webnovel

Chapter 35

Thea's POV

"Good morning ma'am!"

Bati sakin ni ate lynn.

Nandito kasi ako sa flower shop ni mommy! It's been almost a week na din mula nung nalaman ko ang feelings ni krystal para sakin.

At kagaya ng napag-usapan ay nililigawan ko nga si krystal. Even though I'm not use of doing it, I still try my best. Di na nga kailangan magligawan eh, maarte lang talaga si krystal haha

Di pa rin talaga ako makapaniwala na same lang kami ng nararamdaman. Who would've thought na ang isang krystal ay nagkagusto sakin.

I mean di naman ako mahirap gustuhin eh. Look at me, bukod sa maganda, sexy, matalino eh mabait pa. Basta na sakin na lahat haha.

Wala ka nang hahanapin pa.

"Ate lynn naman eh. Wag niyo po kasi akong tawaging ma'am" sabi ko sa kanya

Ang aga aga inaasar niya ako. Alam niya kasi na ayaw ko na tinatawag na ma'am

"Binibiro lang kita. Tong batang to..."

Si ate lynn kasi ang kasa-kasama ni mommy dito sa shop niya. She's in her 30's na rin. May family na. Close ko yung anak niya na si baby mica. Haha wala share ko lang.

"Oh eh ano ba meron at naparito ka?" nakangiting tanong niya "di ka naman pumupunta dito ng ganito ka aga"

Tama si ate lynn. Di talaga ako napunta dito ng maaga. Usually kasi dadaan ako dito tanghali na. Pero iba kasi ngayon. I'm courting krystal kasi and yun din yung reason kung bakit ako ganito kaaga. Magpapagawa ako kay ate lynn ng bouquet since wala naman si mommy dito nasa bahay pa.

Pupunta ako mamaya sa work ni krystal para ibigay yung flowers sa kanya

"I need flowers kasi ate lynn" sabi ko sa kanya habang pinapanood siya sa ginagawa niya. Nagpuputol kasi siya ng mga stem ng flowers na kakarating lang mula sa baguio.

"Para saan naman yung flowers?" tanong niya

"Uhm...k-kasi ate...yung friend ko. Tama, yung friend ko may nililigawan kasi siya eh alam kasi niya na may flower shop kami kaya nautusan ako" palusot ko sa kanya

Ayoko munang sabihin yung totoo. Close naman kami ni ate lynn pero wag na muna ngayon. Next time na lang.

"Ganun ba? Eh ano bang flowers ang gusto ng girl?" Yun ang di ko alam

"Ate wala akong ideya eh. Di ko po natanong sa friend ko" bakit nga ba di ko natanong yun kay ally "ikaw ate...may isusuggest ka ba na flowers na pwedeng ibigay?"

Tama. Kay ate lynn na lang ako magtatanong kung ano ang bagay na bulaklak para kay krystal since expert naman siya pagdating sa ganung bagay.

Hinayaan ko lang siya na gawin yung bouquet total siya naman may alam pagdating sa mga bulaklak.

Pagkatapos niyang iarrange ang mga bulaklak ay agad ko itong tiningnan.

Wow. Rainbow yung kulay ng sunflower tapus may iilang baby's breath din tapus may sunflower na kulay yellow sa gitna. Baklang bakla ah.

What a coincidence! Haha

"Sa tingin mo ate magugustuhan niya to?" tanong ko sa kanya

Sayang lang din kasi effort pag di nagustuhan ni krystal to.

"Oo naman. Ang ganda kaya niyan" kumbinse pa niya sa akin. "300 pesos yan ha?" Paalala niya sakin

"Ilista mo na lang kay mommy ate" nakangising sabi ko sa kanya

"Sabihin mo diyan sa kaibigan mo na bayaran niya. Di to libre ha porket kaibigan ka niya" nagpout na lang ako ng lips sa kanya "wag mo akong daanin sa pagpapacute mo. Alam mong di ako tinatablan niyan"

Nagbabaka sakali lang naman. Malay mo this time tablan siya haha

Nagstay muna ako dun sa shop. Sinamahan ko muna si ate lynn habang di pa dumarating si mommy para naman may kasama at kausap siya.

Umalis din ako ng dumating na si mommy. Nagtaka naman siya kung bakit ako may bulaklak na dala. Di ko na siya sinagot kasi agad naman akong nagpaalam sa kanya. Bahala na si ate lynn mag-explain dun.

