan ko ang hindi perpekto? Kasi sa nakikita ko ngayon sa mga picture namin isa talaga akong dyoso."

Pinost ko ang mga picture ko sa IG bago tuluyang natulog.

Nagising ako sa sikat ng araw na nagmumula sa veranda.

7:24 so early.

Matutulog pa sana ako ng biglang kumatok ang katulong namin.

"Maam pinapatawag na po kayo ng daddy niyo bumaba na daw po kayo para mag almusal"

"Paki sabi baba na"

Tumayo ako at dumiretso na ng banyo.

"Morning dad" sabay kiss ko sa pisngi ni dad.

"Good morning anak so ready kanaba?" Umupo muna ako bago sumagot.

"Para san dad?" Kumuha ako ng bacon at eggs na sinamahan ko narin ng konting brown rice.

"Well iha ngayon ang first day mo sa office isn't it exciting ^_^?"

"What?!  But dad I have my schedule for today at hindi ko pwdeng icancel ang lahat ng lakad namin"

"Iha makakapag hintay ang mga kaibigan mo pero ang kumpanya hindi"

"Sorry dad pero hindi po ako sasama sainyo if you like pwde naman bukas"

"But--"

"Please dad kahit ngayon lang" bumuntong hininga nalang si dad dahil alam niyang hindi siya mananalo sakin.

"Good morning maam"

"Morning"

Pumasok ako sa back seat at tinext ang mga kaibigan ko.

Busy ako buong biyahe kaya hindi ko na namalayan na nasa mall na pala kami.

"Anong oras ko po kayo susunduin maam?"

"Hmm.. Tatawag nalang ako" sabay suot ko ng shades ko.

Napapatingin sakin ang lahat na animoy nakakita ng isang angel.

Kung sabagay literal na angel naman talaga ang kagandahan ko kaya hindi nako magtataka kung maglalaway sila sakin.

Mainggit kayo *smirk*

"Hey girl" bati ni avril sabay beso sakin.

"So lets go mainit na dito" i just nodded my head at tuluyan ng pumasok sa loob ng mall.

Kilala ko ang may ari ng mall nato. Isa siya sa mga investors namin sa kumpanya kaya lang hindi ko gusto ang itchura niya lalu na ng anak niyang hambog na akala mo naman napaka gwapo mukha namang sangkalan ang baba.

Pumasok kami sa loob ng starbucks at nag order ng mga kakainin namin.

"Girl may nabalitaan ako tungkol sa crush mo" avril said.

"Spill"

"Well nabasa ko na ikakasal na daw si Liam kay Margarette im not sure if its real or just a fake news pero ng tignan ko ang official page niya don ko nalaman na totoo nga pala talaga ang balita"

"Owe shocks bakit sakanya pa"

"I fell the same way kahit naman ako ayoko sakanya napaka arte kaya ng babaeng yon" zian said.

I agree si Margarette ang isa sa sikat na model dito sa pilipinas at si Liam naman ang Mr.International 2020.

Gwapo siya at pamatay ang katawan witty din kaya nga nanalo siya sa Mr.International.

Nagustuhan ko siya ng dahil sa sagot niya basta noong mapanood ko siya nalove at first sight nako sakanya.

"Di hamak na mas maganda ka naman kesa sa fiance niya kaya bakit hindi nalang ikaw ang napili niya" i just rolled my eyes.

"Avril kahit ultimate crush ko yon wala parin akong planong magpakasal sakanya. Ayokong magkaron ng asawa sa edad na 21 mas gugustihin ko pang i-enjoy ang buhay ko kesa maging alila ng isang lalake"

Zian laughed.

"Ayan bugaw pa avril haha." Inirapan naman siya ni avril.

"So? Happy?" Nagthumbs up sakanya si zian kaya mas lalo siyang nainis dito.

*sigh* here we go again.

"Anyway as i was sayi----"

Mabilis kaming napayuko ng may marinig kaming putok ng baril.

Nagulat kaming lahat ng bigla nalang akong higitin ng lalakeng nagpaputok.

F*ck! Sa dami ng tao bakit ako pa ang napili niya.

"Ouch your hurting me!"

"Tahimik!" Naitikom ko naman ang bibig ko.

Hinila niyako palabas ng Starbucks ng sapilitan kaya muntik pakong matapilok.

Kapag nabali ang paa ko sisiguraduhin kong mawawalan rin siya ng paa.

Gosh ano bang ginagawa ng mga guard dito bakit hindi manlang nila ako magawang tulungan.

"You know what you'll gonna regret this kapag nalaman mo kung sino ako" pananakot ko.

"Bakit sino kaba ha?" He said habang nakatutok parin ang baril sa ulo ko.

Hindi ako natatakot mamatay pero ang kinakatakot ko ay mamatay ako ng pangit sa harapan ng iba.

"Ako lang naman ang nag-iisang taga pagmana ng Feliciano Corp. kaya kapag may nangyaring masama sakin paniguradong mabubura kana ng tuluyan sa mundo" natawa naman siya sa sinabi ko.

