webnovel

Chapter 17: Steps

Sa wakas ay nahanap ko na rin si Erine, nasa clinic pala siya dahil sumasakit daw ang tiyan niya. Para siyang tanga sa kakangiti kaya tinanong ko siya kung bakit. Kinuwento niya sa akin na si Ciro ang nagdala sa kaniya sa clinic kanina. Bibili lang daw sana siya ng bottled water pero biglang sumakit ang tiyan niya, sakto naman na nakita siya ni Ciro at nahalata nito na may masakit sa kaniya kaya dinala siya nito sa clinic. Dahil wala pa ang school nurse noong nakarating sila roon, nagkausap sila at kahit papaano ay naayos ng kaunti ang problema nila. Kaya lang hindi pa rin niya sinasabi kay Ciro na gusto niya rin siya dahil nga may fiancee na si Ciro at wala na siyang magagawa. Ang sabi sakin ni Erine, okay na daw siya kahit ganoon, basta nakikita lang niya palagi si Ciro at hindi masama ang loob nito sa kaniya.

Btw, alam na nga pala ni Erine na may gusto ako kay Dice, at hindi na siya masyadong nagulat.

"Ikaw ano naman ang plano mo?" Tanong sa akin ni Erine.

"Sa totoo lang hindi ko alam kung anong gagawin ko." Sagot ko naman.

"Hindi pwede 'yon! Paano naman kung may magustuhang iba si Sir Dice? Papayag ka na lang ba?" Angal niya. Tumpak. Tama ang sinabi niya pero ano ba ang dapat kong gawin? Sinabi ko sa sarili ko na I'll make him fall in love with me pero hindi ko alam kung paano.

"Anong gagawin ko?" I asked.

"Naaalala ko noon na sinabi ni Sir Dice he only see you as a kid at wala siyang interes sayo?" She paused. Aw Erine ha, ang sakit, sapul na sapul. "So dapat iparamdam mo sa kaniya na hindi ka na bata, ipakita mo na kaya mo ring makipagsabayan sa kanila ng Julie na 'yon."

"Paano ko naman gagawin 'yon?" Tanong ko ulit.

"So ito ang plan A natin, you'll act mature." She said. "Baguhin mo ang mga ginagawa mo na sa tingin mo ay childish."

"Katulad ng alin?" Tanong ko.

"Sa pananalita mo, sa kilos, at higit sa lahat... sa pananamit mo." She answered.

"Sa pananamit?" Pagtataka ko.

"Oo, ipapaliwanag ko sayo. Kapag ang mga sinusuot mo ay 'yung maluluwag, hindi naeemphasize yung katawan mo. Pero kapag nagsuot ka ng mga medyo fitted at maikli, at nakita ka niya, maiisip niya na hindi ka na talaga bata dahil-" pinigilan ko siya sa pagsasalita.

"Kailangan ba talaga yan?" Napakamot ako sa ulo.

"Basta... makinig ka lang sa akin." At yun nga ang ginawa ko.

Kinahapunan ay sinimulan ko nang sundin ang mga sinabi sa akin ni Erine.

Oplan Seducing Dice Lucrenze

Step #1: Show off my body

Sinuot ko ang mga damit na pinahiram sa akin ni Erine. White tank top at high waist denim shorts. Hindi naman siguro maninibago si Dice dahil lagi naman akong nakashorts kaya lang 'yung mas mahaba naman dito sa suot ko ngayon. He already saw me wearing a bikini, so... what's the difference?

Nakapagluto na ako ng hapunan habang si Dice naman ay nasa kwarto niya, probably working. Napapansin ko nitong mga nakaraang araw na lalo siyang nagiging busy, nakasubsob siya palagi sa laptop niya. Minsan nga di na maalis ang tunog pagtap ng keyboard sa isip ko. Naupo muna ako sa sofa saka nanood muna ng tv. Mukhang hindi magiging effective ang tinuro sa akin ni Erine, dahil hindi naman ako nakikita ni Dice.

Maya maya pa ay may nagdoorbell kaya agad ko itong pinagbuksan ng pinto. Si Key pala, napadalaw.

"N-nasaan si Dice?" Tanong niya habang nags-stutter. Bakit kaya?

"Nasa kwarto. Tawagin ko?" Tatalikod na sana ako para tawagin si Dice.

"No, wag na, ako na lang ang pupunta." He said kaya hinayaan ko na lang siya.

Bumalik na lang ako sa kinuupuan ko kanina pagkatapos ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Sa panaginip ko ay may nakita akong dalawang fried chicken na nagtatalo. Nagutom tuloy ako bigla. Pagkatapos ay unti unting lumayo ang dalawa hanggang sa di ko na marinig ang pinag-uusapan nila. Dahil doon ay nagising ako. Nandito pa rin ako sa sofa. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagkagulat. Nakatulog habang nakaupo, yung isang strap ng suot kong top ay nakababa na at para akong bata. Huhuhu. Nagfail yata ako.