On the way na ako papuntang work ni krystal. Napatingin ako sa baba ng scooter ko kung saan nakapatong yung flowers.

Napangiti ako ng makita yun.

Ilang minuto pa ay nakarating na ako. Tamang tama medyo maaga pa walang masyadong tao ibig sabihin di sila busy.

Pagpasok ko ay agad siyang hinanap ng mga mata ko. There she is.

Nakikipag-usap siya sa kasamahan niya. Kung di ako nagkakamali dian ang pangalan.

Napansin ko naman ang pagsiko sa kanya ni dian habang nakangusong itinuro ang direksiyon ko

Nang napatingin siya sakin ay bigla siyang ngumiti. Nag wave naman ako sa kanya saka lumapit sa counter.

Di pa niya nakita yung flowers dahil nasa likod ko yun.

Grabe di ko talaga lubos maisip na gagawin ko yung mga ginagawa ng mga lalaki kapag nanliligaw.

"Hey mahal kong baby" masayang bati niya sakin. Ang cute ng endearment niya sakin. Ihhh kinikilig ako hehe "ano ginagawa mo dito?"

"Malamang binibisita ka" pilosopong sagot ko sa kanya

"Sus namiss mo lang ako eh" panunudyo niya

"Whatever" natatawang sabi ko "but I actually came here to give you this" pinakita ko na yung flowers sa kanya

"Aww, babylove! Ang ganda naman nito" puri niya dun sa bulaklak

Maganda naman talaga kasi makulay siya.

Inamoy amoy niya yung bulaklak pagkabigay ko sa kanya.

"Wow. Sana all" birong sabi ni dian. Napangiti ako sa kanya

"Did you like it?"

Iniling niya yung ulo niya "No..." tumingin siya sakin "I love it"

Phew. Akala ko pa naman di niya nagustuhan "since you love it...Don't you think I deserve a kiss?" sabay pout sa kanya

She giggled saka ako hinalikan sa labi.

"Sana all talaga" dinig ko na sabi ulit ni dian.

I giggled against her lips. She did the same. She pulled away from the kiss then kiss me on my nose saka siya umayos ng tayo from leaning on to the counter.

Habang busy kami sa pakikipagharotan kasama si dian ay bigla naman dumating yung boss niya na may dala ding bulaklak

Wait, don't tell me....

"Hi krystal" bati niya "oh! You have a flower already" pagkatapos niyang sabihin yun ay napatingin siya sa gawi ko. Parehas kaming nakatayo sa harapan ng counter "is that from you?"

Napaangat naman ako ng tingin sa kanya. Oo na. Maliit na ako siya na matangkad bigay ko na sa kanya yun.

"Yes. Galing nga sakin yan" proud kong sabi "bakit may problema ba?" Tanong ko pa

"Thea..." narinig kong pagtawag sakin ni krystal. Di ko siya pinansin nakatingin lang ako sa boss niya.

"Nanliligaw ka ba kay krystal?" Kung kanina nakasuot siya ng shades eh ngayon tinanggal na niya

"Oo. May problema ka rin ba dun"

This time ay umalis si krystal behind the counter at nilapitan kami. Pumagitna siya samin

Hinawakan niya yung wrist ko habang kausap yung epal niyang boss

"Sir wag niyo na lang pansinin to" pagkasabi niya nun ay agad siyang humarap sakin at pinandilatan ako ng mata

Aba! Kinakampihan niya ba yang epal na yan?

"Krystal para pala sayo" humarap siya ulit sa boss niya. Tinitigan niya lang yung bulaklak na hawak ng epal niyang boss.

Napatingin naman ako sa bulaklak na bigay ko sa kanya. Nasa ibabaw yun ng counter.

Inabot ni krystal yung bulaklak na bigay sa kanya nung epal.

I heaved a sigh

Hinigit ko yung wrist ko na hawak hawak niya saka umalis at nagtungo sa isa sa mga table dun at umupo.

Sinandal ko yung likod ko sa upuan then I crossed my arms and look outside of the window.

Halata naman na gusto ng epal na yun si krystal. May pa flowers pa. Tss.

Kung alam lang niya na ako ang gusto ni krystal at di siya for sure iiyak yun. Huh!

Próximo capítulo