webnovel

Chapter 10

Ikaw ang dahilan ng aking pagngiti sa tuwina

Ikaw ang dahilan kung bakit laging masaya

Ikaw ang dahilan ng magandang araw pagmulat pa lang ng mga mata

Ikaw lang at wala ng iba.

Ikaw ang araw sa aking umaga

Ikaw ang bituin sa gabing mapayapa

Ikaw ang hangin na aking hinihinga

Ikaw ang buhay at ligaya.

Ikaw lang mula noong una pa

Ikaw ang aking nag-iisa

Ikaw lang kahit madami pa sila

Ikaw lang hangang sa dulo pa.

Salamat sa iyong pagpapasaya

Salamat sa kilig na pinadama

Salamat sa lahat lahat na

Ikaw lang ang sa akin pero ako sayo ay hindi pala.

---Arrette---

"James...James..." Malumanay na gising ni Billie sa binata.

Matapos ibaba nila Logan, Elijah, at Oliver ang binata ay napagpasyahan nilang bumalik sa Pascual Motors. Kailangan nilang basahin ng mabuti ang cotract na ginawa ni James. Kailangan din nilang iayos ang mga documents ng kanilang kumpanya para kapag nagdecide si James na hingin ang mga ito ay naka-ready na. Ayaw pumayag ni Logan na maiwan ng walang kasama sila Billie at Lucas kaya pinaiwan niya si Angela at si Lyza na lamang ang sinama nila.

"James...James..." Ulit ng dalaga sa pagtawag sa binata. Mataas pa din ang lagnat ni James kaya kahit sa ayaw at gusto nito ay kailangan niyang uminom ng gamot. Dahan-dahan minulat ni James ang mga mata.

"Nasa langit na ba ako?" Ito ang bungad ni James ng makita si Billie. "Mataas nga ang lagnat mo." Bulong ni Billie. "Lagi kitang napapanaginipan pero ito ang pinakamagandang panaginip na parang ayoko ng gumising, parang totoong totoo." Hindi umimik si Billie. Kinuha ang soup at ng sigurado ng malamig ito ay nilagay na ang straw para hindi na tumayo ang binata at higupin na lang ang soup. "Ang dami kong gustong sabihin sa'yo pero sa tuwing magsasalita ako ay lagi na lang akong nagigising kaya bibilisan ko na. Sorry kahit hindi ko alam ang dahilan kung bakit ka biglang nagalit sa akin at bigla ka na lang nawalang parang bula. Ayaw sabihin sa aking ng mga pinsan mo kung nasaan ka. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula para hanapin ka. Mahal na mahal kita mula noong hanggang ngayon. Walang nagbago sa nararamdaman ko sa'yo. Sorry..." Hindi agad naka-react si Billie sa mga nadinig mula sa binata. Natulala siya at nakalimutan na hawak ang soup para sa binata. Lalo siyang nataranta ng kabigin siya ni James at bigyan ng banayad na halik sa labi. Ramdam niya ang mainit na hininga nito.

"Mommy..." Parang binuhusan ng malamig na tubig si Billie ng madinig ang boses ng anak. "Shit!" Napatingin naman siya sa binata at na makita niya na basa ang damit na suot nito ay saka lang niya napansin na wala ng laman ang bowl na hawak niya.

"Shit!" Nasabi ni James dahil nalaman niya na hindi pala panaginip ang lahat.

"Who are you?" Nadinig ni James na tanong ni Lucas na nakalapit na sa ina. Hindi pa man nakakasagot sa unang tanong ng bata si James at may kasunod ng tanong ito na pareho nilang kanagulat at kinapula. "Why did you kiss Mommy?" Inosenteng tanong ni Lucas.

"Ahm, honey, he's Tito James. You met him yesterday." Sabi ni Billie na binuhat ang anak. "He's also a racer just like me and Tito Logan." Patuloy ni Billie na pilit nililigaw ang anak. "He won yesterday." Nakita ni Billie na parehong nakatingin sa isa't isa ang dalawa na ikinakaba niya. "Honey, where's Tita Angela?" Tanong ni Billie pero hindi siya sinagot ng anak. "Tito, karga." Nagulat si Billie dahil mabilis na bumaba sa kanya ang anak. Si James naman ay kanina pa nakaupo sa gilid ng kama at nabigla din ng lumapit sa kanya ang bata. Bubuhatin na sana niya ito ng magsalita si Billie.

"Wait, wait." Pigil ni Billie sa anak. Tumingin sa kanya pareho si Lucas at James. "Ahm, kasi basa ang damit ni Tito James kaya kailangan muna niyang magbihis." Paliwanag ni Billie. "Okay." Mabilis na sagot ni Lucas at tumakbo palabas. "Lucas?" Tawag ni Billie sa anak at sinundan ito kung saan nagpunta. Nang maiwan si James mag-isa ay nahilamos niya ang dalawang kamay sa mukha.