Narinig ko ang pagbukas sara ng pinto kaya kaagad kong inayos ang damit ko. Galing pala sa labas si Dice, hindi ko maipaliwanag pero nakikita kong galit siya. Hindi man lang siya tumingin sa akin at dire-diretsong pumasok sa kwarto ko. WAIT, BAKIT SA KWARTO KO?

Nakatulala lang ako at hindi makapag-isip ng maayos. Paglabas niya ay may dala na siyang damit, damit ko, yung usual na isinusuot ko araw araw. Lumapit siya sa akin saka ito iniabot, "Get changed" sabi niya habang nakapikit at minamassage ang kilay niya. Kaagad ko naman itong kinuha.

Akala ko ba effective 'to Erine? Huhuhu.

Step #2: Makeover

Kinabukasan, nag-ayos talaga ako. Naglagay ako ng liptint, kaunting blush on tapos medyo inayos ko na din ang kilay ko. I also did my hair.

On our way to school, hindi man lang ako tinignan ni Dice. Tapos hindi rin siya ako pinansin, As in wala man lang akong narinig mula sa kaniya. Pagdating naman namin sa USJ ay kaagad naming ginawa ang usual na ginagawa namin. Maghihiwalay na kami ng landas, sa parking pa lang.

"Shi, ang ganda mo ngayon." Bulong sa akin ni Erine. May teacher sa harap kaya maingat siyang bumubulong.

"You too." Bulong ko rin. Kinurot naman niya ako sa braso na parang nagsasabing binobola ko lang siya.

Buong umaga, marami akong narinig mula sa mga classmates ko na I look prettier today daw, i said thanks naman. Pero kahit na ganoon, may hinihintay pa rin akong tao na sabihan ako ng ganoon.

Pagkatapos naman naming maglunch ay nagpaalam ako kay Erine na pupunta ako sa locker ko. Medyo malayo ito pero madadaanan ko ang building ng faculty room kung nasaan si Dice. Tumingala naman ako sa second floor ng building na iyon pero hindi ko siya nakita.

Ilang sandali pa ng paglalakad ay nakarating na rin ako sa locker ko. Kinuha ko 'yung libro ko and then umalis na. Pero hindi pa man din ako nakalalayo ay biglang may humila sa akin sa loob ng lumang storage room. Hindi ako sure kung may nakakita sa akin sa mga iilan ilang mga estudyante sa paligid kaya nagworry ako.

Hawak pa rin ako sa braso ng humila sa akin, madilim sa loob kaya hindi ko ito makilala. Sumigaw ako para humingi ng tulong pero bigla nitong tinakpan ang bibig ko.

"It's me." Kaagad ko naman nakilala ang boses nito. Ilang segundo pa ay bumukas ang ilaw at nakampante ako nang makita ko si Dice.

"Dic-" nasa school nga pala kami kaya napahinto ako. "B-bakit po Sir Dice?"

Bakit naman siya nasa storage room? At bakit niya ako hinila? Paano pag may nakakita sa amin dito? Haaays.

Bumuntong hininga siya, "You're makeup is bothering me." Napayuko naman ako. Hindi 'yun ang ineexpect ko na sasabihin niya. Nagulat naman ako nang bigla niyang punasan ang mukha ko gamit ang panyo niya. "Bakit ayaw matanggal?" Tanong niya pa.

"Ako na lang magtatanggal." Dismayado akong tumalikod sa kaniya para sana lumabas ng storage room at umalis na doon.

Kaagad naman niya akong pinigilan. "Make sure to remove it."

"Bakit? Hindi ba bagay?" Tanong ko.

"Nope. It's just that... you're attracting more and more boys than usual with that on... And i hate that."

Di ko naman siya nagets. Pinauna na niya kong lumabas para walang makakita sa amin na magkasama. Nagdalawang isip pa ako na iwan siya doon dahil ang weird lang na nandoon siya in the first place.

I can't tell if I failed or not pero may step 3 pa naman.

Step #3: Be smart and mature.

Sa mga sumunod na araw, nagreview talaga ako tungkol sa subject niya at palagi akong nagtataas ng kamay sa klase niya.

Tuwing sinasabi niya 'yung "Very good, Ms. de Dios.", Hindi ko maipaliwanag na gumagaan ang pakiramdam ko. Pero at the same time lalong nagsisink in sa utak ko na teacher ko siya at estudyante naman ako, nakatali lang siya sa akin dahil sa arranged marriage na hindi naman kami ang nagpasya.

I think I failed every step. Wala 'tong kahihinatnan. Kahit na gustuhin kong magmukhang matured sa paningin niya para magustuhan niya rin ako... I can't erase the fact that I'm just a seventeen year old kid.

Nag-uusap kami ni Erine ngayon sa cafeteria habang kumakain. Sinabi ko sa kaniya na tinry ko na lahat ng sinabi niya pero hindi pa rin effective.

"Baka naman may hindi ka ginawa?" She asked.

I sighed, "Ginawa ko, promise, pero hindi umepekto."