"Haha so tamang tama pala ang taong nakuha ko. Salamat sa information ha. Alam mo ba na pwde kitang gamitin para makakuha ng malaking halaga sa tatay mo? Ang tanga mo lang dahil sinabi mo pa kung sino ka mas pinadali mo tuloy ang lahat para sakin"

Ugh!sh*t ang baho ng hininga niya.

"Reign!" Sigaw ng dalaw akong kaibigan.

"Wag kayong lalapit kundi papasabugin ko ang ulo ng babaeng to!"

"Reign are you okay?!" Sigaw ni avril naparolled eyes ako.

"Do i look okay sa lagay nato?" Sarcastic kong sabi.

"Sinabi ng wag kayong lalapit! Mga bobo ba kayo!"

Agh hindi lang mabaho ang hininga niya ang lakas din tumalsik ng laway niya nakakadiri!

"Bibilang ako ng tatlo kapag may lumapit sainyo papasabugin ko ang ulo ng babaeng to!" Naparolled eyes nalang ako.

Tatanga tanga naman kasi ang mga guard dito pwde naman nilang barilin patalikod ang lalakeng to pero mas pinili nilang maki-isyoso sa harapan.

Anong klasing security to? Kabobohan much.

Akmang bubunot ng baril ang mga gwardiya ng bigla niyang diinan ang baril sa ulo ko.

This guy is really hurting me rn.

"Wag na kayong mag tangka pa! Hindi niyo maililigtas ang babaeng to hanggat hindi niyo ibinibigay ang gusto ko!"

"Ano bang gusto mong tarantad* ka!" Sigaw ni zian

Such a brave girl.

"Simple lang naman ang gusto ko 100 million pesos, isang malaking house and lot pati narin kotse. Kapag binigay niyo ang lahat ng yon sakin pakakawalan ko ang babaeng to"

"Seriously? Dinaig mo pa ang tumama sa loto sa laki ng hinihingi mo" i bravery said.

Gag- pala to eh gusto pala ng house and lot bakit hindi nalang humingi kay willie.

"Tumahimik ka!" I shut my mouth again.

Mahirap na baka malunok ko pa ang laway niya.

Umabot sa segond floor ang pagkalakad niya sakin at ramdam korin na nangangawit na ang binti ko kakasunod lakad niya.

Sapilitan ba naman akong palakarin ng palikod tignan lang natin kung hindi ako mangawit ng todo.

At isa pa nakaheels po ako ng 7inch!

"Wag ka ng umasa na ibibigay nila ang gusto mo sa laki ng hinihingi mo tingin mo kaya nilang ibigay yon para lang sakin"

Kaya naman ibigay ni dad ang lahat ng yon pero hindi ko hahayaang mangyari yon pera yon ng kumpanya at ng mga investor's kaya manigas siya.

"Tumahimik ka sabi! Kanina kapa naririndi nako sayo baka gusto mong pasabugin ko ang bungo mo"

"Do it as if i am scared of your lazy threats" walang gana kong sabi.

"Talagang sinusubukan mo ko ah sige kita nalang tayo sa impyerno" tinulak niyako palayo kaya napapikit nalang ako at hinintay ang balang tatama sakin.

Nakarinig din ako ng putok ng baril pero wala akong maramdaman ni ano mang tama ng baril sa katawan ko.

Minulat ko ang mata ko at isang pares ng mata ang sumalubong sakin.

"Okay kalang ba miss?" Tanong niya agad akong humiwalay sa pagkakasalo niya sakin at umayos ng tayo.

"Y-yeah im good"

Nag si datingin na ang mga guard at dinampot ang hostage taker na ngayon ay wala ng malay.

Tingin ko siya ang nabaril hindi ako.

"Reign! My gosh thank god your fine" niyakap nila ako pareho.

Napatingin ako sa babaeng sumalo sakin pero papaalis na siya sa gawi namin.

"Wait!" Napatigil siya sa lakas ng sigaw ko.

"Paano kita mapapasalamatan?" I asked.

Ngumiti siya at umiling.

"Hindi naman ako ang nagligtas sayo kaya bakit moko papasalamatan?"

"Ha? Paanong hindi ikaw eh ikaw ang nakita ko kanina" i said

Siya ang sumalo sakin kaya impossible na hindi siya ang nagligtas sakin at bumaril sa hostage taker.

"Hindi ako ang nagligtas sayo ang partner ko sayang lang at umalis na siya kaya hindi mo siya nakita anyway aalis nako dahil kailangan ko pa siyang sundan bye miss"

Wala nakong nagawa kundi tignan nalang ang pigura niya hanggang sa tuluyan na siyang naglaho.

Kung hindi siya sino?

---

A:N Kung ayaw mo sa takbo ng kwento pwde mong iremove sa library mo ang story nato. Diko kailangan ng opinyon mo. God bless^_-

Ps: Mas marami akong stories sa wattpad if you want to visit my acc just search this name "@QueenDreamer_08

Você também pode gostar