Nang bumalik ang mag-ina sa kwarto ay may dala si Lucas na iniabot kay James. "Pasensya ka na. Siya ang pumili niyan. Kapag nakatulog siya ay magpalit ka na lang ulit. Tiyak naman na kakasya sayo kasi malaki yung size na nabili ko. Hindi niya pa nasusuot 'yan." Paliwanag ni Billie. Inabot naman ni James at hinubad agad ang damit. Nangiti siya ng lihim ng makitang sandaling natulala si Billie at pagkatapos ay tumingin sa ibang panig ng kwarto habang pulang pula ang mukha nito.

"Tito, karga." Ulit ni Lucas ng makitang nakabihis na ang binata. Nakangiti namang binuhat ni James ang bata. "Tito, you're not feeling well too?" Tanong ni Lucas matapos ng ilang sandali. Nang madinig ang sinabi ng anak ay saka lang naalala ni Billie na parehas nga pa lang nilalagnat ang dalawang lalaking nasa kanyang harap.

"Kainin mo 'to pagkatapos ay uminom ka ng gamot." Sabi ni Billie na iniabot ang soup at binigay ang gamot kay James. "Honey, come to Mommy muna. You have to eat and take your medicine. Show Tito James how brave you are when drinking your meds." Tiningnan ni James si Billie na parang tinatanong na, "Ako ba ang pinapataam mo?"

Halos sabay natapos kumain ang dalawa lalaki. Madaling napainom ni Billie ng gamot ang anak samantalang si James ay hawak pa din ang gamot at titig na titig dito. Nangiti ng lihim si Billie. "Tito, karga." Muling sabi ni Lucas. "Honey, let him take his medicine first, okay?" Tiningnan ni Lucas ang gamot sa kamay ni James pagkatapos ay kinuha ito. "Mommy, open." Sinunod naman ng ina ang sabi ng anak. "Say ahh, Tito." Doon na natawa si Billie pero tumigil din siya ng tingnan siya ni James. "Tito, say ahh, please." Walang nagawa si James kundi ibuka ang bibig at ng ilagay ni Lucas ang gamot sa kanyang dila ay nalasahan niya agad ang pait nito. Dali dali niyang kinuha ang baso ng tubig at deretsong ininom ito dahil kapag hindi ay babaligtad ang sikmura niya.

"Tito is not brave like me Mommy." Tumango si Billie na may ngiti sa labi. Si James naman ay hindi maipinta ang mukha dahil sa pait na nalalasahan pa din niya kahit nakadami na siya ng tubig na ininom.

"May lagnat din ba siya?" Tanong ni James at tumango naman si Billie. "Kailan pa? Hindi mo ba siya ipapacheck-up?" Patuloy ni James. "Kapag after 24 hours at hindi pa nawala ang lagnat niya ay papacheck-up ko na siya. Ikaw din ay ganoon ang dapat gawin. Sa panahon ngayon, hindi na kailangan magpalipas ng tatlong araw para magpacheck." Tumango-tango si James. "Pahinga lang at mawawala na din ito." Sabi ni James. "After 4 hours at hindi pa gumaan ang pakiramdam mo ay kailangan mo ulit uminom ng gamot." Sabi ni Billie. "No need for that. I really hate medicines." Sagot naman ni James. Nagulat sila pareho ng bumaba sa kama si Lucas na iniwan ang mga laruan na kinuha ni Billie kanina at lumapit sa binata.

"Tito, do you want to get well and be strong?" Tanong ni Lucas at tumango naman si James. "Then, you should follow Mommy. Look at me, I am strong!" Pagmamayabang ni Lucas na sinamahan pa ng pagtaas ng dalawang braso para ipakita ang malilit na muscles. Nangiti si James. "Okay, strong man, I will take my medicine to be strong just like you." Patol naman ni James. "Promise?" Tanong ng bata na inilabas pa ang hinliliit. Kumunot naman ang noo ni James. "Pinky swear." Sabi ni Billie na lalong ikinakunot ng noo ng binata. Umikot ang noo ni Billie. "Show him your pinky then cross it over sa pinky niya. That means that you will fulfill your promise kahit anong mangyari. Natingin si James kay Lucas na iniintay pa din ang hinliliit niya. "If you can't do it, then do'nt do the pinky swear. Sanay si Lucas sa amin na tinutupad lahat ng promises na ginagawa namin through the pinky swear. If you can't..." Hindi natapos ni Billie ang sasabihin dahil nakita niya na ginawa ni James ang pinky swear sa anak. Tuwang-tuwa si Lucas na ikinangiti ni James. Si Billie ay nakatingin lamang sa dalawa.

Ano na ang gagawin niya ngayong magkakilala na ang mag-ama? Paano niya ipapaliwanag sa anak ang mga nangyari noon at mangyayari ngayon? Paano ang mga pinsan at mga magulang niya? Paano siya, paano ang puso niyang nasaktan na minsan ng lalaking ama ng kanyang anak?

Próximo capítulo