"Then, I suggest na ipagpatuloy mo pa ring gawin ang mga sinabi ko sayo. Pero idagdag mo 'to." Para namang may light bulb na nag light up sa tuktok ng ulo niya.

"What is it?" I asked.

"The gap." Itinaas ni Erine ang ang index finger niya. Naguluhan naman ako dahil hindi ko nagets. What gap? Age gap? "What I mean is... diba minsan, narirealize lang natin ang halaga ng isang tao kapag wala na siya? Siguro dapat iwasan mo muna si Sir Dice, wag mo munang gawin 'yung mga bagay na nakasanayan niyang ginagawa mo para marealize niya kung ano ka ba talaga para sa kaniya."

"I think... that's not a good idea." Sabi ko habang umiiling.

"Try mo lang naman kahit once lang." Pilit sakin ni Erine.

Bumuntong hininga ako "alright" sabi ko.

The next day is Saturday. Tamang tama. I decided to go out... by myself, para na rin makaiwas kay Dice. Maaga akong gumising para magluto ng breakfast. Kaagad akong umalis ng bahay at iniwan ko na lang ang breakfast ni Dice na nakaprepare sa mesa. Ayokong abutan niya ako sa condo dahil yun ang plano, kaya lang hindi ko naman alam kung saan ako pupunta.

Ilang sandali matapos akong makarating sa pinakamalapit na park sa pamamagitan ng pagsakay sa tricycle, ay kaagad akong nakatanggap ng tawag mula kay Dice. Mukhang effective nga 'tong gap na sinasabi ni Erine.

"Hello?" Bungad ko.

["Where did you go, kid?] Biglang kumabog ang puso ko nang marinig ko ang boses niya. Kahit na araw araw ay naririnig ko ang boses niya, iba pa rin pala ang dating kapag sa phone call. Idagdag mo pa na kagigising lang pala niya.

"Sa labas lang." Sagot ko.

Ilang segundo pa ay sumagot din siya, pero parang natagalan. ["Why? Di ka naman madalas lumabas. Sino kasama mo?"]

Ano bang dapat kong isagot sa sunod sunod niyang tanong? Naalala ko tuloy 'yung sinabi ni Erine na sabihin ko kay Dice na may kasama akong lalaki. Hindi ko naman nagets kung bakit, e alam naman ni Dice na hindi ako sumasama sa kung sino sinong lalaki lang.

"Wag kang mag-alala may kasama ako." Sagot ko naman.

Agad agad naman siyang sumagot kabilang linya. ["Who?"] Puno ng authority ang boses niya, dahilan para kabahan ako.

"Ahm- si ano, s-si..." Walang lumalabas na pangalan sa isip ko. May dumaan na lalaki sa harap ko na pinaglalaruan ang susing hawak niya. "...si Key! Tama!" Sorry Keyyyyyy!

["Pakausap."] Dice said.

Omygoshhhh anong gagawin ko? "Umorder ng pagkain e, nasa fastfood chain kami ngayon." Palusot ko. Himala, di ako nautal. Tumingin naman ako sa wrist watch ko, 10:30 na pala. Tinanghali na naman ng gising si Mr. Lucrenze.

["Hindi ka nagbreakfast dito?"] isa pang sunod na tanong mula kay Dice. You're making me a liar! Please wag ka na magtanong huhu.

"H-hindi, hehe." Tumingin ako sa paligid. Tahimik. Sana maniwala siya sa mga sinasabi ko.

["Kay."] Yun lang ang nasabi niya. Magsasalita pa sana ako kaya lang binaba na niya. Aba. Ang rude naman ng lalaking 'yon! Binabaan ba naman ako?

Hinanap ko ang phone number ni Key sa contacts ko para tawagan siya. Sumagot ka pleaseeee. Sumagot ka huhu. Nalaglag ang panga ko dahil busy ang kabilang linya. Bakit ngayon pa? Sino kayang kacall niya at ang tagal niyang ibaba? Halos ilang minuto na kasi akong paulit ulit siyang tinatawagan pero busy pa rin. Hanggang sa wakas ay sumagot na rin siya.

"Hel-"

["You should thank me. Nagsinungaling lang naman ako sa asawa mo."] Mabilis ang pagsasalita niya at may halong biro. Ibig sabihin... si Dice ang kausap niya sa phone kanina? Naunahan akooooo? Nahalata ba niya na nagsisinungaling akoooo?

"Anong sinabi mo sa kaniya?" Yun agad ang nasabi ko.

["Di ba dapat magthankyou ka muna."] Narinig ko pa ang halakhak niya mula sa kabilang linya.

"Oh- thank you!"

["Yan, hahaha. He asked kung nasaan ako... Sabi ko hulaan moooo sa mapang asar na tono. Are you with the kid? yun ang sunod niyang tanong. Pagtitripan ko lang sana siya kaya I said yes. Binabaan naman niya ako kaagad."] Paliwanag ni Key. ["Aasarin ko lang sana siya kaya lang i figured out the situation knowing that bastard."]

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

emi_sancreators' thoughts
Próximo capítulo